Puno
ng pananabik pero parang may super typhoon sa dibdib, sa unang araw ng pagiging
teacher. Sa pagbaba ko ng jeep, bumungad
sa akin ang naghuhumindig na arkong bato.
WELCOME TO STO. NIŇO TOWN PROPER
Nagtanong
ako sa isang ale. Itinuro sa akin ang
direksyon papunta sa papasukan kong pamantasan.
Dalawang kanto lang daw mula sa kinatatayuan namin makikita ko na agad
at katabi ‘yon ng community hospital.
Sinunod
ko ang sabi n’ung ale. Dalawang kanto
ang nilagpasan ko at nasa tapat na nga ako ng isang maliit na ospital.
Naghanap
ako ng gate. Wala. Naghanap ako ng bakod na maaaring palatandaan
ng isang pamantasan. Wala rin. Napansin kong walang bakod at gate maging ang
ospital. Hindi yata uso sa kanila. Binaybay ko ang gilid ng ospital. Nakakita ako ng ilang estudyante. Nagtanong ako. Itinuro nila ang pinapasukang pamantasan na
nasa gawing kanan ko pala.
Nagbanggaan
ang kilay ko sa pagtataka. Hindi ganito
ang inaasahan ko. Tanging isang mahabang hilera ng silid na gawa sa
plywood. Bahagyang nalililiman ng
dalawang puno ng narra. Walang
bintana. Pintuan at maliit na siwang sa
itaas at ibaba ng dingding ang tanging daluyan ng hangin. Sa bilang ko, may labing-limang pintuan. May
nakalagay na letrang “R” at numero sa bawat pinto. Lumapit ako sa R7.
“’Yan
po ang rancho. Tawag sa room
namin.” Nakangiting sabi ng nasa likod
kong estudyante na pinagtanungan ko.
Natanaw
ko ang loob ng room. Sabog ang boses ng
nagsasalitang propesor. Dinig ko rin ang nagle-lecture sa mga kadikit na
room. May isang stand fan sa harapan
pero kanya-kanyang paypay ang mga estudyante.
Wala kasing kisame. Dama ko mula
sa labas ang ibinubugang init ng silid.
Naalala ko ang init ng oven ng Mulawin Hot Pandesal ‘pag binubuksan ng
suki kong tindera sa Sta. Mesa. Pero hindi amoy pandesal ang ibinubugang
init. Naging malinaw na sa akin ang
sinabi ng estudyante.
Inulan
ako ng pawis. Nag-alangan. Parang gusto kong umatras. ‘Yung super typhoon kanina sa dibdib ko, eh
nadagdagan ng magnitude 8 na lindol.
Dito ako nadestino nang mag-apply sa main campus sa Maynila. Bagong graduate ako at nangangailangan ng faculty
na magtuturo ng literature. At dahil
kailangan ko nang pakinabangan ang inaral ko, at may pangangailangan din na
matustusan ang bisyo ng tiyan, kahit maliit lang ang per hour na rate ko, na
ayon din sa academic head na nag-interview sa akin ay abnormal ang hindi
ma-delay ang sahod, tinanggap ko
na. Dahil wala naman na akong choice. Pero nakalimutang banggitin sa akin ang
tungkol sa rancho.
Lumabas
ang prof sa R7. Nagmamantika ang
mukha. Parang crinkles na binudburan ng
asukal ang buhok dahil sa chalk. Pero
nakangiti pa rin ang labing natuyuan na ng laway.
Huminga
ako nang malalim. Kung may oras pa,
magyo-yoga muna sana ako, pantanggal stress.
Gusto ko rin sanang tumawag ng saklolo para masagip sa sakuna ang dibdib
ko. Ngunit hindi na uubra, dahil wala na
akong choice, bawal na umatras.
Pumasok
ako sa room. Lalo kong nadama ang init
at kaba. Inilapag ko ang bag sa silya at
pinulot ang tirang chalk na nasa mesa.
Tumalikod sa klase. Masakit sa
tenga ang pagkiskis ng chalk sa magaspang na blackboard. Bago ko matapos isulat ang pangalan ko,
naputol ang chalk. Yumukod ako para
pulutin ‘yon. Saglit na napako ang
tingin sa nakapintang pangalan sa likod ng silyang pinagpatungan ko ng bag.
Donated by Mayor Gabriel Sto
Niňo
Tumindig ako at itinuloy ang pagsusulat. Tiniis ang sakit sa tenga ng pagkiskis sa
blackboard ng tirang chalk na putol.
Borgata Hotel Casino & Spa - JtmHub
TumugonBurahinBorgata 안성 출장샵 Hotel 서귀포 출장샵 Casino 계룡 출장마사지 & Spa. 1 Borgata Way, 충주 출장안마 Atlantic City, NJ 포천 출장마사지 08401. Directions · (609) 317-1000.