Martes, Setyembre 18, 2012

Ang Diary ng Modernong Call Boy



Nakakapagod ang araw na ‘to. Naka-100 na calls siguro ko. Dagdagan pa ng mga irrate na Kano, na feeling pag-aari ka nila, na tatanga-tanga dahil kailangan pang ituro sa kanila kung paano iplug-in ang photocopying machine. Samahan pa ng pressure sa team leader na panay remind na “come on guys! we got numbers to meet!” Ang saya di ba? Parang may humahabol sayo na hindi mo pwedeng iwanan. Kundi lang malaki ang salary di ko magtyatyaga eh. Buti na lang masarap kasama ang mga kateam ko. Nakakatuwang marinig ang mga istorya ng buhay nila.

May license nurse na naligaw dahil walang mapasukang ospital o nag-iipon para makapag-OJT. May nagtatrabaho para mabigyan ng magandang future ang anak. May dating English teacher pero may lapses sa grammar. May mga ulirang anak na pag pay day eh parang hangin na dumaan lang ang pera sa palad. May working student na parang elementary ang itsura. May mahilig magparty-party kahit puyat. May senior citizen na, pero hataw pa rin magcalls. Meron namang mukha lang talagang senior citizen. May mga matinee idol ang dating, bading pala. May nagpapautang sa nangangailangan na 20 percent ang tubo. May mahilig magtinda nang kung anu-anu (damit, sapatos, bag, bra, panty, lotion, make up, pabango, baked goods, chichiriya, lutong-ulam, e-load  and many more)  na minsan kala mo nasa Divisoria ka. At samu’t saring mukha na pag nagsama-sama hindi halatang lahat eh may dinadalang problema.

Ang office nagmimistulang pabrika ng mga edukadong tao na kung hindi ka sanay, dudugo ang ilong at tenga mo sa kaka-Ingles habang nakatutok sa computer at naka-headset na minsan bumubulong ng “Tang ina mo! Ang tanga tanga mo!” habang nakapindot ang daliri sa mute button. Minsan naman namanhid na lang ang tenga sa pangmamaliit at pag-aalburoto ng kausap na foreigner sa kabilang line, kaya idinadaan na lang sa pag-inat at paghikab. Malake naman ang compensation, may health benefits pa. Yun nga lang para kang bampira na sa pagkagat ng dilim nagsisimula ang araw. Ayos na rin, ang importante may trabaho, hindi tambay.

Yosi muna bago uwi. Pantanggal stress.

Minsan parang gusto ko na maghanap ng ibang work. Bihira kasi kami magkita ng wife ko. Pag-uwi ko susubo ng kaunting food bago siya pumasok sa bangko tapos tulog na. Hindi madaling gawing gabi ang umaga para makatulog ng mahimbing. Madalas tulog pero gising ang diwa. Kaya lutang pa din. Gigising ng hapon, kain ng lunch sa meryenda. Nuod ng t.v. tapos pipiliting makatulog ulit. Kailangan magpondo ng lakas. Gigising nang madilim na ang paligid kasabay ng pagdating ni misis. Maliligo. Mag-aayos. Akap at halik ng saglit, sabay alis. Sweet goodbye ang tanging iiwan. Buti understanding siya. Kaya lang lately pansin kong ang lamig ng pakikitungo niya. “Babawi ako sayo Hon!” madalas kong masabi.

Salamat at malapit lang sa office ang inuupahan namin. Tuwing uuwi ako, natutuwa ako makita itong bata sa tapat ng bahay namin na palaging nasa bubungan nila dahil sa pag-aalaga ng kalapati. Hindi basta kalapati kasi pinanglalaban daw yun sa karera.

Home sweet home! Teka, ba’t hindi naka-lock ang gate namin? Hindi rin nakalapat ang pinto? Naku! Hon!

Wala siya sa sala. Wala sa kusina. Wala sa kwarto. Wala sa banyo! Sabado ngayon, wala siyang pasok. At pag ganitong weekend naghahanda yun ng masarap na breakfast. Pero nasan siya? Makalabas nga uli. Baka may binili lang.

Teka ba’t umiiyak na yung batang nag-aalaga ng kalapati? Mausisa nga.

“Huuu!Huuu!Huuuu!! hindi na po kasi bumalik yung kalapati ko. Nadagit siguro. Huuuu!Huuuu!”

Patuloy sa pagnguyngoy ang batang tinanong ko. Hindi ko alam, pero bakit parang gusto ko na siyang sabayan sa pagnguyngoy. Naalala ko ang kwento ng Lolo ko. Ang kalapati daw, dapat alagaan nang mabuti para maging batser. Kung hindi, baka maghanap ng ibang amo…

106 (na) komento:

  1. Dahil sa kakulangan ng atensyon,oras at panahon ay nagagawang iwan ng isang alaga ang kanyang amo upang maghanap ng iba na makapagpupuno sa kakulangang nadarama nito.Tulad nang tao ang isang hayop na naghahap ng kalinga sa iba oras na maramdaman nito na siya ay hindi na binibigyan ng halaga...

    TumugonBurahin
  2. Hindi natin masasabi na umalis na nga ang asawa nya.. Maraming posibilidad. At hindi rin naman masisi ang taong yun sapagkat nagtatrabaho lamang sya upang mapabuti ang buhay nila. Kailangan din nya yun upang mabuhay.. Kung sakaling babalik yung asawa nya, sana ay bigyan nya ito ng dagdag oras dahil mas mahalaga ito kaysa sa trabaho.

    TumugonBurahin
  3. Ang pag-alis ng kanyang asawa ay wla pang katiyakan spagkat hindi nakasaad na pti ang mga gamit nito ay wala. Karaniwan kasi na kapag may ganitong pangyayari pati ang mga kagamitan ay dinadala.At kung sakali man na umalis nga ito, sa muli nitong pgbabalik ay sana mas paglalaanan na niya ito ng oras.Hindi nga ba't sa simula pa lamang ay nais na niyang humanap ng ibang trabaho dahil bihira lamang silang mgkta ng kanyang asawa, sa nangyaring ito, mas titibay ang pagnanais niya at may posibilidad na maisakatuparan na niya iyon.

    TumugonBurahin
  4. Sa aking palagay, ang katapusan ay iniwan na ang lalaki ng kanyang asawang babae. Magkaiba kasi ang oras nila ng trabaho at higit sa lahat, madalas mag-kulang ang lalaki sa babae. Para na rin silang walang komunikasyon dahil nga sa pagkakaiba ng oras ng kanilang trabaho. Kumbaga, nagsawa na rin ang asawang babae sa pagiging mapagpasensya sa asawang lalaki tuwing ito ay nangagako ng, “Babawi ako sayo Hon!” Ngunit sa sarili kong opinyon, hindi rin iyon sapat na dahilan upang iwanan siya ng kanyang asawa. Para kasi sa akin, kapag nag-umpisa ng mag-sama ang isang babae at isang lalaki, kailangan ay pang-habambuhay na.

    TumugonBurahin
  5. Marahil ay hindi na nkatiis ang kanyang asawa.Hindi ko rin naman siya masisisi sapagkat kapkanan dn ng kanyang asawa ang kanyang isinasaalang-alang kung kaya't siya ay nagtatrabaho. Ang pagkakamali lamang niya ay hindi niya naisip na sa gayong uri ng trabaho niya at sa sitwasyon ng kanilang asawa ay makakaisip itong iwanan siya.Sa pagbabalik ng kanyang asawa, nakatitiyak akong mas paglalaanan na niya ito ng oras.

    TumugonBurahin
  6. Sa dulo ay mayroong nakabitin na kaisipan, iisipin mong maigi kung ano talaga ang nangyari sa kanyang asawa. Maaring nilayasan na nga sya dahil sa hindi na ito nabibigyang halaga dahil sa knilang magkaibang schedule, ngunit maari ring nagliwaliw lang upang makalimot sa pagkamiss sa kanyang mister. Ngunit kahit ano mang konklusyon ang aking ibigay di pa din maalis na ang lalaki pa din ang may kasalanan sa mga pangyayari.

    -BsPsychology1-4

    TumugonBurahin
  7. "One day you'll realize you lost a diamond while you're too busy collecting stones". Minsan, dapat binabalanse din natin ang oras natin para sa mga bagay-bagay. Hindi yung iba lang yung halos pinaglalaanan natin ng oras at pinagtutuunan ng pansin.

    TumugonBurahin
  8. Maganda ang pagseseryoso sa isang bagay tulad ng pagtratrabaho pero malaki ang epekto nito pag nasobrahan. Hindi lang dapat naka pokus ang buhay sa pagtratrabaho araw-araw. Dapat marunong ring magpahinga at tignan ang mga bagay sa paligid at bigyan ng atensyon.

    TumugonBurahin
  9. di naman kasalanan ni wife kung maasar siya sa ginagawa ng asawa niya. sino ba naman ang gustong mabalewala. pero di rin naman kasalanan ni husband dahil obligasyon niyang magtrabaho eh. pag di sya nagtrabaho eh di sila mabubuhay.
    kailangan lang ng tamang pagkakaintindihan at tiwala.

    TumugonBurahin
  10. Minsan masaklap talaga ang buhay nu, tulad na lamang ng kwentong to.
    Minsan sa sobrang pag-tiya-tiyaga at pagsisikap mo, nauuwi lang ang mga ito sa mga bagay na ikalulungkot mo rin bandang huli.
    Sa panahon ngayon, mahirap nang magpabaya kasi minsan di mo masabi, mawala na lang bigla lahat ng para sa pinaglalaanan mo. Ikaw pa ang matatalo eh, ikaw na nga tong syang naghihirap, ikaw pa ang nawalan. Buhay nga naman, di mo masabi, masarap mabuhay pero mahirap panatilihing masaya.

    TumugonBurahin
  11. marahil ang pagbabalanse nalamng ng oras at panhon sa asawa ang kailang bigyan natin ng pansin. magtrabaho tayo ng ayus at di sobra at maglaan ng atensyon at oras sa ating minamahal.

    TumugonBurahin
  12. Akala ko nauunawaan ng babae ang trabaho ng kanyang asawa pero nagawa nya 'tong iwan. Hindi sapat na rason ang kakulangan ng oras para iwan niya ang asawa niya dahil nagtratrabaho ang asawa nya para sa gastusin at pangangailangan nila. Namiss dn naman ng lalaki ang asawa niya kaya nga gusto niya ring bumawi. Kailangan lng talaga nila magka-intindihan at maglaan ng sapat na atensyon sa isa't-isa. Hindi lng dapat isa ang gumawa ng effort kundi dapat silang dalawa. Kailangan dalawa yung nagwo’workout para mapatagal yung relasyon.

    TumugonBurahin
  13. Ang tao pag nababalewala, kahit gaano ka pa kahalaga sa buhay niya, pag dumating ang araw na nagsawa siya kakahintay, mawawala siya sa isang iglap lang. Natutunan ko mula sa akdang ito: Matutong pahalagahan ang bagay na mayroon ka, di mo alam bigla na lang siyang lilisan.

    TumugonBurahin
  14. ang tao ay hindi bagay.
    hindi sapat ang salitang 'I love you', 'Mahal Kita', 'Te amo' o kahit ano pa mang wika ang iyong gamit.

    HIGIT PA SA SALITA ang kailangan upang maipadama ang sinseridad ng iyong puso.

    TumugonBurahin
  15. Ang kwento ay tumutukoy sa dalawang mahalagang bagay sa mundo: ang paglalaan ng sapat na oras sa asawa at pagtatrabaho ng lalaki upang itaguyod ang pamilya. Para sa akin, hindi tiyak ang tunay na nangyari sa kanyang asawa, maaaring bumili lang ito ng pagkain sa labas o kaya ay nakipagkwentuhan sa kapitbahay. Maraming posibilidad. Pero ano man ang talagang nangyari, tama ang sinabi ng kanyang lolo, dapat alagaang mabuti ang kalapati para hindi maghanap ng panibagong amo. Ang pag-aasawa ay hindi madali, kaylngan nito ng pagkakaunawaan at sapat na pagmamahal sa isa’t isa para tumagal ang relasyon.

    TumugonBurahin
  16. Sa tingin ko ang kanilang pagsasama ay hindi ganun katibay. Pareho silang may maling punto. Dapat naiintindihan nila ang isa't isa at gumagawa sila ng paraan para maayos ang ganitong klase ng problema. hinde na ito bago lalung lalo na sa modernong panahon. =)

    TumugonBurahin
  17. Hindi ko akalaing ang tinutukoy pala ng akdang ito ay ang trabahong pinakain-demand ngayon, ang pagiging call center agent. Maayos niyang nailarawan ang hirap na dinaranas ng mga Pilipinong ganito ang hanapbuhay. Maganda rin ang naisip na paraan ng may-akda na ihalintulad siya sa batang nag-aalaga ng kalapati at ang kalapati bilang ang kanyang asawa.

    tunay ngang dapat nating balansehin ang bagay sa ating paligi upang hindi tayo magsisi kapag ito'y nawala sa atin.

    TumugonBurahin
  18. Di lamang sa relasyon nakatuon ang kwento . Isinalaysay rin nito ang kalagayan ng buhay ng isang call center agent . Sa trabaho nila di lamang puro salita at bibig ang kanilang puhunan , malaking bagay ang gawing umaga ang gabi sa kalusugan ng tao . OO malaki ang sahod at madaming benepisyon ngunit ang Kalusugan ay Kayamanan . Maraming sinasakripsyo para lamang may pantustos sa pangangailangan sa araw-araw .Kaya masasabing di basta basta ang pagiging Call Center Agent .

    TumugonBurahin
  19. Malalim ang mensahe ng kwentong ito. Maikukumpara nga natin ang isang tao sa isang kalapati na kapag hindi pinangalagaan ay maaaring maghanap ng ibang amo.

    Mahusay ang pagkakasulat ng kwentong ito. tulad nga ng sinabi ko, malalim ang mensahe, ganunpaman madali itong maunawaan at tumatatak sa isipan.

    TumugonBurahin
  20. Tunay ngang napakahirap ng buhay ng isang call boy. Nailahad lahat ng maayos ang halos lahat ng mga kaganapan at klase ng ng tao na makikita sa mundo ng nga call center agents. Ang husay ng transisyon, hanggang sa dulo ay may nakakagulat na pangyayari, hindi direktang inilagay pero madali namang maiintindihan ng mambabasa.

    TumugonBurahin
  21. maraming elemento ang nilalaman ng kwento kaya ko ito nagustuhan. sa buhay ng call center agents at sa buhay may asawa ng mga ito. nakakalungkot lang na kailangan umabot sa ganoon ang lahat. mahirap sa damdamin na nagawa ka pa niyang iwan pagkatapos mong gawin ang lahat para mabigyan niya ng magandang buhay .

    TumugonBurahin
  22. Maganda ang pagkakalahad ng kwento. parang puzzle :)

    TumugonBurahin
  23. Hindi pormal ang wikang gamit sa sanaysay na ito. May mga halong Ingles na nakakapagdadag ng dekorasyon dito. Isang aral ito sa mga taong inaakalang sa kinikita lang nabubuhay ang pamilya. Atensyo ng bawat isa ang magbibigay pahiwatig ng iyong pagmamahal sa isa't isa. Sa atensyon din nagmumula ang pagiging bukas sa isa't isa. Ang pagkawala ng kanyang asawa, ang pagakakroon ng broken families sa ting panahon sa ngayon ay dulot ng hindi paguusap at kakulangan ng oras sa isa't isa. Aral na nito na balang araw sa ating pagbabanat buto may mga pagkakataong dapat tumigil at huminga at magpakasaya kasama ang pamilya.

    TumugonBurahin
  24. Magandang umaga sa iyo Ginoong Jomar Adaya!

    Atensyon at oras ang kinakailangan sa isang relasyon. Sa pamamagitan nito ay mas nagkakakilala ang dalawang tao at higit sa lahat ay mas nagkakaunawaan.

    Kapag ito naman ay hindi naipamalas, puros kabaligtaran ang magaganap. Nariyan ang di pagkakaunawaan at pagkakalayo ng damdamin ng dalawang indibidwal.

    Malinaw na nakasaad sa iyong kwento na mahal na mahal ng lalaki ang kanyang pamilya lalung lalo na ang kanyang asawa. Ngunit nagsisilbing balakid sa kanyang pagpapakita nito ang kanyang trabahong kailangan niyang paglaanan ng oras niya na dapat nga ay sa pamilya niya nakalaan.

    Kapag ang atensyon at oras ay naipagkait, marapat din naman na magkaruon ng malawak na panguunawa dahil may mga ibang bagay na benipisyal din ang ginagawa kapalit ng paglalaan nito. Hindi makatarungan na siya ay iwanan ng kanyang asawa dahil lang sa simpleng bagay na ito.

    Para sa mga Katoliko:

    Ang pagmamahal ay isang damdaming ipinagkaloob sa atin ng Maykapal sa pamamagitan ng espiritu santo. Hindi ito dapat mapuksa ng kahit anong pwersa. Kung kaya't sa isang relasyon ay dapat na mayroong atensyon at oras at higit sa lahat ay RESPETO AT PAGTITIWALA.

    -Marc-

    TumugonBurahin
  25. dapat matuto tayong pangalagaan kung ano ang merom tayo ngayon kasi baka di natin namamalayan na dumating yung oras na mapagod yung tao sa kakaintay at pag unawa sayo..

    TumugonBurahin
  26. Good things happen to those people who wait. Ikalawa, Kung mahal ng isang babae ang isang lalaki, matutp syang mahaling din ang mga bagay na mahal din nito, lalo na ang pamilya.

    TumugonBurahin
  27. Nararapat lamang na bigyan natin kahit kaunting oras ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit dapat ay naroon pa rin ang pag-intindi kung bakit hindi mo kayang ibigay ang isang bagay. Kung talagang totoo ang pagmamahal mo sa isang tao, matututunan mong maghintay at magpasensya.Mahirap ang kalagayan ng lalaki dahil sa gabi ang kanyang trabaho pero ngsakripisyo siya para sa kanyang mga mahal sa buhay. Dapat sa isang relasyon, may pagbibigayan ang dalawang panig.
    Maganda po ang pagkakasulat lalong lalo na pag nabasa ito ng mga taong may ganitong kaso. Sa pamagat po, sa aking palagay, parang ang tinutukoy na trabaho ng lalaki sa kwento ay isang call center agent. Maantig po ang damdamin ng mga mambabasa lalong lalo na ang may ganitong sitwasyon.

    TumugonBurahin
  28. Para sa akin ay nagtuturo ito ng paglaan ng tamang oras at panahon sa iba't ibang bagay. Minsa'y darating ang panahon na mawawala na ang isa sapagkat napapabayaan na ito tulad na lang ng kalapati na maghahanap na lamang ng panibagong amo.

    TumugonBurahin
  29. Ang kakulangan ng oras sa pamilya ay nagdudulot ng pagkasira nito. Kailangan nating matutong maglaan ng panahaon para sa mga taong mahalaga sa atin.

    TumugonBurahin
  30. Hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay hangga't ito ay mawala sa iyo. Ito ang aral na nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa. Marahil ipinapakita ng pag-iyak na bata sa labas ang kalungkutan sa pag-alis ng kanyang ina. Lahat ng tao ay may hangganan ang pagtitiis. Lahat ay nagsasawa at nangangailangan ng paglalambing lalo na ng mga magkakapamilya.

    TumugonBurahin
  31. kristel anne bernaldezOktubre 17, 2012 nang 4:39 AM

    Hindi naman masama maghangad na mapabuti ang estado sa buhay. Pero minsan may mga bagay tayong nakakalimutan na higit na mahalaga kaysa krangyaan. Nakakalimutan natin na may pamilya tayong dapat ukulan ng pansin. Nakakalimutan natin na may pamilya tayo na dapat mahalin. At ang kwentong tulad nito ay tunay na nangyayari sa karamihan.

    TumugonBurahin
  32. Isa to sa mga kwentong naramdaman ko ang mensahe ng taos puso. Ang aking mga mgaulang ay call center agents, at alam ko ang pait ng maiwan sa bahay ng mag-isa. Walang kasama, walang kausap. Pagpapasok ako ng eskwelahan, sabay naman ito ng pagdating ng tatay ko sa bahay. di kami nakakapag kwentuhan. Noong mga panahon na iyon, naging matatag kong sandigan ang aking mga kaibigan. Di madaling humanap ng komfort sa mga bagay na walang kasiguraduhan, ngunit sa mga panahon ngayon, kung kailan ang mas madali na sana ang buhay ng mga tapoi dahil sa teknolohiya ng ating panahon, tuluyan namang nahihiwalay ang mg pamilya. Ang mga oras ay nailalaan sa mga bagay na di permanente. Ang di alam ng mga tao, ang teknolohiyang kanilang hinaharap ang mismong nagpapahirap sa kanila. O! Nimi-miss ko na ang tatay ko nung napaka simple pa ng buhay namin, at ngayon ang puso ko'y tuluyan ng lumayo sa kanya.

    TumugonBurahin
  33. Tunay na mahalaga ang oras para sa ating mga minamahal ngunit may mga bagay na kailangan gawin para sa ikabubuti nila. Hangarin natin na mapasaya ang mga mahal natin sa buhay. Kung minsan kailangan nating magsakripisyo para magawa ito. Kahit alam natin na maaari may mangyari na hindi maganda.

    Pag mahal mo ang isang tao, dapat intindihin mo. Kung magsasakripisyo siya, matuto ka rin magsakripisyo. Hindi nalang puro siya, dapat alam mo sa sarili mo na may dapat ka ding gawin. :)

    TumugonBurahin
  34. kailangan nga naman pagtuunang pansin ang mga bagay na ayaw mo mawala sa'yo. Tsk. Kuhang kuha ko yung message ah. Haha! Nice play on words, ser! :) Yung title na 'Ang Diary ng Modernog Callboy,' na ang ibig sabihin ay lalaki ang nagsasalita at siya ay nagttrabaho sa isang call center :D mahirap nga talaga sa trabahong yan. you don't grow eh. It's always the same routine in a call center. It's on an advisable career path, pero dahil nga tulog lang naman ang puhunan mo at boses, madaming nag-aaply sa ganitong trabaho dahil malaki ang sahod.

    TumugonBurahin
  35. Ang kuwentong ito ay kapupulutan ng aral ng bawat mambabasa. Maganda ang aral na mapupulot dito, ito ay ang pagpapahalaga sa mga taong mahal mo na ayaw mong mawala. Ang pagbibigay ng oras sa mga taong mahalaga sa atin ay hindi natin dapat ipagwalang-bahala.

    TumugonBurahin
  36. ipinapakita sa kwentong ito na hindi mahalaga ang karangyaan sa isang pamilyang labis na nagmamahalan. ipinapakita din dito ang kahalagahan ng mga mahal mo sa buhay at ipakita sa kanila na mahal mo sila at mahalaga sila sayo .

    TumugonBurahin
  37. hindi naman natin masisi ung misis nya, hndi rin nman nten masisi ung trabaho nya. kaso malaki nga ung sweldo nya, wala nman na syang pamilya ngayong uuwian. minsan kase mas pinapaburan naten ung mga bagay na my katumbas na malaking pera. lahat ng bagay dpat bnibigyan ng oras, hndi nman pwedeng puro trabaho lang. dpat matuto tayong balansehin ung oras naten. :3

    TumugonBurahin
  38. Ang husay ng pagkakasulat sapagkat kahit hindi diretsong sinabi ng may akda ang nangyari ay mahihinuha naman ito ng mga mambabasa.Madaling nabuo sa isipan ang ideya na nais nitong ipahiwatig.

    TumugonBurahin
  39. Ang bata at ang call boy ay mayroong parehong kapalaran, pareho silang nawalan. Ang pag-ibig ay hindi lang dapat isinasambit, dapat ito ay ipinapahayag. Sa isang relasyon, mahalaga na naipapakita ang pagmamahal at pagiging maalaga. Mahalaga na mayroon kang oras para sa minamahal mo dahil madaming pagsasama ang nawasak dahil sa kawalan ng oras at atensyon.

    TumugonBurahin
  40. BSP I-4 PUP

    Sa unang parte ng kwento, alam na alam ko ang pinagdadaanan ng call center agent na ito. Lahat ng aking 3 kapatid ay mga call center agents din. Sa aking pag-oobserba, parehong pareho sila ng mga nararamdaman at pinagdadaanan. Naging saksi rin ako sa pag-itim ng mga eyebags ng mga kapatid ko. Talaga ngang mahirap ang maging isang call center agents. Ngunit nakakalungkot lang ang huling parte ng kwento. Ang pag-iwan ng asawa ng call center sa kanya ay naihalintulad sa pag-iwan ng kalapati sa kanyang amo. Nakakalungkot lang na di maintindihan ng asawa niya na mahirap ang trabaho sa call center. Sa hirap ng buhay ngayon, hindi naman masama ang maging praktikal. Ngunit di ko rin masisi ang kanyang asawa sa paglisan nito. Atensyon at oras ay mahalaga pa rin sa pagbuo ng matatag na relasyon.

    TumugonBurahin
  41. Kahet gaano tayo ka bc, matuto tayong magbigay ng oras sa mga bagay na mahalaga sa atin, mahirap na sa huli pa tayo mag sisisi kung kelan wala na ang mga bagay na ating pinahahalagahan sa buhay .

    Gawin nating kapaki pakinabang ang bawat Oras sa buhay naten!

    TumugonBurahin
  42. May magagandang bagay na naidudulot ang pagiging isang call center agent. Pero meron din namang hindi mabuti o mga nakakasama. Sa kwento, mas nangibabaw ang masamang epekto ng trabahong nabanggit.

    Hindi mo pwedeng pagsabayin ang dalawang bagay. Mamimili ka sa dalawa kung ano ang mas uunahin mo. Kapag binigyan mo ng atensyon ang isa, maaring mawala sayo ang isa. Lalo na sa pagiging isang call center agent, hindi mo pwedeng pagsabayin ang trabaho at ang asawa. Kapag ikaw ay mag-aasawa, dapat siguraduhin mong naiintindihan niya ang iyong trabaho. Dapat hindi siya madaling magsawa at sumuko. Dapat ay maisip niya na para ito sa kinabukasan niyong dalawa.

    Ikinumpara ng nagsulat ang kanyang asawa sa kalapati. Tama nga naman ito. Kapag hindi mo naalagaang mabuti ang mahal mo sa buhay ay maari siyang magsawa at pwede siyang mawala sayo.

    Gusto ko sanang maging call center agent kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, tutal English Major ako. Pero dahil sa kwentong ito, pinag-iisipan ko na kung itutuloy ko pa dahil baka iwan din ako ng mapapangasawa ko sa takdang panahon. :))

    TumugonBurahin
  43. weird...
    nakakabitin na maganda..
    maganda kasi malalim yung pagkakalahad nung kwento.hindi lantaran.
    haahh. basta alam ko lang may mali ung asawang babae kc naghanap agad sya ng iba e ginagawa lang naman ng asawa nya ung tama saka para sa pamilya nla un.
    dapat nlawakan nya ung pang.unawa nya.. --____--

    TumugonBurahin
  44. Ang pagiging isang call center agent ay isang marangal na trabaho, ngunit kahit ganito pa man ay maaari itong magdulot ng masamang epekto kung hindi ito pangangalagaan at kung ito'y sasamahan ng bisyo. Nagbibigay ng aral ang kuwento na bilang isang mag-asawa ay dapat may sapat na pag-unawa sa isa't-isa, lalo na pagdating sa trabaho. Dahil ito ay para sa inyong kinabukasan at sa kinabukasan ng inyong magiging anak. Sinasabi rin na kailangan nating magkaroon ng tamang disiplina pagdating sa ating oras dahil kapag madami na nga tayong ginagawa ay inaabuso pa rin natin ang natitira nating oras ay malamang hindi ito magdudulot ng maganda sa atin pati na rin sa ating mga mahal sa buhay.

    TumugonBurahin
  45. Hindi biro ang paghahanap-buhay sa gabi at mas lalong hindi biro ang sakripisyo ng mga taong katulad ng pangunahing tauhan sa buhay. Gayunpaman, nawala sa kanya ang kanyang asawa dahil sa kawalan ng atensyon na dapat ibinibigay niya rito, sa araw araw nating paghinga dapat ay matutunan nating pahalagahan ang mas importante sa atin sa pamamagitan ng pagtuklas kung ano o sino ito at ang pagbibigay oras dito upang makabuo ng isang natatanging samahan na kahit wala ka ay hindi na ito mawawala sa iyo. Sa bawat, araw ng ating buhay, ipakita natin sa mga taong importante sa atin na mahalaga at kailangan natin sila upang tayo ay mabuhay ng masaya. Nasa huli lagi ang pagsisisi kung ang nangyari na din sayo ang nangyari sa pangunahing tauhan na ito.

    TumugonBurahin
  46. Sa sobrang abala ng mga tao kung paano kumita ng pera ay hindi na nila alam na kailangan na pala nilang bumawi sa mga tao sa paligid nila. Kailangan na pala nilang magbigay ng atensyon sa mga ito upang hindi ito mawala sa kanila. Maganda ang kwento sapagkat tumatalakay ito sa napapanahong isyu sa ating lipunan. Hindi lang naman kasi pera ang magpapaligaya sa isang tao eh, kundi ang madama nila ang pagmamahal at pagkalinga ng isang taong nasa paligid nila. Sa kwentong ito ay magandang naging simbolismo ang samahan ng bata at ng kalapati. Sa paglayo ng kalapati sa kanyang amo ay nakaramdam ng lubos na kalungkutan ang kanyang amo, ganoon din ang naramdaman ng call boy ng siya ay lisanin ng kanyang asawa, masakit subalit kailangan niyang tanggapin na lamang ang pangyayari. Pero kung magagawan pa ng paraan ay dapat niyang lutasin anumang problemang kanyang ginawa.

    TumugonBurahin
  47. Pamagat palang ulam na....Ito yung klase ng kwentong hindi mo aakalaing sa dulo ay mapapasabi ka ng "Ang galing.", o yung mapapa tawa ka ng hindi mo man lang namamalayan. ngunit magkaganoon man, ang kwentong ito'y sumasalamin sa tunay na nagyayari para sa ilang mga call center agents(sila yung "modernong call boy"). Iminumulat tayo ng maikling kwentong ito sa katotohanang hindi porket mga call center agents sila at kumikita sila ng malaki eh masaya na sila sa kanilang buhay. Minsan, ang trabaho pa nga nila ang dudulot sa kanila ng matinding kalungkutan. tulad na nga ng nagyari sa bida sa kwento, iniwan siya ng kanyang asawa dahil wala na siyang oras para sa kanyang pamilya. Masasabi kong napakaganda ng kwentong ito! Tangkilikin pa natin ang mga gawa ng mga manunulat na Pilipino!

    TumugonBurahin
  48. Mayroon bang dapat sisihin sa kinahantungan ng kwento? Sadyang napakahirap ng buhay ngayon. Kung kailangan mong kumayod kahit gabi ay iyo ng gagawin upang may makain lamang ang iyong pamilya. Subalit, nagreresulta ito ng kawalan ng oras sa Pamilya. Ganito na ang nangyayari sa ating lipunan ngayon, nalilimutan na natin ang pagkakaroon ng oras sa ating Pamilya dahil nakapokus tayo sa kung ano dapat ang ating kitain. Paano na lamang ang mga taong kinakailangan ka sa tabi nila? Ang pera ay kaya pang pagpaguran, ngunit ang pamilya, tulad ng ibon sa kwento, maaring maghanap ng atensyon sa ibang tao.

    TumugonBurahin
  49. Kahalagahan ng oras . Yan ang natutunan ko sa akdang ito . Hindi maling isipin ang kinabukasan at pagsikapan ito ngunit isipin din na may mahahalagang tao sa buhay natin ang nag-aalala, naghihintay at nagmamahal satin . Ang katawan, sa pagtatrabaho, pag napagod, pahinga lang ang katapat . Pero kapag ang puso ay napagod sa kahihintay sa pagkamit ng atensyon sa kanyang minamahal, mahirap .

    TumugonBurahin
  50. Maganda sana ang kwento ngunit bitin. Hindi naituloy ang kwento kung ano nga ba ang nangyari, nasa mambabasa kung paano niya ito iintindihin. Subalit, base sa mga pangungusap sa bandang dulo ay ipinapalabasa na iniwan siya ng kanyang asawa - parang kalapating nadagit. Sino nga ba ang may kasalanan? Sapat na bang dahilan ang kakulangan sa oras sa kanyang asawa dahil siya ay nagtatrabaho bilang isang call center agent. O sadyang mahina lamang ang pang-intindi ng knyang asawa kaya siya naghanap ng iba?

    TumugonBurahin
  51. Hay nakakalungkot naman… hindi man direktang sinabi kung nasaan ang asawa niya, mahihinuha pa rin natin kung nasaan nga ang asawa niya… gumamit ang may akda ng istilo kung saan hindi man direkta ang paggkakasabi pero magkakaroopa rin tayo ng ideya t may papasok at papasok na kaisipan sa atin.. maganda ang istorya ngunit malungkot ang kinahinatnan,, ngunit ganyan talaga ang buhay.

    TumugonBurahin
  52. maganda ang istorya! nagpapakita ng pagiging isang pilipino! heheh..ngunit malungkot ang wakas!

    TumugonBurahin
  53. Aaaaayyyyy! :(( Hindi direkta ang pagkakasabi ng wakas, depende pa rin ito sa mga mambabasa. Malungkot na wakas para sa lalake. Hindi hadlang ang trabaho ang tanging kailangan ay ang tunay na pagmamahalan. Dapat tanggap natin kung ano ang kanyang trabaho at kailangan natin itong intindihin.

    TumugonBurahin
  54. Nakakalunkot ang sinapit ng pangunahing tauhan sa kanyang parte. Hindi porke't wala na yang oras ay ibig sabihing hindi na niya ito minamaha.

    TumugonBurahin
  55. Para sa akin ay halata naman kung ano man yung nangyari sa asawa niyang biglang nawala. Sana siguro naging mas "understanding" pa yung asawa ng lalaki kasi nagtatrabaho naman ang lalaki para sa kanila. Pero sana din, kahit ganun man ang trabaho ng lalaki, tinutupad niya sana yung sinasabi niyang babawi siya sa asawa niya. :)

    TumugonBurahin
  56. Ang maikling kwentong ito ay nagpapahayag lamang na mahalagang magbigay tayo ng oras sa mga taong mahalaga sa atin kahit gaano pa man tayo kaabala sa buhay. Dahil ang oras ang pinakamahalagang bagay, pag lumipas yan, di mo na maibabalik. Gaya ng nangyari sa takbo ng kwento. Nasira sila ng asawa niya dahil mas pinahalagahan niya ang trabaho. Dapat lang na kahit papaano maging sensitibo tayo sa nararamdaman ng mga taong naapektuhan sa mga ginagawa natin.

    TumugonBurahin
  57. Dahil sa kakulangan ng oras at panahon ng lalaki sa kanyang asawa ay nagawa nitong layasan at iwan ang kanyang asawa. Sa isang relasyon, dapat nandyan ang pagmamahal. Pero dapat ding may oras at panahon. Oo ngat may pagkukulang ang lalaki, ngunit mayroon din ang babae. Yon ay ang pang unawa. Pang unawa na ginagawa ng asawa niya ang gawing umaga ang gabi ay para din sa kaniya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mga ito ay talagang maganda at mahal ko ito
      hayaan mo akong sabihin sa iyo ang pinakamahusay na lugar upang bumili ng u-47,700 powder online. Pumunta sa link http://www.bathsaltforsale.com/en/745-buy-u-47700-powder-online.html upang bumili u-47,700. bumili ako ng ilang gramo ng produktong ito noong nakaraang buwan at ako ay astonished sa pamamagitan ng ang kalidad. presyo ay mabuti at paghahatid ay mabilis. Mangyaring kapag bumili ka u-47,700 pananaliksik kemikal, ito ay hindi para sa tao consumption at huwag payagan ang balat contact.This ay para sa mga pro, na nakatataho paggamit nito.

      Burahin
  58. Masasabi na talagang mapapaisip ka sa kung ano nga ba ang mangyari sa tauhan ng kwento. Kailangan talaga ng masusung pag-iisip upang maisakatapuran ang nais ng mambabasa na maintindihan ang kwento.

    TumugonBurahin
  59. mahalaga ang oras para sa isang tao.
    ito ay hindi dapat balewalain. hindi bagay ang tao.

    TumugonBurahin
  60. nakakalungkot na kailangan pang umabot sa ganitong sitwasyon ang mag-asawa. nakakalungkot din na kailangan pang iwan ng babae ang kanyang asawa kahit na ginagawa naman na nito ang lahat upang mabuhay sila. di mo rin naman masisi ang nagawa niya sapagkat nangangailangan din naman talaga siyang ng oras at panahon ng isang asawa.

    TumugonBurahin
  61. Itong "Diary ng Modernong Call Boy" ay nagsasaad ng buhay ng isang call center agent. Mahirap, Hectic, Nakakapagod, at higit sa lahat toxic. Ngunit kung susuriin pang mabuti ay sinasabi din ng kwento na hindi porket nakagraduate ka ng isang kurso ay magkakaroon ka na ng trabaho na naayos at angkop sa kursong kinuha mo. Mali, dahil tignan nalang natin ang mga tao sa paligid ng callboy sa storya may licensed nurse ngunit sa call center pa rin nagtatrabaho. Ito ang tinatawag nating underemployment.

    Kung susuriin naman ang pagsulat ng may akda, kakaiba ang teknik na ginamit nya. Masasabi natin na liberated sya, gumagamit din sya ng wikang ingles. Ngunit kahit naman ganito ang istilong ginamit nya ay naiparating parin ng malinaw ang mensahe na nais nyang maipabatid sa mambabasa.

    TumugonBurahin
  62. Pagkatapos kong mabasa ang kwento ay di ko maiwasang makaramdam ng lungkot at awa. Nais lamang naman niyang mairaos ang kanilang buhay ngunit hindi ito madali para sa kanilang mag-asawa lalo na kung ang oras nila'y kapwa di tugma. Masakit lang isipin na ang rason kung bakit ka nagtitiyaga ay iniwan ka na.





    Kcirlenn Rodelas
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  63. Ang buhay nga naman! May mga bagay na dapat isakripisyo dahil kailanman ay di kaya ng isang tao makuha lahat at pangalagaan ang mga ito ng sabay-sabay. Maghahanap-buhay ka, kahit di ka masaya sa ginagawa mo, kahit ang gabi mo'y nagiging araw, at kahit sa asawa mo'y wala ka ng panahon, basta lang kumita ng malaki at may magawang matino sa buhay. Sa kasamaang-palad, minsan ang mga bagay na pinaka-iingatan natin ay yun pang biglang mawawala satin. Alamin ang talagang prayoridad mo sa buhay! Tandaan 'yan.

    TumugonBurahin
  64. matutong mag balance sa buhay para maging maaayos ang lahat.

    TumugonBurahin
  65. Matuto tayong magbalanse ng oras dahil may mga taong gusto kang makasama, makakwentuhan at maka'bonding' pero tinatanggihan mo ang lahat ng kanilang yaya dahil sa mga pinagkakaabalahan mo sa buhay. Gaya na lang ng sa kwento, paano pag nawala siya bukas? may nagawa ka ba para sa kanya? Napasaya mo ba siya nung andito pa siya? Ang pagaasawa ay may tamang panahon. Ang desisyong ito ay hindi minamadali. Sa halip, ito ay pinag-iisipang mabuti. Sa isang relasyon o buhay mag asawa ay kailangan ng malawak na pagunawa, gibe and take rules at ang pagkakaroon ng oras para sa isa't isa. Ang oras ay hindi dapat natin sinasayang dahil pag lumipas yan, di mo na maibabalik pa muli.

    -Mikhaela Andrea B. Calcita
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  66. Hindi sapat ang mga materyal na bagay para sa mga taong mahal mo.. Para sa kanila ay mas mahalaga ang oras na mailalaan mo na kasama sila.. Wag mong hahayaang mawalan ka ng oras para sa mga taong mahal mo :)

    TumugonBurahin
  67. Nailahad sa kwento ang istorya ng isang lalaking nagtatrabaho sa isang call center. Mahirap nga naman ang magtrabaho sa isang call center, hindi lang dahil sa nakakapagod at napaka toxic ng gantong trabaho, nawawalan ka din ng oras sa iyong pamilya katulad ng nangyari sa lalaki. Naiintindihan ko ang nararamdaman ng lalaki dahil ganoon din ang sitwasyon ng aking kapatid. Nauubos ang kanyang oras sa pagtatrabaho. Pero alam ko naman na may magagandang maidudulot ito sa amin. Ngunit sa istorya, nakakalungkot lang dahil iniwan ng babae yung lalaki dahil wala na itong oras para sakanya kahit ang nais naman ng lalaki ay mairaos ang kanilang buhay.Higit ngang malaga ang oras sa isang relasyon dahil isa itong mahalagang bagay na hindi mo na pwedeng ibalik.

    TumugonBurahin
  68. Ang buhay ay ginawa ng Diyos na balanse kayat nararapat lamang na panatilihin natin ito. Maging sa ating mga personal na buhay matutong magbalanse. Kahit ano pang dahilan ang buhay ay kayang balansehen depende na lamang kung paano mo aayusin ang buhay mo. :)


    Richelle Inocencio Balza
    BSA I -15

    TumugonBurahin
  69. Oras ang pinakamahalagang bagay dito sa mundo na maaari mong ibigay sa isang tao. Marahil sa kwentong ito ay iniwan siya ng kanyang asawa dahil nga magkaiba sila ng oras ng pasok. Wala na silang oras para magsama ng matagal at magsaya. Hindi dapat natin hayaan na mauwi sa wala ang lahat dahil lang sa kakulangan natin ng oras sa kanila.

    TumugonBurahin
  70. Sa kwento na ito ay naipapakita na dapat mo pahalagahan ang iyong asawa o kahit na ano man na importante sa iyo dahil kung hidi ay baka mawala ito sa iyo

    TumugonBurahin
  71. Ang sakit ng nangyari sa tauhan, nagpakasubsob sya sa kanyang trabaho, hindi nya namalayang napapalayo na pala sya sa kanyang asawa. Mahirap kapag nawalan ka ng oras sa taong mahal mo, bigla na lang manlalamig. Hindi dapat puro trabaho, may ilang mga bagay na dapat pinagtutuunan din ng pansin. Kahit sino naman may hangganan ang pang-unawa, pero habang maaga pa, huwag nating hayaang mapalayo sa atin ang mga taong mahal natin :)

    TumugonBurahin
  72. Para sakin, tama yung naging ending ng istorya. Kung mahal mo kasi ang isang tao o bagay o ano pa man yan, kung mahalaga sayo, iingatan mo. Alam mo naman sa sarili mo yung mga pagkukulang mo eh. LEarn to compromise. Hindi lahat ng bagay palaging mag-aadjust sayo.

    TumugonBurahin
  73. Ang author ay nagbigay ng tanong sa ating mga isipan kung ano ang nangyari sa kanyang asawa. At ipinakikita sa akdang ito ang tunay na buhay ng mga call center agent. Pero mas mainam sana kung nagbigay siya ng mas malinaw na pagtatapos.

    TumugonBurahin
  74. napaganda nitong kwentong ito sapagkat pinakita dito ang buhay ng bawat call center agent at sa loob ng opisina ng call center. Nakakaawa nga lang siya sapagkat hindi niya alam na kung nasaan na ang kanyang asawa marahil nga iniwan siya dahil ito ay kulang sa atensyon na inakala niyang siya ay naiintindihan nito.

    TumugonBurahin
  75. Talagang napapanahon ang ganitong issue, marahil tamang pagbabalanse ng oras ang kinakailangan ng tauhan. Parehas na nagkulang ang mag asawa dahil ang lalaki ay naging kampante na basta may trabaho sya ay masaya na sila ngunit iba naman ang hiningi ng kanyang asawa, oras na para sa pamilya. Kaya habang maaga tignan nating maigi kung anu ang ating prayoridad sa buhay.

    TumugonBurahin
  76. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  77. tunay na sa hirap ng panahon , maraming mg pilipino ang nauuwi s pagiging "call center agent" .. maging ang mga sakripisyo na pinag dadaanan nila . mga problema at mga pagsubok dala ng trabaho nila. pro , sa tingin ko . ito ay pagtimbang na lng ng kunga ano ang mas makkpag pasaya sayo . xD

    TumugonBurahin
  78. Sa buhay, mapipilitan ka talagang pasukin ang mga trabahong hindi sigurado at hindi ka mag go-grow. Palibhasa ay malaki ang sweldo, kahit palaging puyat.

    Sa tingin ko, ang bata ay sumisimbolo sa call center agent, at ang kalapati ay sumisimbolo naman sa kanyang asawa. Iniwan ng kalapati (asawa) ang kanyang batang amo (call center agent) dahil hindi na siya nito binibigyan ng atensyon.

    TumugonBurahin
  79. Di biro ang maghintay at intindihin ang isang tao lalu na kapag parang wala lang sa kanya yung mga ginagawa mo. Kung umalis nga ang asawa niya ay baka nangailangan lang to ng espasyo para sa kanyang sarili para pag isipan ang mga nangyayari sa kanila ng kanyan asawa. Pero kung lubos nga niyang naiitindihan yung kalagayan nila hinding hindi siya masasawa at mapapagod na maghintay sa bawat paguwi niya... o ako lang yon kung ako ang asawa ng bida? XD

    Isang magandang kwento dahil napapaisip ang mga mambabasa. :))

    TumugonBurahin
  80. yan ang mahirap na parte ng pagttrabaho sa call center. nauubos ang panahon sa pagtatrabaho at di ka na nagkakaroon ng panahon sa iyong mga mahal sa buhay. inihambing ang kanyang asawa sa kalapating nawala sa bata dahil kapag hindi mo pinagtuunan ng oras ang isang kalapati, lilipad ito at maghahanap ng iba.

    TumugonBurahin
  81. Mahirap na ang buhay ngayon, kahit anong trabaho ay ating tatahakin matuwid lang at mapakain ng tama ang ating mga pamilya. Sikapin lang, humanap ng ibang parang na marangal at mabuti, nang hindi mapapahamak, at hindi ikakahiya.

    TumugonBurahin
  82. Ang ganda ng pagkakalahad ng kwento. Enggalog kaya catchy sya.
    Sa usapin naman ng mga call center, naaawa ako sa mga taong naturingang nagtapos ngunit call center lamang ang napasok na propesyon. Sana mas pagtuunan pa ng pansin ng gobyerno ang ganitong hinaing ng mga tulad nating maralita. Hindi yung kung anu anong sariling interes ang pinapairal nila.

    TumugonBurahin
  83. Ang kwentong ito ay bagay na bagay sa panahon ngayon. Lahat ng nasa kwentong ito ay nakbase sa kasalukuyang nangyayari sa ating mga kababayan. Ang pait ng buhay, na minsan ginagawa mo ang lahat para sa taong mahal, nagtratrabaho ka, nagsasakripisyo na hindi siya makasama at makapiling ng matagal para may sapat ka na pantustos sa pangngailangan niya, pero dahil sa wala ka ngang oras para sa kanila minsan ay nagiging dahilan ito para iwan ka nila kahit ang lahat namang iyon ay ginagawa mo para sa kanila din.

    TumugonBurahin
  84. Talagang may mga bagay ka dapat isakripisyo. Wala kang pagpipilian. Pero hangga't maaari at may kaunting panahon, maglaan ng oras para sa minamahal.

    TumugonBurahin
  85. "Malalaman lang natin ang halaga ng isang bagay kung ito'y nawala na sa ating mga kamay". Inilalahad ng kwento na hindi lahat ng tao ay kayang magtiis sa kakulangang atensyon na nakkukuha nito. Hindi lahat ng tao ay may malawak na pang-unawa sapagkat normal sa taong maghanap ng atensyong kailangan nito. Sana'y bigyan tayo nito ng aral na lahat ng bagay, maliit man o malaki, may buhay man o wala ay may karapatang pangalagaan ng ninuman.

    TumugonBurahin
  86. Sa aking palagay ang katapusan ng kwentong ito ay iniwanan na siya ng kanyang asawa dahil hindi niya naibibigay ang sapat na oras para sa kanya. Pero may punto din ang kanyang asawang lalaki na ginagawa lang niya ang lahat para sa magandang kinabukasan nila.

    TumugonBurahin
  87. Dito pumapasok ang tamang pagbalanse ng oras. Sa pamamagitan nito ay nabibigyang pansin natin hindi lamang ang isang bagay pati na rin ang ibang bagay na nakapalibot sa ating buhay. Sa pamamagitan nito ay mas lalo tayong napapalapit sa ating mga mahal sa buhay. Ngunit sa akdang ito ay mukhang hindi nasunod ng karakter ang tamang pagbalanse ng kanyang oras.

    TumugonBurahin
  88. Sa tingin ko iniwan siya ng kanyang asawa. Sa kadahilanang wala ng siyang oras para sa asawa niya. Naiinis ako sa asawa niya napakakitid ng utak. Nagtatrabaho ng ganun ang asawa niya para sa kanilang dalawa tapo nagawa niyang iniwanan? Hindi tama yun. Ano man ang mangyari dapat walang iwanan.

    TumugonBurahin
  89. Hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay hangga't ito ay mawala sa iyo. Ito ang aral na nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa. Sa tingin ko iniwan siya ng kanyang asawa.

    TumugonBurahin
  90. Naiinis ako sa asawa niya napakakitid ng utak. Nagtatrabaho naman para saknila.

    TumugonBurahin
  91. Nagkahiwalay silang mag asaa dahil sa kakulangan ng bawat isa sa oras. Di ito maiiwasan

    TumugonBurahin
  92. Sa tingin ko iniwan siya ng kanyang asawa. Sa kadahilanang wala ng siyang oras para sa asawa niya. Naiinis ako sa asawa niya napakakitid ng utak. Nagtatrabaho ng ganun ang asawa niya para sa kanilang dalawa tapo nagawa niyang iniwanan? Hindi tama yun. Ano man ang mangyari dapat walang iwanan.

    Irene Joy Geroy Bspsy 1-4

    TumugonBurahin
  93. Kaylangan natin pahalagahan ang mga tao sa ating buhay. Maglaan tayo ng oras para sa kanila. May mga bagay na mahirap ng ibalik kapag nawala, Minsan ay hindi na pwedeng ibalik pa. Ang oras ay napakahalaga pagkat ito ay hindi na naibabalik kapag nawala.

    TumugonBurahin
  94. Di maiiwasan ang ganyang problema sa isang mag asawa, ang kailangan lang nila ay at pag unawa oras sa bawat isa .

    TumugonBurahin
  95. May kani-kaniyang dahilan ang bawat isa sa kanilang ginagawa. Siguro nga dahil hindi sila nagkaroon ng oras kaya nagkahiwalay sila, pero sa palagay ko ay di sapat na dahilan iyon. Pero talagang ganun ang buhay e..

    TumugonBurahin
  96. hindi mawawala sa mga mag-asawa ang magtalo lalo na kung nauubusan na nang oras sa isa't isa.

    TumugonBurahin
  97. Nakakalungkot naman na umabot sila sa ganun. Sana naayos o hindi niya nagawang iwan ang asawa niya. Tunay na mahalaga ang oras at ang mahabang pasensya sa isang relasyon.

    TumugonBurahin
  98. Mahalaga ang oras sa bawat isa. Oo, mahirap talaga itong balansehin ngunit kailangan nating maging matalino upang magamit natin ito ng maayos kasama ang mga mahal natin sa buhay pati na rin para sa iyong sarili. Di lang ikaw ang tao sa mundo. May mga tao sa paligid mo na laging naghahangad na makasama ka.

    TumugonBurahin
  99. Ang bata at ang call boy ay mayroong parehong kapalaran, pareho silang nawalan. Ang pag-ibig ay hindi lang dapat isinasambit, dapat ito ay ipinapahayag. Sa isang relasyon, mahalaga na naipapakita ang pagmamahal at pagiging maalaga. Mahalaga na mayroon kang oras.

    TumugonBurahin
  100. kailangan nating pahalagahan lahat nang taong mahalaga sa atin dahil sila narin ang dahilan kung ano ka ngayon. maipaparamdam mo lamang ang iyong pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng oras at atensyon.

    TumugonBurahin
  101. Kailangan bigyan natin ng atensyon ang ating pamilya.Dahil minsan ay masakit kapag hindi ka pinapansin ng taong mahal mo di ba?

    TumugonBurahin
  102. Dapat lagi tayong maglaan ng oras sa taong mahal natin. -BSP 1-4

    TumugonBurahin
  103. Ang oras ay mahalaga kaya sana hanggat maaari ay wag natin itong sayangin.

    TumugonBurahin
  104. Kasing importante ng oras mo ang mga taong importante sau. Kung ang oras ay ginto, ang mga mahal natin sa buhay ang dyamanteng nagbibigay kinang sating buhay. Kaya dapat ay paglaanan natin sila ng panahon at oras dahil kahit na ganun kakaimportante sa kanila, darating at darating din ang punto na mawawala sila pag d iningatan.

    TumugonBurahin