Walang kapangyarihan, kung walang maghahangad na magkaroon nito. Walang kapangyarihan kung walang maglalakas ng loob na mag-isip, dumama at kumilos. Ang pagbigkas ng salita’y makapangyarihan. Ang kalamnan nito’y ialay sa lipunan tungo sa pagbabago. Ang relasyon ng mga ito’y gawing mapagbuo at makatao.
Sinasakop ng semento't graba ang mapulang putik na kalsada. Palapad nang palapad ang daan, samantala, paliit nang paliit ang aming puwang na gagalawan, sa kinongkretong lansanga't pinalitadahang tahanan