Miyerkules, Oktubre 17, 2012

Ang Power ng Click


Log in
Click
1 notification
Click
You were tagged in Juan Simon Ibarra’s Photo
Click
Larawan ng computer na nakakadena
“no to cybercrime law!”
1, 450 comments
2, 098 likes
Click
2, 099 likes

1 notification
Click
Leo Basi commented on your photo
Click
Leo Basi: itigil ang paninikil sa kalayaan sa pagpapahayag!
Click
8 likes

1 notification
Click
Cris Pineda commented on your photo
Click
Cris Pineda: Tomo! J

1 message
Click
Marie Claire Damaso
Click
Marie Claire Damaso : “sir thanx po sa pag-accept!”
Reply
Click
Jose Gonzales Crisostomo: “walang anuman!”
Click
Your message has been sent

1 notification
Click
Juan Simon Ibarra commented on his photo you were tagged in
Click
Juan Simon Ibarra: mga tol ingat tayo sa pag-comment at pag-like baka makulong tayo sa cyberspace jail! Lolz!

Home
Click
What’s on your mind?
Click
Jose Gonzales Crisostomo: makapangyarihan ang salita, nakawawasak, nakalilikha, nakapagpapalaya.. pag-aralan pa ang batas!
Click

1 notification
Click
Ako si Elias commented on your status
Click
Ako si Elias: nice one sir! \m/
Like
Click

1 message
Click
Pedro Salvi
Click
Pedro Salvi: “sir, be careful with your words. As you said, power is productive and yet it is destructive. But keep in mind that power is always in the hand of dominant elite.. Tc!”
Reply
Click
Jose Gonzales Crisostomo: “salamat po sa pag-remind niyo sir! Pero nakita ko po kasi sa wall yung what’s on your mind, nagkataon po na yung pinost ko ang nasa isip ko that time.. saka linawin ko lang po, hindi po palaging nasa panig ng elite ang power. Kasi ang power ay umiiral sa social exchange at sa lahat ng entity ng tao. Pag ang api o maliit na uri ang nakakuha ng power dahil sa pagsikil sa kanya ng mga nasa poder ng power, delikado. Baka magrebolusyon… hahaha joke lang po sir! Ang seryoso naman natin masyado.. lol!
Click

1 notification
Click
Ako si Elias commented on your photo
Click
Ako si Elias: omg! Bat nawala lahat ng comment? Pati likes nag-zero.. wtf!

1 message
Click
Pedro Salvi
Click
Pedro Salvi: “ok whatever! I just warned you”

Home
Click
New Stories
Marie Claire Damaso: ang lalaking nakaw-tingin, pag lumapit sa akin,
                                        hindi na patatakasin.. hahaha Booom! :p
                                    3 likes
                                    2 minutes ago

Cris Pineda shared a link
                                 To my dear mother.. I miss you mama
                                 www.youtube.com/#hnhn%352000nndf/
                                 bohemian rhapsody 
                                 0 likes
                                 3 minutes ago

Juan Simon Ibarra: sa mga nag-comment at nag-like sa photo na nagpapakita ng pagtutol natin
         sa cybercrime law, mag-log out na kayo… hindi ko alam bat nabura lahat ng   
         comment at likes.. saka nagha-hang yung computer ko.. gtg!
         0 likes
         5 minutes ago
                                                
                                                  Loading ……………             
Home
Click
Loading….

Click
Click
Loading….

Click
Click
Click
Not responding….

Log out
Click
Not responding….

Close
Click
Not responding….

Cntrl, alt, delete
Block out
Blue screen

Power button
Tick
Power Shut down



33 komento:

  1. Ang kapangyarihan ay kinatatakutan kahit nino. Ang mga tao ay may kapangyarihang mag-isip at mag-salita, at ito ay walang limitasyon. At ang kapangyarihang kinatatakutan ay madalas pilit na kinokontrol ng mga nakapaligid, upang di na tuluyang lumakas pa, o kaya mawalan ng lakas. Ito ang ginagawa sa atin ng ating gobyerno. Nilalagyan tayo ng mga harang sa paglago ng kakayahan upang lumakas pa. At bakit? Takot sila sa kakayanan ng isang tao na lumikom ng mas madaming kababayan, upang tumayo sa kanilang paa, para ipaglaban ang tama para sa kanila. Ayaw ng gobyerno na lumakas tayo, at magkaroon ng mas malalim na pag-iisip. Ang gusto ng gobyerno ay kumain lamang tayo sa kanilang palad habang buhay, at dahil dito, nililimitahan nila ang pagsasalita ng mga mas nakaaalam, para di na makarating ito sa mga di maalam sa mga malalalim na paksa.

    TumugonBurahin
  2. malakas ang kapangyarihan at epekto ng salita. ngunit ang pagssabi ng saloobin ay ating karapatan. kung pipigilan tayong malayang makapaghayag ng saloobin naten, tingangalan na din tayo ng karapatan. nrrapat ang na bigyan tayo ng kalayaan sa nais nating sabihin.

    TumugonBurahin
  3. Makapangyarihan ang bawat salita na ating binibitawan. Bunga nito ay dapat tayong mag-ingat o maging handa sa anumang kahihinatnan nito. Sa kabilang banda ay hindi tayo dapat matakot na ipahayag ang ating mga saloobin. Gawin lamang natin ito sa wastong paraan.

    TumugonBurahin
  4. Nakakadismaya lang talaga na ang ating karapatan upang ipahayag ang ating damdamin sa pamamagitan ng internet ay nasasanggi ng isang batas na dapat ay magbigay pananagutan sa mga taong naninirang-puri lamang. Kung hindi isasawalang-bisa ang Anti-cybercrime law, ano na lamang ang maaring mangyari sa hinaharap? Di kaya maaaring, ito ang maging unang hakbang para ang tinatawag nating "freedom of speech" ay tuluyang mawala maging hindi sa internet? Lubos akong di sumasang-ayon sa pagtutol ng akdang ito sa nasabing batas.

    TumugonBurahin
  5. Ang kapanyarihan ng salita ay...nakakatakot. Isipin niyo lang, nagre-react ang mga tao na sobrang negative sa mga typewritten post lang sa net...

    Bakit? Kasi malakas nga ang mga salita. Nakakasakit kahit hindi ka nahahawakan. Alam ko na maraming against cybercrime law at agree naman ako sa mga sinasabi nila, pero hindi nila kailangan magpost ng magpost ng kung ano ano dahil jan nagsimula ang cyber crime law.

    Huwag basta-basta magsasalita ng hindi nagiisip ng lubos.

    Oo nga pala po, gusto ko po tong piece na to.

    TumugonBurahin
  6. Salita...
    Makapangyarihan, matalas..
    Maaaring makapanira ng isang kapwa, o kaya, makapagpalubag ng damdamin ng isang kapwa. :)
    Itoay karaniwnag nangyayari sa mga website na lagi nating binibisita, kinahihiligan. Sabi nga nila, "THINK BEFORE YOU CLICK."

    TumugonBurahin
  7. DAPAT TAYONG MAG-ISIP BAGO MAG-CLICK DAHIL ANG BAWAT SALITA NA GINAGAMIT NATIN AY MAAARING MAKASAIT AT PWEDE RING MAKAPURI. DAPAT TAYONG LAGING MAG-INGAT AT MAG-ISIP PAG NAGSASALITA -BSP 1-4

    TumugonBurahin
  8. Ang salita ay isang kapangyarihan na nagpapalaya sa ating tunay na saloobin, Gumigising sa bawat taong nahihimbing ang pagkakatulog sa pagkamangmang at nagpapasindak sa mga taong muling nabubuhay ang pinatay na diwa mula sa mapanlinlang na salitang dulot ng masamang kapangyarihan.

    Moderno ang tema ngunit napakalalim ng pagpapakahulugan sa bawat click, like, comment at whats on your mind na nakapapaloob sa tula.

    TumugonBurahin
  9. "think before you click " paulit na paulit na ipinahahayag sa channel 7.. bago gawin ang isang bagay ..lalo na sa computer ay pag isipan ng maka 8 na beses dahil tandaan po natin na ang lahat ng nilagay natin dito ay makikita sa buong panig ng mundo!!!

    TumugonBurahin
  10. Tama ang salita ay napakamakapangyarihan!
    Kailangan natin pag-isipan ang bawat laman ng ating mga sinasabi.
    Kailangan din natin pag-isipan ang ating mga gagawin.
    Sabi nga ng isang kilalang network "THINK BEFORE YOU CLICK".

    TumugonBurahin
  11. tama!dapat pagisipan muna natin ang lahat ng gusto nating ilagay at ipost kung san man. Hindi lng po tayo ang nakakakita at nkakabasa ng mga ito.Nakikita to sa lahat ng sulok ng mundo.Hindi naman masama ang magpahayag ng nararamdaman at hinaing bastat may kaakibat itong responsibilidad at napagisipan ng mabuti upang hindi mkasira o makagulo sa buhay ng ibang tao.

    TumugonBurahin
  12. Sabi nga ng isang istasyon "think before You click." Bawat letra sa internet ay maaring makagawa ng mga bagay na hindi inaasahan.

    Richelle Inocencio Balza

    TumugonBurahin
  13. Hindi lahat ng salita na binibitawan natin ay maganda sa pandinig o pang-intindi ng ibang tao, kung minsan yun inaakala nating ayos lang ay nakakasakit na pala ng iba. Hindi tayo dapat padalos dalos sa pagbibitaw ng mga salita lalo pa't hindi magkakapareho ang interpretasyon ng bawat tao rito.

    TumugonBurahin
  14. Sabi nga ni Sir Aga, "Kapag may ginawa ka, masama man o maganda, panindigan mo!" Ang pasasalita ay waring isa sa mga malalakas na paraan upang ipabatid ang ating damdamin. Pagdating naman sa pagkilos, dito masasabi natin kabilang ang "Click" dahil lamang sa isang aksyon iyong ginawa, maaari nang mapiligro't mapahamak ang iyong sarili. Kung maaari, isipin muna ang maaaring mangyari, positibo man o negatibo.

    TumugonBurahin
  15. Sadayang makapangyarihan nga ang salita. Kaya dapat bago ito lumabas sa bibig, siguraduhing ito ay dumaan muna sa utak.

    TumugonBurahin
  16. Sinakop na tayo ng mga dayuhan at inagaw ang ating mga kalayaan ngunit bakit ngayon mismo ang pilipino ang umaagaw ng kalayaan sa kapwa pilipino. ang salita ay kapangyarihan at ito rin ay kalayaan hindi porket nasa mataas na trono ay sila lang ang may karapatan. ang kalayaan ay walang limitasyon marapat na ibalik nila ang ating kalaayan upang maibahagi ang ating saloobin.

    TumugonBurahin
  17. Mag-iingat sa mga sasabihin. Once it's said, it could never be taken back.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. napakalakas na kapangyarihan ang isang salita gaano man ito kahaba at kaiksi , ito ay may malaking ambag sa ating pang araw-araw na pamumuhay... Kaya marapat lamang na atin itong gamitin upang makapagpabuti at hindi makapagpasama

      Burahin
  18. Natural sa tao na magsalita at kumilos na naayon sa gusto nya. Ang nais lamang ipahatid ng akdang ito ay maging maingat tayo sa mga salitang ating binibitawan dahil khit para sa atin ito'y parang wala lang, hnidi ntin maiiwasan na mag-isip ng ibang kahulugan ang mga tao sa paligid. Pati na rin sa pagkilos, tunay ngang malaki angnadudulot nito, isang galaw mo lang, maari ng may ibang masabi sayo.

    TumugonBurahin
  19. Kung ganyan na lamang ang magiging tugon ng gobyerno sa mga simpleng mga post, maaring parang inalisan narin tayo ng karapatan para makapaglabas ng ating saloobin. kasi sa isang maling post, maari ka ng makasuhan o kung ano pa man karampatang gawain.

    TumugonBurahin
  20. Hindi tamang ganyan ang gawin ng gobyerno sa mga social networks. Ito na nga lang yata ang masasabing lugar kung saan tayo malaya, lilimitahan pa ba nila~

    TumugonBurahin
  21. Ang salita ay makapangyarihan. Magkaroon na lamang tayo ng pag-iingat sa ating mga naipapahayag lalung lalo na ngayon na nagkaroon na ng batas na sumusupil sa ating kalayaan na magpahayag. "Think Before You Click" Ika nga.

    TumugonBurahin
  22. Ang isang salita ay nakapagbibigay ng ibang kahulugan kaya't pag isipan muna ang salitang bibitawan. At bago sumang-ayon sa isang bagay tingnan muna kung nasa tama ang yung sasang ayonan.

    TumugonBurahin
  23. Sa bawat binibitiwan nating salita, pangungusap, kahit gaano ito kaikli o kahaba, sa di malinawa na pagpapahatid ay mabibigyan ito ng ibang kahulugan. Pag-iingat sa binibitiwang salita ang napakabisang paraan para maiwasan ang ganitong pangyayari.

    TumugonBurahin
  24. Kailangang isipin muna natin ang bawat salitang ating bibitawan, dahil maaari itong makasakit o makasira ng isang tao.

    TumugonBurahin
  25. Isang nakakaaliw na kwento. Kaya nga dapat tayo magbulalas ng mga salita dapat nating gumamit ng isip, kaya nga mayroon tayo nun eh. :)

    TumugonBurahin
  26. Ang ating mga salita at ating iniisip ay nakaka apekto sa ating buhay at sa mga tao sa paligid natin. Matuto tayong gamitin ang ating kalayaang para magsalita sa tama.

    TumugonBurahin
  27. Tama ang ipaglaban natin ang ating mga karapatan, ngunit dapat ay alam din nating may mga tungkulin din tayo, tulad ng nasa istorya, bilang mamamayan. Para sa akin, ang kwento ay nagpapahayag ng pagdamay sa mga inosente sa kagagawan ng mga may kapangyarihan.

    TumugonBurahin
  28. Ang ating boses ay isang malaking puhunan upang makapagpahayag tayo ng tama. subalit, dapat nating isaisip ang mga epekto nito sa ating araw-araw na pamumuhay.

    TumugonBurahin
  29. Dapat tingnan natin ang ating sinasabi kung nakakasakit tayo.Sabi nga nila, May karapatan tayong magsalita ngunit wala tayong karapatan upang manira.

    TumugonBurahin
  30. Dapat hindi tayo magpadaig sa kanila, may karapatan tayong magsalita.

    TumugonBurahin
  31. Isa sa mga dapat taglayin ng mga tao ay ang kalayaan,hindi dapat ito pinagkakait, o inaagaw, marapat lamang na protektahan ito at wag abusuhin,nang sa gayon,ay wala tayong haharaping problema o anumang susubok sa ating kakayanan.

    TumugonBurahin
  32. Para sakin, ang salita ang pinakamalakas na malakas na puwersa sa mundo. Mag-iingat sa pag gamit nito.

    TumugonBurahin