Huwebes, Agosto 30, 2012

Republika de Tabla


TINIPON ni Mang Berting ang mga nakolektang kalakal. Pinagsama-sama ang magkakauri. Bote, bakal, samo't saring bagay na gawa sa plastik at ang pinakamahalaga - piraso ng tabla't kahoy. Napangiti siya sa dami ng tablang nalikom sa ilang araw na pangangalakal. Mabubuo na niyang muli ang dampa na sinira ng bagyo.

Matipid siya sa ilang pakong nahugot sa mga gamit nang kahoy na kanyang napulot. Buti na lang at may mga tali siyang naitabi na magkakaiba man ang sukat para sa kanya'y pampatibay. Hindi niya kailangang maging metikuloso sa paggawa ng bahay. Walang halaga ang metrong panukat sa dangkal ng kamay. Walang halaga ang lagareng pamputol dahil hindi na kailangang magputol. Walang halaga ang martilyo sa batong buhay na pamukpok. Hindi kailangan ng blueprint sa talas ng kanyang mata sa pagtantya. Ang mahalaga may masisilungan.

Nagsimula ang pagpukpok. Pinagtagni-tagni ang tabla sa nabuong kalansay na kahoy. Buti na lang at itinira ng bagyo ang dalawang kalawanging yero. Natapos ang araw at nagawa ang kanyang dampa. Sapat na ang tibay ng sapin-saping tabla para magkaroon ng panangga at makapagpahinga sa buong madamag. Maya-maya pa'y namayani ang paghilik sa dilim.

GINISING si Mang Berting ng ingay ng mga nagmamadaling paa at umaangil na tunog. Naalala niya ang nagdaang bagyo. Subalit walang hangin o ulan sa umagang iyon. Nagtaka siya. Papalapit nang papalapit ang umaangil na tunog. Nagngangalit. Nagsisigawan ang mga kapitbahay. Sigaw ng pagmamakaawa ng mga ina. Sigaw ng pagtatanggol ng mga ama sa piranggot na espasyong inari nila. Sigaw ng luha ng mga paslit na walang muwang sa kanilang daigdig.

Papalapit nang papalapit ang nagngangalit na angil. Pupungas-pungas niyang iniangat ang kanyang katawan. Tumingala. Nasilaw sa sinag ng araw na nakasilip sa butas ng yero. Bigla na lang niyang naramdaman ang pagbagsak ng mga tablang itinuring niyang panangga sa anumang banta ng kalikasan. Hindi niya napaghandaan ang banta ng makinang panggiba. Pira-piraso na lang ang binuo niyang dampa.

88 komento:

  1. May malalim ma konsepto ang akda.Subalit ito ay nagbigay sa akin ng kaisipang ang dampa na likha ni mang Berting ay isang Republika na walang sapat na kakayahan upang protektahan ang kanyang mga nasasakupan.Ito ay ginawa ng walang kahandaan .>>

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan ang mga problemang maaring mangyari sa atin anumang oras ito dumating. Dapat na paghandaan natin ang mga problemang ito at kailangan maging matatag tayo sa pagharap ng mga ganitong problema.

      Burahin
  2. ROSEAN DELLAMAS BSPSY 1-4

    Sa umpisa'y ang lalim ng ipinapahayag ng kwento subalit unti-unti ko na itong nauunawaan sa bandang huli. Sa paggawa ng isang bagay, kailangang isaalang-alang hindi lamang ang magandang epekto ng gagawin upang sa huli'y di magsisi. Gawin ang mga bagay-bagay nang may kahandaan.

    TumugonBurahin
  3. Kapag may tiyaga, may nilaga. Iyan ang aking naiisip habang binabasa ko ang maikling kwento na ito. Tama naman ang pagkakaintindi ko sa umpisa ng kwento ngunit sa bandang huli ay biglang nagbago. Informal settler pala si Mang Berting at hindi niya pag-aari ang kinatitirikan ng kanyang bahay kaya sa bandang huli ay nawalan din ng saysay ng kanyang bagong tayong tahanan.

    TumugonBurahin
  4. Kahit anong hirap ang ating gawin , kung hindi napapansin ang ating mga hangarin , masasayang pa rin . Katulad ng sa pamahalaan , kung ang mga namumuno ay walang kakayahan na protektahan ang kanyang sinasakupan , magmimistulang itong isang kubong wala man lamang pundasyon na siyang magpoprotekta laban sa anumang panganib .

    TumugonBurahin
  5. Kailangan nating bumuo ng matibay na pundasyon para makasigurado at maging handa sa mga maaaring mangyari. Sa buhay ng tao, kailangan nating maging matatag at maging handa sa anumang bagay na maaaring dumating sa buhay natin :)

    TumugonBurahin
  6. Si mang Berting ay nagpapakita ng kadakilaan bilang isang malikhaing lalaki sa kabila ng kamaralitaan. Nais ipahatid ng maikling kwentong ito na ang anumang bagay na iyong ginagamit ay nararapat na maisaalang-alang kung may kasiguraduhan ba ang pananatili sa isang lupang wla namang titulong pinanghahawakan lalo na kung hindi naman kayang protektahan ng pamahalaan ang maaring ipagkaloob sa tulad niya.

    TumugonBurahin
  7. Ang ganda, napapanahon ngayong demolisyon ng mga tirahan ng mga tao. Totoo naman talaga di ba, ayan ang suliranin ngayon ng mga mahihirap na nakatira sa hindi nila pag-aaring lupa. Masakit mang isipin na mawala nang isang kisap ang inyong pinaghirapan, dapat pa rin nating tanggapin na kapag hindi sa atin, ay dapat nating wag angkinin. At saka, sa pagsira ng isang bagay, isaisip na lang natin na may magandang kalakip ito. Katulad nga ng sabi, hindi tayo binibigyan ng Diyos ng hindi natin kayang problema. Kaya para sa taong nakakaranas ng pagkawala ng kanilang mga bahay, wag kayong mangambang gumising na isang araw ay wala kayong matutulugan. Tandaan lamang natin na ang Diyos ay maawain. Kaya dapat nating harapin ang kinabukasan ng may pag-ngiti na sumasang-ayon sa ganda ng umaga.

    TumugonBurahin
  8. ang pagiisip natin ng mga gagawin nating mga hakbang di lang isang beses ngunit maraming beses pa para sa ikagaganda at ikabubuti at walang pagsisihan sa bandang huli. at dapat ay may kasiguradauhan tayo sa bawat hakbang na ating gagawin.

    TumugonBurahin
  9. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:48 PM

    Maihahalintulad ang dampa sa isang pamahalaang walang sapat na tibay upang ipagtanggol ang mga mamamayang nakatira dito. Nararapat na ang gumagawa nito o ang mga pinuno ng ating bayan na siyang nanguguna sa pamamahala nito ay siguruhing mayroong kalidad ang republika, hindi iyong biglaan na lamang masisira. Kailangan ng matibay na pundasyon at makakamit lamang ito kung tayong lahat ay magtutulungan. Kung maisasakatuparan natin ito,ang kaunlaran ay ating matatamo.

    TumugonBurahin
  10. Sa bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay, kinakaylangan ang pagbangon. Ang kwento ay tungkol sa isang lalaking nagsumikap magtayo ng dampang masisilungan sa isang buong magdamag. Nakaranas siya ng matinding bagyo na sumubok sa kanyang pag-asa. Ngunit sa bandang huli, may pagsubok na naman ang dumating sa kanyang buhay ito ang pagpapa-alis sa kanila sa lugar na iyon. Marahil ay nalampasan niya ito kung naipagatuloy man ang kwento, masakit mawalan ng tirahan ngunit bahagi ito ng mga pagsubok na kaylangang lagpasan. Kaya dapat lamang na siya ay lumaban.

    TumugonBurahin
  11. Sumasalamin ito sa totoong isyung kinahaharap ng ating bansa. napakaraming mamamayan ngayon, pamilyado man o hindi, mahirap man o propesyonal, ang tumitira sa lupang hindi nila pagmamay-ari o sila ang mga tinatawag na informal settlers. masakit mang isipin na masira ang isang bahay na pinaghirapan mo, mangyayari iyon dahil hindi naman sa'yo ang lupang kinatitirikan nito.

    Maganda ang naisip na paksa ng kwento, kakaiba man ay matutunghayan natin sa tunay na buhay.

    TumugonBurahin
  12. Ang kwentong ito ay totoong nangyayari sa ating bansa. Makikita natin na marami sa mga pilipino ay mahihirap at gumagawa ng paraan upang mabuhay. Sa paglipas ng panahon sana'y wala ng ganitong pangyayari at lahat ng mga Pilipino ay mayroon ng sariling tahanan na magiging panangga sa mga darating na bagyo at sakuna.

    TumugonBurahin
  13. Mainam ang pagkakalahad ng istorya. Totoo ang mga pahayag at binase ito sa sitwasyon ng mga mahihirap na mga Pilipinong inaalisan ng mga tahanan. Wala silang magawa, lumaban man sila ay toyak na hahantong sa sakitan ng magkabilang kampo.

    Ang kwentong ito ay nagpapakita ng tunay na kulay ng buhay. Ang mga bagay sa paligid ay hindi permanente at anumang oras ay maaaring mawala at kuhain ng iba.

    Hinahangaan ko ang may-akda, sa maiksing kwento sy nakalikha siya ng isang obra na maaaring makapagbukas ng mata ng mga pilipino.

    TumugonBurahin
  14. Sa buhay , di talaga mawawala ang pagsubok.Aminin nating mahirap talaga ang mga ito pero habang tayo ay nakakalampas at nagtatagumpay sa bawat pagsubok , tayo ay nahuhubog at nahahasa upang magamit pa darating pang iba.

    TumugonBurahin
  15. Maganda ang pagkakalarawan sa mga pangyayari sa kuwento. Ultimo maliliit na bahagi ay nabigyang buhay ng mga piling salita ng may-akda. Ang team niya ay nakakahugot ng simpatiya para sa mga pilipinong dumaranas ng kahirapan. Kaawa-awa naman ang kalagayan nila.

    TumugonBurahin
  16. Sa mundong ito, ang buhay ay hindi patas. Tila isang tatsulok ang pigura ng kasalukuyang bansa.
    isang tatsulok kung saan higit na nakararami ang mga naghihirap subalit higit na natatapakan.
    Ang isang dampa, dampa mang maituturing, may malaking ginagampanan sa buhay ng mga mahihirap.
    Gaano man kaliit ito sa paningin ng nakaaangat, para sa isang nakabababa ay napakahalaga nito.
    Ito ang nagsisilbing bunga ng paghihirap sa maghapong pagbabanat ng buto.
    Nakalulungkot lamang isipin na sadyang hindi na kailanman mababaliktad ang tatsulok.

    TumugonBurahin
  17. Nailahad ng maayos ang nararanasan ng mga mahihirap at nailahad din ang halaga ng mga bagay para sa mahihirap na syang walang kwenta para sa ibang tao. Napulot ko ang aral na dapat tayo ay laging maging handa.

    TumugonBurahin
  18. sa kwentong ito ipinapakita ang kalagayan ng mga tao sa iskwater..kung paano nila pinagtitiyagaang gawin ang bahay nila at kung paano ito nawawasak dahil sa bagyo at ang pagdedemolish ng kanilang tirahan..

    TumugonBurahin
  19. Sa una ay malabo sa isipan ko kung tungkol saan ang akda. Ngunit ng aking mabasa ang wakas ng maikling kwento, nagliwanag ang aking kaisipan. Kahit may kalalaliman ang kwento maiintindihan pa rin ng mambabasa. Nabatid ko rito ang hirap na kinakaharap ng mga kapwa nating nakatira sa mga barung-barong o iskwater. Malalagpasan nila ang ulan at bagyo ngunit hindi nila kayang pigilan ang lupit ng demolisyon. Sana'y mabatid ng may katungkulan ang mga walang tirahan. Nawa'y mabigyan sila ng bahay at upang hindi na nila kaharapin ang hirap ng demolisyon.

    TumugonBurahin
  20. Nakakalungkot mang isipin ngunit ito ang realidad. Sadyang nakakaawa ang mga taong ganito ang kalagayan .
    Maganda ang paksang inyong napili.

    TumugonBurahin
  21. Sumasalamin sa republika ng Pilipinas? Maaari itong masabing ganito, ngunit ano ba talaga ang nasa likod ng ganitong mga pangyayari? Naaalala ko, madaming bahay ang sinira sa tabi ng riles ng tren, upang magkaroon ng tren na bumabaybay ng mula Laguna hanggang Maynila, at di ako pwedeng magsinungaling ukol rito, na hindi ko panakikinabangan ang tren na ito, ngunit kung sabihin ko mang 'oo', parang sinabi ko na ring ang hinagpis ng iba ay ang aking kaginhawaan, ngunit, gano ko man pilitin sa sarili kong sabihin na di ganito ang sistema, ito talaga. Republika ba ang may sala? Naalala ko ang isang phrase na sinabi ng pinaka mayamang tao sa mundo natin na si Bill Gates na, "It's not your fault when you're born poor, but it's your fault if you die poor." Binibintang natin ang hinagpis sa gobyerno, at tinatawag natin itong mapagsamantala sa mga taong tinatawag nating 'masa', ngunit ano ba ang ginagawa ng masa para sa sarili nila? Ang di pag-angat ng isang indibidwal ay di nakabase na kanyang gobyerno, kundi ito ay nakabasi sa kanyang sarili lamang, at wala ng iba. Ang pagiging mahirap ni Mang Berting ay di natin pwedeng isisi sa gobyerno, at alam nating di hadlang ang pera sa edukasyon, at di rin edukasyon ang tunay na sagot upang umahon sa buhay, ngunit ang pagiging kuntento sa buhay na walang kasiguraduhan ang nagpapabagsak sa atin. Wag niyong tignan ang panirang makinarya ng gobyerno sa kwentong ito bilang ang pagsira ng pangarap ng isang simpleng magbobote, bagkus tignan ito bilang isang masaklap na pag-gising sa katotohanan.

    TumugonBurahin
  22. Tinutulungan tayo ng may-akda na mamulat sa katotohanan. Mapalad tayo at hindi natin dinaranas ang mga tulad ng nasa kwento.Maaring isipin natin na isa lamang itong barong-barong dahil hindi natin dinanas tumira sa ganito ngunit para sa mga taong naghirap na magtayo nito isang napakahalagang bagay ang nasira. tirahan.. isang munting tahanan..

    TumugonBurahin
  23. Naipakita dito ang pagbibigay halaga sa mga kagamitan na maaari pang magamit. Naipakita din nito ang pagtitiyaga ng tao para mabuhay lamang. Ang kwentong ito ay nagpapahiwatig na marami ang maaaring maging panganib kaya't dapat ay maging handa tayo lagi. Ito ay maaaring makapagbigay-aral sa mga mambabasa. Ang tao ay dapat maging handa sa anumang pagsubok na maaaring dumating sa kanyang buhay.

    TumugonBurahin
  24. Ang kwento ay nagpapakita ng mga pangyayari sa buhay ng isang mahirap na tao lalo na sa mga nakatira sa iskwater. Naipahiwatig nito na hindi madaling mabuhay sa mundo.

    TumugonBurahin
  25. Naipapakita dito ang pagkahilig at pagpapakita ng pagpapahalaga ng tao sa mga bagay na maaari pang magamit. Dapat nating pahalagahan kung anuman ang mayroon tayo.

    TumugonBurahin
  26. Napaka gandang metapora para sa ating pamayanan o gobyerno o republika. Ito ay nagpapakita na mahina ang pundasyon nito at napaka daling mabuwag kung hindi alam ng mga namamahala ang kundisyon ng ating paligid at ang kinakalabasan nito ay mga taong lumalaban para sa tama.

    TumugonBurahin
  27. ipinapakita sa kwentong ito na hindi mada ling mamuhay sa mundo lalo na kung salat sa buhay at hirap na hirap at hindi nakatira sa magandang tahanan . Kaya't kung ano man ang meron tayo dapat na pahalagahan natin ang mga ito .

    TumugonBurahin
  28. Masasabi kong maganda ang paksang napili ng manunulat sapagkat sumasalamin ito sa isang suliranin ng bansa. Lagi natin itong makikita sa mga balita, pero ipinkita sa atin ng may akda kung ano ang nararamdaman ng isang taong nasa ganoong kalagayan.

    TumugonBurahin
  29. Ang akdang ito ay napakamisteryoso. Noong una ay akala ko, mangangalakal si Mang Berting. Ayun pala'y binubuo nya ang kanyang bahay na winasak ng bagyo. Nakakalungkot lang isipin na marami sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng ganito. Gumagawa ng bahay nang walang sapat na kaalaman at kagamitan. Sa dulo ng akda ay nailahad ang totoong kalagayan ni Mang Berting. Siya ay isang iskwater. Maraming ganitong pangyayari sa ating bayan. Napapalayas ang mga illegal settlers. Ngunit ang tanging hiling ko lamang ay sana, paalisin sila nang walang dahas at ihanap sila ng lugar kung saan pwde silang makapagsimula ng bagong buhay.

    TumugonBurahin
  30. maganda at maayos ang akdang ito. ang mga pagkakaksunod-sunod ng mga pangyayari ay mahusay. maiintindihan dito na kailangan natin maging handa sa anumang pagsubok na darating sa ating buhay sapagkat ito ang magiging susi sa isang mahusay at mautak na paghahawak at pagreresolba ng mga problema.

    TumugonBurahin
  31. Sa unang parte pa lamang ng kwento ay malalaman mo na na si Mang Berting ay mahirap lamang. Isa siyang mangangalakal. Pero ang buong akala ko ay para ito sa kanyang pamilya. Ngunit hindi pala. Para ito sa kanyang bahay na nasira ng nagdaang kalamidad. Naaayon ito sa panahon ngayon, sapagkat halos lahat ng ating mga kababayang mahihirap ay nakatira sa mga "Squatters Area" na pagmamay-ari ng gobyerno. Ang kanilang mga bahay, maliit na nga, ay ginigiba pa sapagkat pag-aari daw ito ng gobyerno. Pero kung iisipin, tama nga ba ito? Imbis na ipamahagi ang mga pampublikong lupa, bakit nila ipinagdadamot ito sa mga mahihirap na nangangailangan ng masisilungan? Tanging ang gobyerno lamang ang makakasagot ng tanong na yan. Pero, para sa akin, marapat lamang na ipamahagi na lamang sa mga mahihirap ang mga lupa, kahit maliliit lang upang sila'y may masilungan man lang.

    TumugonBurahin
  32. kawawa naman ang matanda. nag-iisa na lang sya sa buhay. wala pa syang permanenteng matitirhan. tapos yung pinaghirapan nya bigla nalang nawala agad sa kanya. wala syang kamalay2.
    dapat kasi hindi binubulsa ng mga opisyal sa pamahalaan ang badyet na para sa mga mamamayan ng Pilipinas. paano tau uunlad kung sariling bulsa lang nila ang pinapaunlad nla?

    TumugonBurahin
  33. Ang buhay ng tao hindi nawawalan ng mga pagsubok. Minsan, maaaring makaginhawa tayo ngunit hindi rin malayo na tayo ay minsang maghirap.Katulad ng nasa kwento,mag-isa na lamang ang pangunahing tauhan sa buhay,walang ibang tutulong sa kanya kundi ang kanyang sarili.Ipinahihiwatig 'lang nito na sa buhay, dapat lagi tayong maging handa ,maging matatag sa pagharap sa hamon ng buhay. Hindi madali ang buhay sa mundo kaya dapat nating tulungan ang ating mga sarili.

    TumugonBurahin
  34. Sa aking palagay, ito ay sumasalamin sa dalawang bagay: Gobyerno at Mamamayan.
    Republika de Tabla, inahalintulad sa isang tabla ang ating pamahalaan ngayon. Na kahit ano man ang pilit nating sabihing matibay ang pundasyon nito, ito parin ay kahoy na rurupok pagdating ng panahon. Tulad ng ating pamahalaan ngayon, kaya ba nitong lutasin ang mga suliraning kahaharapin ng ating bansa?
    Republika de Tabla, sumasalamin sa pamumuhay ng tao, napakagandang malaman na ang mga Pilipino ay "resilient" madaling makabangon sa unos na dinanas ngunit, katulad ng nangyari sa tauhan noong una, nagiba ang ang kanyang tirahan sa bagyong dumating na hindi niya inaasahan, sa pagbuo niya ulit nito... hindi niya naisip ang iba pang posibilidad na mangyari. Dapat lagi tayong maging handa sa pagsubok ng buhay

    TumugonBurahin
  35. Kahirapan nga naman ! Binagyo na nga si manong, na-demolish pa ? Nakakalungkot isipin ngunit totoo . Mula sa pagdaan ng bagyo kung saan nasira ang kanyang tahanan, sa paggawa niya ng bahay mula sa pinag-tagpi-tagping tabla hanggang sa pagdemolish ng silong na pinaghirapan niya, pawang pagkaawa ang nararamdaman ko . Pagkaawa sa kanya dahil sa kanyang kalagayan at pagkaawa sa sarili ko dahil wala akong magawa . Hanggang basa lang ako :(

    TumugonBurahin
  36. napakasakit isipin na sa bawat pagsusumikap ng tao ay marami paring mga bagay na sumusubok sa kanyang katatagan. tulad nga ni mang berting na pilit bumabangon sa mga unos na kanyang nararanasan ay patuloy din ang pagsubok sa kanya. Para sa kanya kahit na maliit na tabla ay maituturing na nyang isang materyales sa kanyang pagtatayong muli ng dampa na magiging silong nya sa pang araw araw. Ang paggamit na mga salitang nagpapahiwatig ng kaganapan sa kwento ay napakakakaiba. kahit nung una ay medyo nalito ako , naibalik parin ang itinutukoy ng paksa na dinedemolis na ang mga bahay nila. akala ko kanina ay may nasusunog dahil sa mga sumisigaw na mga taong nagmamakaawa , sana ay naglagay pa sya ng mga pahayag na magpapahiwatig ng kanyang paksa upang d mawala ang mambabasa ng kwento. pero sa kabuuan naman ay naipahiwatig ng manunulat ang mga nangyayari sa paligid ng mga mahihirap. nakakaawa ang sitwasyon ng mga mahihirap sa kwento dahil sa mga bagay na nararanasan nila.

    TumugonBurahin
  37. Isang magandang metapora na nagpapakita ng kahinaan ng isang tao, pamayanan,maging sa pangkalahatan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng kahandaan sa anumang oras ng ating buhay sapagkat kalakip na ng ating buhay ang mga pagsubok lalo sa mga di inaasahang panahon, dito tayo sinusubok ng pagkakataon kung paano tayo humarap sa mga pagsubok na ito at sinusukat kung gaano tayo katatag.

    Isang trahedya ang mga ganyang kalamidad, na hindi natin inaasahan at hindi natin alam kung kelan dadating sa ating buhay.

    TumugonBurahin
  38. Trahedya kung maituturing ang nangyari kay Mang Berting. Pinaghirapan niya ang paggawa ngunit nasira lamng ng demolisyon.
    Ipinapakita sa kwentong ito ang kahirapan dito sa ating bansa, hindi kailangan ng mamagandang bahay basta't may masisilungan ay okay na. Sikap at tyaga ang kailangan upang magtagumpay tayo sa ating buhay. :))

    TumugonBurahin
  39. Masakit para kay Mang Berting ang masiraan ng tirahang kanyang binuo. Sabi nga ng ilan pagkatapos ng ulan ay ang bahagharing sumisimbolo ng ligaya pagkatapos ng pighati. Kahirapan nga naman, kahit saan meron niyan.

    TumugonBurahin
  40. Nakakaawa naman ang istorya ni Mang Berting. Nakakalungkot isipin na tulad ni Mang Berting, marami sa mga Pilipino ang nakakaranas ng ganito. Nagtitiis na lang sa dampa, basta may masilungan lang. Pero tuwing may trahedya, agad naman itong nasisira. Pero hanga naman ako dahil hindi naman nawawalan ng pag-asa si Mang Berting.

    TumugonBurahin
  41. Isang palaisipan din kung ano nga ba ang nais iparating ng kwento. Sa aking palagay, ito ay malalim na mensahenh nais iparating sa mga mambabasa. Sa aking pananaw, nais ihalintulad ng may-akda ang dampang itinatayo ni Mang Berting sa isang samahan o organisasyon na hindi itinayo ng buong kahandaan.

    TumugonBurahin
  42. nakalulungkot isipin na maraming mga kababayan natin ang dumaranas ng kahirapan tulad ni mang berting.
    at nakakaawa na ang kanyang pinaghirapang dampa ay nauwi lang sa wala.

    TumugonBurahin
  43. sa ating buhay ... di maiiwasan ang iba't ibang suliranin ... mga problemang hahamon at susubok sa katatagan ng ating katauhan .. mga problemang huhubog sa ating mga sarili ...

    kaya't upang di tayo masyadong mahirapan .. kailangang gumawa tayo ng matibay na pundasyon .. nang sa gayo'y matulungan tayo nito sa bawat pagsubok na kakabakahin ..

    TumugonBurahin
  44. Sa kwento ng ' Republika de Tabla' makikita ang kasalukuyang kahirapang kinakaharap ng ating bansa, kung saan ang mga mahihirap ay nananatiling mahirap at ang mga mayayaman ay lalo pang yumayaman. Ngunit sa maiksing kwentong ito hindi lamang negatibong katangian ng bansa ang ipinapakita. Makikita rin dito ang pagiging matatag ng mga Pilipino na sa oras na matapos ang unos ay agad na babawi ng lakas at magsisimulang muli.

    TumugonBurahin
  45. minsan madidismaya o nalulungkot tayo sa maliit na bagay pero ni minsan hndi natin naisip na hndi tayo ang may pinakamalungkot na buhay. andami nating hinihiling na hndi naman kailangan pero hndi nten naisip na ung ibang tao nakakaraos na khit nghihirap sila.

    TumugonBurahin
  46. Sinasalamin ng kwentong ito ang buhay ng marami sa ating nagdarahop sa buhay. Nakakahabag ang kanilang mga sitwasyon pero hindi sila sumusuko tulad ni Mang Berting sa kwento. Kahangahanga ang mga taong tulad ni Mang Berting na hindi sumusuko sa kabila ng mga hirap at pasaning dinadala sa buhay.

    TumugonBurahin
  47. napakalalim ng gustong ipahiwatig ni mang berting...isa lamang siya sa mga sumisimbolo na ang mga mahihirap ay lalong naghihirap kahot gaano pa sila magsumikap... :(

    TumugonBurahin
  48. isaring nakapagdamdaming kwento kung saan ay ay ipinakita rito ang paghihirap ng isang tao na ang hinahangad lang ay isang matinong pamamahay ngunit hindi ito magawa dahil sa kalikasan at sa mga nagdedemolis. Ipinapakita sa kwentong ito ang kahirapan dito sa ating bansa, hindi kailangan ng mamagandang bahay basta't may masisilungan ay okay na. Sikap at tyaga ang kailangan upang magtagumpay tayo sa ating buhay. magandang akda :)

    TumugonBurahin
  49. Isang nakakalungkot at nakakahabag na kwento. Ang tauhan ay isang praktikal na tao sa hirap ng buhay na dianadanas niya. Mahusay na naipakita ng may akda kung gaano kasalat ang mamamayan sa kanilang matitirhan. "There's no place like home", ika nga. Paano na lang kung wala ka naman talagang mapupuntahan? Kaawa-awa na lang.

    TumugonBurahin
  50. Hindi kailangan ng madaming pera para maipakita na may maganda kang buhay, basta masaya ka at may tahanan na mapupuntahan ay ayos na

    TumugonBurahin
  51. Ang kahirapan ay isang sakit ng lipunan na mahirap bigyang solusyon. Sa akda, nakaramdam ako ng awa para sa ama na sinubukang gawin ang lahat upang makagawa ng munting masisilungan para sa kanyang pamilya ngunit sa isang saglit ay winasak ito ng mga taong may sapat na kapangyarihan.

    TumugonBurahin
  52. Si Mang Berting ay nagpakita ng ugaling walang kaartehan. Ayos na sa kanya ang mga tablang pinagsama-sama upang makabuo muli ng bahay na masisilungan pagkatapos ng trahedyang sinapit. Sa kasawiang palad, may mga bagay talaga na hindi natin inaasahang mangyari; na pagkatapos nating paghirapan ang isang bagay ay may sisira rin dito.

    TumugonBurahin
  53. Sadyang malupit talaga ang pagkakataon sa bawat tao,di mo alam kung kailan darating ang problema at kasawian,sa lagay ni Mang Berting nagpakita siya ng simpleng kaginhawaan para sa sarili,kuntento na siya sa kung ano ang meron siya,ngunit sa kasawiang palad natapos ang buhay nya ng di nya alam.

    TumugonBurahin
  54. Si Mang Berting ay isang halimbawa ng isang napasimpleng Pilipino. Maraming Pilipino ang narerepresenta ni Mang Berting dahil sa panahon ngayon ay marami ang naghihirap kung ang kanilang pamumuhay ay payak. Ang pagiging matatag na lamang ang magagawa at ang pagdadasal sa Diyos ang paraan upang malagpasan ang mga hamon ng buhay. :)


    Richelle Inocencio Balza
    BSA I-15

    TumugonBurahin
  55. Lahat ng pinaghirapan natin ay mababalewala kung hindi nila makikita ang tanging hangarin mo. Sa akdang ito, pinilit ni Mang Berting na itayong muli ang nawasak niyang bahay buhat ng bagyo kahit kulang ang kanyang mga kagamitan. Pero isang araw, isang karumaldumal ang nangyari. Nademolish ang kanilang mga bahay, at tuluyan ng winasak. Sana naman bago nila dinemolish yung lugar ay mayroon na silang paglilipatan dun sa mga taong mawawalan ng tahanan.

    TumugonBurahin
  56. sa kwentong ito ay masasabi na may mas malalim pa na nais ipahiwatig ang may akda nito

    TumugonBurahin
  57. Sa ating buhay, dapat ay handa at maging matatag tayo sa mga unos/pagsubok na maaaring dumaaan sa atin. Dapat hindi tayo madaling sumuko kahit gaano pa kabigat ang problemang dinaranas.

    TumugonBurahin
  58. Nakakaawa naman ang karakter sa naging katapusan ng maikling kwento, ito siguro ang pakiramdam ng mga taong nakatira sa isang lugar na idedemolish. Humahanga na ako sa author dahil mulat ang kanyang isipan sa mga bagay-bagay. at sa malalim na pag-iisip ipinapaabot nito na, sa bawat pangyayari sa buhay dapat tayong maging HANDA.

    TumugonBurahin
  59. Nakakaawa ang mga ganitong pangyayari ngunit hindi nila kailangan ang ating simpatiya. Kinakailangan nila ay aksyon at hindi puro pangako. Sila namaa'y walang ginagawang masama. Ang mga mayayamang tao kasi, dahil alam nilang sila nakakaangat, gumagamit ng pera upang maialis ang mga sasagabal sa plano nila. Hindi dapat ganoon. Dapat matuto tayong mag-bigay at mag-paraya.

    TumugonBurahin
  60. kawawang Mang Berting. Siya ay naghirap upang mangalakal at itayo ang kanyang bahay. pinagmatibay niya ito upang hindi na muli sirain ng bagyo o anu mang paninira ng kalikasan ngunit ang hindi niya akalain ang pagninira ng mga makinang guguho sa kanyang silungan.

    TumugonBurahin
  61. Masaklap ang nangyari sa kwento at kalunos-lunos ang naging buhay ni mang Berting.. Madalas ito mangyari sa totoong buhay at libolibo sa ating mga kababayan ang nkararanas nito.

    TumugonBurahin
  62. Ang kwentong ito ay sobrang napapanahon, marami sa ating mga kababayan ang hindi tumitira sa tamang tirahan dahil sa kahirapan. Kaya madalas sa kung saang lugar na lamang sila magsiksik upang may matulugan lamang. Sobrang hirap ng nangyari sa kwentong ito ni Mang Berting sapagkat matapos niyang magawa ang kaniyang mumunting silungan ay hinagupit naman ng makinang sumira sa tahanan ng karamihan. Nakakalungkot isipin na hindi man lamang matulungan ng pamahalaan ang mga taong ito na nagkakandaugaga sa paghahanap-buhay upang kumita ng maliit na salapi para lamang may pantustos sa sarili at pamilya. :DD

    TumugonBurahin
  63. MAHIRAP MAGING MAHIRAP .. sabi nga nila , na totoo namn talaga . may mga bagay na ginagawa ng maliit na tao ang minamata at hindi kinikkilala o pinahahalagahn ng mataas o may kapangyarihan ..

    TumugonBurahin
  64. Bakit ba parati na lamang inaapi ang mga mahirap? Palibhasa ay masyado nang naka-depende ang tao sa estado ng pamumuhay ng iba. Hindi naman nila kasalanan maging mahirap. Simpleng kaligayahan na lamang ng matanda na "masisilungan", hindi pa nila maibigay.

    TumugonBurahin
  65. diskriminasyon at hindi pagbigay respeto sa mga mahihirap. lahat naman tayo ay nagsimula sa hirap. nagkataon lamang na ang iba ay umasenso at ang iba ay hindi. Dapat ay tulungan natin ang mga hindi nakaasenso at sana naman ay magkaroon ng pagkakapantay pantay.

    TumugonBurahin
  66. Sa panahon ngayon hindi natin maiiwasan ang mga problemang maaring mangyari sa atin anumang oras ito dumating. Dapat na paghandaan natin ang mga problemang ito at kailangan maging matatag tayo sa pagharap ng mga ganitong problema.

    TumugonBurahin
  67. Ang kwentong ito ay bagay na bagay sa panahon ngayon. Lahat ng nasa kwentong ito ay nakbase sa kasalukuyang nangyayari sa ating mga kababayan. Ang pait ng buhay, na minsan ginagawa mo ang lahat para sa taong mahal, nagtratrabaho ka, nagsasakripisyo na hindi siya makasama at makapiling ng matagal para may sapat ka na pantustos sa pangngailangan niya, pero dahil sa wala ka ngang oras para sa kanila minsan ay nagiging dahilan ito para iwan ka nila kahit ang lahat namang iyon ay ginagawa mo para sa kanila din.

    TumugonBurahin
  68. Hindi natin masisisi ang kalikasan, dahil sumusunod lang ito sa dapat na reaksyon na sinimulan ng tao. Pero kahit anong mangyari, tayo pa din ang muling magsasaayos nito at magbabalik ng dating tindig ng bayan.

    TumugonBurahin
  69. (mali ang nauna kong comment, ang comment na iyon ay para sa Ang Diary ng Modernong Call Boy)

    ---- Ang kwentong ito ay sumasalamin sa buhay ng mga kababayabn nating nakatira sa mga Squaters area. Mga kababayan natin na walang kakayahan bumili o umupa ng matinong tirhan dahil sa kahirapan. Kahirapan na hndi matakas-takasan ng ating mga kababayan.

    TumugonBurahin
  70. Mahirap man, ang ipinagdaanan ni Mang Berting. Pero nagawa niya parin ang kanyang tungkulin. Kung ako lang ay may pera't may kaya, tutulungan ko nga mga tao lalo na sa gitna ng isang trahedya.

    TumugonBurahin
  71. Sa aking sarilin opinyon, ang Republika de Tabla ay sumasalamin sa ating gobyerno. May mga nagsasabing protektado ito ngunit sa likod nama'y nito ay parang isang tabla na tila mahina na at sa isang pitik lang ng kalaban ay maguguho agad ito. Makikita naan din sa kasaysayan natin na ilang beseese na tayong nasakop ng mga dayuhan at ito'y nagapakita na ang bansa natin ay madaling masakop.

    TumugonBurahin
  72. Napakalalim ng kahulugan ng kwento kung tutuusin natin. Sa simula'y magulo at hindi natin maintindihan, ngunit habang tumatagal ang pagbabasa ay unti unti nating nakukuha ang kahulugan nito. Sa mga desisyong ating ginagawa, lagi nating isasaisip ang mgaiging epekto nito sa atin, sa iba at sa kinabukasan. Huwag tayong gagawa ng mga bagay na pagsisihan natin sapagkat maikli lang ang ating pamamalagi sa mundo para mamuhay ng puro pagsisisi sa ating mga nagawa.

    TumugonBurahin
  73. Ang kwentong ito ay tulad ng mga tunay na pangyayari. Tila minulat nito ang totoong kalagayan ng ating lipunan, na may mga tulad ni Mang Berting na nakararanas ng paghihirap.

    TumugonBurahin
  74. Ang ganda, napapanahon ngayong demolisyon ng mga tirahan ng mga tao. Ang kwentong ito ay tulad ng mga tunay na pangyayari.

    TumugonBurahin
  75. Sa mga desisyong ating ginagawa, lagi nating isasaisip ang mgaiging epekto nito sa atin, sa iba at sa kinabukasan.

    TumugonBurahin
  76. Marami ang bumabangon sa kani-kanilang problema ngunit tila ay bumabagsak pa rin sila. Sa mga pagkakataong ganito ay dapat maging handa tayo at isiping mayroon pang panibagong pag-asa ang naghihintay sa atin.

    TumugonBurahin
  77. Sumakit po ang ulo ko dito xD Pero medyo naintindihan ko naman po...

    Dapat gawin mo ang lahat ng bahay na may ingat at plano para hindi ka magsisi sa huli.

    TumugonBurahin
  78. kahit na anung paghihirap natin upang tayo'y umunlad ay maraming sumasagabal sa atin. ito ang aking naintindihan sa akdang ito pero ang aking mahihinuha ay kahit na ganito na ang nangyayari sa atin ay hindi dapat tayong sumuko sa laban dahil habang may buhay ay may pag-asang darating. nakakalungkot na kwento pero napakahusay na akda.

    TumugonBurahin
  79. Napakalalim ng ipinababatid ng may-akda sa kanyang kwento. Sa aking palagay,ang sinasabi dito ng may-akda ay walang sapat na kakayahan si Mang Berting na ipaglaban ang kanyang karapatan para ipaglaban ang kanyang dampa dahil wala naman talaga siyang karapatan doon.

    TumugonBurahin
  80. Makikita sa umpisa ng kwento ang spirito ng pagiging pilino. Gaya ni mang Berto, na kahit nasira ng bagyo ang kanyang bahay ay tinayo nya ito muli sa pamamamagitan ng pangangalakal ng tablang kahoy. Tulad ng mga madaming pilipino Patuloy na lumalaban kahit mahirap ang buhay.

    TumugonBurahin
  81. pinatutunayan ng kuwento ang tunay na personalidad ng isang pilipino. ang pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok

    TumugonBurahin
  82. Huwag tayong magpatalo sa problema. Di natin maabot ang tagumpay kung iisipin natin ang mga ito. Di ito ang basihan para tumigil ang agos ng iyong buhay, dahil pag-gusto marami ang paraan.

    TumugonBurahin
  83. Maraming paraan ang ating maaaring magawa kung talagang gusto nating makuha ang ating mithiin, kailangan lamang ng sipag at paniniwala sa sarili.

    TumugonBurahin
  84. Walang kasalanan ang kalikasan sa kung ano ang nagaganap na nakakasira sa ating pamumuhay. Dahil sinusunod lang ng kalikasan ang tamang reaksyon sa bawat ginagawa ng tao. Kahit ganito man ang kinahinatnan ay dapat na magpursige ang tao na gawin ang lahat para makabangong ulit.

    TumugonBurahin
  85. hUWAG SISIHIN ANG KALIKASAN. IPAGPLABAN~

    TumugonBurahin
  86. ang akdang ito ay tungkol sa paghihirap ng isang pamilya na nagnanais lang ng matutuluyan. parang sa buhay, hangad natin ng kaasensohan ngunit maraming naging sagabal. nahinuha ko rito sa akdang ito na kailangan nating lumaban kahit na anung mangyari laban sa kahirapan.

    TumugonBurahin
  87. Kaawaawa naman talagang isipin ang sitwasyong nabasa ko ngunit d un isang piksyon. Nangyayari talaga sa paligid natin ang mga ganyang bagay dahil sa kahinaan ng gobyernong mawakasan ang kahirapan. Kung matibay lang ang pundasyong ng ating bansa laban sa mga ganungsuliranin ay hindi mangyayari yan sa mga kapwa Pilipino natin.

    TumugonBurahin