Miyerkules, Enero 9, 2013

PLASTIK

Matapos magpunas ng diyaryo, itinaas niya ang kanyang shorts. Ibinuhol ang plastic bag na pinagpatakan ng tae. Pumunta siya sa likod-bahay. Inihagis sa ilog ang dumi. Agad siyang lumabas ng bahay at tumungo sa palengke bitbit ang isang salansan ng plastic bag. Ilalako niya ang mga iyon. 
Mahalaga kay Nene ang plastic. Tulong niya sa kanyang ina na labandera ang kinikita niyang barya sa paglalako niyon. Higit sa lahat, doon nila ipinapatak ang latak ng ampaw nilang sikmura. Iyon ang kanilang magic inidoro. 
Tuloy siya sa paglalako. "Plastik! Plastik po kayo dyan Mam! Ser!" 
Matumal ang benta ngayon. Buti pa ang plastic hindi pinapawisan at nangangawit. Kaya naisip niyang umupo muna sa bangketa. Hindi niya mabilang ang mga taong nagdaraan sa harap niya. Tumingala siya. Inaninaw ang langit. Napukaw ang atensyon niya ng isang matingkad na dilaw na karatula sa poste sa kabilang kalye. Napakunot ang noo. Hindi niya maunawaan. May napansin siyang larawan ng lalaki sa karatula. Hindi niya kilala. Tinitigan niya. 

CITY ORDINANCE SP-2103
Bawal ang Plastic

2 komento:

  1. Marahil ito ay dahil sa lumalapit na eleksyon, kaya maraming pumapapel sa pakga "environmentalist". Ngunit, so totoo lamang, mahirap makuha ang mas malalim na depenisiyon ng dagling ito. Kung mamaaari, Sir, sana po gumawa po kayo ng isang guide para po sa mga bagitong manunulat, o nangangarap sumulat. Pasensiyahan niyo na, Sir, ngunit ako po'y napabilib niyo sa inyong dagling binasa sa klase, at ako'y nagtitiwala sa inyo, na pag kayo ang gumawa ng guide, kahit para sa mga bagito lamang, ito'y magiging madali para maintindihan, ngunit pupukaw sa mas malalim na kaunawaan sa pagsulat. Maraming salamat po, at God Bless.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa pagbasa.. hintayin natin ang isinasagawa kong pag-aaral sa dagli.. sisikaping makabuo ng teorya.. salamat ulit..

      Burahin