Gigibain kita
sa tinta ng aking haraya
sa kuko ng aking pluma
ibabaon ko ang talim ng salita
sa tinta ng aking haraya
sa kuko ng aking pluma
ibabaon ko ang talim ng salita
hanggang
madama mo
ang matinding
sumpa ng sikmura.
Wawasakin
kita
sa lente ng aking mata
sa pintig ng dugong makabansa,
sa lente ng aking mata
sa pintig ng dugong makabansa,
iguguho ko
ang ideolohiya
ng iyong
kapangahasang
lumalatay sa
utak ng sambyanan
na nabaon sa
kamangmangan.
Pupuksain
kita
sa mga imahen
at retorika,
sa mga dalit
at tanaga
babaligtarin
ko
ang
estruktura ng kapangyarihan
nang
masilayan mo
ang dayukdok
na mundo
sa
kailaliman.
Ikaw na
bumalangkas
sa
pamantayang unibersal
ng mga uring
hangal
ihanda ang
espiritu ng katawan
sa himutok ng
mga kaluluwang pagal
sa anumang
sandali'y gigimbal
sa mga templo
ninyo't kalangitan
nasa anyo ng
sining
ang
tiim-bagang sandata
ng mga walang
lakas at hininga.
Hindi mauubos
ang mahika ng salita
sa
pagpapalaya
hindi
kailanman mawawala ang bisa
ng kalamnan
ng isang akda
ang bawat
paggiba ay pagbuo
ang bawat
pagwasak ay paglikha
ang bawat
pagpuksa ay pagbuhay
makapangyarihan ang talinghaga ng salita
makapangyarihan ang talinghaga ng salita
upang
kumislot ang damdamin
hanggang
magkamalay
tungo sa
pagbuo ng isang simula
matapos ang
isang digma.
Isang malalim ngunit makapangyarihang tula . Ang bawat pagtatapos ay may panibagong simulang haharapin . Kaya habang tayo ay naghihirap sa isang bagay para ito ay matapos , tayo ay isa lamang taong naglalakbay sa isang mundong walang katapusan .
TumugonBurahinWika ang pinaka makapangyarihang sandata laban sa mga bagay o taong sa ati'y umaapi. BSa buhay mayroon tayong mga makakasalubong na problema, kapag nasolusyonan na ay magkakaroon nanaman tayo ng panibago. Dahil yan ang buhay, walang katapusan ang problemang sa atin ay magtuturo ng aral.
TumugonBurahin-BsPsychology1-4
Sa pamagat nito, malabo mo agad makuha kung ano ang nais nitong iparating, pero sa umpisa pa lang ng tula, nagpakita na ito ng mga katangian patungkol sa salita, kaya agad ko namang naunawaan.
TumugonBurahinMasasabi ko lang na tunay naman talagang malakas ang dating ng bawat salita. Minsan ito'y nagpapahiwatig ng galit, pakikiramay, galak, lungkot at iba pa. Mas masaklap pa nito, ang bawat salitang ibubulalas natin ay matinding pangbirada sa tao, na syang makakapagpasakit ng kanilang damdamin.
kaya dapat bago tayo magsalita, isipin muna natin ng panglimang beses para ito'y tiyak na naaayon sa sasabihan natin, nang gayon ay di tayo makasakit.
MALIKHAIN ang may akda! Makahulugan ang pamagat gayon din ang nilalaman ng tula. Tama ngang ang wika ang maaaring panlaban sa mga taong umaapi sa atin maging sa ating bayan. Sabi nga diba, “pen is mightier than the sword.” Ang komunikasyon at pagsusulat ay mas makapangyarihan kaysa sa pisikal na labanan.
TumugonBurahinMalawak ang kanyang kaisipan. Maganda rin ang ginawang pagpili sa mga salitang ginamit. maayos ring nailahad ang kahalagahan at kapangyarihan ng pluma sa mundo.
TumugonBurahinTunay ngang napakadakila ng pluma sapagkat dito naipapahayag ang damdamin ng tao.
Gumamit ng mga malalalim na sa salita ang may-akda. Masidi ang damdamuin, dama ko ito habang ako ay patuloy sa pagbasa,
TumugonBurahinTotoong ang panitikan ay mabubuhay ng panghabambuhay.
Malikhain ang pagkakagawa ng tula. Tunay ngang napakamakapangyarihan ng panulat. Kahit ang mga di pangkaraniwang bagay ay magagwa nito.
TumugonBurahinMasining ang pagkakagawa ng tula. Puno ito ng malalalim at makabuluhang mga salita. Magandang magbasa ng ganitong uri ng mga tula dahil ikaw ay matututo kung paano mapapalawak ang bokabularyo kapag nagsusulat ng tula. Madarama mo rin ang damdamin ng sumulat ng tula.
TumugonBurahinSinasabi nito kung gaano kalakas ang wika laban sa ibang bagay. Patunay na nito ang ginawa ng mga naging pinuno na nagkumbinse sa kanilang mga kababayan para sa pagbabago o ninanais. :D
TumugonBurahintunay na ang wika ang siyang tulay upang maiparating natin ang ating sariling opinyon o saloobin.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinNapakagaling ng mga pagkagamit ng iba't ibang "oxymoron", pinapakita ang kalakasan ng wika sa pagpapahayag ng iba't ibang damdamin.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinMula sa panulat, lumalabas ang tunay na lakas ng isa. Isang klase ng lakas na di makikita ng mga simpleng mata ng tao, lakas na di masusukat sa laki ng muscle na isang tao, lakas na di pwedeng nakawin ng isang bala o patalim. Mula sa pluma at papel, lumalabas ang tunay na lakas ng isang indibidwal. Ang lakas na titirahin ang puso at isipan ng tao. Maaring maging lason sa isang mambabasa, maari rin naman maging lunas ng kabulagan ng isa. Itong tulang ito ang nagpapakita ng isang napaka lalim na aspeto ng pagsusulat, ang tunay na lakas.
TumugonBurahinSalita ay makapangyarihan. Maaaring makapanakit at maaring namumulaklak. Wika ang importante. Bawat salita ay may halaga.
TumugonBurahinBSP I-4 PUP
TumugonBurahinPamagat pa lang, nakakaintriga na. Nung unang nakita ko ung pamagat, medyo naguluhan ako. Ngunit habang patuloy ko itong binabasa, naliliwanagan na ako. Ang galing ng pagkakagawa ng tulang ito. Habang binabasa ko ito, si Jose Rizal ang pumapasok sa isipan ko. Ang pagkakaintindi ko sa tulang to ay ginagamit ng may-akda ang pagsulat upang lumaban sa mga mapang-api at mapagsamantalang mga dayuhan na nais sumakop sa atin. Sumusulat siya ng tula na sisira at wawasak sa mga maling gawi at pamamaraan ng mga dayuha at bubuo sa ating pagka-Pilipino. Napakahusay!
Ang pagsusulat ay isang makapangyarihang pwersa upang magbigay pasakit o lunas sa mambabasa, ang pag oobserba gamit ang bukas na mata ay paglikha ng sariling pilosopiya upang mawaksi ang kamangmangang naghahari sa ating lipunan at sa pamamagitan ng mga sining na ito ay maaaring lumikha ng bagong ideolohiya sa pagpapatatag ng isang tunay na damdamin ng bawat tao at mundo. At, pagwasak sa mga nagkalat na mapagpanggap na salita. Sa paglikha at pagwasak na ito ay mabubuo ang isang himagsikan na lulutas ng digmaan. Isang himagsikang isip ang labanan at patibayan ng mga hakbang tungo sa tamang paglikha ng bukas.
TumugonBurahinIsang napakaganda, malaman at masining na tula. Tunay na nakapagkikintal ng emosyon sa mambabasa. Puno ng dedikasyon at inspirasyon mula sa realidad.
Sa akdang ito napatunayan na makapangyarihan ang pluma. Sa bawat salitang isinusulat ng kamay, maaring makamatay o magbigay ng pag-asa, maaring magbigay lungkot o makapagpasaya, at maaring mag-udyok ng isang bagay. Tulad ni Rizal, ginamit niya ang pagsulat ng mga nobela sapagkat dito, mailalantad niya ang kasamaan ng mga kastila dahil alam niyang sa pagsulat, mas umuusbong ang emosyon ng bawat tao. Mapagbuong Pagwasak, dahil sa paggiba ng isang reputasyon ay hudyat din ng pagbuo ng bagong pag-asa! XD
TumugonBurahinMakapangyarihan ang tulang binasa, binigyang pansin dito ang maaaring maging epekto ng bawat salitang bibitiwan. Maari itong makapanakit, makapagbigay pag-asa, inspirasyon at makasira ng buhay.
TumugonBurahinNapansin kong ginamitan ang tulang ito ng malayang taludturan. Bukod diyan, ginamitan din ito ng mga malalalim na salita na naging dahilan upang mas lalolng maging matalinhaga ang tula. Bagamat medyo nahipan lamang ako sa pag-intindi sa mga ilang mga salita , kung susumahin, naunawaan ko naman ang pangkalahatang tula.
TumugonBurahinIsa itong matalinghagang tula, Ang galin g nyo' naman pong sumulat, sana ako din ay makagawa ng ganyan kahit isang tula lang :):) Masyado po malawak ang inyong imahinasyon, kayo na po talentado !! Marapat lamang naman na ating maipagmalaki ang ating wika at isang paraan po iyan. Sana marami pa po kayong masulat na babasahin.
TumugonBurahinMaganda ang pagkakagawa sa tula. Malalim ngunit makabuluhan. Napakaganda! Mg tula maging ang mensahe nito. :))
TumugonBurahinNapakaganda ng tula. Mapapansing maming matatalinhagang salita ang ginamit dahilan upang maging kaakit-akit basahin ang tula. Sana dumami pa ang sumusulat ng ganitong uri ng tula.
TumugonBurahinnapakaganda ng tula. hindi mu agad mauunawaan ang nais iparating sa pamagat ngunit pagbasa mu palamang sa unang bahagi nito ay malalaman mo ng ito'y pumamatungkol sa kapangyarihan na taglay ng ating wika.tunay nga na ang buhay ay napakaraming problema na haharapin.subalit sa bawat problema ay mayroong solusyon kaya huwag mawalan ng pag-asa.
TumugonBurahinMasayang bigkasin ang tulang ito.Sinasaad dito na ang taglay ng wika.Gaya sa isang problema, ang promblema ay may solusyon at ang mgA solusyon ay pinapagaralan din gaya ng isang wika.
TumugonBurahinMasasabi ko na ang tulang ito ay nagpapahayag ng kapangyarihan ng isang manunulat at makata na maikintal sa puso ng mamamayan ang mensahe ng pagbabago sa lipunang ginagalawan.
TumugonBurahinMakabuluhan at maganda ang pagkakagawa ng tula. Ang bawat linya nito ay malaman. Hindi maikakaila na ang sumulat nito ay may puso at isip sa pagsusulat.
TumugonBurahinNapakamakapangyarihan ng mga salitang ginamit sa tula. Tinalakay nito na ang wika o pagsulat ay isang mabisang sandata upang iahon ang mga Pilipino sa kamangmangan. Tulad ng ginawa ni Jose Rizal sa kanyang mga nobela na gumising sa damdamin ng mga Pilipino upang ipagtanggol ang bayan laban sa mga mapang-abusong mga Kastila.
TumugonBurahinipinakita ng tulang ito na makapangyarihan talaga ang isang manunulat anupa't kaya niyang sabihin ang gusto niyang ipahayag at gustong mamutawi sa ating bibig na makapangyarihan ang wika depende sa gumagamit nito...
TumugonBurahinsa tulang ito ay ay nagpapakita ng kalayaan sa pagsasalita o pagpapahayag ng gusto nating sabihin. ipinapakita na makapangyarihan ang isang manunulat dahil maaari niya ipahayag ang ano mang nais niyang sabihin
TumugonBurahinAng pagsusulat ay may kapangyarihang pukawin ang damdamin ng mga tao depende sa nilalaman ng kanyang likha.Ipinapakita ng tula na napakapangyarihan ng Wika, Wika sa pagsusulat, na kaya nitong iwaksi ang mga nakabubuti at nakawawasak na salik sa buhay sa pamamagitan ng pagpapahayag.
TumugonBurahinIpinapahayag sa tula kung gaano makapangyarihan ang salita,may kakayahan itong pakislotin ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig,upang magkaroon tayo ng kamalayan sa nangyayari sa paligid.Ang wika ay unibersal na maituturing dahil ito ang sandata natin sa anumang bagay na nais nating iparating.
TumugonBurahinIsang napakalalim na tula. Naipapakita dito kung gaano kahalaga ang wika at ang pagsulat. Maraming pwedeng magbago sa pamamagitan ng pagsasalita. Ito ay napaka-makapangyarihan. Ang bawat salita na ginamit sa tulang ito ay labis na pinag isipan at may kahulugan.
TumugonBurahinMalalim ang mensaheng gustong ipaabot ng author, at sa title pa lamang nito ay makikita na dahil sa dalawang salitang ginamit ng author at ang dalawang salitang ito ay magksalungat. sa ating pakikipag-usap/pagsasalita maaaring mayroon tayong masaktan, kaya dapat maging maingat tayo sa pagbibitiw ng salita.
TumugonBurahinAng bawat salita ay makapangyarihan. Maaari itong makalikha at makawasak, kaya't mag ingat sa bawat paghayag nito dahil kapag ito ay napakawalan na, hindi na ito mababawi pa.
TumugonBurahinMagaling ang pagpapakita ng kaugnayan ng bawat aksyon dito. Talaga nga namang makapangyarihan ang mga salita at napakarami nitong nagagawa. Hindi lang natin madalas napapansin dahil madalas nating gamitin, pero dapat nating isipin na ang mga salita ay mistulan na ding mga patalim.
TumugonBurahin"Ang Salita mo'y kahangahanga ngunit sa iba ba'y akma".
TumugonBurahinSalita ang magbibigay ng mensahe ng kanilang dinaramdam.
Kaya tama lang na pag-isipan ang bawat mabibitawang salita nang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
Ito ay tumutukoy sa hindi paggamit ng dahas sa pakikipaglaban. Kung tunay kang edukado, kaya mong pabagsakin ang iyong kalaban gamit lamang ang panulat. Walang dahas. Walang patayan. Walang dadanak na dugo.
TumugonBurahinKaya nga, ang Dila ang pinakamatalim na parte ng ating katawan sa lahat, sapagkat may masabi ka lang na mali ay maaari ka nang makasakit. Tandaan na kapag nasabi mo na ang isang bagay ay hindi na ito maaaring mabawi. Kaya bago tayo magbitaw ng salita, isipin muna natin kung may masasaktan ba dito.
Magaling ang pagpapakita ng kaugnayan sa bawat aksyon sa tulang ginawa. May pagkakaugnay ugnay na hindi kakikitaan ng maling pagpapahayag. Talaga nga namang makapangyarihan ang mga salita at napakarami nitong nagagawa at minsa'y nakakapekto. Hindi lang natin madalas napapansin dahil madalas nating gamitin at nakasanayan na nga, pero dapat nating isipin na ang mga salita ay mistulan na ding mga patalim na nakakasakit kung minsa'y nakakapatay ng buhay ng ibang tao.
TumugonBurahintunay na ang wika ang siyang tulay upang maiparating natin ang ating sariling opinyon o saloobin.
TumugonBurahinIto ay tumutukoy sa hindi paggamit ng dahas sa pakikipaglaban. Kung tunay kang edukado, kaya mong pabagsakin ang iyong kalaban gamit lamang ang panulat.
TumugonBurahinSalita ang magbibigay pahiwatig ng kung ano ang tunay na nararamdaman ng isang tagapagsalita. Ngunit sa bawat salita na maihahatid dapat may marapat na pagkokonsidera para maiwasan ang pagsisimula ng isang hidwaan.
TumugonBurahinNaisakatuparan ni Rizal dati ang kanyang nais ipahatid sa pamamagitan ng kanyang panulat. Maaari rin itong maulit, kung ating nananaisin.
TumugonBurahinMga titik at letra ang kapangyarihan ng tao. \m/
TumugonBurahinSA PAMAMAGITAN NG MGA SALITA, NAIPAPARATING NG ISANG MANUNULAT ANG KANYANG NINANAIS AT KAGUSTUHAN PATI NA RIN ANG KANYANG EMOSYON PARA MAPABATID SA LAHAT ANG TOTOONG KALAGAYAN NG KABATAAN.
TumugonBurahin