Huwebes, Oktubre 11, 2012

HASLER


Mataas ang talsik.  Naghiwa-hiwalay sa ere ang mga teks.  Umiikot paitaas ang bawat isa.  Sumunod ang mga matang nakaabang.  Nakabungisngis si Ebet.  Kunot-noo si Neneng.  Nakanganga si Inan.   Magkakasunod ang paglapag sa kalsada ng Kalinisan Street.  Nakamata ang magkakalaro sa mga teks.  Nakataob ang dalawang pamato samantalang si Superman ang tanging nakitang karakter.
Nagbunyi si Ebet  “hahahaha!  Sabi ko sen’yo eh, ako ang kakamig ng taya n’yo! Kelangan pa bang imemorays ‘yan?”
Kinuha niya ang tig-isang dangkal ng teks ng dalawang kalaro na nakalapag sa kalye.
“’Yoko na. Ubos na teks ko. Tsaka ang hasler mo, eh.”  sabi ni Inan.
“Wala!  Ang duga mo naman.  May daya pamato mo kaya laging tsumatsaya. Nakita ko nga, eh.  Tsaka ang epal-epal mong kalaro.  ‘Pag kami titira ginugulo mo kami. Ta’s ‘pag ikaw naman titira, pinapalitan mo pamato mo.  Ang epal mo talaga!” Reklamo ni Neneng na lalong nagpahaba sa nguso nito.
“Nakita mo?  Nakita mo?  Sa’n banda?  May ebidensya ka ba?”  pabulyaw na tugon ni Ebet habang nilalakihan ng mata ang kalaro.
“Walang daya yun ah!  Patas ako lumaban.  Tsaka pinagbigyan ko nga lang kayo, eh dapat kanina pa kayo said.  Diskarte lang ‘yan sa pagpitik ng daliri.  Palibhasa mga shushunga-shungang bata kayo eh”  Pangungutya niya habang hawak ang mga teks na nakadikit na sa dibdib dahil sa dami.  Dangkal-dangkal niya ang mga iyon.
“’Sensya na.  Olats kayo.  Hehe!  Sarap magbilang.  I…sa, da…la…wa, tat…lo, a…pat, li…ma, a…nim, pi…to, wa…lo, si…yam, sam… “ 
Naudlot ang pagbibilang.  May parang bumalya sa kanya.  Sumambulat ang dangkal-dangkal na teks.    Parang umulan ng confetti.  Kumalat sa kalye.  Pasunggab na pumulot ang dalawang kalaro.  Nagtakbuhan din papalapit ang iba pang mga bata sa paligid.  Hindi magkaintindihan sa pagpulot.
Tiningnan niya ang bumangga sa kanya.  Nakasuot ng pulang chaleko na may mukha ni Mayor.  Parang pamilyar sa kanya.  Bago tuluyang makalayo nilingon pa siya nito.  Nagtaka siya.  Bakit tumatakbo palayo ang tatay niya?  Karaniwang ang tatay niya ang nanghahabol ng mga kriminal sa kalye ng Kalinisan.
Isang kilalang boses ang sunod na narinig niya.  Humahangos habang nagmumura.
“’Tang ina ka Edilberto!  Hayup ka!  Hindi ka pa rin nagbabago!  Tatanggalan kita ng batuta, gago!”  Nanggagalaiting sigaw ng kanyang inang lakad-takbo.
Hindi niya alam ang mararamdaman.  Hahabulin ba ang ama?  O pipigilan ang ina?  Eh, paano na ang mga teks niya?  Ang pagbubunyi.ay naglaho.   
Binasag ni Neneng ang kanyang pagkalito.  Kinuha ang kamay niya. Nakangising may inilapag sa palad.
            “Oh ‘yan!  Kawawa ka naman, eh sayo na ‘tong pamato mo.  Hasler!”
Nabuking ang lihim.  Larawan ni Superman.  Kabilaan.
Walang likod ang pamato.

115 komento:

  1. Nakakaaliw ang maikling kwento na ito. Naalala ko ang aking pagkabata kung kailan nag-laro rin ako ng teks kasama ang aking mga pinsan. Minsan nga ay nagtatalo-talo kami na kadalasan ay nauuwi nga sa pag-aaway lalo na kung sunod-sunod ang pagkapanalo ng kalaban. Nakakatuwang isipin na nakaranas ako ng ganitong uri ng laro noong ako ay musmos pa lamang.

    TumugonBurahin
  2. Ipinapakita sa maikling kwento na ito ang isa sa mga gawain o laro ng mga kabataan - ang paglalaro ng "teks" - na nakakatuwang basahin sapagkat nakakapagpaalala ito ng aking kabataan (pero hindi pa ako matanda). Dati, malimit din akong mapaaway dahil dyan (pero hindi naman dahil sa maduga o madaya ako. HAHA) :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nang binasa ko itong maikling kwentong ito, madalas akong nakakakita ng mga ganitong bata sa kasalukuyan, at nagpapaalala rin ito sa akin ng ako ay bata pa. Kung ako ang tatanungin gusto ko tuloy maging bata ng nabasa ko ang kwentong ito.

      Burahin
  3. Kasama sa pagkabata ang paglalaro na mami-miss natin pag dumating na tayo sa hustong gulang na kung saan wala na tayong inaatupag maliban sa pag-aaral o dili kaya'y pagtatrabaho . Patok sa mga bata ang paglalaro ng teks na minsan pa naga'y di na nagre-recess sa skul , makabili lang at maparami ang kanilang laruan .

    TumugonBurahin
  4. Nakakatuwa naman itong kwentong ito. Bumabalik sa isip ko yung pinagagawa ko nung bata ako. Tama naman e, ndi yun madaya, diskarte yun. :D

    TumugonBurahin
  5. hahaha. . .nakakamiss tuloy magteks.
    akala ku sasabihin nila yung nasa karatula si superman eh. . .haha
    pero ang cute netong kwento nato. ngaun kasi kung may nagteteks man konti na lang. puro computer na kaharap ng mga bata ngayun.

    TumugonBurahin
  6. Ahahahaha... nakakatuwa naman ang maikling kwento na ito parang ako lang nung bata pa ako ahahaha pero nde ako mandaraya. . . parang gusto ko na tuloy maging bata ulit ahahha. . . nice one kuya jomar

    TumugonBurahin
  7. Nakakamiss maging bata! :) haha. Nung bata din ako nagteteks ako e. Pero lagi akong talo. Haha. Hindi talaga nananalo ang mga maduduga. XD

    TumugonBurahin
  8. hahaha .. ang kulit lng eh .. nakakatuwa naman tong kwento na to .. nakakamiss tuloy ung mga panahong bata pa ako.. khit kasi babae ako, naglalaro din ako ng teks .. haha .. masyado nang moderno ang panahon ngaun, pati mga bata sa computer na adik..nakakatuwang may mga akda pang ganito ang nilalaman.

    TumugonBurahin
  9. napakaganda ng kwentong ito. ito ay maikli, ngunit naikwento naman ng maayos ang mga pangyayari at sa paraang hindi nakakainip. pinupuri ko din ang pagpili ng salitang ginamit ng may-akda. ang tema niya ay magaan at makakarelate ang lahat.

    TumugonBurahin
  10. Una sa lahat, nagustuhan ko ang kwento ng Hasler. nakakapagpaalala ang kwentong ito ng larong lahat ata ng batang Pinoy ay minsang naranasang laruin-teks. maayos ang paglalarawan ng mga detalye at ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. nakapang-aaliw din ito sa paggamit ng mga salitang kadalasang gingamit ng mga batang Pinoy. Maiksi ngunit mapang-aliw.

    TumugonBurahin
  11. Nakakatuwang basahin ang kwento dahil naaalala mo ang iyong kabataan. Nasusura ka pag natatalo at syempre ang pagngiti naman kapag nagwawagi. Pero ang kwentong ito ay nagtuturo lamang ng tamang asal, ito ay ang wag mandaya sa kapwa. Magtagumpay ka man kung dahil lamang sa masamang paraan, sigurading di magtatagal babawiin din ng Maykapal ang kasiyahang nararamdaman mo ngayon.

    TumugonBurahin
  12. Kakaiba ang kwentong ito sa mga nabasa ko sapagkat maiksi man ay nakatutuwang basahin. Maayos din ang paglalarawan at pagsasalaysay ng mga pangyayari. Hindi rin ito nalalayo sa kabataan ng makararami kaya sinumang makababsa nito ay siguradong masisiyahan dahil maaring naranasan na niya ito, pwedeng siya ang nandya o nadaya.

    TumugonBurahin
  13. Oo. Aaminin kong dinala ako dito ng aking finals requirement. At kailangan kong magcomment upang pumasa, ngunit di lang iyon ang aking pakay ngayon. Alam kong di ako ang tipo ng taong malawak ang pagbasa at pag-intindi, ngunit may mga gusto akong punahin mula sa kwento. Kung ang pamato man ni Ebet ay magkabilang tatak ni Superman, pag mga kaibigan na niya ang titira, di ba nila ito mahahalata? Natural lang sa isang bata na tignan ang mga teks na hawak nita bago itira, para maka sigurado na lahat ay iisa lang ang direksiyon na hinaharap, at ang pangalawang napansin ko ay bakit nasama ang pangalan ni meyor Dimagiba? Di ko lang mahimay kung ano ang aking aral na napulot sa kwentong ito. Kung ikukumpara ko ito sa My Brothers Peculiar Chicken, malayo ito, ngunit di ako isang magaling na kritiko. Sa koment na ito ko na lang papahayag ang nilalaman ng isip ko ng malaya. Nonetheless, kahit naguluhan talaga ako, masaya ang kwento ng isang batang hasler. :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa komento mo.. sa totoo lang tama ka nakita ko na ring kahinaan ang bahaging iyon ng kuwento. (yung imposibleng hindi mapuna ng mga bata yung baliktarang pamato) ang dapat talagang pamagat niyan ay EPAL.. dahil gusto ko ipakita ang isyu tungkol sa mga politiko na inilalagay palagi ang kanilang pangalan sa mga proyekto na ginagawa nila... magkaiba yung konsepto ng epal sa bata at epal sa politikal na usapin sa matatanda... Maraming salamat sa pagbisita sa blog

      Burahin
  14. Di ko pa natatapos ang pagbabasa ay napapangiti na ko ay hindi natatawa na pala! Hahaha. Gawain ko dn kasi yan nung bata, nagteteks dn ako, puro mga lalaki nga lng kalaro ko :D Maganda at nakakatuwa ang kwentong ito dahil halos lahat ng kabataan ay nakakarelate sa mga pangyayari. :)

    TumugonBurahin
  15. naaalala ko ang aking kabataan sa akdang ito.sa aking pagkakaalala ay hindi ako nanalo sa larong ito kahit minsan. siguro ay dinaya din ako ahhaahaha .. tandaan natin na walang magandang maidudulot ang pandaraya.

    TumugonBurahin
  16. hahaha! Hasler yung bata sa panduruga. haha. lubos na nakakatuwa ang kwento. pati yung mga ginamit na salita ay parang normal na sinasabi ng mga kabataan sa kalsada pag naglalaro. nakakatuwa rin ang galaw ng kwento,dahil para ka lang nanonood ng mga batang naglalaro ng teks sa lansangan at biglang nag-away. di man ako naglalaro ng teks ay nagkaroon pa rin ako ng ganyan dahil gustung-gusto ko ang mga larawan ng iba't ibang cartoons. haha!

    TumugonBurahin
  17. Nakakatuwa. Naalala ko nung bata pa ako na naglalaro ng TEKs :)

    TumugonBurahin
  18. Nung bata ako naglalaro din ako ng TEKS eh. Ganun din ang pagbilang namin at syempre may nakalaro na rin ako tulad ni Ebet, pero syempre ako ang tunay na Hasler! Nakakatuwa tong maikling kwento na to.

    TumugonBurahin
  19. ipinakita dito na kahit bata pa lang ay marunong nang mandaya...

    TumugonBurahin
  20. Hahahaha. Once, nauso din ang Teks nuon samin dati. Hahahaha sarap alalahanin ung times na nagkukumpetensya kami ng mga pinsan ko tapos nagdadayaan kami at nagpaparamihan. Minsan ay nagyayabangan at marami pang iba. Kudos para sa maikling kwento na ito. :bd

    TumugonBurahin
  21. Haha..Bigla kong naalala ako noong bata. Adik din sa teks. Gara-garapon pa yun..haha :) Naalala ko pa yung pagngingitngit ko sa nanay ko mabili lang ako ng teks.. Hehe
    Ang gandang basahin ng maikling kwento na ito dahil hindi lamang ito nakapagpapaalala ng kabataan, ito rin ay naghahatid ng magandang mensahe sa mambabasa.. ang galing po :)

    TumugonBurahin
  22. Naaliw ako sa pagbabasa ng maikling kwento na ito. Naalala ko noong aking kabataan ang paglalaro ng "teks". Iba't ibang karakter din ang mga naroon at sabay itong ihahagis upang malaman kung sino ang panalo. Pero ngayon ay napalitan na ang "teks" ng tinatawag ngayong "pogs". Ibinahagi ng kwentong ito ang kasiyahan ng pagiging bata. Magaling. :D

    TumugonBurahin
  23. Kung babasahin ko muli yung kwento, para bang nagkakatuwaan lamang ang mga naging karakter sa kwento. Kung papansinin, ginamit dito ang mga balbal sa salita na mistulang nagpapakita na ito ang madalas na ginagamit ngayon, pati na rin sa mga pagsulat.

    TumugonBurahin
  24. Parte ng ating pagkabati ang palalaro, lalo na ang paglalaro ng teks. Nakakamiss ang mga panahon na puro paglalaro ang nasa isip mo. Pinapakita ng mga karakter na wala silang inaalala maliban sa paglilibang at paglalaro sa siya namang ginagawa ng karamihan ng mga bata.

    TumugonBurahin
  25. Nikka Patricia MarceloOktubre 17, 2012 nang 4:19 AM

    Talagang nakakalibang ang maiikling kwento tulad ng akdang ito. Simple ngunit maganda ang pahiwatig. Ipinakita dito ang isang tipikal na batang makikita natin sa panahong ito. :)

    TumugonBurahin
  26. nakakamiisss... kng pede lang talaga ako bumalik sa pagiging bata.. :( naeenganyo aq magbasa ng mga akda ng tinta ng haraya.... naaakit damdamin q.. :)

    TumugonBurahin
  27. Hahaha! Kulit lang eh! XD Tsk. Bakit lahat ng Hasler sa mga laro, madadaya? :D Hahaha! May tanong po ako, ano ibig sabihin ng 'inooblek'? O.o Kinukuha? Hahaha! I have no clue eh XD Tsaka, 'pahara-hara' po ba talaga yun? Di po ba 'paharang-harang'? O pareho lang po yun? Hahaha! Basta astig nung kwento XD Brings back memories XD

    TumugonBurahin
  28. Nakakatuwa ang pagkakasulat ng kwento. Maganda itong basahin dahil hindi ito nakakaantok. Ang kuwentong ito ay makapagdudulot ng kasiyahan at makapagbibigay ng aral sa bawat mambabasa. Hindi lang ito nakakatuwa, higit sa lahat mahalaga ang nais nitong ipahatid na mensahe na kapupulutan ng aral. Sana po ay marami pa kayong magawang kuwento na madaling maunawaan ng mga mambabasa.

    Fernandez, Marjorie Q.
    BSA I-2

    TumugonBurahin
  29. Wow ! Napakaganda ng kuwento.Naalala ko tuloy noong bata pa ako na nakikipaglaro sa mga pinsan ko ng teks.Iyong tipong mag aapir kayo habang hawak niyo ang tig-isang teks tapos iyong mananalo ay depende sa kung kaninong teks ang nakatihaya. Namiss ko tuloy ang chilhood days ko =( .Ang galing ng manunulat, pinapakita talaga niya ang kabataang pinoy.hehe ..Kahit bata pa lang may mga para-paraan na para manalo sa pakikipaglaro xD

    TumugonBurahin
  30. Inilalarawan ng kuwento ang pagiging madaya ng isang bata sa pakikipaglaro. Ayon sa pag-aaral, hindi malayong hindi siya magiging matagumpay sa buhay dahil bata pa lamang si Ebet ay marunong na siyang mandaya, paano na lamang kapag siya’y lumaki na. Dapat na bigyang pansin ng mga magulang ang ganitong gawain ng kanilang mga anak at subaybayan sila sa paglaki upang hindi mapariwara ang landas.haha..(masyado lang seryoso sa buhay).

    TumugonBurahin
  31. Ipinakita ng akdang ito ang dalawang problemang kinakaharap ng ating bansa. Una ay ang pandaraya. Malinaw sa kuwentong ito na sa murang edad ng bata, siya ay nandaraya upang makuha ang kayamanang papel ng ibang kabataan. Marahil ay simple lamang ang representasyong ipinakita sa kuwento, pero ipinapahiwatig nito na ang pandaraya sa kapwa ay bahagi na ng buhay ng Pilipino. Pangalawa ay ang isyu sa pulitika na may kaugnayan sa Anti--epal bill. Sa ating bansa, ang mga pulitiko ay mistulang isinasampal sa ating mga mukha ang mga proyektong kanilang ginawa na tayo naman ang nag-pondo. Ito ay ilan sa mga sakit ng ating bansa na hanggang ngayon ay nahihirapan tayong lutasin.

    TumugonBurahin
  32. Ang kwentong ito ay nagpapakita na walang taong magiging matagumpay sa buhay kung puro pandaraya ang ginagawa. At walang taong magwawagi kung lagi naman syang nandadaya. Dapat ding bantayan ng mga magulang ang kanilang anak upang maturuuan ng tamang asal.

    TumugonBurahin
  33. Ang akdang ito ay nagpapakita na sa mundo natin ngayon ay laganap na ang mga mandaraya at mga taong ginagamit ang posisyon upang magpasikat sa iba na parehong walang idudulot na maganda sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  34. Problema sa kaugalian na mula bata palang ay atin nang natututuhan. Problema sa politika dahil sa masamang kaugalian na tinataglay. ang isang problema ay maaring magdulot pa ng isang problema dahil sa hindi agad ito nalulutas. Masasalamin sa akdang ang problema ng lipunan at bansa. Tayo ay nagiging madaya sa sarili nating paraan.

    TumugonBurahin
  35. BSP I-4 PUP

    Kamangha-mangha! Sobrang nakakaaliw ang akdang ito. Hindi lamang dahil sa dumaan din ako sa ganitong sitwasyon noong bata pa ako ngunit dahil rin sa ganda ng pagkakagawa at pagkakaayos ng mga pangungusap. Sa sobrang galing ng pagkakagawa nito, nabubuo sa isipan ko ang bawat eksena at kung ano ang makikita sa paligid. Natutuwa rin ako dahil katulad ni Ebet, hasler din ako dati sa teks. At ang masasabi kong pinakagusto kong parte ng kwentong ito ay ang katapusan. Dito mapapatunayan na maloko nga si Ebet. :)

    TumugonBurahin
  36. Wow ang Ganda ! Ganda ng kwento nkarelate kasi nakapaglaro ng Teks date. karaniwan naman po yan nangyayare sa pag lalaro ng mga bata .
    pero naaliw po ako sa pagbabasa ...Sana marami pa po kayong maisulat na magagandang kwento !!

    TumugonBurahin
  37. ang ganda ng akdang ito lalo na't pinakita ang isa sa mga larong kiaadikan nating mga kabataan dati, ang paglalaro ng teks. isa yan sa mga larong kinahumalingan ko at hindi talaga maiwasan ang pagkakaroon ng mga pandaraya dahil sa pagkasabik natin sa mga bagay na ito. dito rin natin mahihinuha na kahit na sa anung bagay ay wala talagang kinahihinatnan na mabuti ang pandaraya. isang napakahusay na istoryang nakarelate talaga sa ating lahat. XD

    TumugonBurahin
  38. Itong kwentong ito ay makapagpapaalala sa atin ng ating mga kinagawian noong tayo ay mga bata pa. Maganda ang kwento sapagkat kapupulutan ito ng aral. Ipinapakita sa akdang ito na kahit bata pa lamang tayo na natututunan na nating mag isip ng mga paraan upang magwagi, subalit sa akdang ito naipakita ang maling pamamaraan upang ipakita ang pagwawagi ng isang bata sa isang laro. Hindi dapat natin ugaliing maging isang mandaraya makadama lamang ng tagumpay. Tandaan natin na ang bagay na pinaghirapan ay ang bagay na masarap makamtam. :DD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Habang papatapos na ang pagbasa ko nang tulang ito at nandoon na ako sa parte na hinarang ng tanod ang batang si ebet ay maraming pumasok sa aking isipan. Una na dito ang napapanahon na na marami na namang mga EPAL na TRAPO dahil papalapit na ang darating na eleksyon. Marami na naman silang idinidikit dikit kung saan saan para mapabango ang kanilang mga pangalan. Pangalawa naman ay napakawalang hiya naman ng inutusan ni meyor dimagiba na banggain ang bata. Naiinis lamang ako sakanya. Sa tingin ko at sa hinuha ito ang nais iparating ng awtor o sumulat nito. Ginawa nya na lamang bakgrawnd ang mga batang naglalaro ng tex para maging IBA sa iba ang kanyang gawa. Nais ko syang purihin dahil napakaganda ng kanyang ginawa. Habang binabasa ito ay mararamdaman mo talagang dinadala ka nya sa mga batang naglalaro ng tex sa daan. :)

      Burahin
  39. ang ganda ng akda ! :))
    nung una hindi ko sya nagets. teks pla ung tinutukoy..
    naalala ko ung memories ko nung bata. nagla2ro din kme ng teks. pero hindi ko nman ntry mandaya. :DD
    cute ng ending..nakakatawa. buking ! wala talagang lihim na hindi nabubunyag.. :))

    TumugonBurahin
  40. Kay bilis talaga ng panahon, bata lang din ako noon, tapos kolehiyo na ako ngayon. "HASLER," ito yung tawag naming mga bata noon sa mga kalaro naming magaling o dalubhasa na sa anumang laro. Naririnig ko'y ginagamit pa rin ito ng mga bata sa aming lugar. Di ako tulad ni Ebet siya's magaling sa teks pagdating sa pandaraya, ako'y hindi. Napakamalikhain talaga ng may akda, may kamalayan siya sa ating lipunan simula noon hanggang ngayon. Hindi dapat tayo nandadaya sa isang laro dahil nawawala ang kasiyahan dito pati narin ang pagiging totoo ng iyong pagkapanalo.

    TumugonBurahin
  41. Napakaganda ng akdang ito. Maraming mensaheng naipahatid sa tulad kong mambabasa. Una, ang buhay ng mga karaniwang bata sa lansangan, pangalawa ay ang pagiging madiskarte ng bata sa pamamagitan ng panduduga upang matalo ang kanyang mga kalaro at ang pangatlo, ang pinaka importanteng aral ay ang pagkakaroon ng isang negatibong kaugalian ng karamihan sa ating mga pulitiko. Nahihinuha ko, na ang sinasabing bagong gawa na aspalto ay proyekto ni meyor Dimagiba at ang pandadaya ng bata ay siya ring ginagawa ngayon ng mga matatanda na nagsisilbi sa kanilang lugar. Isa rin sa mga ipinakitang sitwasyon ay ang kawalan ng pakialam ng mamang nagkakabit na karatula sa bata, na maaaring nagpapakita ng pagiging ignorante sa nangyayari sa kanyang lipunan kahit na ang masasamang gawain ay nangyayari na sa kanyang harapan mismo.

    TumugonBurahin
  42. Inilalarawan ng akda ang dalawa sa mga tunay na ngangyayari sa ating lipunan ngayon: ang panlalamang sa kapwa at ang pagpapamukha ng mga pulitiko sa kanilang mga proyektong nanggaling naman talaga sa bulsa ng mga taong sa kanila ay bumoto. Sa murang edad ng mga batang nasa kwento,hindi sila dapat malantad sa anumang uri ng pandaraya, maliit na bagay man ito o hindi.Nakalulungkot na ang kapaligiriang dapat sana ay nagtuturo sa kanila ng mabubuting gawa ang siya pang nagdulot sa kanila ng kaisipang lumalason sa lipunan.

    Gayunpaman, ako ay natutuwa na sa kabila ng seryosong aral na ipinahihiwatig ng akda ay nakapagbibigay ito ng kalibangan.Hindi maiinip ang sinuman sa pagbabasa sapagkat hindi nalalayo ang kwento sa mga karanasang nangyari sa atin noong kabataan.

    TumugonBurahin
  43. Napakaraming maaring mahinuha sa akdang ito. Sa simpleng paglalaro ng teks ay naipakita ang realidad na nangyayari sa ating bayan. Ang panlalamang sa ating kapwa. Makikita na kahit ang mga bata sa panahon ngayon ay hindi na rin ligtas sa lumalalang sakit ng lipunan. Ipinakita rin dito ang pagpapahayag ng mga pulitiko ng kanilang mga nagawa sa bayan, hindi ba dapat, ito ay proyekto ng mamamayan dahil saan ba kinukuha ang pondo para sa mga proyekto sa ating bayan? Hindi ba't sa taong bayan rin?

    Nakamamangha ang paraan ng paglalarawan ng may akda. Ito ay sadyang nakaaaliw at nakatutuwang basahin.

    TumugonBurahin
  44. Bilang isang bata, ang mundo ay isang malaking pleyground. Walang iniisip na problema, puro saya.Kaso dahil nga bata hidni pa batin magawa ang lahat ng gusto natin kaya atat-na-atat tayo na lumaki. Hidi natin alam na kaakibat ng pagtanda ay ang unit-unting pagkamulat sa mga baluktot na gawain ng tao sa mundo.
    Ang akdang ito'y hindi lamang ginawa upang maibalik tayo sa ating pagkabata at makapaghatid ng aliw sa kanyang mga mababasa. Iminumulat rin tayo nito sa tunay na nangyayari sa ating paligid, tulad nalamang ng pandaraya. Ang pandarya, kapag naikintal sa isipan ng mga bata, dadalhin at dadalhin nila yan hanggang sa pagtanda. Bilang mga nakakatanda, dapat silang maging huwran para sa mga pag-asa ng ating bayan upang kanilang mapagtagumpayang magwa ang tinuran sa atin ni Gat. jose Rizal.
    Tunay ngang napapanahon, at napakaganda ng kathang ito!

    TumugonBurahin
  45. Naalala ko tuloy sa akdang ito ang aking kamusmusan. Kahit babae ako mahilig din akong maglaro ng teks. Palaging nauubos ang teks ko. Nasubukan ko na rin ang gayanin ang teknik ni Ebet,na dayain ang pamato upang makakuha din ng madaming teks.

    Ngayong dalaga na ako, narealize ko na mali iyon. Kahit larong pambata man yun dapat pala naging tapat ako sa mga kalaro ko. Hindi yung nandadaya. Dapat ay patas. Simpleng laro man o sa kahit na ano pa mang bagay na ating gagawin dapat na manatiling tapat.

    Ang akdang ito ay nakapagbibigay ng leksyon lalo na sa mga bata.. Nawa mabasa din ito ng maraming mga bata dahil madaming kabutihan silang matututunan.
    ^ ^

    TumugonBurahin
  46. Habang papatapos na ang pagbasa ko nang tulang ito at nandoon na ako sa parte na hinarang ng tanod ang batang si ebet ay maraming pumasok sa aking isipan. Una na dito ang napapanahon na na marami na namang mga EPAL na TRAPO dahil papalapit na ang darating na eleksyon. Marami na naman silang idinidikit dikit kung saan saan para mapabango ang kanilang mga pangalan. Pangalawa naman ay napakawalang hiya naman ng inutusan ni meyor dimagiba na banggain ang bata. Naiinis lamang ako sakanya. Sa tingin ko at sa hinuha ito ang nais iparating ng awtor o sumulat nito. Ginawa nya na lamang bakgrawnd ang mga batang naglalaro ng tex para maging IBA sa iba ang kanyang gawa. Nais ko syang purihin dahil napakaganda ng kanyang ginawa. Habang binabasa ito ay mararamdaman mo talagang dinadala ka nya sa mga batang naglalaro ng tex sa daan. :)

    TumugonBurahin
  47. Una pa lang ay alam ko na na teks ang tinutukoy dito . Nakaktuwang isipin na ang mga larong nilalaro ko noo ay tanda ko pa rin hanggang ngayon at marahil ay kayo rin . Inilalarawan dito ang tipikal na pangyayari sa kalsada kung saan may mga batang naglalaro at may mga taong laging babasag sa mumunting trip nila . Higit sa lahat, ang mandaraya ay di nagwawagi . Kung anong ginawa mong simpleng pandaraya nung bata ka pa sa paglalaro ng teks ay may malaking epekto sayong buhay . Kaya habang bata, magbago na kayo :D mahirap mahuling nandaraya . Mawawala na ang lahat ng pinaghirapan mo, NAPAHIYA KA PA ! :DD

    TumugonBurahin
  48. napakagaling ng pagkakagawa ng kwentong ito.Bagaman maikli lamang ay naipahayag parin nito ang nais ipakita sa mga mambabasa nito. Sa pamamagitan ng kwentong ito bigla kong naalala ang aking kabataan sa kung ano ang mga usong laro tulad nga ng paglalaro ng teks. Naaalala ko yung panahon na nilaro ko ang larong ito. Sa mga salitang ginamit nya kahit hind tukoy nung una ang paksa ng paglalaro ng teks ay nahinuha konang ang tungkol sa paglalaro ng teks ang ikinukwento nya. namangha talaga ako sa kung paano nya inilapat ang mga salitang tumutukoy sa kwento na parang isang buhay na kwentong gumagawa ng larawan sa aking isipan.

    TumugonBurahin
  49. Sa maikling kwentong ito maiisasalarawan mo ang mga pangyayari dahil sa ginamit na estilo ng pagsulat. Gumamit ng mga salitang naglalarawan na siyang nagging daan upang buksan ang aking imahinasyon. Sa kabilang banda , ipinapahiwatig ng istorya na maging sa mga kabataan ngayon ay laganap na rin ang mga pandaraya na kanino pa ba mamamana? Kung hindi sa mga nakakatandang imbis na maging modelo ng kabutihan ay kabaliktaran naman ang ginagawa.

    TumugonBurahin
  50. Naalala ko tuloy ang paglalaro lalo na nung bata pa ako! hehe..kasi kahit babae ako naranasan ko ding maglaro ng teks! ang cute.

    TumugonBurahin
  51. HAHAHAHA :)) Mautak na bata. :D
    Maganda ang pagkakagawa. Kahit maikling kwento lamng ay naipahatid naman ang mensahe at ito ay ang katapatan sa lahat ng oras. magaling!

    TumugonBurahin
  52. Hahhahahaha! Pumapasok ulit sa aking gunita ang mga bagay-bagay na pinaggagawa ko noong ako'y musmos pa lamang. Ipinapakita ng akda na kahit may gatas pa tayo sa ating mga labi ay alam na nating dumiskarte sa halos lahat ng bagay. Liban na lamang kapag karma na ang humatol.

    TumugonBurahin
  53. Nakakatuwa naman ang kwentong ito! Bigla kong naalala yung mga bata sa harap ng bahay namin na laging nag-aaway dahil diyan. Parang katulad nung nasa kwento. Ngayon kasi, konti na lang yung mga batang naglalaro ng teks kasi madalas, nasa bahay na lang, at paglalaro na sa kompyuter ang inaatupag.

    TumugonBurahin
  54. nakakatawa iyong kwento. masasabi ko na hindi ko dumaan sa pagkabata kung di mo nalaro ito.

    TumugonBurahin
  55. nakatutuwang balikan ang ating pagkabata noon ngunit sa akdang ito, makikita natin ang isang moral na aral para sa aing lahat. Ang panglalamang sa kapwa.

    Maganda ang pagkakasulat ng akdang ito dahil naihambing niya ang ating lipunan sa simpleng paglalaro ng teks

    TumugonBurahin
  56. ang galing ng epekto ng storya sa mambabasa, kasi talagang babalik 'yung mga panahon na naglalaro ka pa nung mga ganung laro.. pero tulad ng nauna ng nasabi , nakakalungkot kasi sa murang edad ni ebet ay natututo na siya manloko at manamantala ng kapwa. :)) pero iyon ang reyalidad ng buhay !

    TumugonBurahin
  57. Dahil sa kwentong ito ay naalala ko iyong paglalaro rin namin ng teks ng mga pinsan ko. Ang sayang maalala ang mga panahong iyon. Kagaya ng nabanggit sa kwento ay hindi rin mawawala ang dayaan sa laro. Pero hindi tama ang mandaya at manglamang kaya dapat natin itong iwasan.

    TumugonBurahin
  58. nakaka stress....hahaha...bumabalik ang aking pagkabata...naglalaro kasi ako ng tex dati..kaya nakaka relate ako...naaasar ako sa mga tanod..di ba nila naranasan maging bata?? di ba nila naranasan maglaro ng tex? mas pinahahaklagahan pa nila ang isang meyor na nagpapabango lamang ng pangalan sa madla....tssskk...tsk.lahat ginagawa para sa kapangyarihan at pera..

    TumugonBurahin
  59. Karamihan sa atin ay naranasang maglaro ng teks, maging ako ay naglaro nun nung bata pa ako. Ngunit, nang matapos kong basahin ang kwento ay di ko maiwasang madismaya sa mga manlalaro, lalo na kay Ebet. Kahit sa kanilang kamusmusan ay di dapat ipamalas ang pagiging madaya o manlamang sa kapwa. Ang panandaliang pagkakabanggit sa opisyal ng gobyerno ay nagbigay sa akin ng impresyon na kung maaari ay magkaron ng malinis na pagkakahalal sa mga opisyales.





    Kcirlenn Rodelas
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  60. Isang magandang kwento na maaaring magpapaalala ng kapilyuhan noong musmos pa lamang at naglalaro-laro pa tayo. Dito ay di natin maaaring kaligtaan ang aral na nais nitong ipahiwatig: Walang lihim na di nabubunyag. Isa pa, para sakin ang paglalaro ay di magiging masaya kung magtatagumpay ka dahil lamang sa isang pandaraya. Maaaring tawagin ka ngang isang hasler ngunit di sa larangang gusto mo, kundi sa kadugasang ginagawa mo.

    TumugonBurahin
  61. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  62. Tinalakay sa kwento ang isang batang nanlalamang sa kanyang mga kalaro. Nakakalungkot lang isipin na bata pa lang ay nanlalamang na, pano pa kaya kung tumanda na?
    Para sa akin, ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuunlad ang ating bansa dahil sa mga gahaman nating mga lider,na marahil ay noong bata pa ay sanay na sanay ng manlamang sa kapwa.

    TumugonBurahin
  63. Panget maging madaraya habang bata pa lamang dahil maari mo itong dalin hanggang paglaki mo. at maaari mo din maipasa sa susunod pang hnerasyon ang panget na ugali na ito.

    TumugonBurahin
  64. Ipinapakita sa akdang ito na kailan man ay hindi nananalo ang mga mandaraya at hindi maganda ang panlalamang sa kapwa. Hindi dapat mandaya para lang nakamtan ang iyong nais..

    TumugonBurahin
  65. NAKAKATUWA ITONG BASAHIN DAHIL MAY GANITO TALAGANG MGA PANGYAYARI. PERO HINDI TAYO DAPAT MANDAYA PARA LANG UMANGAT TAYO. DAPAT DIN NATIN ITONG PAGHIRAPAN. -BSP 1-4

    TumugonBurahin
  66. Nakakatuwa ang istorya. Naalala ko tuloy ang aking pagkabata. haha
    Kahit malalalim ang ibang salita na ginamit, madali pa rin itong intindihin dahil halos lahat naman ng mga teenager sa panahon ngayon ay alam kung ano ang teks at marahil ay napagdaanan din natin ang mga ganitong sitwasyon. Nakakadismaya lamang ang ginawa ng batang si Ebet dahil sa kanyang murang edad ay marunong na siyang mandaya at manlamang.

    TumugonBurahin
  67. Nakakaaliw ang kwentong ito dahil ako ri'y naglalaro ng teks noong bata pa ako ngunit ni minsa'y hindi ako nandaya gaya ng ginawa ni Ebet. Nangangahulugang hindi nagwawagi ang mandaraya. Magwagi man sa una, makakarma rin agad.

    TumugonBurahin
  68. Ang kuwento ay isang tunay na mga pangyayari na nagaganap higit sa mga bata edad 7-10. Naalala koh ung bata pah akuh ay nagawa ko din na mandaya. hahaha:D

    Richelle Inocencio Balza BsaI-15

    TumugonBurahin
  69. Dahil sa istoryang to, di ko maiwasang maaalala ang mga panahong naglaro din ako ng text kasama ng ilang kababatang lalaki sa kalsada at ito ay nakakatuwa ngunit ang bahagi kung saan ay nandaya si Ebet ay nakakalungkot dahil ito'y isang realidad. May mga tao na pipiling mandaya at manloko ng iba dahil nais nilang umangat sa buhay.

    TumugonBurahin
  70. Muling sumariwa sa isipan ko ang aking kabataan at kamusmusan sa larong ito.Ayon sa kwento nandaya si Ebet sa kanyang mga kalaro,maihahalintulad ito sa kapanahunan ngayon na marami ang nanloloko para lang makuha ang sariling kagustuhan.

    TumugonBurahin
  71. Hahaha! Naalala ko tuloy dati naglalaro din ako ng teks, at inaamin ko na hindi maiiwasan yung pandarayang pangyayari. Pero nakakalungkot din kasi may mga tao palang kayang mandaya at manlamang ng kapwa para lang makuha nila ang kanilang kagustuhan.

    TumugonBurahin
  72. Kahit na hindi ako naglalaro ng teks noong ako'y bata pa, naaalala ko pa rin ang mga pagkakataon na yung mga kababata ko ay naglalaro nito. Paramihan, at kung sino ang unang maubusan ng teks ay hindi titigilan ng pang-aasar. Kahit ako, pinapanood ko lang sila pero simple rin akong nakikitawa.

    Pati na rin ang mga kapatid ko ay naglalaro ng teks dati. Kaya minsan kapag wala kaming magawa ay naglalaro kami sa aming bahay at tinuturuan nila ako kung paano. Tinuruan din nila ako ng TIPS kung anong mga gagamitin mong pamato, kung paano mo papaikutin ang mga teks sa ere. hahaha. sobrang hirap, hindi ako natuto.

    Kaya lang, sa panahon ata ngayon, wala nang naglalaro ng mga teks. May masaya tlga ang mga musmos noon tulad namin. Mas natuto kaming maging masaya kahit walang gamit na teknolohiya. Eh ang mga kabataan ngayon, pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng naggagandahan at nagmamahalang mga "E-gadgets". Kung tutuusin, kaya naman ng mga kabataan na maging masaya kahit sa simpleng paglalaro lamang, tu;ad ng luksong tinik, luksong baka atbp. Kaya lang, dahil sa modernong panahon, natatakpan na ito ng teknolohiya ngayon.

    TumugonBurahin
  73. Nakakatawa ang kwentong ito dahil si Ebet ay nandaya sa kanyang kalaban at dapat ay hindi ito gayahin ng iba

    TumugonBurahin
  74. Nakakatuwa ang maikli ngunit may kabuluhang kwentong ito. Hindi ako mahilig sa ganyang uri ng laro nung maliit pa ko pero marami akong napapanuod na mga batang paslit na adik sa paglalaro nyan. Ibang klase din mag-isip ng pakulo ang batang si Beth. Pero hindi dapat tayo masanay ng pandaraya, darating ang panahong babalik sa atin ang mga kalokohang ginagawa natin sa ating kapwa, kailan ma'y hindi nagbunga ng kabutihan ang kasamaan. Saludo ako sa may-akda nito, simpleng kwento ngunit napakamakahulugan ..

    TumugonBurahin
  75. Nakakatuwang habang binabasa ko ito ay bumabalik ang alaala ng larong 'teks' sa akin. Ang laro kung saan palagi akong natatalo. Masarap sariwain ang mga alaala ngunit hindi maganda kapag kaya pala gumanda ang alaala ay nandaya ka. Mali ang mandaya dahil sa mata ng Diyos, sarili mo ang niloloko mo. At di ang ibang tao, di ka nakakalamang, iakw ang nalalamangan.

    TumugonBurahin
  76. nakakaaliw ang babasahing ito sapagkat ipinakita dito na kung paano ang ating mga pulitiko na mandaya sa pamamagitan ng mga batang naglalaro ng teks na nanduduga sa kanyang mga kalaro.

    TumugonBurahin
  77. Magaling ang pagkakagawa ng maikling kwentong ito. Ang pagiging tapat ay natututunan at hindi namamana kung kaya't ako ay hindi naninisi ng mga magulang na may anak na napariwara ang buhay.

    TumugonBurahin
  78. Nakakatuwang basahin ang akdang ito dahil, muling sumasagi sa aking isipan ang alala ng pagkabata, Makikita natin na, kahit bata pa lamang ay marunong ng mandaya, paano pa kaya ang mga mas nakatatanda. Kaya dapat, pagkabata pa lang tinuturuan na ng kabutihang asal.

    TumugonBurahin
  79. Kinalakihan ko na rin ang paglalaro ng text kaya alam ko ang pakiramdam ng nanalo. Pero tandaan natin na pawang mga bata pa ang naglalaro pero may mga dayaan ng nagaganap. Hindi maganda na magpatuloy ito at ang kanyang mga nasa paligid ay malaki rin ang epekto kaya marahil ay dun nila ito nakukuha at nagagaya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakaligayng balikan ang mga batang naglalaro ng TEKS, salamat sa akdang ito dahil muling sumariwa ang mga alaala ko nung ako'y musmos pa lamang :)

      Burahin
  80. Pinapakita sa akdang ito na bata pa lang ay may dayaan na. Maaaring nakita nila ito kaya ginaya nla kaya't nararapat na maging maingat tayo sa mga kilos natin dahil maaaring tularan tayo ng bata sa iba't ibang paraan.

    TumugonBurahin
  81. nakakaaliw basahin, akala mo'y may malalim na kahulugan, yun pala ay talagang mandaraya lang. hasler nga!

    TumugonBurahin
  82. Nang binasa ko itong maikling kwentong ito, madalas akong nakakakita ng mga ganitong bata sa kasalukuyan, at nagpapaalala rin ito sa akin ng ako ay bata pa. Kung ako ang tatanungin gusto ko tuloy maging bata ng nabasa ko ang kwentong ito.

    TumugonBurahin
  83. Hindi maaalis sa mga kabataan ang pagging hasler. Hasler sa anong paraan, maaaring siya'y sanay o sadyang mandaraya lamang. Misan nakakalimutan na natin ang ating kabataan, pero sa akdang ito, naalala ko yung kabataan ko.

    TumugonBurahin
  84. Ipinakita ni G. Abay sa kwentong ito ang katotohanan sa likod ng salawikaing " walang sikreto ang hindi nabubunyag ". Minsan dahil sa pandaraya mu sa kapwa mo para makapanglamang ay mas higit ka pang nawawalan.

    TumugonBurahin
  85. Habang binabasa ko ang kwentong ito, maraming mga bagay na nagbalik. Ang pandaraya!

    TumugonBurahin
  86. Kalakip na yata sa kabataan ang pandaraya. Marahil ito ay nakikita nila sa ibang tao. Mas magandang maging maayos at matinong modelo para sa iba.

    TumugonBurahin
  87. Nakakaaliw at napapanahon ang kwentong "Hasler". Gayunpaman ay kalakip nito ang mga hindi magagandang gawi ng mga kabataan tuwing naglalaro sila kasama ang mga kaibigan. Inaamin ko ay minsan kong ginawa ang pandaraya nung bata pa ako. Binibigyan nito ng diin ang pagiging modelo at halimbawa sa ibang kabataan na naglalaro pa ng ganitong bagay.

    TumugonBurahin
  88. nakakatuwa ang kwentong ito sapagkat maalala mo ang mga nakagawiang laro dati tulad nga ng TEKS. Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata kaya siguradong maaliw sa kwentong ito.

    TumugonBurahin
  89. Nakakatuwa ang kwentong ito namiss ko tuloy ang aking pagkabata, namiss ko ang paglalaro ng teks. Nakakaaliw ang mga karakter na bata dito lalo na si Ebet na napakadaya dahil ang pamato niya ang parehong may superman. Hehehe

    TumugonBurahin
  90. Kahit ako ay babae, nagawa kong makapag-laro ng mga teks. Totoong masaya kung ikaw ay laging nanalo ngunit kahit sino ay hindi magugustuhan kung ikaw ay gagawa ng pandaraya sa larong ito. Natutunan ng mga bata makapandaya marahil ay dahil sa mga nakikita nila sa mga nakatatanda sa kanila.

    TumugonBurahin
  91. Nung bata ako naglalaro rin ako ng teks. Nakakabagabag na ang isang bata sa murang edad ay nandadaya na, para lang manalo sa isang laro. Kung hindi natin huubugin ang mga bata ng tamang asal magugulat kayo na sa paglaki nla ay. Isa na silang halimaw ng lipunan.

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  92. Nang binasa ko itong maikling kwentong ito, madalas akong nakakakita ng mga ganitong bata sa kasalukuyan.

    TumugonBurahin
  93. Nung bata ako naglalaro rin ako ng teks. Nakakatuwa ang kwentong ito namiss ko tuloy ang aking pagkabata, namiss ko ang paglalaro ng teks.

    TumugonBurahin
  94. Natutunan ng mga bata makapandaya marahil ay dahil sa mga nakikita nila sa mga nakatatanda sa kanila.

    TumugonBurahin
  95. ANG KWENTONG ITO AY PARANG ISANG DAAN PABALIK SA ATING PAGKABATA, ANG KAMUSMUSAN NA PINAPAIRAL NG ATING ISIP AY PAYANG ISANG KOMEDYA SA TUNAY NA BUHAY. NAPAKAGANDA SAPAGKAT NAILAHAD NG MABUTI KUNG PAANO NA-AADAPT NG ISANG BATA ANG ISANG BAGAY O KASANAYAN SA ISANG MATANDA

    TumugonBurahin
  96. Nakaka aliw na kwento. Ang karakter na si ebet ay maihahalintulad mo sa mga tipikal na bata noon at ngayon pa man. tayo lahat ay natutong gumawa ng paraan upang manalo at makuha ang gusto natin.

    TumugonBurahin
  97. sa akdang ito ipinakita ang mga pangyayari na naganap noong ating kabataan. pinapakita rin dito na masama rin ang lokohin ang iyong kapwa dahil may masama itong dulot. binabati kita sir sa napakagandang akda na iyong ginawa..

    TumugonBurahin
  98. Nakaaliw ang kwentong ito, ako man ay nakaranas ding makapaglaro ng teks sa aking pagkabata. Nagkakaaway-away din kami, minsan din nandaraya ako tapos suntukan..haha pero di dapat mandaya para manalo.

    TumugonBurahin
  99. ITO AY NAKAKAALIW AT NAGPAPAKITA NG TUNAY NA KASIYAHAN NG ISANG BATA. NAKAKAWILI ITONG BASAHIN DAHIL LAHAT AY NAKAKARELATE AT NAUUNAWAAN ANG KWENTO.

    TumugonBurahin
  100. Tunay na nakalilibang ang kwento na siyang naglarawan ng masayang kabataan.

    TumugonBurahin
  101. Tunay nga na lahat ng bagay ay kayang gawin ng isang tao para lang makamit nya ang bagay na kayang inaasam-asam. Mas masarap sa pakiramdam kung ikaw mismo ay nagpursigi na makuha ito ng di ka nandadaya o nanlalamang sa iyong kapwa. Bilang isang mabuting tao, tayo dapat ay maging isang ehemplo.

    TumugonBurahin
  102. nakakatuwa dahil naipakita rito ang pagiging Epal nang mga kabataan. naaalala ko tuloy ang aking kabataan na madalas nangungulit para mapansin lang. nakakatuwa rin na naipapakita rito na ang ugali nang mga nasa mundo nang pulitika.

    TumugonBurahin
  103. kapag may balak o pangarap ang isang tao ay talagaang gagawin niya ang lahat.Nkakatuw rin ang pagiging "sreet smart" ng kabaataan naaalala ko rin ang kabataan ko sa kwento

    TumugonBurahin
  104. nakakatuwa itong kwento dahil ito ay makatotohanan ipinapakita nito na khit bata pa lamang ay marunong na mandaya. Nakaklungkot din dahil nga ngagawa na ito ng bata sa murang edad. Sana ay mabantayan ng mabuti ang mga abta nagyon upang mapalaki ng maayos.

    TumugonBurahin
  105. kapag matanda ka na maiisip mo na gusto mong bumalik sa pag ka bata pero ang tangi mo nlng magagwa ay ang alalhanin ang iyong pag ka bata.

    TumugonBurahin
  106. Nakakamiss maging bata, kaya madalas, pinapayuhan ko ung mga nakababata kong kapatid na sulitin nila ang kanilang kabataan sa mabuting paraan.

    TumugonBurahin
  107. namimiss ko tuloy maglaro dahil sa kwentong to. hahaha

    TumugonBurahin
  108. Nakakarelate ako sa istorya.. tulad ng nasa kwento. Hasler rin ako nung kabataan. Hahaha

    TumugonBurahin
  109. masarap balikan ang kabataan dahil masarap alalahanin na ikaw ay walang problema at lahat ng gusto mong gawin ay magagawa mo.

    TumugonBurahin
  110. Maganda tong maikling kwentong nabasa ko ngunit kung titignan natin ang kalaliman ng konsepto ng kwento ay mahihinuha natin ang isang nakakalungkot na realisasyon. Na sa murang edad pa lamang ay marunong ng manlamang ang mga kabataan sa kapwa nila para lang makalamang.

    TumugonBurahin