Miyerkules, Agosto 8, 2012

Gunita ng Pagtulog

nakasilip sa langit ang mga tala
guniguni sa isipa'y mga banta
simoy ng alaala
napako sa pag-iisa

naghaharaya ang isip
sa sulok ng utak nananaginip
inat ng katawan sa banig
hikab ng pag-asa sa bibig

hininga'y tila musika sa hangin
hinehele sa bangin

nasa'n na ang mga kuliglig?
mga alinlangan ang tanging naririnig
nasa'n na ang mga alitaptap?
mga multo ang tanging kumikislap

nagdiriwang ang gabi,
sa kaluluwang gapi..

paano lalakbayin
ang himbing ng damdamin?
paano kukumutan
ng lambing ang dilim?

ihilik na lang ang lahat ng kimkim
matutuhang managinip
ng taimtim..

73 komento:

  1. Isang malikhain na tula. Alam nating lahat na ang panaginip ay sumisimbolo sa iba't ibang persepsyon ng tao.

    TumugonBurahin
  2. Ang tulang ito ay naglalarawan sa paligid kapag sumasapit na ang gabi . Ang kapayapaan ng kapaligiran , ang katahimikan ng kalangitan , lahat ng ito ay sumasagisag sa isang gabing malayang pinaglalakbayan ng diwang hindi mapakali sa higaan .

    TumugonBurahin
  3. Isang tulong naglalarawan sa mga saloobin tuwing ng tao bago mahimbing sa pagtulog. Nilalarawan din ang kapaligiran natin. Mapayapa at malayang naglalakbay ang ating mga diwa sa lugar na puno ng katahimikan.

    -BsPsychology 1-4

    TumugonBurahin
  4. Ang pagtulog ang pinakamasarap na uri ng pahinga. Sa tuwing ikaw ay tulog, nalilimutan mo ang iyong mga problema at higit sa lahat, napapahinga mo ang iyong pagal na katawan at isip na gumana sa mag-hapong trabaho.

    TumugonBurahin
  5. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:15 PM

    May mga oras sa ating buhay na ang mga alaala’y sumisilay. Ito ang pinakamabisang panahon upang sandali’y magsagawa ng repleksyon. Pagkatapos ay malayang maglalakbay ang iyong diwa… walang pasanin ang nararamdaman sapagkat ito ang oras ng pagpapahinga ng ating kaisipan. Ang lahat ng alalahanin ay maisasantabi sa pamamagitan ng mahimbing na pag-idlip.

    TumugonBurahin
  6. isang malawak na isip na nagresulta ng ganitong tula patungkol sa pagtulog ang ang kagandahan ng kalikasan na nakapaligid sa habang sa himbing ng iyong tulog. ang paggunita sa pagtulog, masarap sa pakiramdam, pagtakas sa realidad ng buhay, problema, at pagod, lahat ng ito ay naikukubli sa kalagitnaan ng pagtulog kahit sa ilang ilang oras na pagtulog.

    TumugonBurahin
  7. Wooh. Ang lalim ng mga salitang ginamit. Haha! Well, ang ating panaginip ay maaaring babala o isang baligtad na pangyayari sa hinaharap. Ang tao ay may kanya-kanyang pakahulugan depende sa kanilang gustong paniwalaan.

    TumugonBurahin
  8. Ito'y kakaibang tula sa aking mga nabasa sapagkat ang simpleng pagtulog ay kanyang inilarawan. Nabanggit niya ang sarap ng pagtulog na mahirap kamtan kapag sa isip mo'y mayroong bumabagabag.

    TumugonBurahin
  9. Ang tula ay simple lamang. Hindi ito gumamit ng mga masyadong matatalinhagang salita kung kaya higit itong naiintindihan.

    TumugonBurahin
  10. Ipinapakita lamang sa tula na sa kabila ng lahat ng suliraning ating pinagdadaanan sa buhay ay matuto dapat tayong magpatuloy at isiping may bukas pa. Simple lang ang tula subalit naihatid ng maayos ang mensahe.

    TumugonBurahin
  11. Sa simpleng pagtulog lang ay nagawa niyang ilarawan ang ating mga dinadanas sa buhay. Sa tingin ko kung may problema ka itulog mo n lng yan ahahaha XD. . .

    TumugonBurahin
  12. Ibig ipaabot ng tula na matuto tayong tumayo muli sa kabila ng pagkadapa natin. Magkaroon ka man ng sugat dulot sa pagkadapa, maraming paraan para hilumin ito. Magandang hapon!

    TumugonBurahin
  13. Ang tula na ito'y nagpapaalala sa akin tuwing dumudungaw ako sa bintana ko sa gabi bago matulog. Minsan sa totoo lang napapaisip din akong gumawa ng tula tulad nito kapag nasa kwarto ako't parang nakatulala lang. XD

    TumugonBurahin
  14. sa kabila ng mga iniisip natin may oras pa rin para kalimutan ito at idaan na lang sa panaginip ang lahat....

    TumugonBurahin
  15. Ipinapahiwatig nito ang katahimikan o kapayapaan ng kapaligiran habang nagpapahinga ang ating kaisipan.

    TumugonBurahin
  16. camille orogo, bspsy 1-4Oktubre 17, 2012 nang 3:34 AM

    sumasalamin sa ating mundong ginagalawan ang mensahe nito. kung saan tumatakbo ang ating isipan

    TumugonBurahin
  17. Ipinapakita nito ang persepsyon natin sa mundo. Ang panaginip ay isang bagong mundo na tayo lamang ang nakakakita, nasasalamin dito kung paano natin nakikita ang tunay na mundo.

    TumugonBurahin
  18. simple lamang ang tula.. mas hgit q itong naintndhan dahil sa mga salitang iyong ginamit ..

    TumugonBurahin
  19. Napakagaling talaga ng sumulat ng tulang ito. Nakalikha pa sya ng obra maging sa pagtulog lamang. Isang makahulugang tula! Lunbhang sang-ayon ako sa tula na kahit tulog tayo ay iniisip pa rin natin ang mga problemang kakaharapin. Hindi tayo makaranas ng masarap ng pagtulog maging ng magandang panaginip kung marami pa tayong iniisip bago matulog. Makahulugan ang bawat panaginip. Sabi pag tayo ay nanaginip ito raw ay maaring nagbibigay ng mensahe sa atin. Magaling! ;D

    TumugonBurahin
  20. Inilarawan dito ang damdamin ng may akda sa kanyang pagtulog. Makulay at puno ng buhay ang pagkakalahad. Naiparating dito ang ingay, tunog, emosyon ng isang tao sa kanyang pagtulog o paghimbing. Ramdam ko tuloy na tila ako ay inaantok na rin.

    TumugonBurahin
  21. Sa pagtulog na lamang idinaraan ng karamihan ang kanilang problema. Wag mo masyadong problemahin ang problema.

    TumugonBurahin
  22. Ipinapakita sa tulang ito na sa bawat pagsubok at suliraning dumadating sa ating buhay ay kinakailangan nating bumangon at muling magsimula .

    TumugonBurahin
  23. Ang tulang ito ay simple pero makabuluhan at lubos kong naintindihan dahil sa paggamit ng mga simpleng salita ng may akda. Lubos na nakakaaliw basahin ang akda sapagkat habang binabasa ko ang tula ay iniisip ko din ang larawang ipinapakita ng tula. ^-^

    TumugonBurahin
  24. BSP I-4 PUP

    Napakasimple ng pagkakagawa ng tulang ito. Inilalarawan nito ang eksena o pangyayari sa ating kapaligiran tuwing sumasapit ang gabi. Napaka-epektibo ng mga salitang ginamit ng may-akda. Habang nagbabasa ako ay tila naroon din ako sa kinalalagyan niya ng mga panahong iyon. Magaling! :)

    TumugonBurahin
  25. BSP I-4 PUP

    Napakasimple ng pagkakagawa ng tulang ito. Inilalarawan nito ang eksena o pangyayari sa ating kapaligiran tuwing sumasapit ang gabi. Napaka-epektibo ng mga salitang ginamit ng may-akda. Habang nagbabasa ako ay tila naroon din ako sa kinalalagyan niya ng mga panahong iyon. Magaling! :)

    TumugonBurahin
  26. hindi ko talaga maisip ang tunay na nais ipabatid ng tula pero sa palagay ko may kinalaman ito sa mga pagsubok na pinagdadaan ng persona ng tula. maaring ibig nyang ipahiwatig dto na ang mga problema nyang d nya mahanapan ng solusyon ay idaan na lamang sa pagtulog at baka sakali pang makadama ng kaligayahan sa mapapanaginipan.

    TumugonBurahin
  27. Ang lalim ng mensahe ng tula, nangangailangan ito ng malawak na imahinasyon ng mga mambabasa subalit kapag ito ay iyong lubos na maunawaan ay mapapahanga ka sa may akda nito. Ang ganda ng pagkakabuo ng konsepto ng tula, ito ay makatutulong sa ating pang-araw-araw na buhay. Sana ay marami pa ang makabasa ng akdang ito at tiyak ko na hahanga rin sila tulad ko.

    TumugonBurahin
  28. Hindi ko maunawaan kung ano ang nais ipabatid ng may akda,kung ito ba ay gusto niyang makalimot oh ewan..Pero isang mahusay na manunulat siya kasi kinakailangan ng malalim na pag unawa at malawak na imahinasyon upang higit na maintindihan ang tula.

    TumugonBurahin
  29. ito ay nagpapahayag lang ng kapayapaan at katahimikan

    TumugonBurahin
  30. naglalarawan ito ng katahimikan sa tuwing sasapit ang dilim. malawak na imahinasyon at pag-intindi ang kailangan upang lubos na maunawaan ang konseptong nais iparating ng may akda.

    TumugonBurahin
  31. Una sa lahat, masasabi kong napakalalim ng tulang ito. Pangalawa, wala akong naintindihan ng malinaw, pero kung uulitin ito ng uulitin, makikita kung ano ang nilalaman ng tula. Di ito tungkol sa panaginip, at di rin tungkol sa kahirapan. May mga panahon sa buhay natin na, bago matapos ang araw, o di kaya'y matulog, nagtatanong tayo kung ano ba ang natapos natin sa araw na iyon, o ano ang nakamit para sa araw na iyon. Parang ganito iyon. Ang pag-iisip ng isang tao sa kung anong nakamtan sa araw, at ano ang makakamtan sa susunod, mula sa madilim niyang hinaharap(gabi). At pangatlo, WAG NAMAN SANA KAYO MAG-COMMENT NG BASTA LANG. Di sa naaasar ako, pero natatawa ako ng husto. XD

    TumugonBurahin
  32. maganda ang pagkakagawa ng tula, hndi ako makata at hndi ko din kaya makagawa ng isang magandang tula kaya sumasaludo ako sa mga taong nakakagawa ng isa. :)

    TumugonBurahin
  33. Hindi ko gaano maunawaan ang tulang ito kung kayat binasi ko nalang sa kagalingan ng gumawang ito dahil hindi siya makakagawa ng tulad niya.

    TumugonBurahin
  34. Ang tulang ito ay nagsasabing matuto tayong makalimot sa problema sapagkat sa ating pagising ay sisibol ang bagong ginhawa.

    TumugonBurahin
  35. Napakaganda ng tula. Ipinababatid nito ang kapayapaan at katahimikan ng gabi sa tuwing tayo ay natutulog/nagpapahinga. Para sa akin, napaka-epektibo ng tula, dahil habang binabasa ko ito ako ay nakaramdam ng antok.

    TumugonBurahin
  36. Napakaganda ng tula. Ipinababatid nito ang kapayapaan at katahimikan ng gabi sa tuwing tayo ay natutulog/nagpapahinga. Para sa akin, napaka-epektibo ng tula. Dahil habang binabasa ko ito, ako ay nakaramdam ng antok.

    TumugonBurahin
  37. Sa pagtulog na lang natin maibabaling ang ating panandaliang katahimikan at kapayapaan pati rin ang saglit na pagtakas sa ating mga problema.

    TumugonBurahin
  38. Naaalala ko pag ako ay natutulog, para akong nakahiga sa isang hardin na punong-puno ng bulaklak. Pagtulog, maswerte kung nakakatulog pa. Yung iba, may insomnia na. Sa pagtulog, may kasamang panaginip. Nawawala ang problema. Gaya nito, kung nabasa mo ang tulang ito. :)

    TumugonBurahin
  39. ang tulang ito ay nagsasabi lamang na tayo subukan natin ring i-refresh ang ating pag-iisip sa mga pangyayari at mga problema sa buhay. tama nga na sa pagtulog lang natin nararanasan ang kapayapaan ng utak, pwera na lang kung tayo ay nabangungot hehe!! pero sa lahat ay napakagandang tula.

    TumugonBurahin
  40. ang tulang ito ay nagpapakita ng kapayapaan at katahimikan sa paligid na kung saan kahit sandali ay maaari nating malimutan ang problema.

    TumugonBurahin
  41. Minsan sa buhay ng tao, marami na rin syang mga panaginip o mga pinangarap. Ngunit nasa tao naman iyon kung itutuloy pa ba nya ang kanyang mga panaginip o babangon na sya at gawing makatotohanan ang mga ito.

    TumugonBurahin
  42. Sa totoo lang ay medyo may kalaliman ang tula at bahagyang di ko maintindihan ngunit sa aking hinuha, ang tula ay sumisimbulo sa mga alalahanin sa buhay na bago tayo humimbing sa pag tulog ay nakasanayan natin na isipin ang mga bagay na nangyari na at nais nating mangyari sa buhay. Madalas ko itong ginagawa bago ako matulog.

    TumugonBurahin
  43. Sa pagtulog ay bahagya nating kalimutan ang mga problema. Magpahinga muna sapagkat bukas ay mahabang araw pa. Ang pagtuog ay kinakailangan upang ang buhay ay maging patuloy sa pagdaloy. :)


    Richelle Inocencio Balza
    BSA I-15

    TumugonBurahin
  44. Sa pagtulog lamang natin nararamdaman at nasisiguro ang pagpapahinga ng mga utak natin,dito lang natin mararanasan ang kapayapaan ng ating mga isip,sa pamamagitan ng pagtulog kahit papano'y panandaliang nawawala at naglalaho ang ating mga problema.

    TumugonBurahin
  45. Sa pamamagitan ng pagtulog ay napapahinga ang ating mga isipan at katawan. Payapa ang gabi at sariwa ang hangin, sa ganitong panahon napakasarap magpahinga. Payapa din ang lagay ng ating pag iisip at sa sandaling oras ay nakakalimutan natin yung mga problema natin.

    TumugonBurahin
  46. Ipinapahiwatig ng tula na ang pagtulog ang paraan upang matakasan natin kahit sa sandaling oras ang ating mga problema. Sa pagtulog nalamang tayo nagkakaroon ng kapayapaan at katahimikan. :)

    TumugonBurahin
  47. Sa tulang ito ay inilalarawan ang atong natutulog. Mahimbing at parang maaliwalas ang kanyang pagkatulog.

    TumugonBurahin
  48. Maganda ang tula at napakamakata. Ngayon ko lang na-realize na ang ganda at mapayapa pala ang paligid lalo na kapag sumapit na ang gabi

    TumugonBurahin
  49. Sa pamamagitan ng pagtulog, nagiging payapa ang ating sarili. Pero hindi ibig sabihin nito ay matatakasan na natin ang mga problema sa buhay. Siguro oras lamang ito upang makapagisip isip, at sa muling pagmulat mo, gawan mo na ito ng solusyon.

    TumugonBurahin
  50. Nailahad ng may-akda ang nais niyang iparating sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mga simpleng pananalita, mayroong isang malalim na kahulugan ang nais iparating ng tulang ito. :DD

    TumugonBurahin
  51. Talaga nga namang napakagaling ng Maykapal. Ang lahat ng kanyang likha ay tamang tama para sa ating mga anak niya. Ang gabi ay nilikha niya upang tayo'y magpahinga. Isang buong umaga ang ating natapos kaya marapat lang na tayo'y mamahinga. Ang gabi ay isa ding oras ng paghuhukom, paghuhukom sa ating mga nagawa sa buong araw. Naging makabuluhan ba ang iyong umaga? iyan ang tanong na dapat nating sagutin. :)

    TumugonBurahin
  52. para sakin ay ,. itong tula ay nagpapakita ng kung paano ang isang tao ay nagmumuni.muni bago tuluyang maktulog.:)) ang lahat ng anjan at wala ay ating napapnsin at sadyang pinakakalma ang sarili para sa mahimbing na pagpapahinga :)

    TumugonBurahin
  53. Isang gabing punong puno ng mga pagdadalamhati ang nabuo sa aking isipan nang binasa ko ang tulang ito. Isang indibidwal din na hindi makatulog ang aking nagugunita habang ako ay nagbabasa dahil ang kanyang puso ay nangangamba sa mga maaaring mangyari.

    TumugonBurahin
  54. Di ko mawari kung bakit pero kinikilig ako sa tula na to. :""""""> Napaka husay ng paglalapat ng mga salita!

    TumugonBurahin
  55. Marami ang nagagawa ng pagtulog sa atin. Minsan sa pamamagitan nito, nakakaiwas tayo sa problema at nakakadama ng iba't-ibang damdamin.

    Maganda at matalinghaga ang tula.

    TumugonBurahin
  56. Atlis kahit minsan ay mawalan tayo ng mwang sa mundo at makapagpahinga. Ito ang nais iparating ng tulang ito, para sa akin.

    TumugonBurahin
  57. minsan ang pagtulog ang nagiging isang paraan ng pagtakbo natin sa katotohanan. Mga katotohanang ating pinoproblema at iniisip.

    TumugonBurahin
  58. Isang napakahusay na pagsulat ! Sa tulang ito ay ipinapahiwatig na ang ating panaginip ang iba't ibang pagtingin ng tao sa mundo. Sa pamamagitang ng panaginip ay nakakalimutan natin ang problema, paghihinagpis, kasamaan at lahat ng bagay sa mundo na nagbibigay sa atin ng kunsumisyon. Sa oras na ito ay nakakapagbigay sa atin ng kapayapaan.

    TumugonBurahin
  59. Sa gabi natin masisilayan ang kagandahan ng kalangitan.
    Isang napakagandang handog ng Diyos para sa lahat.
    Isang gawain na nakatitig sa kalangitan at damdamin ang susunod na bukas.

    TumugonBurahin
  60. Siguradong makaka-relate ang mga taong hirap sa pagtulog tulad ko. Masarap tulugan ang mga problema, takasan ang mga paghihirap, at kalimutan panandali ang gulo sa isipan. Ngunit pa'no na lang kung di mo mapagtagumpayan gawin ito? Mabuti pang bumangon ka na lamang at subukang solusyonan ang pumipigil sa ating mahimbing na pagtulog.

    TumugonBurahin
  61. kung may problema ka, itulog mo na lang. wag masyadong problemahin

    TumugonBurahin
  62. Siguradong makaka-relate ang mga taong hirap sa pagtulog tulad ko. Masarap tulugan ang mga problema, takasan ang mga paghihirap, at kalimutan panandali ang gulo sa isipan.

    TumugonBurahin
  63. Ang paniginip kung minsan ay daan natin upang takasan ang problema ngunit mananatili ito sa tunay na mundo. Harapin ang problema darami lang ito kung palaging iiwasan.

    TumugonBurahin
  64. ang lahat ng ating problema ay sadyang naisasantabi pag tayo ay nakakatulog ng mapayapa.at walang sagabal dahil naisasariwa natin ang ating isip sa mga ganoong konsepto. ngunit ika nga sa isang palabas sa telebisyon na pwedeng tawanan ang problema ngunit kailangan natin harapin ang problema dahil darami lang ito kung palaging iiwasan.

    TumugonBurahin
  65. Madalas sa ating buhay ay inaalala natin ang mga ginawa natin. Doon ay nakakapag muni muni tayo, Nakakaalala ng mga bagay na masasaya at nais mong balikan na mga alaala. Sadyang napakasarap balikan ng mga alaala kapag nasa payapa kang lugar. mas nadadama mo ang bawat pangyayari.

    TumugonBurahin
  66. Ang panaginip ay nasa parte ng ating pagiisip na gusto nating makamtan, ngunit may mga pagkakataong ang iba rito ay di makatotohanan. Nasa iyo na ang desisyon para alamin kung ano-ano ito.

    TumugonBurahin
  67. TULAD KO, MADALAS DIN AKONG MAG-GUNITA SA TUWING MATUTULOG AKO. TIYAK NA MARAMING NAKARELATE SA AKDANG ITO. -BSP 1-4

    TumugonBurahin
  68. ang pagtulog ay nakatutulong sa ating pagpapahingta di lamang nang ating katawan ngunit pati iosp at damdamin. at lalo ako gugunitain ko muna o aalalahanin ang bawat pangyayari sa buong araw bago matulog kaya nakakarelate ako.

    TumugonBurahin
  69. Depende ang lahat sa kanya-kanyang opinyon. Para sa akin, ang pag-tulog ay isang napaka gandang gawain. Nagpapakalma, nakakatulong makalimot, nakakapahinga. Maganda itong tulang ito dahil walang limitasyon ang pwedeng interprasyon. Sa tingin ko, ang karakter na tinutukoy dito ay maaaring isang tinedyer na sa tulog nananalangin ng mga gusto n'yang mangyari sa kanyang buhay. Sa tulog s'ya dumidipende ng mga sitwasyong gusto n'ya. Ngunit ang tulog ay panandalian lamang at ang tunay ng buhay na ang kaharap mo pag ikaw ay gising na.

    TumugonBurahin
  70. Isang mahiwagang panahon ang gabi dahil dito naipapakita ang tunay na kagandahan ng kapaligiran na inihandog ng Diyos para sa ating lahat.
    Kaya damdamin ang bawat sandaling ipinapakita nito.

    TumugonBurahin
  71. may kinukubling damdamin na kapag gabi ay kinikimkim na lamang sa pagtulog

    TumugonBurahin
  72. ang tulang ito ay nangangahulugan na ating nakakalimutan ang mga problema kung tayo ay nagsasariwa ng isip at kung tayo'y umiiwas dito. ngunit kailangan pa rin nating harapin ito sapagkat habang tumatagal ay lalong lumalala ang sitwasyon.

    TumugonBurahin
  73. Ang tulang ito ay isang magandang tulang nagpaparating ng isang mensahe. Na ang bawat tao'y nakakaranas ng tunay na kapayapaan ng pag-isip tuwing gabi lamang. Nang sumapit ang gabi ang paligiran niya'y tumatahimik at ang isip ng tao'y lumalaboy at nakakapag-isip ng malalim na malalim upang makontento ito sa kanyang sarili at sa ibang problema.

    TumugonBurahin