Dumukot siya sa kanang bulsa
habang nakaupo. Nakapa ang lighter at bottle opener. Dumukot siya sa kaliwa.
Bahagyang kumalansing. Sinalat ang nakapa. Dinakot. Inilabas. Bumungad ang bente
pesos at tatlong baryang mamiso. Naalala
niya ang habilin na pasalubong ng anak. ‘Yung pink na tinapay sa bakery
malapit sa palengke. Napangiti siya. Akinse ngayon, at siguradong
makapagpapasalubong siya sa anak at makababayad na ng utang ang kanyang misis. Ibinalik
niya sa kaliwang bulsa ang hawak na pera. Agad niyang nilagok ang isang baso ng
tubig sa lamesa sa quarters ng mga empleyado. Tapos na ang break niya. Ilang
oras na lang, makukuha na niya ang sahod sa opisina ng manager. Tumayo na siya
at dumeretso sa dining area kung saan siya nakatoka para mag-serve sa mga
customer.
Halatang ganado siyang
magsilbi. May gilas ang kanyang mga galaw habang hawak ng isang kamay ang tray.
May kasamang ngiti ang pagse-serve niya. Paroo’t parito sa bar at dining area. Paspas
magtrabaho sa dami ng mga order. Maya-maya pa’y sinipat niya ang main door.
Madilim na sa labas. Tinanaw niya ang wall clock sa bar ng restaurant. Sakto,
alas otso na. Tinapik niya sa balikat ang nakasalubong na kasamahan.
“Brad, out na ‘ko! ‘kaw na
bahala sa pwesto ko. Wala na ‘kong pending na order.” Tumango ang kausap. Agad
niyang tinahak ang daan patungo sa manager’s office.
Kumatok siya sa nakabukas na
pinto. Bumungad ang may katabaang lalaki na nakaharap sa computer.
“Sir magandang gabi po!”
Lumingon ang nakasalaming lalaki
saka tumango. Tumuloy siya sa loob. Binuksan ng lalaki ang drawer sa ilalim ng
computer. Kumuha ng isa sa mga nakasalansang sobre. Pumihit ito paharap sa kaniya
habang nakaupo sa computer chair.
“Mr. Dela Cruz?” pagtitiyak sa
kaniya ni Mr. Ling na namamahala sa restobar.
“Ako nga po sir.” Saka iniabot sa kaniya ang sobre.
Nanibago siya. Parang medyo makapal ang sobre kumpara sa nakasanayan niya sa
mga lumipas na akinse at katapusan. Pagtataka ang naramdaman niya.
Tumindig si Mr. Ling at
tinapik siya sa balikat. “Isinama ko na dyan ang back pay mo.”
Nagulat siya. Bago pa man
makaimik ay itinuloy ni Mr. Ling ang sasabihin.
“Pasensya ka na, kelangan ko
magbawas ng tao. Nagkataong isa ka sa mga paso na ang kontrata…”
Hindi na niya marinig ang mga
sumunod na salita ni Mr. Ling. Gumuhit sa kaniyang alaala ang naghihintay sa
kaniyang pag-uwi na asawa’t anak. Makababayad na nga sila ng utang. Mauuwian na
rin niya ng pink na tinapay ang anak. Napatungo siya. Hindi na nakaimik.
Napatitig sa hawak na sobre. Ito na pala ang kaniyang huling akinse.
Nakaka-touch tong kwentong ito. Napakasimple ng kanyang gustong matamo at napaka ganado niya sa ginagawa niyang trabaho, ngunit dahil nagbabawas sila ng gastos sa bar, natanggal siya ng ganun na lang. Nakakalungkot lang, dahil alam nating totoo ito. Nangyayari toh ngayon. Maraming manggagawa ang nawawalan ng pinagkakakitaan, dahil sa pagbagsak ng ekonomiya, pagmamahal ng mga raw materials, pagmamahal ng mga bilihin, at kung ano-ano pa. At dahil dito, nawawalan na nga sila ng trabaho, wala pa silang pambili ng mga pagkain.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
Burahinhndi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya at sa kanyang pamilya. sa panahon ngayon mahirap mgkapera. mahirap makahanap ng trabaho at mahirap mgtguyod ng pamilya. at minsan, nwawalan pa ng trabaho yung mga ganado at masipag magtrabaho :(
TumugonBurahinIsa sa mga kwentong nagpapaantig ng puso. Isang butihing ama na handang gawin ang lahat para sa pamilya. Ito ay karaniwang nangyayari sa panahon ngayon, at nakakalungkot nga lang na isipin na kung sino pa ang may kasipagan sa buhay ay siya pa ang hindi sinuswerte. Sana hindi ito mangyari sa ibang tao na tunay na may dignidad sa pagtatrabaho.
TumugonBurahinNakakahabag ang lalaki sa kwentong ito. Masaya pa naman siya dahil makukuha na rin niya ang kanyang sahod para sa kanyang pamilya ngunit iyon na pala ang kanyang huling sweldo. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging wakas ng kwento.
TumugonBurahinNakakaiyak naman tong kwentong to......napakahirap isipin sa ngayon na maraming umaasa sa atin pag uwi sa ating mga tahanan tapos sa isang kurap lamang ng mga mata ay biglang maglalaho ang lahat.. paano na ang ating pamilya pag nagkataon??? sa panahon pa naman ngayon mahirap maghanap ng maayos ang kitang trabaho... :(
TumugonBurahinNakakalungkot mang isipin ngunit karamihan sa ating mga manggagawang pilipino ang naranasan na ang kanilang "huling akinse". Nawa'y magsilbi itong maikling kwento na ito kahit na onting panggising sa realidad ng buhay na kailangan nating makaranas ng mga ganitong uri ng kabiguan sa buhay para maging matatag tayo.
TumugonBurahinKcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4
Totoong nakakaantig ito ng damdamin. Sadya sigurong walang permanente dito sa mundo. Sana ang sumunod na pangyayari matapos ang huling naganap ay mas nagpakatatag ang nangungunang tauhan sa kwento. Matatag para makahanap siya agad ng panibagong hanap-buhay upang maiwasan na nilang magpamilya ang mangutang at pati na rin makabili siya ng maraming pink na tinapay para sa kanyang anak. Patuloy ang buhay dapat. Kahit masakit sa kanya, magagawang magpatuloy ng bar na pinagtatrabahuan niya kahit wala na siya.
TumugonBurahinnakakalungkot mang isipin ay nangyayari 'to sa totoong buhay. pilit na nagsisipag ang mga tao para lamang maitaguyod ang kanilang pamilya. pinapasok nila kahit anong trabaho maibigay lang ang mga pangangailangan ng mga mahal nila sa buhay. pero di maiiwasan na kung kailan ka masaya, dun naman darating ang isa pang problema.
TumugonBurahinIto ang karaniwang nangyayari. Malungkot mang isipin ngunit kailangan nating magpatuloy sa buhay. Lahat ng bagay ay may dahilan mula sa itaas. Huwag tayong mawalan ng pag asa.
TumugonBurahinMadalas mangyari ang ganitong eksena sa mga kompanya at kung saan pang mga business na nagbibigay ng trabaho sa mga empleyado. Maganda ang pagkakalahad sa kwento sa kung ano ang karaniwang nangyayari sa mga buhay ng mga tao. Dapat maging handa na lamang tayo sa mga mangyayari upang hindi tayo magipit kung sakaling may mangyaring hindi maganda. :DD
TumugonBurahinMalungkot ang katapusan ng kwento.. Ngunit mas namutawi ang pagiging postibo ng pangunahing karakter.
TumugonBurahinNakakalungkot ang sinapit ng karakter sa istorya. Masaya ang aking pagbabasa sa simula ngunit ng dumating na ako sa huli ay nalungkot ako.Sana nabigyan pa siya ng mahabang panahon upang makapagtrabaho pa doo. Maganda pa naman ung intensyon niya at sa mabuti niya gagamitin ung pera.:(
TumugonBurahinNakakalungkot ang kwento. Ganito rin ang nangyayari sa tunay na buhay, pahirapan talaga makakuha ng permanenteng trabaho kahit gaano ka pa ka-sipag. Kaya maraming Pilipino ang naghihirap dahil walang trabaho.
TumugonBurahinisa itong natural na eksena kung saan ginagawa natin ang lahat para lamang sa ating pamilya kahit na ikasama pa natin ito
TumugonBurahinIsa syang mapagmahal na ama na iniisip lamang ang kanyang anak at nakakalungkot isipin na ganun ganun na lang ang mangyayari sakabila ng kanyang pagsusumikap. Minsan ang kwentong ito ay nangyayari sa totoong buhay, di naiiwasan ang mga pagdating ng bagay na di inaasahan na magbabago ng ating buhay.
TumugonBurahinISA ITONG REALIDAD. NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA MARAMI ANG KATULAD NG GANITO SA NGAYON. KAILANGAN MAGSIKAP SA TRABAHO AT DAPAT TALAGANG PAHALAGAHAN ITO. -BSP 1-4
TumugonBurahinMasaya sa kalagitnaan ang kwento dahil mukhang malaki ang sasahurin ng tauhan sa kwento at may pambayad na sila sa mga bayarin, may mabibitbit na rin siyang pasalubong sa kanyang anak sa kanyang pag-uwi. Ngunit ganoon talaga ang buhay, hindi laging magaganda ang nangyayari. Lagi na lamang sana tayong maging handa sa anumang pwedeng mangyari at 'wag kalimutang manalangin.
TumugonBurahinSimple at payak ang kwento ngunit may thrill at twist sa kalagitnaan.Maganda ang mga naganap sa mga unang pangyayari ngunit sa huli ay may kasunod na kalungkutan ang naranasan ng pangunahing karakter.
TumugonBurahinAng buhay ay sadyang napakahirap sapagkat ito ay pabago-bago. Hindi mo akalain ang mga mangyayaring pagsubok sa buhay mo ngunit nandiyan ang pamilya upang maging iyong inspirasyon. Ang pamilya ang iyong magiging lakas sa bawat problemang iyong kahaharapin. :)
TumugonBurahinRichelle Inocencio Balza
BSA I-15
Nakakatuwang isipin na ang ama ay sabik na makuha ang kanyang kaunting sweldo para sa pamilya. Nasasabik ang karakter ngunit ang pananabik na ito ay napalitan ng matinding lungkot matapos malaman na ang sweldong matatanggap niya ay huli na, kasama akong nakadama ng lungkot sa nangyari sa isang ama na nawalan ng hanapbuhay.
TumugonBurahinHindi mo talaga malalaman kung ano ang mangyayari sa iyong hinaharap. :)
TumugonBurahinDito sa akdang Akinse, masayang masaya siya dahil makakapag-uwi siya ng pasalubong para sa anak. At makakapagbayad na sila ng kanilang mga utang. Oo nga at isinama na ang back pay niya, pero yun na pala ang huli. Wala ng susunod na akinse sa kanilang pamilya.
Marami sa ating mga kababayan ang nakararanas nito. Kaya tutol din ako sa kontraktwalisasyon. Kasi matapos lamang ang anim na buwan o higit pa, maaari ka nang sibakin sa trabaho sapagkat paso na ang kontrata mo. Kaya maswerte ka talaga kung magiging isang regular na empleyado ka.
Tandaan na sa bawat pagsubok na darating, mayroon pa rin tayong matatakbuhan. Nandyan ang Panginoon at nandyan din ang iyong mga mahal sa buhay. :)
Ito ay di lamang simpleng kwento sapagkat may mga tunay na taong ganito. Maga-apply sa isang kompanya, bibigyan ng kontrata, pagdedesisyunan at kung di magustuhan ay tatanggalin na lamang ng basta. Nakakaantig ang kwentong ito sapagkat salamin ito ng buhay ng ilan nating mga kababayang lugmok sa kahirapan. Malungkot sapagkat di nakikita ng iba ang mga sitwasyong ganito. Ang mga anak na dumadaing ng gutom ngunit walang maibigay na pagkain ang mga magulang na patuloy sa pakikipag-agawan sa mga trabaho. Magmasid tayo, maraming ganito. Malungkot ang maikling kwentong ito.
TumugonBurahinNakakalungkot naman ang kwentong ito dahil ang saklap ng nangyari kay Mr. Dela Cruz. Atat na atat pa naman siya na makuha yung sweldo niya para sa pamilya niya, tapos yun na pala ang huling sweldo niya. Masakit lang isipin na may ganito talaga na nangyayari sa totoong buhay.
TumugonBurahinSadyang nakakalungkot lang yung mga ganitong pangyayari. Kung kailan mas kailangan natin ng trabaho, dun pa tayo mawawalan. Pero lahat naman ng bagay na nawala ay may kapalit. Malay natin may mas magandang opurtunidad na naghihintay para sa kanya.
TumugonBurahinSa una ay nakakatuwang isipin na malaki ang pagmamalasakit ng ama sa kanyang pamilya. Kumakayod sya ng mabuti upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngunit nakakalungkot ding isipin na maraming suliranin ang maaring kaharapin ng isang ama katulad na lamang sa kwentong ito na kung saan ay nawalan ng trabaho si Mr. Dela cruz.
TumugonBurahinsa kwentong ito ay ipinapakita ang mga karaniwang Pilipino na salat sa pera para matustusan ang pangangailangan ng pamilya at sa lalaki naman ay naawa ako dahil sa nangyari sa kanya.
TumugonBurahinNakakatuwa ang unang parte ng kwento dahil makikita mo sa lalaki na mahal nya ang kanyang pamilya. Gagawin nya ang lahat mapasaya lamang sila. Ngunit nalungkot ako sa bandang huli dahil natanggal sya ng biglaan sa trabaho. Hindi mo talaga malalaman kung ano ang maaaring mangyari sayo.
TumugonBurahinAng ganda ng takbo ng kwento nito. Bagaman masakit sa kalooban ang wakas ng kwento, napakamakahulugan nito para sa mga taong pinapahalagahan ang kanilang trabaho lalu pa't kailangan na kailangan nila ito. Mahirap makahanap ng trabahong permanente sa panahon ngayon kaya naman, napakahirap tanggapin para sa tauhan ang nangyari sa kanya.
TumugonBurahinIsa ito sa mga pinakanakakaantig na nabasa ko. Sadyang malungkot ang mga kasawian sa buhay, ngunit kailangan natin itong tanggapin upang tayo ay matuto at tumayo muli. Bumangon ka at huwag kang magpapadaig sa kapaitan ng mundo. Ikaw ang magbigay ng ngiti sa mga pinagkaitan ng mundong ito.
TumugonBurahinnakakaawa naman ang lalaki sapagkat napaka hirap na ngayong maghanap ng trabaho at sa kabilang dako siya ay may pamilya pa. Dapat ang tanggalin na lang ang mga naglalakihang tiyan ng mga lalaking nakaupo sa mga computer. Masipag naman siya at masikap. Kawawa naman siya hindi niya akalain na iyo na pala ang huli niyang akinse.
TumugonBurahinnakak lungkot isipin na sa isang bigla ay maaring mwala ang mga bagay na gusto mo , inaasahan at pinahahalagahan . pero sa mga panahong katulad nito , wala tayong mggwa kundi tanggapin ito .. ang mga pagsubok at problema , bukod sa maaring panggalingan ng lakas ay nagiging mga guro natin sa ano ba tlga ang reyalidad ng buhay . xD
TumugonBurahinIsa ito sa mga maikling kwentong nabasa ko na nagpapakita ng realidad ng buhay. Nakalulungkot isipin na may ganoong klase at katayuan ng tao hanggang ngayon. Hindi natin alam ang mangyayari sa sususnod na mga arw, kaya't nararapat na maghanda tayo sa mga posibilidad na ito dahil maaaring magdulot ito ng kasiraan o kagandahan sa buhay ng tao.
TumugonBurahinMinsan sa buhay natin, kailangan nating bumagsak. Hindi para masubukan ang ating lakas, kundi para tayo matuto.Kung tayo ma'y nasa ibaba na, laging alalahaning wala na tayong ibang patutunguhan kundi ang umangat ngunit ito lamang ay kung iyong talagang nanaiisin.Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ay plano ng Diyos kailangan lang nating kumapit ng matibay at magtiwala. :)
TumugonBurahinIsang kwento na sadyang nakakaantig ng damdamin. Kuhang-kuha nito ang tunay na buhay, ang kadalasang nangyayari sa nga contractual na manggagawa na walang matinong kontrata dahil wala na rin naman matitinong trabaho sa bansa. Nakakalungkot isipin na ilang porsyento ng mga Pilipino ang nakakaranas nang ganito, ang pagkayod pasa sa temporal na panahon.
TumugonBurahinAng kwentong ito ay isang patunay na walang permanenteng bagay sa mundo. Lahat ay pang-sandaliang panahon lamang. Maaaring ang mga bagay na ikinakasaya mo ngayon ang magpapaluha sa iyo sa kinabukasan. Napakasakit sa isang ama na mawalan ng trabaho, pero mas masakit para sa kanya na hindi maibigay ang mga bagay na importante para sa anak at asawa.
TumugonBurahinSa buhay, hindi talaga maiiwasang magkaroon ng problema. Tulad sa kwentong ito, ang pangyayaring dapat ikasaya ay hindi inaasahang isa rin palang pangyayaring magdudulot ng kalungkutan. Kung ako ang nasa sitwasyong ng ama, hindi ko rin maiiwasan ang manlumo sa umpisa. Ngunit iisipin ko na dapat ipagpatuloy ang buhay. May dumating mang suliranin, dapat lagi akong handang harapin ito at magsimulang muli.
TumugonBurahinHindi naging maganda ang naging katapusan para sa karakter sa akda. Nakakalungkot isipin na ang perang makukuha niya sa kanyang trabaho na inaasahan niyang mapagkukunan ng ipangbubuhay sa kanyang pamilya ay hulinh beses na niyang matatanggap.
TumugonBurahinSa Pilipinas isa na itong pangkaraniwang sitwasyon ng mga Pilipino, dahil sa kakulangan ng mga trabaho na dapat ay para sa ating mga mamamayan. Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa. Lahat ng problema ay may dahilan. Maaring mas may magandang trabahong darating sa kanya at mas mataas pa ang sahod.
TumugonBurahinNakakalungkot ang naging katapusan ng kwento ngunit ito ay hindi naiiba sa totoong dinadanas ng mga kababayan nating Pilipino. Gusto ko ang pagkakagawa ni Gng. Abaya sa Akinse. Oo nga't maikli ito ngunit nag-iiwan ito ng kurot sa damdamin ng mambabasa.
TumugonBurahinNakakalumbay ang kinahinatnan ng kwento. Talamak na sa Pilipinas ang ganitong sitwasyon, kaunti lang ang nagkakaron ng permanenteng trabaho. Ang mas nakakalungkot pa. Kung sino pa hirap sa buhay, ang siyang natatanggal sa trabaho.
TumugonBurahinAkinse, galak sa mga nag-tatrabaho, dahil maaari na nila itong pambayad utang. Ngunit, kung ang huli na ang akinse mong matatanggap, paano na kaya tatakbo ang iyong buhay? Baon sa utang?
TumugonBurahinIsang napakaikli ngunit napakamahulugang kwento. Binibbigyang pansin rito ang kawalang trabaho ng karamihan sa mga Pilipino. Ang "Akinse" ay nag-iwan sa akin ng napakamahalagang aral. Lahat ng problema ay may katapusan, kung hindi pa nareresolba, hindi pa ito ang katapusan.
TumugonBurahinKwnetong nangyayari sa tunay na buhay. Mga magulang nagsusumikap para sa mga anak. Kung kaya't dapat nating pahlagahan ang ating magulang. :)
TumugonBurahinHindi ko maiwasang maawa at mag-alala para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Paano na ang mga plano niya sa kanyang akinseng sweldo? Ito ay sumasalamin sa mga mapapait na sinapit ng mga manggagawa na biglaan tinatanggal. Hanggang kaylan kaya ito mangyayari? May katapusan ba ito?
TumugonBurahinIrne Joy Geroy BSPsy 1-4
Hindi ko maiwasang maawa at mag-alala para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Paano na ang mga plano niya sa kanyang akinseng sweldo? Ito ay sumasalamin sa mga mapapait na sinapit ng mga manggagawa na biglaan tinatanggal. Hanggang kaylan kaya ito mangyayari? May katapusan ba ito?
TumugonBurahinIrne Joy Geroy BSPsy 1-4
nararapat lamang na basahin ito ng mg kabataang naliligaw na ng landas. dapat nating pahalagahan ang bawat sakripisyoi ng ating mga magulang sa atin. suklian natin ito ng kabutihan at respeto.
TumugonBurahinMalupit talaga ang mga tao kapag may kinalaman ito sa trabaho at pera. Pero nakakinis isipin na nawalan ng trabaho ang isang inosente at nangangailangan ng pera para sa pamilya. Nakakalungkot.
TumugonBurahinSimple lang ang hinihingi ng kanyang anak. Pero hindi niya maibigay dahil wala siyang pera...masakit iyon sa parte ng magulang...
Sana magka-trabaho ang lahat ng taong tunay na nangangailangan at deserving!
Makatotohanan ang kwento. Natural sa ating mga Pilipino ang ganito. Ang mga magulang na nagsisikap at mga anak na di ito pinahahalagahan.
TumugonBurahinNakakaawa.. Nakakaawa ang mga ganitong klase ng tao. Nakaainis din isipin na nawawalan ng trabaho ang mga inosente.
TumugonBurahinDapat may pagkakapantay-pantay. Malupit talaga ang mga tao kapag may kinalaman ito sa trabaho at pera. Hindi ko maiwasang maawa at mag-alala para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
TumugonBurahinNakakalungkot. Pero ito ay isa sa mga katotohanan sa ating mundong ginagalawan. ang mga mahihirap ay lalong naghihirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman.
TumugonBurahinMinsan talaga ganyan ang buhay, gayun pa man ay kailangan nating ipagpatuloy ang ating pagsisikap at gawin ang lahat kung may nais.
TumugonBurahinSa panahon ngayon ay lalong lumalaki ang agwat ng mahihirap at mayayaman. gayunpaman, kailangan nating magsumikap kung gust nating makadama ng kaginhawaan.
TumugonBurahinHindi normal ang iyong buhay kung di ka makararanas ng mga problema o pagsubok. Sinusubok lang tayo ng tadhana upang mapatatag natin ang ating mga sarili. Huwag magpadala sa mga problema dahi lahat ng ito ay may tiyak na solusyon.
TumugonBurahinito ay talagang nangyayari sa totoong buhay, kayaq dapat lang tayong maging handa sa ganitong klase nang mga pangyayari.
TumugonBurahinNAkakalungkot isipin na nawalan ng trabaho ang isang ulirang magulang para sa kanyang mga anak.Sabi nga nila, ito'y parte lamang ng buhay ngunit ating tandaan na ang maga pagsubok na ito ay nagpapalakas sa atin pag ating nalagpasan sa tulong ng Diyos.
TumugonBurahinDahil sa dami ng populasyon dito sa bansa, marami ang hindi pinapalad magkaroon ng trabaho. Lalo na ung mga taong hindi nakapagaral.
TumugonBurahinIsa ito sa mga halimbawa na sadya talaga ang kakapusan ng trabaho sa ating bansa .Dahilan para maraming tao ang magdusa at halos mawalan na nang pagasa kaya kailangan talaga ng agarang solusyon sa problemang ito mula sa pamahalaan.
TumugonBurahinkadalasan masayng damdamin ang nararamdaman ng tao tuwing akinse o araw ng sahod ngunit dito ay magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman dahil sa wakas ay may pasalubong syang madadala para sa pamilya at makakabayad na ng utang ngunit may halong lungkt sa kaalaman huling sahod na nya ang natanggap .
TumugonBurahinkailangan natin sa buhay ang kamalian para matuto, minsan sa panahon ng kahirapan ay masusukat ang ating katatagan ng loob upang harapin ang kinabukasan nang walang pangambang inaalala. hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay magiging malaya tayo upang makapamili ng ating tatahakain sa buhay.
TumugonBurahinInihahayag dito ang hindi kanais nais na kahinatnan sa kontraktwalisasyon. Sana, gawan to ng paraan ng nakatataas.
TumugonBurahin