Biyernes, Setyembre 14, 2012

Pera'y Mukha


nawawala ang ningning ng tawa
pag wala nang mahugot sa bulsa
anong saysay ng halaga
kung nawawala ang pag-asa

kumikislap ang pera
walang mukha
sumisimangot ang mukha
walang pera

may ningning ang pera sa mata
may halaga ang kanin sa bituka
sa pera't bituka
nabubulabog ang pag-asa
anong saysay ng halaga?

di mapigil pagtaas ng gas
tipid-tipid muna sa bigas
mukmok ng luho
pigil na pigil
paglaman sa bulsa'y isipin
nawawala ang ningning ng tawa

pera'y mukha
sa daigdig na materyal
makislap
maningning
nag-aanyaya sa luho
naglalaman sa bituka
naglalamat sa pag-asa

ano ngayon ang halaga
ng mundo,
kung may kislap ng pera
at walang ningning
ang pagtawa..

111 komento:

  1. Sa buhay ang mahalagang aspeto upang maging ganap ang iyong kaligayahan bilang tao,ay ang katotohanang hindi sa dami ng pera makikita ang matamis na ngiti na nagmumula sa puso at hindi lamang sa labi.Dahil ang kaligayahan ay matatagpuan lamang sa pagmamahal na wagas at hindi sa mga materyal na panandalian lamang ang dulot na liggaya sa buhay.Bagaman nandito tayo nagayon sa panahon na ang pera ay lubhang mahalaga upang matugunan ang ating pangangailangang pisikal.Lagi pa rin nating isaisip na may mas higit pang mahalagang mukha ang buhay at iyon ay ang kaligayahang dulot ng tunay na pagmamahal ....

    TumugonBurahin
  2. Sa panahon kase ngayon, pera na ang nagpapaikot ng mundo. Pag wala kang pera, mababa ka. Dahil pera ngayon ang gamit para makakain, na pangunahing pangangailangan ng tao para mabuhay. Hindi na tuloy malaman ang tunay na halaga ng buhay dahil sa pera na ang nagpapaikot dito.

    TumugonBurahin
  3. Buhay ba ang pera? Bakit maraming namamatay dito? Nagiging materyalistiko na ang tao. Marahil ay di sila materyalistiko, nagiging praktikal lang sila para isaalang-alang ang moralidad nila. Oo nga, siguro ganoon nga. Pera ang sumira at bumubuo ng kasiyahan ng tao. Ako man, bilang estudyante di ako makakauwi sa aking tahanan kung wala ito. Imbensyon ito ng tao na kung saan ay kinokontrol na tayo ng 'di natin namamalayan.

    TumugonBurahin
  4. Sa hirap ng buhay ngayon, karamihan sa mga tao ay tinuturing na diyos ang pera. Marami ngayon na mas pinapahalagahan ang pera kaysa sa relasyon, panahon at atensyon. Kung iisipng mabuti, malaki nga naman ang naitutulong ng pera sa buhay ng tao ngunit isa rin ito sa pinakamalaking dahilan kung bakit nawawasak ang buhay ng mga tao. Kailangan lamang balansehin ang bawat bagay sa mundo kasama na nga ang pera dahil hindi lamang ang pera ang dahilan kung bakit tayo patuloy na nabubuhay sa mundo.

    TumugonBurahin
  5. Tunay ngang isa sa mga dahilan kung bakit nagbabago ang emosyon ng mga tao ay dahil sa kaluwangan o kakulangan sa PERA . Di maitatangging nakatutulong ang pagkakaroong ng pera sa pagningning ng ating mukha at pagpapakita ng ating mga ngiti at tuwa ngunit , wag nating kaliligtaan na hindi lamang sa pera umiikot ang mundo at mayroon pang ibang bagay ang maaaring maging dahilan ng ating kagalakan.

    TumugonBurahin
  6. Puro pera na lang ang nakikita ng mga mata ng tao . Totoo nga na marami itong bagay na mabibili na kailangan natin sa pang-araw-araw na buhay . Ngunit nagiging iba na ang pagtingin natin sa pera . Sa paningin ng tao , ito na ang pinakamahalagang bagay sa mundo . "Pera na ang nagpapaikot sa mundo " , yun ang totoo . Kulang na lang ay sambahin na ng tao ang pera para lang mabuhay dito sa mundong napapailalim sa kapangyarihan nito .

    TumugonBurahin
  7. Ang pera ay masasabi nating isa sa mga bagay na kailangan natin upang mabuhay. Halos lahat ng bagay sa ating mundo ay mayroong presyo, mayroong halaga. Ang pagkukulang dito ay makakapabago sa emosyon ng isang tao, ngunit kapag sakto o higit pa ay tayo'y matutwa. Iilan na nga lamang na bagay ang hindi nabibili ng pera, ito ay ang buhay, pag ibig at kasiyahan.

    TumugonBurahin
  8. Masyado nang nagiging 'materialistic' ang ibang mga tao ngayon. Nabubuhay nalang sa pera, dahil sa pera, para sa pera - mukha na tuloy pera. Hindi na tuloy nabibigyan ng halaga ang ibang mga bagay. Sana magbago pa ang pananaw na ito ng ibang mga tao.

    TumugonBurahin
  9. Ang tulang ito ay sumasalamin sa ating mga tao. Di bat totoo naman, pera ang syang nagpapatakbo ng ating buhay? Panu tayo makakakain, makakabili ng damit. Panu matutustusan ang ating matrikula? Di bat sa pera lahat nanggagaling ang pangtustos natin sa lahat ng bagay? Pero wag tayong masyadong magpaalipin dito dahil dadalhin lang tayo nito sa mundong walang kabuluhan.

    TumugonBurahin
  10. Pera! nag sasabi ang tula na to na tila pera na ang siyang makapangyarihan sa lahat na ito ang dahilan ng lahat. sa pagkain kailangn ng pera pambili ng bigas, sa pagpapasaya o pambil ng mga gamit pera din ang syang kailangn. anu pa nga ba ang halaga ng ating buhay kung puro pera nalamng ang siyang dahilan ng lahat? panu ang mga kapos at dukha?na siyang wlang pera.

    TumugonBurahin
  11. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:08 PM

    Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan, hindi maipagkakaila na ang salapi ay mayroong kahalagahan. Ito ay kinakailangan upang mapunan ang ating mga pangagailangan. Hindi tayo mabubuhay kung walang pera sa ating kamay – pambili ng pagkain, bahay, damit. Subalit, nararapat tayong maging mautak sa paggamit nito. Ang salapi ay maaaring maging sumpa sa halip na biyaya. Kung tayo ay magiging gahaman sa paggamit nito, makakasira ito ng ating pagkatao sa kabila ng mga bagay na maaaring matamo sa pamamagitan nito. Tandaan natin na ito ay isang materyal na bagay lamang.
    Isang magandang halimbawa nito ang ating mga mahal na latuan noong tayo’y bata pa. Ang halaga ng laruan ay hindi nakapagpasaya sa atin kundi ang katotohanang naibahagi natin ito sa mga mapagmahal nating mga kalaro.
    Mamuhay tayo ng payak. Ika nga, “The best things in life are free.” Ito ay isang katotohanang mahusay na nailahad sa tula.

    TumugonBurahin
  12. Totoong kailangan natin ng pera dahil ito ang paraan natin ng pambili ng mga bagay na kakailanganin natin sa buhay katulad nalang ng pagkain damit at etc... kahit pera ang nagpapatakbo sa mundo wag nating kalimutan na hindi lng pera ang nagpapasaya sa atin. Marami pang mas mahalaga sa pera katulad nalang ng mga friendship, character, values, achievement. "Money isn't everything but lack of it will certainly make our lives miserable".

    TumugonBurahin
  13. habang tumatagal ang mga tao maxadong busy sa trabaho makakuha lang ng malaking halaga tugon sa pinaghirapan nila at dahil sa pagiging busy nila ndi nila namamalayan ang pamilya nila.. nalilimutan na!.. para sakin hindi "pera" ang magpapatakbo ng buhay, kundi SAYA, sayang kaloob ng mahal sa buhay..

    TumugonBurahin
  14. mahalaga nga ang pera.
    lalo na sa panahon ngayon. pag wala kang pera,kawawa ka.
    pero hindi naman pera ang tunay na magpapasaya sayo. pagmamahal, pamilya,mga kaibigan. madami ka ngang pera, wala ka namang pamilya at walang nagmamahal sayo.
    may kaibigan ka nga' pero pera lng naman pala gusto nila sa'yo.
    mahalaga ang pera, pero hindi yan ang lubos na magpapasaya sa tao.

    TumugonBurahin
  15. totoong kailangan natin ng pera para mabuhay .. para makamtan ang ating pangangailangan, ngunit ang pagkahumaling dito na parang ito na ang lahat sa atin ay hindi na makatarungan..marami pa ang tunay na mkpagpapasaya sa atin, at sa lhat ng iyon mas marami ang ndi nabibili ng pera.wag nating hayaan na alipinin nito ang ating pagkatao.materyal na bagay lng iyan.

    TumugonBurahin
  16. kailangan nating mabuhay sa mundong ito.
    at upang mabuhay tayo, kailangan natin ng pera.

    hindi masama ang pagtakbo ng isipan sa kung paano ang magka-pera
    sa panahon ngayon,,

    kailangan nating maging PRAKTIKAL sa buhay.

    TumugonBurahin
  17. Sa panahon ngayon, marami na ang sumasamba sa pera. Ang iba ay takot mawalan ng kayamanang bumubuhay sa pamilya. Lahat tayo ay kaylngan ng panggastos. Ngunit hanggang saan ba dapat itong pahalagahan? Ang tula ay naglalayong gumising sa damdamin ng mga mamamayan, na ang pera ay nagbibigay ng panandaliang kasapatan pero di kayang ibigay ang tunay na kaligayahan. Mas mainam ng puno ng pagtawa at pag-asa keysa sumamba sa pera. Ang kawalan ng pag-asa ang tunay na batayan ng iyong kasawian.

    TumugonBurahin
  18. Tunay ngang tila pera na ang nagpapaikot sa mundo. nainiwala ako sa mga nabanggit ng may-akda. maganda ang paghahambing na kanyang isinagawa. Naintindihan ko rin ang tula kahit na gumamit siya ng tayutay dahil maayos ang kanyang paglalahad na isinagawa.

    Sana nga'y huwag nating bigyang prayoridad ang pera higit sa ibang mas mahalagang bagay sa buhay.

    TumugonBurahin
  19. Gumamit ng paghahambing ang may-akda, ang pera at ang mukha. Totoo ang kanyang nais ipahayag, sa kasalukuyan ay pera ang dahilan kung bakit sumasaya at ngumingiti ang tao. Subalit, ano nga ba ang saysay ng mga ngiti kung wala naman ang halaga sa likod nito?

    TumugonBurahin
  20. Sang ayon ako dito , wala na ngang pera , sisimangot ka pa hehe xD , maari ngang marami ang impluwensiya at benepisyo ng pera ngunit hindi dapat ito maging dahilan para masira ang buhay ng isang tao.

    TumugonBurahin
  21. Kahanga-hanga ang paglalahad ng may-akda ng tunay na papel na ginagampanan ng pera sa mundo. Tunay ngang kakambal ng buhay natin ang pera. Gayunpaman, isipin sana natin na hindi lahat ay mabibli nito.

    TumugonBurahin
  22. sa panahon ngayon, ang naging basehan na ng kaligayahan ay kayamanan.
    ibang iba na siguro ang takbo ng mundo ngayon, dati nasabi sakin ng lola ko..
    '' masaya ang aming pamilya sa simpleng pagkain, ang amin namang libangan ay kwentuhan at kantahan, pero ngayon, ang dami ng hinahanap ng tao. computer, cellphone at kung anu-anong mga luho.''
    nawala na talaga ang simpleng pamumuhay ng dahil salapi/ kayamanan.
    para sa mga tao ngayon, pag walang pera, wala ng saya.

    TumugonBurahin
  23. Gusto ko po ang tulang ito. Simple pero may katotohanan.

    Alam ko sa panahon ngayon, tondo ang atensyon ng tao sa pera. Kasi pagwala kang pera, walang pagkain, damit, tubig, tirahan...walang "pag-asa". Pero dapat di mawala ang kahalagahan ng mga simpleng bagay na hindi nabibili ng pero; pamilya, kaibigan, pagmamahal at saya.

    Pwede mo bilin lahat ng gusto mong materyal na bagay, pero nasisira din ito, magsasawa ka din, at uulit lang ang cycle. Totoo, kailangan natin ang pero. Huwag lang natin gawing buong buhay ito.

    TumugonBurahin
  24. haaayyyyyy. . . pera na talaga ang nagpapatakbo ng buhay ngayon. Pag wala kang pera, d ka mabubuhay kaya hnde na dapat natin ginagastos ang ating pera sa mga masasamang bisyo bagkus ay ipambili na lamang ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at damit.

    TumugonBurahin
  25. Katotohanan ang nasa tula. Pera na lang palagi ang ating iniisip, pati ang halaga ng ating kaligayahan minsan isinasaalang-alang nadin natin sa pera. Sa pangaraw-araw nating pangagailangan, laging may kinalaman ang pera.

    TumugonBurahin
  26. Dalawang mukha ng buhay, hindi magandang pakinggan ngunit totoo. Naklulungkot isipin na minsan nakadepende na sa salapi ang buhay ng tao. Kapg wala ito parang ang hirap ngumiti at lasapin ang kagandahan ng mundo. Nagustuhan ko ang pahayag na "May ningning ang pera, walang mukha, sumisimangot ang mukha, walng pera" Isang pananagutan sa tao ang maging masaya regalo ito ng maykapal at hindi dapat sinisira. Materyal na bagay lamang ito at 'di dapat masyadong binibigyan-pansin. Ang akda na ito naway magsilbing aral sa atin

    TumugonBurahin
  27. sa buhay ng tao puro pera na lang ang mahalaga...sa tingin nila di sila mabubuhay kung wala ang pera...nagbabago ang lahat kapag pera na ang pinag uusapan pati prinsipyo ay nagbabago na rin

    TumugonBurahin
  28. Sa ating mundo ngayon ang inisip ng tao ay pera. Lagi na lang ang pera. Totoong mahalaga ang pera, marami kang mabibili gamit ang pera pero marami ring mga bagay ang hindi mabibili ng pera tulad ng Pamilya at mga kaibigan. Ang kasiyahan na binibigay ng pera ay sandali lang di tulad ng nakukuha sa pamilya at mga kaibigan.

    TumugonBurahin
  29. "Why is everybody, so obsess? Many can't buy us happiness" -Price Tag
    Kunsabagay, malaki din kasing tulong sa isang tao ang pagkakaroon ng pera. People are working to earn money, to survive. Di ko alam ah, pero siguro masasabe ding survival need and pera. Pero syempre may mga bagay na mas hihigit pa sa pera. :)

    TumugonBurahin
  30. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  31. Ang mundo natin ay hindi iikot kung walang pera. Kung wala kang pera, hindi tatagal ang inaangkin mong pag-asa. Sa modernong mundong tinitirahan natin, kailangan ng pera. Kailangan ng pera para sa pagkain, para sa pag-aaral (Kahit pagpunta sa paaralan hindi lang tuition fee), para sa pamilya, at pati na rin minsan para sa panliligaw.

    TumugonBurahin
  32. Talamak na po talaga ngayon ang mga taong pera ang nagpapaikot ng kanilang mundo. Ito po ay sa kadahilanang madameng bagay ang nabibili ng pera. Pero hindi po tama iyon dahil ang tunay na kasiyahan ay hindi kayang bilhin ng pera. Ang mga bagay na nagpapasaya sa isang tao ay hindi kayang manipulahin ng pera.
    Isang mahusay na tula po ang aking nabasa mula sa inyo. :)

    TumugonBurahin
  33. Pera na ang nagpapaikot sa mundo. Hindi na alam ng mga tao ngayon ang tunay na kahulugan ng kaligayahan dahil sa pera. Hindi nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan.

    TumugonBurahin
  34. kristel anne bernaldezOktubre 17, 2012 nang 4:26 AM

    Tunay ngang pera ay mukha. Ito na ang nagdidkta ng saya at lungkot. Lahat na nga ata ngayon ay konektado sa pera. Pera na ang nagpapatakbo sa mundo. Pera rin ang humahati sa mundo-may pera at walang pera. Masyado na tayong nagiging makamundo.

    TumugonBurahin
  35. Magandang araw po sa iyo Ginoong Jomar Adaya!!!

    Totoo ang inilalahad ng tulang ito. Hindi lahat ay pera at pera lamang ang kasagutan. May mga bagay sa mundo na hindi kayang tumbasan ng salapi. Ang mga materyal na bagay na ito ay naglalaho at napagsasawaan ngunit ang mga bagay na hindi mabibili ng salapi ay panghabang buhay at palagi mong kaagapay sa hirap man o ginhawa.

    Hindi maikakaila na sa pangkasalukuyang mundo ay napakahirap mamuhay dahil sa ultimong ang mga basikong pangangailangan ay sadyang napakahirap tugunan. Hindi din maitatatwa na sadyang kailangan ng kahit na sino ang kumayod ng parang kalabaw upang kumita lamang ng salapi na totoong kinakailangan upang makasalba sa pangaraw-araw na pamumuhay.

    Oo nga't kailangan natin ang salapi ngunit, hindi ito nangangahulugan na dapat tayong magpasailalim sa kinang nito. May kasabihan nga na ang salapi ay napakagaling na alipin ngunit napakasamang panginoon. Dapat natin laging alalahanin na "ano ang saysay kung mapapasakamay natin ang buong mundo ngunit sa proseso namang ito ay makukumpurmiso naman ang iyong kaluluwa".

    Wika nga ng mga matatanda, "Tayo ang magpagalaw sa salapi at hindi ang salapi ang magpagalaw sa atin" at "Lagi nating tatandaan na walang namamatay na may kagat na piso"

    -Marc-

    TumugonBurahin
  36. malaking bahagi ang ginagampanan ng pera sa buhay ng tao at sa mundo. lahat ng bagay sa mundo ngayon ay may halaga, may presyo. pera ang isa sa nagpapakasaya sa buhay ng tao. subalit tandaan natin na hindi lang pera ang makapagpapasaya sa atin kundi maging ang mga mahal natin sa buhay..

    TumugonBurahin
  37. Pinapakita dito na ang mga tao ay napapaikot ang pera, kumbaga nga ay mas sinasamba natin ang pera kumpara sa mga dapat talaga natin pahalagahan. Dahil iniisip ng tao na tanging ang pera lamang ang makapagbibigay sa kanila ng kasihayan. At dahil ang mundo natin ngayon ay napapaikot ng pera. Sabi nga, ang tanging libre na lang sa mundo ay mangarap.

    TumugonBurahin
  38. Ito ay isang bagay na di bago sa akin. Isa ito sa mga hinanakit ko sa buhay, ang pagiging mahirap. Ang kahirapang gusto kong takasan at takbuhan, alam kong pera ang kasagutan dito. Alam kong lahat naman tayo gusto magkaroon ng maginhawang buhay, at ang sumasalamin ng kaginhawaan ng tao, sa panahon ngayon, ay ang ilusiyon na sarap na dulot ng pera. Oo! Aaminin kong ang isa sa mga pangarap ko ay yumaman ng sobra, o di kaya'y ang mga pangarap ko'y nakasalalay sa aking pagyaman. Lahat tayo ay gusto ng pera, ginhawa, o kaya ng mga pang-aliw sa sarili na mga gadgets, pero sa paglalim ng kagustuhan yumaman, lalo tayong nabubulagan sa mga tunay na ligaya ng buhay. Ang ligaya na pwedeng maidulot ng pagngiti ng isang tao sa'yo, na walang pera ang makapapantay.

    TumugonBurahin
  39. Pera pera. Maraming kumikilala sa pera bilang kaligayahan ng tao. Kapag walang pera tila walang ligaya. Pera ang katapat ng halos lahat ng bagay sa mundo. Hindi ba't di ka makakakain ng masarap kung wala kang pera. Walang luho kung walang pera. Kapag sinwerte at may maraming salapi, eh gayundin karami ang luho. Mangarap na nga lang ang nagagawa ng ibang kapos. Ngunit dapat isipin na hindi pera ang sukatan ng kaligayahan ng tao.

    TumugonBurahin
  40. ako ay nabuhay sa pamilyang hindi nakaka-angat sa buhay ..
    sapat na sa akin ang matugunan ang aking mga pang-araw-araw na pangangailangan , at hindi na nagmimithing maibigay pa sa akin ang aking mga materyal na bagay ...
    kaya't alam ko ang halaga ng pera ..
    ito ang tumutugon sa pisyolohikal na pangangailangan ng aming mag-anak ..
    sa aking sariling perspektibo , ayos lang na gumamit ng SAPAT na pera .. ngunit ang LABIS-LAIBIS na pagkaganid dito ay hindi makakabuti sa isang indibidwal .. minsan , ito'y nag-uudyoksa atin upang gumawa tayo ng mga bagay na hidi mabuti , bagay na labag sa mga kautusan ng Diyos ...

    huwag sana nating gawing buong buhay natin ang pera .. sapagkat di lahat ay mabibili nito .

    TumugonBurahin
  41. Sa panahon ngayon ay hindi natin maipagkakaila na mahalaga ang pera, lalo na sa pagbili ng ating mga pangangailangan sa araw-araw. Mahalaga ang pera subalit ang pagnanais na magkaroon ng labis na pera ay maaaring makapagdulot ng kasamaan sa tao. Ang tulang ito ang nagpapatunay ng epekto ng pera sa mga tao. Nailarawan nito ang malaking epekto ng pera sa buhay ng tao lalo na sa kanilang mga mukha. Huwag na tayong maghangad ng labis na pera lalo na kung maaari tayong gumawa ng masama.

    TumugonBurahin
  42. Di na tayo makakagalaw ng maayos kung wala ang pera o salapi dahil lahat ng kinakailangan natin para mabuhay ay nakukuha lamang natin kung tayo ay may pera. Mahirap dahil nabubulag na tayo halos nito. Na dapat, kung uso ang ganito, dapat may ganito tayo. Pag nauso ang ganyan, dapat may ganyan na tayo. Napapaikot tayo ng pera dahil konti man o marami ang hawak natin, di tayo marunong mag-badyet. Nakakalungkot pag gusto mo pang kumain pero wala ka nang pera dahil pinang-load mo na. Yun yun eh! Mga ganung pangyayari. Di maiiwasan yun dahil mas gusto nating may status tayo sa paligid natin kahit magutom tayo. BOW!

    TumugonBurahin
  43. Pera nga naman ang ikinabubuhay ng tao pero malinaw ang mensahe ng tula na ang pera ang siya lamang nagsisilbing materyal na bagay sa tao upang sila'y sumaya. Ngunit ano nga ba ang saya na ibinibigay nito? karangyaan?

    TumugonBurahin
  44. Sa praktikal na pananalita, napakahalaga ng pera sa buhay ng tao. Ito na ang nagpapaikot sa ating mundo. Dahil sa pera, nagkakaroon ng kapangyarihan, pagkakakilanlan at karangyaan ang isang tao. Nagkakaroon siya ng pribelehiyong magawa ang mga bagay na nais niya maging ang pag-apak sa karapatan ng iba.

    TumugonBurahin
  45. ipinapakita nito sa kasalukuyan ay pera na ang nagpapatakbo sa mundo .Kung wala kang pera ,hindi ka mabubuhay.

    TumugonBurahin
  46. Halos pera na ang nagpapaikot sa mundo ng mga tao. Sa bawat gawain nga ata natin ay may kakibat na paggasta. Ang pera na din ang minsa'y sumisimbulo sa kasiyahan para sa ibang tao na hindi ito nakikita sa kanilang kapwa. Hindi dapat tayo mabulag na kung walang pera ay walang kaligayahan, dahil ang ating pamilya at mga kaibigan at sapat na para lumigaya. Kailangan din nating maging magaling sa paghahawak ng pera nang hindi ito mapunta sa walang kuwenta.

    TumugonBurahin
  47. Pera na syang pangunahing dahilan kung bakit tayo nabubuhay dito sa mundo, dahil lhat ng mga pangunahing jkailangan natin ay binibili sa pamamagitan ng pera.Ang hirap isipin kung wala tayong pera, dahil paano na ?? Paano tayo mabubuhay, basta ang hirap ipaliwanag kaya narapat lang na tayo ay marunong magpahalaga sa bawat halaga nito kahit na yan piso.

    TumugonBurahin
  48. Ang tulang ito ay naglalahad na ang buhay ay nababalot na ng kasakiman ng pera. Dito nating mahihinuha na halos lahat ng bagay ay nagkakaroon ng halaga salapi at lahat ay gagawin natin para hindi mawala ang silaw na umaaninag sa pera. Sa ngayon ay parang napapaligiran na tayo ng kasakiman ng pera at hindi natin masusulusyuman ito kung pati tayo ay ganun na rin. napakagandang tula na may napakahalagang aral sa buhay. Napakahusay ang pagpapagawa at lahat ay nakaayon sa tema. nakakabilib! :)

    TumugonBurahin
  49. BSP I-4 PUP

    Aminin na natin ang katotohanan. Sa panahon natin ngayon, hindi na mabubuhay ang tao kung walang pera. Lahat na yata sa mundo ay nabibili na nito. Naghahatid ito ng tuwa't saya. Nagdudulot rin ng lamat sa kumakalam na sikmura. Ngunit marapat lang na isaisip natin na panandalian lang ang tuwa't saya na maibibigay ng pera. Hindi dapat umikot ang buhay natin sa pera lamang. Dahil pag nangyari ito, magiging sakim at ganid ang mga tao.

    TumugonBurahin
  50. Napakaganda ng diwa ng tula. Pinapatunayan dito na maraming nabibili ang pera pero hindi kailanman nito nabibili ang mga di material na bagay--nakakabili ito ng gamot ngunit hindi ang kalusugan,nakabibili ito ng kama ngunit hindi ang pagtulog—lalo na ang kaligayahan at pagmamahal. Ano pa nga ba ang silbi ng pera kung ang kapalit nito ay ang ating kaligayahan?

    TumugonBurahin
  51. sa panahon natin ngayon, lahat ng bagay sa pera umiikot..
    pera pambili ng pagkain, damit, pambayad ng kuryente, tubig.
    sa lahat ng bagay kasama ang pera.
    pero dapat nating tandaan na ang tunay na kaligayahan hindi naku2ha ng pera. kaya huwag natin masyadong santuhin ang pera.
    PAHALAGAHAN natin ang taong nasa paligid natin na tunay na nagmamahal at tunay na nagbibigay kaligayahan satin..

    TumugonBurahin
  52. Sang-ayon ako sa akda na ang pera ay mahalaga sa ating pang-araw araw na buhay. Kung wala ito, maaaring magutom. Maaari ring makaramdam ng lungkot dahil sa hindi mo mabibili ang nais mong bilhin.

    Gayunpaman dapat na ang pera ay gamitin ng maayos. Dapat na tipidin dahil nauubos ito.

    Hindi lahat ng bagay sa mundo ay kayang bilhin ng pera. Kailangan natin ng kaligayan pagmamahal, pamilya kaibigan na hindi matutumbasan ng anumang salapi.

    TumugonBurahin
  53. mahirap mabuhay lalo na kung walang pera, lalo na sa panahon ngayon. paano ka nga naman kakain kung wala kang pambili ng pagkain. Oo, mahalaga nga ang pera pero hinid dapat natin ito sinasamba. Lagi parin dapat nating tandaan na ang lubos na kaligayahan ay hindi matutumbasan ng kahit anumang kayamanan. :)

    TumugonBurahin
  54. Akala ko'y may mali sa tula . Sadya pala ang paguulit-ulit ng mga salita dito . Akala ko magulo ngunit may kabuluhan pala . Ano nga namang saysay ng kayamanan kung wala namang kaligayahan ? Hindi lahat ay nabibili ng pera . Minsan ito pa ang dahilan ng pagsakit ng mga ulo ng mga tao . Pero mahirap talaga kung walang pera :D

    TumugonBurahin
  55. Mahirap na talaga ang buhay ngayon kapag wala kang pera lalo pa sa mga katulad ko na nasa isang paupahang kwarto lamang at kailangan magtipid upang sumakto at hindi kulangin ang perang hawak. Ngunit hindi ito naging hadlang sa akiong kaligayahan, ito lang naman pera ang dahilan para maging masaya.

    TumugonBurahin
  56. maganda ang tula. nagpapahayag ng makatotohanang tema. sa totoo lang tama ang nasabi na ang pera ang nagpapa-ikot sa mundo, dahil doon maraming tao ang gusto nito-maraming pera..kaya maraming krimen sa mundo..

    TumugonBurahin
  57. Malinaw ang mensaheng nais ipabatid tungkol sa naidudulot ng salapi sa bawat isa.Ipinapahiwatig ang kapangyarin ng pera aat mga bagay na kaya nitong gawin. Sa kabilang banda, maganda ang tula at lalo pang nagkaroon ng buhay dahil sa mga salitang magkasing tunog na ginamit sa hulihan ng bawat linya.

    TumugonBurahin
  58. Sumusang-ayon ako na mahalaga talaga ang pera sa ngayon. Sabi nga ng iba, halos lahat ay nabibili na. Ngunit wag nating kalimutan na ang kasiyahan ay depende pa rin sa tao. :))
    Maganda ang pagkakagawa ng tula. Maikli ngunit puno ng kahulugan. Ang bawat mambabasa ay magkakaroon ng realisasyon tungkol sa estado natin ngayon.

    TumugonBurahin
  59. Maayos na ipinabatid ng may-akda ang epekto ng pera sa bawat isa. Napakahalaga talaga ng pera sa panahon natin ngayon. Ito ay masasabing maikli subalit punong-puno ito ng puntong nais ipabatid ng may-akda.

    TumugonBurahin
  60. Sa kasalukuyang panahon mahalaga tlaga ang pera sa buhay ng tao. Dahil dito nakakabili tayo ng ating mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain. Subalit bano nga ba ang silbi nito kung tayo ay nawawalan na ng kasiyahan? Maganda ang mensahe ng akda.

    TumugonBurahin
  61. Maganda ang nais ipabatid ng may akda. Sa ating modernong panahon natin ngayon, hindi natin maipagkakaila na mahalaga talaga ang pera sa buhay ng tao. Lalo na't pahirap na ng pahirap ang buhay ng tao. Isang tulang hitik sa makabuluhang impormasyon.

    TumugonBurahin
  62. sa panahon ngayon, hindi tayo mabubuhay kung walang pera
    dahil sa panahon ngayon,wala nang libre sa mundo.

    TumugonBurahin
  63. Nakalulungkot isipin, na parang ang pinagbabatayan ngayon ng kasiyahan at katuwaan ng tao ngayon ay pera. Na mukhang ito ang nagdidikta at nagtatakda ng gawi ng tao. Nakakalungkot isipin na tayo ay nabubuhay sa isang bulok na sistema kung saan ang nagpapatakbo ay pera. Parang ang lahat ng bagay ay maaaring bilhin ng pera.

    TumugonBurahin
  64. Maganda ang mensahe ng may-akda. Napakahalaga talaga ng pera ngayon dahil nakakabili tayo ng mga pangangailangan natin gamit ang pera. Ang tulang ito ay maikli pero punong-puno ng kahulugan.

    TumugonBurahin
  65. Tama! Hindi matutumbasan ng pera ang ngiti sa iyong mukha. Pero, para sa atin, ang pera ay napakahalaga, dahil ang pera ay nagagamit upang mabili ang ating mga gusto. :)
    Huwag nga lang sobra-sobra.. :3

    TumugonBurahin
  66. Masasabi nating mahalaga ang pera sapagkat kailangan din natin ito para mabuhay. Dahil sa pera ay nabibili o nakukuha natin ang mga kailangan at gusto natin sa buhay. Subalit, mas maraming magaganda at mahahalagang bagay ang hindi nabibili at nabibigay ng pera. Hindi nabibigay o nabibili ng salapi ang wagas na pag-ibig maging ang matamis na ngiti sa ating mga labi.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pinapahiwatig ng tulang ito ni Sir. Adaya ang pagkapigil ng pagunlad ng bansang mahirap dahil sa nakapatong na halaga sa bawat salapi na nagdudulot ng hirap sa mga mamamayan na hindi natutugunan ang pangangailangang mabuhay.

      Burahin
  67. Camille Nicole SanchezOktubre 18, 2012 nang 6:10 AM

    masasabi natin ngayon na ang bawat ay tao ay kinakailangan pera para mabuhay sa mundo, dahil sa ngayon ay wala ng libre. marami tayong pangangailangang kailangan ng pera nupang matugunan, iba sa mga ito ay ang pinakamahalaga sa lahat ang pagkain.

    TumugonBurahin
  68. tamang tama ang tula na to... wala ng halaga ang ibang bagay...dahil sa kahirapan ng mga tao ay mas pinahahalagahan na ngayon ang mga materyal na bagay...

    TumugonBurahin
  69. Kailangan ng tao ang pera para sa kanyang pangangailangan, ngunit hindi naman tama na maging materialistiko ng bawat tao.

    TumugonBurahin
  70. Pera, pera na nga lang ba? Ito na lang ba talaga ang tanging mukhang nakikitang nagpapaikot sa mundo? Tingin ko hindi. Tandaan na ang mga bagay na higit na makapagpapaligaya sa'tin ay di matutumbasan ng kahit anong salapi ng tao.

    TumugonBurahin
  71. hindi lahat ng tao ay kailangan magpasasa sa mga materyal na bagay para sumaya

    TumugonBurahin
  72. Hindi naman kailangan ng salapi para makamit ang kaligayahan sa buhay,ngunit malaki ang punto ng tulang ito,moderno na ngayon kaya kailangan natin ng pera,dahil lahat ng bagay ngayon ay umiikot na lamang sa pera.

    TumugonBurahin
  73. Oo, totoong mahalaga ang pera lalo na sa panahon ngayon ngunit tulad nga rin ng nasabi ng nakararami na ang pera kailanman ay hindi magiging isang tunay na basehan ng kaligayahan ng tao

    TumugonBurahin
  74. Sa tula'y mahihinuha na ang mga tao'y nasisilaw sa pera na kapag ito'y wala, wala ring tuwa sa ating mga mukha. Ngunit hindi dapat natin idepende ang kasiyahan natin sa salapi. May mga bagay pa o tao na hindi materyal na maaaring maging dahilan ng tunay nating kasiyahan.

    TumugonBurahin
  75. Naibigan ko ang tula dahil talagang sumasalamin ito sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan. Napakahalaga na ng pera ngayon dahil napakadami nating pangangailangan sa buhay na kinakailangan ng salapi ngunit dapat hindi ito ang maging sukatan para sa tunay na kaligayan.

    TumugonBurahin
  76. Pera. Ito ay mahalaga sa lahat ng tao dahil ginagamit natin ang pera upang mabili ang mga bagay na ating gusto at makapagpapaligaya sa atin. Sa aking palagay, naipapahiwatig sa tulang ito na ang pera ang syang nagpapaikot sa ating mundo.

    TumugonBurahin
  77. Napakamakatotohanang akda.Totoo na sa panahon natin ngayon, pera na ang siyang kumokontrol at nakakapagpatakbo ng ating buhay. Anu nga ba ang mangyayari sa atin kung walang pera?mabubuhay ba tayo?Nakakalungkot lang na minsan ay sa sobrang halaga ng pera sa atin ay parang ito ay sinasamba na ng ibang tao, kaya na nilang kumitil ng buhay upang magkaroon lamang ng pera at minsan ay hindi naman ito ginagamit sa marangal na bagay. Sana ay maging malinaw sa ating lahat ang tunay na kahalagahan ng pera. Huwag tayong maging gahaman!.

    TumugonBurahin
  78. HIndi maikakaila ang kahalagahan ng pera. Ito ay isa sa mga makakapangyarihan bagay sa mundo, masasabi na ang pera nga ang pinakamakapangyarihan. Madaming tao ang nasisilaw dito at ito ay hindi nararapat. :)


    Richelle Inocencio Balza
    BSA I- 15

    TumugonBurahin
  79. Kung mapapansin natin sa panahon ngayon, PERA ang pinakamahalagang bagay sa tao. Oo mabibili ng pera lahat ng gusto natin at tanging pera lang ang nagpapa-ikot sa mundo. Pero dapat natin tandaan na hindi mabibili ng pera ang kaligayahan. Wag nating sambahin ang pera. Pera lang yan! Mauubos at mauubos din yan.

    TumugonBurahin
  80. Pera, pera, pera. Walang dudang dito na umiikot ang buhay natin. Halos lahat ng tao ay puro materyal na bagay na lamang ang iniisip. May mga taong kayang kayang pumatay para lang sa pera. Ang pera ay ang ugat ng lahat ng kasalanan.
    Sana maisip natin na ang ating mga kayamanan ay hindi naman natin madadala sa kabilang buhay.

    TumugonBurahin
  81. Para sa akin, ang pera ay hindi dapat gawing sentro ng ating buhay. Dapat isa lamang ito sa mga magpapaganda ng kalidad ng pamumuhay dito sa lupa. Hindi dapat sinasamba ang yamn sa lupa.

    TumugonBurahin
  82. Nakakatuwa ang mga akda ng author dahil halos lahat ng ito ay ang realidad ng buhay ng mga tao. Totoong ang pera na ang nagpapaikot ng buhay ng tao at ito na ang nagsisilbing susi ng kaligayahan.

    TumugonBurahin
  83. Napaka ganda ng tulang ito sapagkat ipinaliwanag dito ang muka ng tao kapag walang pera at kung gaano kahalaga ng pera sa buhay. ito ay napaka riyalidad sapagkat tunay ngang ito ay nangyayari sa bawat isa.

    TumugonBurahin
  84. Masasabi na ngayon ay pera ang nagmamanipula sa mga tao.. Ito ang nagpapaikot ng mundo.. Pero hindi dapat ito ang maging basehan ng pagiging malaigaya.. Ang tunay na kaligayahan ay hindi nangangailangan ng materyal na bagay.

    TumugonBurahin
  85. masakit man aminin ,. pero sa panahon natin ngayon ang pagkakaroon at pagkwala ng isang tao ng pera ay malaking bagay.. halos sa pera nalang kasi umiikot ang mundo . pamasahe pauwi, pambili ng pagkain , kung may biglang bayarin , kung may kulang na materyales para sa proyekto , sa pagloload sa pagkokompyuter.. at sa marami pang bagay , pero sana kahit na ganito , mabatid pdn ng mga tao na , HINDI LAHAT NG BAGAY AY TUNGKOL SA PERA!

    TumugonBurahin
  86. Ang tulang ito ay nagpapakita ng realidad ng buhay. Tunay ngang napakahalaga ng pera sa tao. Ang pera ang siyang nagbibigay ng mga kakailanganini sa araw- araw ngunit kahit ganoon masasabi pa rin natin na maaari tayong maging masaya kahit walang pera lol

    TumugonBurahin
  87. naipakita ang isang realidad sa buhay nating mga tao - mahalaga ang pera. Talaga naman kasing kailangan ito sa pang araw araw na buhay, nauugnay ito sa ating magiging emosyon sa buong araw. Pero dapat ay hindi masyado maging materyal ang mga tao dahil ang mga ito ay nawawala din naman.

    TumugonBurahin
  88. Sa tula ay nabigyan ng empasis ang labis na pagppahalaga ng tao sa pera. Tama nga naman dahil kung walang pera ay magiging mahirap ang mamuhay sa mundo. Ngunit hindi tama na gawing tanging basehan ang pera upang lumigaya.

    TumugonBurahin
  89. Ang pera ay hindi mapagkakailang mahalaga sa tao; halos lahat ng bagay sa mundo ay may katumbas na pera. Ngunit, hindi dapat maging mukang pera na dumadating na sa punto na nagiging sakim na tayo. Pera lang yan, hindi lahat ng bagay sa mundo ay kayang bilhin nito tulad ng kaligayahan.

    TumugonBurahin
  90. Ang bawat tao'y nangangailangan ng pera para mabuhay sa mundo. Tama lang na ito'y kailanganin, pero mali na itong purihin. Ang bawat tao'y may pagpipilian. Isa na sa mga ito ang pagpili kung ikasisiya mo ito o hindi. Nasa iyong mga ngiti ang bawat mensahe na gustong iparating. Sa tula, ang ngiti ay nababawasan dahil sa pera. Tama pa ba ito? Na ang pera ang iisang bagay na nakakapagpangiti sa atin?

    TumugonBurahin
  91. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  92. Isang malungkot na katotohanan na masyadong nagiging materyoloso ang tao. Higit na minamahal ang pera kaysa sa mga bagay na tunay na may halaga.

    TumugonBurahin
  93. Nakakalungkot isipin na napapaikot ng pera ang isip at kilos ng tao. Hindi lang pera ang makakapagpaligaya sa buhay ng tao.

    TumugonBurahin
  94. Sa tulang ito ay naglilinaw ng tunay na hangarin ng tao ngayon. Mga bagay na nagbibigay sa ibang tao ng kasiyahan "ang pera". Sa mundo, sinasabing hindi mabubuhay ang tao na walang pera, na sadyang totoo ngunit hindi lahat ng oras ay kailangan natin ng pera. Isang katotohanang karamihan ngayon ng tao ay maghangad ng mga materyal na bagay na nakakalungkot para sa akin. Maikling panahong kasiyahan lang ang makukuha natin sa materyal na bagay, ang tunay na makakapagpakasaya sa atin ay pagmamahal ng taong nakapaligid sa atin.

    TumugonBurahin
  95. Ang tulang ito ay naglalayon na iparating sa mga tao na huwag nating hayaan na pera lang ang maging dahilan ng ating kaligayan. Dahil ang tunay na kaligayahan ay hindi nabibili ng pera.. Hindi ito naibibigay lang sa mga materyal na bagay lang.

    TumugonBurahin
  96. Pinapaikot ng pera ang mundo. Nawawala ang saya kapag walang pera. Para san pa ang ligaya?

    TumugonBurahin
  97. Maikling panahong kasiyahan lang ang makukuha natin sa materyal na bagay, ang tunay na makakapagpakasaya sa atin ay pagmamahal ng taong nakapaligid sa atin.

    TumugonBurahin
  98. Ngayon, masasabing mas maraming nabibili ang pera, tulad ng dignidad, masamang sabihing pera na ang Diyos ngayon, ngunit hindi ba unti-unti nang nagiging totoo para sa iilan? napakagandang akda na may napakahalagang aral na mapupulot.

    TumugonBurahin
  99. Ang pera na ata ang nagpapagalaw sa mundo. Madaming tao ang syang nasisilaw sa pera sapagkat iniisip nila na ang kaligayahan ay matatamo dito. Ngunit tandaang ang pera ay panandaliang kasiyahan lamang.

    TumugonBurahin
  100. Ang saya na naidudulot ng pera ay pang maikling panahon lamang, Samantalang ang saya na dulot ng pag-ibig ay walang hanggan.

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  101. Katotohanan na ang Pera ay ang nagpapatakbo na sa mundong ito. Minulat tayo ng modernong mundo na mabuhay para sa mga materyal na bagay. Sobrang limitado ang ating kayang gawin kapag walang pera. Nalulungkot tayo kapag may hindi nabili o napuntahan. yan ang nagagawa ng pera sa atin ngayon.

    TumugonBurahin
  102. oo mahalaga ang per4a sa panahon ngayon hindi natin ito maipagkakaila...ngunit ang paraan ng paghawak sa pera ang sadyang nakasisira sa ating mga tao lalo na kung papasakop tayo sa kapangyarihan ng bagay na ito!!

    TumugonBurahin
  103. Sa panahon ngayon, marami na ang sumasamba sa pera. Ang iba ay takot mawalan ng kayamanang bumubuhay sa pamilya. Lahat tayo ay kaylngan ng panggastos. DAPAT UMAKSYON!

    TumugonBurahin
  104. Hindi naman palaging pera ang nagpapaikot sa buhay ng isang tao. Minsan meron, minsan wala. Ang mahalaga ay matuto tayong gumamit nito sa maayos na paraan dahil baka dumating ang araw na di mo na alam kung saan ka kukuha nito.

    TumugonBurahin
  105. Marami ng tao ang nasisilaw sa pera. Panahon na para matutunan nila ang tunay na halaga ng buhay ay hindi sa materyal na bagay.

    TumugonBurahin
  106. HINDI DAPAT PERA ANG MAGPAIKOT SA BUHAY NG ISANG TAO AT HINDI ITO ANG TUNAY NA DAHILAN PARA SUMAYA ANG ISANG TAO.

    TumugonBurahin
  107. Pera, pera, pera. . . kung nabubuhay ka lang sana, matagal na kitang pinatay.

    TumugonBurahin
  108. Hindi lang pera ang makapagpapasaya sa tao.

    TumugonBurahin
  109. Ang bawat tao ay nakadepende sa pera upang mabuhay sa mundong ito. Ngunit dahil sa maraming bagay, nagiging hadlang ito sa ating pagiging masaya. Dahil sa pera ba ang dapat ikasaya ng tao? Ano na ba ang ibigsabihin ng saya? Pagiging mayaman ba ang solusyon? Ano na ang papatok sa utak mo pagkatapos mo maging masaya?

    TumugonBurahin