Lunes, Agosto 27, 2012

Mantsa


"Tumigil ka na sa pag-aaral anak. Magtarbaho ka na lang para makatulong ka.." Umaalingawngaw pa rin sa gunita ni Gina ang litanya ng kanyang ina habang naglalakad siya sa kanto ng Morayta. Kahit tulala, lutang pa rin ang likas niyang ganda. Lalo siyang pinagaganda nang malinis at puting-puti na pang-nurse na uniporme.

Bahagyang umaambon at ang lansangan ay pinaliliwanag ng mga ilaw ng street light at mga signboard sa ilang establisyamento. Nagtatanong ang kanyang isip. Naghahanap ng sagot. Gusto niyang makatapos ng pag-aaral. Pero iba ang tugon ng katotohanan. Makailang ulit na siyang sumulat ng promisory note. Makailang ulit na ring lumipas ang klase na candy lang ang dumadaan sa kanyang bibig. Patuloy ang pag-alingawngaw ng tinig ng kanyang ina. Malaki ang kailangan niyang halaga, hindi lang sa matrikula kundi maging sa kapatid na nakaratay sa tahanan. Huminto siya sa kanto ng Claro M. Recto. Huminga ng malalim. Bumulong ng dasal.

Isang itim na Expedition ang dumaan. Natilamsikan siya ng baha na naipon sa mababaw na butas ng kalsada. Hindi siya nabigla. Subalit wala na ang linis at ganda ng kanyang puting uniporme.

131 komento:

  1. ouch!!! ansaklap..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wag tayoung mawalan ng pag-asa dahil ang bawat pagsisikap ay may kalakip na gantimpala sa hinaharap.
























      Burahin
    2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
    3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
  2. May mga pagkakataon na dumarating sa ating buhay na minsan ay nagagawa na lang nating sumuko sa mga pangarap natin.Sa kadahilanang maging ang mga taong mahal natin sa buhay ay nawawalan na rin ng pagasa na darating pa ang panahon na makakamtan natin ang ating mga minimithing pangarap .Subalit kahit na dumating na sa puntong yon ay lagi pa rin nating isipin na ang Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa atin sa kinabukasan....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang pera ay isang napakalaking problema ng mga mag-aaral sa panahon ngayon, kung tayo mismo ang magpapatalo sa mga problemang ating hinaharap, tiyak na tayo ay maliligaw ng landas tungo sa tagumpay. Dapat na maging matatag ang ating kalooban sa pagharap ng ganitong mga problema.

      Burahin
  3. Kawawa naman siya.. Pero hindi pa huli ang lahat. Maari pa rin siyang maging working student diba? O pwede rin naman tumigil muna sya ng isang semester at mag ipon tsaka mag aral ulit. Kung gusto, laging may paraa. :)

    TumugonBurahin
  4. May pagkamalalim ang dulong parte ng kwentong ito . Pero isa lamang yan sa mga hamon sa buhay . Kung walang maniniwala sa atin , tanging Diyos at ang sarili na lang natin ang makakatulong upang malagpasan natin ang hamong ito , kaya't masasabi kong hindi pa huli ang lahat . Marami pang paraan para makaahon sa buhay . Hindi pa lang tayo naghahanap kung ano ang mga ito .

    TumugonBurahin
  5. Kung babasahin sa umpisa ang akda , malilito ka kung anong kinalaman ng pamagat na MANTSA sa nais iparating nito , pero sa huli'y maganda naman ang ibig nitong sabihin na sa kabila ng kagustuhan ng isang estudyanteng makapagtapos ng pag-aaral , isang napakalaking pagsubok pa rin ang kanyang kahaharapin lalo na sa usaping pang-pinansiyal . Kaya't kianakailangan ng diskarte upang matupad ang minimithing pangarap. :>

    TumugonBurahin
  6. Nakakalito ang ending ng storya, at ang pamagat, ngunit sumasang ayon ako sa kwento ng babae. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng oportunidad mag aral, nanjan ang hirap na haharapin ng tao at ng mag aarl at kung hindi mapalad ay darating sa puntong patitigilin dahil may mas mahalagang bagay na mapaglalaanan ng pera. Lahat ng problema ay mayroong solusyon, kung iisipin at gagawin ang mga bagay para makapagpatuloy sa pag aaral. Kung gusto ay parating mayroong paraan.

    -BsPsychology 1-4

    TumugonBurahin
  7. Labis akong naapektuhan sa istorya na nagpapakita ng realidad ng buhay, ayoko kasi na darating lang sa punto na sisirain mo ang buhay para sa pangarap.
    Mahirap nga naman ang buhay kaya't kung minsan umaabot sa pagkakataong hindi mo na iisipin ang iyong dangal lalo pa't kung may nais kang makamtam. Pero sana wag nating idadaan sa mabilis na solusyon ang pagresolba sa ating problema. Lahat ng bagay may prosesong pinagdaraanan at pinaghihirapan kung gusto mo ng malinis na pagkukunan. At para sa karakter sa istorya, dapat di nya na lang ginawa ang ganung solusyon, marami pa namang bagay na makakatulong sa pagresolba sa kanyang problema, wag lang ang pagpasok sa maduming kasanayan. Isipin mo pa lang ito ay mali na sa mata ng Diyos, pano pa kaya kung gagawin mo?

    TumugonBurahin
  8. Madalas na siguro nating nagiging problema ito. na halos gusto na nating sumuko nalang at sundin nalmang ang kanilang sinasabi pero ang mas makakabuting paraan ay wag tayong mawalan ng pag asa na magagawa natin ang mga baagay na sadyang gusto natin. bigyan natin ito ng solusyon sa pamamagitan ng patnubay ng ating Diyos.

    TumugonBurahin
  9. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:52 PM

    Isang aral ang matututunan natin na gaano man kahirap ang iyong nararanasan, hindi makabubuting ilagay ang iyong sarili sa masama. Hindi ito ang paraan tungo sa tagumpay. Ang kailangan ay pagpupursige upang magpunyagi. Gamitin sa wasto ang kagandahan at karunugang taglay at iyong makakamit ang magandang buhay.

    TumugonBurahin
  10. Sa aking palagay, hindi sulusyon ang paggawa ng masama ng dahil sa kahirapan. Maraming ibang pamamaraan upang magkaroon ng salapi. Huwag nating hayang pati ang ating pagkatao ay madungisan ng maling sagot sa kahirapan.

    TumugonBurahin
  11. Hala! Sayang naman yung uniporme niya!
    Pero mas sayang kung titigil siya sa pag-aaral.

    TumugonBurahin
  12. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  13. Ang hirap naman ng sitwasyon ni ate pero kung ako ang nasa kalagayan niya, kahit mahirap titigil muna ko sa pag aaral. Mas kakailangan kasi ng kapatid niya ng mag-aaruga at kailangan dn nila ng pera. Siguro darating dn ang araw na matutupad niya ang pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral.

    TumugonBurahin
  14. nakokonsensya naman ako.
    ayoko nang mag-aral dahil nahihirapan nako,pero kailangan at kaya pa.
    pero may ibang tao pala na gustong gustong mag-aral pero hindi kaya ng bulsa.

    TumugonBurahin
  15. wala naman tayong magagawa kundi sumunod sa utos ng katotohanan at ng mga magulang na huminto ka nalang siguro sa pag-aaral. wala tayong choice kundi gawin kung ano ang dapat at yun ay tumulong sa magulang sa pamamagitan ng pagtatrabaho at kumita ng pera para naman makatulong sa magulang at sila naman ang suportahan. wala naman sigurong mali doon.

    TumugonBurahin
  16. ..cguro nga dpat natin makamit pangarap ntin.. pero kung magulang natin ay tutol cguro sundin na lng natin cla.. kasi dba? parents know best... may time para maabot ang pangarap natin, habang may buhay may pag-asa

    TumugonBurahin
  17. sabi ko sa sarili ko nahihirapan na ako.. nahihirapan na ako sa mga subjects. pero nung mabasa ko etong tula na 'to ayoko na gumive up.. sabi nga sa kanta "patuloy ang pangarap"...

    TumugonBurahin
  18. Isang paalala ito sa mga kabataan na mag-aral ng mabuti. Marami sa atin ng di nabibigyan ng pagkakataong mag-aral dahil sa kahirapan. Ngunit marami naming paraan para makamit an gating mga pangarap. Marahil ay maaari siyang maging working student o kaya naman ay mag-ipon muna ng pangmatrikula at saka muling pumasok sa paaralan. Mahirap lumaki ng walang pinag-aralan. Sapagkat ito lamang ang kayamanang hindi maaaring nakawin ng sinoman.

    TumugonBurahin
  19. Labis akong naantig sa kwentong ito. Hindi ito nalalayo sa karanasan ng marami hindi lamang para makapag-aral subalit para maibsan na rin ang kahirapan. Pinakikita nito ang kalagayan ng ating bansa, partikular sa sistema ng edekasyon.

    Kahanga-hanga ang istilong ginamit ng may-akda sa paglalarawan ng katapusan ng kwento. Isang puting unipormeng nadungisan ang inihalintulad sa pagkababae ng tauhan.

    TumugonBurahin
  20. Dahil sa kwentong ito napagisip-isip ko na ako'y swerte dahil napag-aaral ako ng maayos ng aking mga magulang. Simula ngaun hindi ko na sasayangin ang paghihirap at pagod nila sa pagtatrabaho para lang ako'y mapag-aral. . :)

    TumugonBurahin
  21. Sa aking hinuha, ang tunay na kahulugan ng kwentong ito ay ang resluta ng hirap ng buhay. Kung hindi naintindihan ng mga bumasa, si Gina ay kumakatawan sa mga babaeng napilitang kumapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay. Ang puting damit ay ang puri na namantsahan ng kasalanan dahil sa pagbebenta ng laman.

    Magaling ang pagkakasulat ng kwento!

    TumugonBurahin
  22. Dito malalaman ang kalakasan ng loob ni Gina , kung baga sinasabi ng mantsa sa uniporme niya na "lilinisin niya pa ba ito o hindi na ?" May kahulugan ang magiging sagot niya dito na kung lilinisin niya ito ay malamang na ipagpapatuloy niya pa ang pag aaral niya o hayaan nalang ito mabangisan ng dumi at sumuko na lang sa kanyang edukasyon.Marami ang posibilidad na mangyari pero ako ay naniniwala na lilinisin niya pa ito dahil alam kong hindi madaling sumuko ang tao.

    TumugonBurahin
  23. Hindi man naging malinaw ang pagkakalahad sa kuwento kung anu ba talaga ang tunay na nangyari kay Gina subalit sa pagkakaintindi ko, sa kadahilanang lugmok na sila sa maraming kakulangan at kahirapan, napilitan siyang magbenta ng laman. Nakakalungkot ang tema ng kuwento, mahusay!

    TumugonBurahin
  24. nakakalungkot ang kwento na hindi nalalayo sa katotohanan. nakakaawa ang mga batang ganito na dahil sa hirap ng buhay ay nawawalan ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral. at lubhang nakakapanlumo na upang makatapos ay kailangan pa niyang umabot sa ganitong desisyon.sana kung nabubuhay si Gina sa katawan ng ibang babae ay mabago ang wakas.marami pa naman ang ibang paraan na maaari niyang pagkunan ng mapapagkitaan.hindi na sana dumating sa puntong kailangan pa niyang magbenta ng laman.

    TumugonBurahin
  25. Nakakalungkot pero yan ang reyalidad. Kahit na gusto tiniis na nya yung mga nangyayari sa kanya makapag-aral lang, sa huli hindi pa rin talaga sya pag-aaralin ng mga magulang nya.

    TumugonBurahin
  26. kahit gaano kahirap ang buhay, hindi natin dpat ipagpalit ang ating dangal.. nakakalungkot nga lang icpin na sa panahon ngaun, sa labis na kahirapan at pagasam na makamit ang mga pangarap, nariyang ipagpalit ang dangal mkamtan lamang ang mga ito.. mali ang kanyang gnwa... marami pang ibang solusyon, ndi lamang ang gayong maruming gawain ang sagot sa lahat ..

    TumugonBurahin
  27. Totoo...Ito'y nagpapakita ng hirap ng buhay. You need to be decisive talaga.

    Ganyan talaga ang buhay. Mahirap kaya kailangan matatag. Si Gina ay gusto mag-aral para magkatrabaho at matulungan ang pamilya niya. Pero walang pera para sa matrikula at may sakit ang kapatid. Sinasabihan siya na magtrabaho na lang. Kung titigil siya sa pagaaral, maaari siyang magtrabaho, pero hindi gaano mataas ang sweldo. Pag nag-aral siya, maghihirap pamilya niya hangga't magkatrabaho siya pagkatapos mag-aral...Ultimately, choice mo pa rin kung ano ang gagawin mo. Magdasal at kumilos.

    TumugonBurahin
  28. Magandang araw sa iyo Ginoong Jomar Adaya!

    Ang dagli na ito, ayon sa aking pagkakaintindi ay sumasalamin sa kahirapan ng buhay. Isa ang Pilipinas sa mga lugar sa mundo na biktima nito.

    Idinidiin din dito ang kahalagahan ng eduksyon. May mga taong gustong makapag-aral ngunit hindi nila kaya, sa kabilang banda naman ay mayroon namang mga tao na nakapag-aaral ngunit kanila itong binabalahura.

    Dapat nating maisip na bawat pagkakataon ay ginto kung kaya't dapat lamang na mag-aral tayo ng mabuti.

    -Marc-

    TumugonBurahin
  29. May mga problema at pagsubok talaga tayong kakaharapin sa buhay. Sa ating mga sarili naka-depende kung ano ang magiging tugon natin sa mga ito :)

    TumugonBurahin
  30. Agree ako sayo Patricia Belmonte :)

    TumugonBurahin
  31. Hindi dapat nawawalan ng pag-asa ang isang tao. Dahil may kasabihang, "God is with us".

    TumugonBurahin
  32. Sana ay nakapagbukas ito ng isip ng mga kabataan upang mag-aral ng mabuti. Maraming kabataan ang salat sa yaman ngunit madameng pangarap sa buhay at gusto nila itong makamit. Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang isang taong punung-puno ng pangarap sa buhay. Ang poong maykapal ang gagawa ng paraan para sa iyo. Ang kailangn mo lamang gawin ay maniwala at manalig sa kabutihan ng Panginoon. May plano ang Diyos para sa atin lahat. Magdasal tayo at hingin ang kanyang tulong. Alalahanin natin ang ating mga kasalan at ihingi natin ito ng tawad sa kanya. Nararapat lamang na panatilihin natin ang pag-ibig at pananampalatay sa Diyos. Sya lamang ang makakatulong sa ating mga problema.Nasa Diyos ang awa; Nasa tao ang gawa.

    Punung-puno po ng mensahe ang akda kahit ito ay maikli. Napakita nyo po na ang kagandahan ng akda ay wala sa haba ng inyong sinulat kundi sa kung ano ang napapaloob dito. Pagpatuloy ninyo pa po ang pagsusulat ng mga ganitong uri ng kwento :)

    TumugonBurahin
  33. Nikka Patricia MarceloOktubre 17, 2012 nang 4:38 AM

    Maikli lamang ngunit napakaganda ng mensahe. Nakakatuwang malaman na mayroon pa rin talagang mga kabataang tinitiis ang lahat makapagtapos lamang sa pag-aaral at maisakatuparan ang kanilang mga pangarap. Ngunit nakakalungkot na marami na talagang estudyante ang kinakailangang ihinto ang pag-aaral gustuhin man nila o hindi dahil sa kahirapan. Gayunpama'y sana maisip ng mga kabataang nasa ganito ring kalagayan na hindi pa tapos ang lahat, may pag-asa pa rin. Marami pang oportunidad na nag-aabang sa kanila. Ang lahat ng nangyayari ay may dahilan.Gaya nga ng sinasabi ng marami, "tiwala lang" :)

    TumugonBurahin
  34. Nakakaantig ang kwento. Sumasalamin ito sa tunay na kalagayan ng maraming kabataan sa ating bansa. Marami ang napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay pero di ito nangangahulugang kailangan na rin natin tumigil sa pangangarap. Tuloy lang sa pag abot ng pangarap, nariyan ang Diyos, nakaalalay! =)

    TumugonBurahin
  35. Ito ay isang di na bagong kwento. Marami na ang naghihirap sa bansa kaya naman marami rin na mga kabataan na imbes mag-aral ay pinagtatrabaho na lamang ng kanilang magulan dahil walang pantustos. Marahil may iba na kumakapit na sa patalim, makuha lamang ang gusto. Ngunit higit sa lahat, ang pinakamagandang panlaban ay ang panalangin sa Diyos.

    TumugonBurahin
  36. Isang makabuluhang kuwento. Makikita natin dito ang isa sa mga problema ng mga kabataan na nag-aaral ngayon, ang kahirapan. Huwag nating hadlaang tayo ng kahirapan upang abutin ang ating mga pangarap. Manalig tayo sa Panginoon, hindi niya tayo pababayaan.

    TumugonBurahin
  37. napakaganda ng kwento ..

    nakaka-relate ako sapagkat nursing din ang ate ko .. tulad sa kwento , lagi syang nagpopromissory note .. at makailang beses niya na rin tinangka na huminto ng pag-aaral .. kaya't noong nakaraang taon ay huminto nga siya ngunit nagpatuloy ngayong semestre ..

    naantig ako sa huling talata .. "Natilamsikan siya ng baha na naipon sa mababaw na butas ng kalsada. Hindi siya nabigla. Subalit wala na ang linis at ganda ng kanyang puting uniporme." tila isang simboismo ang ginamit .. at sa aking sariling interpretasyon , nangangahulugan iyon na pinili niya na nga ang huminto dulot ng labis na kahirapan sa buhay ...

    TumugonBurahin
  38. Ang mantsa ng katotohanan na tumanggal sa puti(inocencia) ni Gina ang katohanang lahat naman ay nararamdaman. Ito ang madalas na set-up ng mga magulang na kulang sa abilidad upang buhayin ang sarili at ang mga anak. Maari ninyong sabihing malupit ako, ngunit isa itong produkto na isang mal educado-ng sistema ng mga tao. Ang gampanin ng isang magulang ay buhayin at pagtapusin ang kanyang anak. Kung tutulungan man siya nito, o hindi ay nakadepende na lamang sa anak, pero di niya ito puwedeng isampal sa kanyan anak, dahil pagkatapos niyang mag-aral, maari rin siyang magsimula ng sarili niyang pamilya, at ito naman ang kanyang bubuhayin. Di trabaho ng anak buhayin ang kanyang magulang, ang trabaho niya ay mag-aral, at buhayin ang kanyang mga magiging anak. Kung gugustuhin niyang tumulong sa kanyang magulang, puwede niya itong gawin, ngunit di niya dapat balikatin ng nag-iisa. Ang tulong ay hindi isang bagay ng kailangang sapilitian. Kaya mga ESTUDYANTE, mag-isip muna kayo bago magpabulag sa mga KASINUNGALINGAN ng pag-mamahal sa sinasabi niyo. Pag kayo'y napasubo sa mas matinding responsibilidad, baka wala na ngang laman tiyan niyo, may mga papakainin pa kayong mga bata.

    TumugonBurahin
  39. Hindi tapos ang kuwento kaya't nakakahikayat ito sa mga mambabasa na mag-isip kung ano pa ang maaaring mangyari sa kuwento. Makatutulong ito upang mapalawak ang imahinasyon ng mga mambabasa. Ang akdang ito ay nakahihikayat na paulit-ulit na basahin dahil nakatutulong ito upang mailabas ang talento ng mga mambabasa sa paglikha ng kwento.

    TumugonBurahin
  40. Sa aking palagay base sa huling linya ng akda, mas pinili ni Gina sundin ang sinabi ng kanyang ina. Mahirap pero wala siyang magagawa. Matapos kong mabasa ang akda napaisip ako. Napakaswerte ko pala dahil hindi ko dinaranas ang pasakit ng tulad ng tauhan sa kwento. Naipagpapatuloy ko ang aking pag-aaral kung kaya't dapat hindi natin ito ituring na pasakit. Mapalad tayo dahil may kakayahan tayo.

    TumugonBurahin
  41. Kung ako ang nasa kalagayan ni Gina pipiliin ko na lang na huminto muna sa pag-aaral dahil mas kailangan ako ng aking kapatid.At darating din naman ang panahon na matutupad ko ang aking mga pangarap .

    TumugonBurahin
  42. Para sa akin, ang pagkakaroon ng mantsa ng kanyang uniporme ay ang simbolo ng katapusan ng kanyang pangarap maging nurse. Subalit, gaya ng mga mantsa sa damit, maaari itong labhan at muling ibalik ang tingkad ng kulay ng ating pangarap. Kailangan lang nating manindigan at maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok na nakaharang sa ating landasin.

    TumugonBurahin
  43. Hindi man naging mmalinaw yung mga huling pangyayari, nagkaroon naman ng maikling kabatiran ang kwento. Oo mahalaga ang edukasyon pero hindi lahat ay kaya itong makayanan. Itong kwentong ito ay pumupukaw sa damdamin ng bawat isa sa atin at sana ay marami pa akong mabasang mga istoryang ganito.

    TumugonBurahin
  44. BSP I-4 PUP

    Napakaikli ng kwentong ito ngunit kamangha-mangha ang pagkakagawa. Naipakita ng may-akda ang realidad ng buhay. Nailahad niya ang buhay na pinagdadaanan ng mga kapus-palad nating mga kababayan. Sa aking palagay, ang nais ipahayag ng maikling kwentong ito ay wag mawawalan ng pag-asa sa buhay. Kahit na anu pang humadlang sa nais mong makamit, wag na wag kang titigil. Ika nga nila, "There's a rainbow always after the rain".

    TumugonBurahin
  45. Ang 'mantsa' ay isang bagay o dahilan na nakakapigil sa atin upang maabot ang ating pangarap. 'Hindrance' nga, in other words. Pero alam naman nating lahat na ang mantsa ay nawawala pag nilabhan. Kaya parang pinaparating ni ser na kahit may mga pumipigil sa atin, hindi tayo dapat sumuko dahil mawawala di ang mga ito.

    TumugonBurahin
  46. Nakakalungkot ang kwento dahil saktong sakto ito sa mga kasalukuyang nangyayari. Ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong pag-aaral kahit na alam mong andaming humahadlang? Hindi madaling sabihin na kahit gusto mong mag-aral ay makakapag-aral ka. Kung gusto may paraan? para sa kin kung sa realidad, napakahirap panghawakan ang kasabihang yun o ang statement na yun.Napakahirap ng buhay pero dapat mo paring ipagpatuloy kung ano ang gusto mo.

    Kung ako ang nasa katayuan ng pangunahing tauhan sa kwento, siguro isang sign na yun na dapat huwag ko ng ipagpilit ang pag-aaral siguro may better plans sa kin si Lord so dapat ko siyang sundin dahil siya naman ang nakakaalam ng lahat at alam kong hinding-hindi niya ko papabayaan. ^-^

    TumugonBurahin
  47. bagaman maikli lang ang kwento ay nakabagbagdamdamin at nakakahila ng emosyon ang kwentong ito. Nakakalungkot talagang isipin na kahit gusto mong matupad ang iyong pangarap ngunit marami ang humahadlang. kaya parang mas tumatatag tayo dahil sa mga problemang iyon dahil sa likod ng isang malungkot na entablado ay may saya sa likod nito dahil sa tagumpay. napakagandang akda na nakakahugot talaga ng damdamin.

    TumugonBurahin
  48. Maraming estudyante sa panahon ngayon ang nakararanas nito. May mga estudyanteng gustong makapag-aral pero walang pantustos sa pag-aaral, at meron din namang mga estudyanteng may pantustos at pera pati sa mga luho ngunit hindi naman inaayos ang kanilang pag-aaral. Sana ay magkapalit na lang ng pwesto ang dalawa, para maranasan nila kung ano ang nararanasan ng iba na gustong makapag-aral pero hindi makapag-aral, at ang mga ayaw mag-aral nang makita nila kung gaano naghihirap ang kanilang mga magulang upang kumita para sa pantustos sa pag-aaral nila.

    Ang mantsa ay kumakatawan sa harang sa ating mga pangarap. Pero kapag nagkakaroon ng mantsa ang ating mga damit, nagagawan ito ng paraan di ba? Maari itong labhan. Pwede rin sa mantsa sa ating pangarap. Magpursigi lang nang magpursigi at huwag sumuko. Maniwalang may dahilan ang ating Panginoon kung bakit nangyayari iyon. Maaari pa rin nating matupad ang ating mga pangarap kahit maraming hadlang at humaharang. Patunayan natin sa iba na kaya nating magtagumpay! :)

    TumugonBurahin
  49. Lahat ng tao ay dumaranas ng iba't ibang pagsubok. Mga pagsubok na magtuturo sa atin upang tayo ay maging matatag at lalo pang tumapang. Dapat lahat ng problemang ating kakaharapin ay ating harapin na para bang hindi tayo papatalo rito. Lahat ng mga problema dito sa mundo ay may karampatang solusyon. Kaya 'wag tayong matakot sa ating mga problema bagkus harapin natin ito ng matapang upang hindi tayo basta basta mabuwag. :DD

    TumugonBurahin
  50. Ang hirap talagang maging mahirap. Sa kabila ng ating mga pagsisikap ay talagang ang kahirapan na mismo ang gumagawa ng dahilan para mahirapan tayo. Sayang ang mga pangarap ni Gina kung hindi niya ito makakamtan. Kung ako sa kanya ay magtratrabaho muna ako at kapag nakaipon ay tsaka na lamang siya mag-aral. Mahahalintulad din natin ito sa realidad, madami talagang tulad ni Gina sa ating lipunan. Nawa'y mawala na ang mga kasong ganito, dahil mahirap ang ganitong sitwasyon. Hindi din natin masisisi ang mga magulang tulad ng magulang ni Gina, dahil na rin sa hirap at iba pang pagsubok. Ngunit huwag na huwag tayong makakalimot sa ating Dakilang Diyos.

    TumugonBurahin
  51. Hindi na bago ang ganitong problema. Marami na ang napagdaaanan ito. Ang pagpipilian ay magpatuloy sa pag-aaral o ang pagttrabaho upang makatulong sa pamilya. Huwag nating sukuan ang pangarap natin. Hangga't kaya nating gawin pareho, gawin natin! Wag susuko. At ating tatandaang nariyan ang Diyos upang tayo'y tulungan at gabayan sa ating mga pinagdaraanan. Gawin natin ang lahat para sa Kanya.

    TumugonBurahin
  52. isa talaga sa matinding problemang kinakaharap natin ngayon ay ang kahirapan. lahat ng sakripisyo nagagawa ..
    pero kahit gaano pa tayo kahirap dapat ipagpatuloy nating tuparin ang ating mga pangarap . huwag taung titigil..
    pagdating ng tamang panahon magtatagumpay din tayo sa buhay .. :))

    TumugonBurahin
  53. Napakalungkot ng pangyayaring ito. Ipinapakita sa akdang ito ang kahirapan ng ating bansa na kahit ang mga kabataang nais kamtan ang kanilang pangarap ay nahahadlangan dahil sa kahirapan. Ang masama pa ay ang paggawa ng hindi kanais-nais na bagay upang matugunan ang pangangailangan ng ating pamilya.

    TumugonBurahin
  54. Isinaad dito isa sa mga pagsubok na dumadaan sa ating buhay. Hindi naman hadlang ang pagiging mahirap upang makatapos sa pag-aaral, kaso kung hindi kaya marapat lamang na maghintay at gumawa ng paraan upang matuganan ang kailangan sa buhay.

    TumugonBurahin
  55. maganda ang naging takbo ng istorya., malalim ang kahulugan na para sa akin ay hindi basta-basta ang kahulugan!

    TumugonBurahin
  56. Ang pagsubok na dumarating sa ating buhay ay siyang basehan kung gaano tayo katatag, kapag napatumba tayo nito, mahina tayo kung maituturing.

    TumugonBurahin
  57. Mahirap ang sitwasyon ni ate. Kailangan niyang magsikap para maipagpatuloy ang pag-aaral. Kung ako ang nasa kalagayan niya, ipagpapatuloy ko pa rin ito kahit na mag working student ako. Mahalaga ang pag-aaral,ito ang makapagpapabago ng estado ng ating buhay. Wag mawalan ng pag-asa :))

    TumugonBurahin
  58. Naging hadlang man ang kakapusan sa pera ay sana hindi mawalan ng pag-asa si Gina. Maaabt niya ang kanyang pangarap kung magsisikap lang siya. Marami namang mga estudyante ngayon na parang katulad din sa sitwasyon ni Gina, pero dahil nagsikap sila, nakapagtapos sila ng pag-aaral. Sipag at tiyaga lang yan. :)

    TumugonBurahin
  59. Bilang mag-aaral at bilang marami ngayon ay nararanaan ang pait ng buhay tulad ng kahirapan, marapat lamang na huwag tayong magpadala sa mga negatibong bagay na kumokontra sa ating pagsusumikap. Mayroon man tayong mga kamaliang magawa sa ating buhay, gawin na lang natin itong inspirasyon upang patuloy na harapin ang takbo ng buhay.

    TumugonBurahin
  60. nakakaawa ang karakter ni Gina. biktima siya ng kahirapan at kawalang pag-asa. alam naman natin na mahalaga ang edukasyon ngunit huwag naman sana umabot sa punto na kailangan mo nang magbenta ng laman at kaluluwa para lang matustusan ito. sana ay di siya pamarisan ng iba pa.

    TumugonBurahin
  61. Kahirapan ang paksa rito. Tunay na nakakaantig ang karakter na si Gina. Siguro ay maghanap siya ng trabaho upang makabawas sa gastusin niya sa skwelahan.

    TumugonBurahin
  62. Dahil sa kahirapan, at dahil sa pangarap ni Gina na makapagtapos ng pag-aaral, nagawa niyang gumawa ng isang hindi magandang bagay.
    Magaling ang may akda dahil gumamit sya ng mga simbolismo gaya ng puti para sa kadalisayan. Nang puntong madumihan ito, ayon marahil ang hudyat na may ginawang hindi magandang bagay si Gina.

    TumugonBurahin
  63. Nakikita ko sa kwentong 'Mantra' ang mas malalim pang kahulugan ng kalinisan. Maaaring ang expedition na dumaan ay isa sa mga sinasabing van na pumipick-up ng mga kolehiyalang estudyante na gustong ipagpalit ang puri para lang sa perang kanilang ipangmamatrikula. Sa aking palagay ang sumisimbolo sa kanyang kalinisan bilang babae ay ang kanyang puting uniporme. Sa pagdaan ng expediton sa kanyang harapan marahil ay napagdesisyunan na niyang ipagpalit ang puri para sa kailangan niyang pera. Kasabay ng pagkadumi sa kanyang uniporme ay ang simula na rin ng tsansang pagkawala ng kanyang kalinisang puri.

    TumugonBurahin
  64. maganda ang pagkakagawa ng istorya. pinapag'isip niya an mga mababasa kung ano ang mga maaring interpretasyon. kaya sa mga estudyante, habang nkakapag'aral tayo ng walang humahadlang sa pag'aaral natin, sulitin na natin ang pagkakataong makapag'aral.

    TumugonBurahin
  65. "Mantsa"
    Akala ko, ibang "mantsa" yung nangyari..Hehe :P
    Kung mababasa mo ang maikling kwento, mahihinuha mo na talagang masipag ang kanyang ina upang maigapang siya sa hirap. Di natin masisisi ang babae kung gusto niya ng ganoong kurso, ngunit dapat tingnan din natin kung ano ang magiging kahihinatnan nito. Kaya dapat, magsipag sa pag-aaral para hindi sayang. :)

    TumugonBurahin
  66. marami talaga tayong mararanasang problema sa buhay. tulad ng maikling kuwentong ito dumaan din ang pangunahing karakter sa isang malaking dagok o hadlang sa pagkamit niya ng magandang kinabukasan.

    TumugonBurahin
  67. Astig ang mga figurative language na ginamit ng may-akda.....simbolismo ang nagpahayag ng kanyang mensahe...................................ang galing talage!

    TumugonBurahin
  68. Sana ay magsilbi itong aral sa ating mga kabataan. Marami sa atin ang nais na makapag-aral ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon kaya naman tayong mga pinalad na makapag-aral ay magsumikap makapagtapos.

    TumugonBurahin
  69. mahirap isipin ngunit ito ang katotohanan ng buhay...dapat maki ayon sa agos ng tadhana...wala tayong magagawa kung tayo mismo na dapat maging maginhawa ang buhay ay naghihikahos sa ating bansa.. :(

    TumugonBurahin
  70. Sa hirap ng buhay natin ngayon, karamihan sa atin ay di nakapagtapos o di na makapagtatapos pa ng pag-aaral. Nawa'y sa ating mga nabasa ay makapulot tayo ng aral na pahalagahan natin ang ating pag aaral dahil isa tayo sa mga mapapalad na may pagkakataong makapag aral.




    Kcirlenn Rodelas
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  71. magsipag sa pag aaral para hindi masayang ang ginugugol na pera ng magulang natin. Sa kagustuhan mag aral, kung ano anong bagay na ang nagagawa para lamang mapag aral ang isang tao kaya dapat pahalagahan natin ang pag aaral dahil tayo ay pinalad.

    TumugonBurahin
  72. Sa pagkakaroon ng mantsa sa puting uniporme ni Gina ay maaaring sumisimbolo ito sa kawalan niya ng pag asa sa pagtatapos ng pag aaral. kahit pinipilit niyang maglakad papunta sa kanyang paroroonan ay may mga bagay na humahadlang rito. Hindi siya maaring pumasok ng may mantsa ang damit. At ito na nga ang sinabi ng kanyang ina.

    TumugonBurahin
  73. Marami na ang ganitong mga pangyayari sa realidad ng buhay.
    Maraming mga bata ang nais makapagtapos ng pag-aaral kaso ay kulang ang kanilang pantustos para dito. kaya dapat matuto tayong pahalagahan ang ating pag-aaral. :)

    TumugonBurahin
  74. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  75. Ang mantsa ang sumisimbolo sa mga bagay na pumipigil sa atin makamit ang mga taglay na pangarap. Kadalasan dahil sa hirap ng buhay ngayon at wala ng kakayahang tustusan ang pag aaral ng kanilang mga anak ay humihinto na ito sa pag aaral at pinipiling magtrabaho na lamang. Sa kalagayan ni Gina, kahit gustuhin man nya na matapos ang kanyang napiling kurso ay hindi maaari dahil may mga ilang salik sa buhay na kahit gusto natin ay ayaw sating ipagkaloob ng tadhana.

    TumugonBurahin
  76. Hindi pa huli ang lahat. Maaari natin makamtan ang ating mga pangarap sa takdang panahon. Marahil, may mas magandang plano ang ating Diyos kay Gina. Isa lamang itong balakid sa ating buhay na ibinibigay upang tayo ay mas maging matatag sa ating buhay. :D

    TumugonBurahin
  77. Sa aking palagay ang mantsa na tumalsik sa kanyang malinis na uniporme na sumisimbolosa kanyang pangarap ay ang mga sagabal upang matupad nya ang nais niyang abutin."kung ayaw may dahilan,kung gusto palaging merong paraan",kung nais mong matupad ang iyong pangarap walang makapipigil sayo kung determinado ka.

    TumugonBurahin
  78. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
    2. Kaakibat Na Ng Buhay Ang Problema .. Kya Kahit Anung Iwas Ang Gawin Ntin , Susundan At Susundan Ka Parin Ng Problema .. Hndi Ntin Ito Maiiwasan .. Ang Problema Ay Nagaganap Dahil May Dahilan .. Para Matutunan Ntin ANg Pagkakamali Ntin , Pra Wag Na Ntin Ulitin Ang Maling Ngwa Na At Higit Sa Lahat Ang Isang Pagkakamali Ay Isang Hamon Sa Buhay Na Dapat Nting Lagpasan .. Ang Problema Ay Hndi Ginawa Para Sumuko Sa Buhay , Ito Ay Para Mas MAtutunan Ntin Ang Lumaban At Mkipagsapalaran Sa Agos Ng Buhay :) .. Kya Wag Mawalan Ng Pag-Asa ..

      Burahin
  79. Isa itong reyalidad sa buhay na maraming pagsubok na darating bago maabot ang pangarap. Maraming ganyang kabataan ngayon; na gustong makapagtapos ng pag-aaral ngunit dahil sa katapusan ay hindi sila makapagtapos. Ang mantsa sa uniporme ng tauhan ay nangangahulugan ng pagkasira ng kanyang pangarap na maging nars. Isa lamang itong aral sa aming mga kabataang may kakayahang makapag-aral na dapat kaming magpasalamat dahil isa ang bawat isa sa amin sa mga mapapalad na may pagkakataong maabot ang anumang nais naming marating sa buhay.

    TumugonBurahin
  80. Maraming istudyante ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Ngunit ako'y naniniwala (hindi ko man sila kilala) kayang-kaya nila iyon. Laging tandaan: Ang mga naghihirap ang mas pinagpapala. Dahil ang paghihirap duon mo makakasama ang tanging naglikha dahil sa bawat pagsubok ng buhay, duon mo Siya makakasama. Diba nga magpasalamat sa bawat "Cross" na tatahakin ng ating buhay. :)

    Abigail V. Manalo
    BS Psychology 1-4

    TumugonBurahin
  81. May nais iparating sa atin yung huling parte ng kwento. Sa panahon ngayon, maraming kabataan nga ang humihinto ng pag aaral dahil sa hirap ng buhay at dahil gusto na din nilang makatulong sa kanilang pamilya. Pero kahit gano man kalaki ang problema, wag natin basta basta itatapon yung pagkakataon na makapag aral tayo. Magdasal at manalig lang tayo sa Diyos. Tutulungan Niya tayo at hinding hindi bibiguin.

    TumugonBurahin
  82. Sa palagay ko ay hindi na sya nabigla sa mantsa dahil sanay na sya dito. Masasabi na nating matagal nya na itong ginagawa. Sa aking opinyon lang naman, base sa aking pagsusuri at hindi pagbasa sa gitna ng mga salita ay si Gina ay isang pokpok, isang bugaw. Kaya marahil ay hindi na sya nabigla na narumihan sya.

    Nakakatsalenj, magandang senyales ito. XD

    TumugonBurahin
  83. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  84. Maraming estudyante ang nakararanas ng parehas ng sitwasyon ni Gina. Pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Pwede naman siguro syang magtrabaho habang nag-aaral. Sa paraang ito, hindi lamang ang pag-aaral nya ang matutustusan nya kundi ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Binigyan tayo ng problema ng Diyos dahil alam nyang kaya natin itong lagpasan basta hindi tayo mawawalan ng pag-asa at magtiwala tayo sa ating sarili. :)

    TumugonBurahin
  85. Sa bawat buhay natin ay may pagsubok na dumadaan ngunit huwag tayong mawalan ng pag asa dahil may solusyon ito at kailangan lang natin magsikap at maghintay na matapos ito.

    TumugonBurahin
  86. Maraming hadlang sa ating mga pangarap. Mahirap mabuhay kapag walang pera, lalo na't pag-aaral ang pinaguusapan. Para sa akin, tiwala lang sa sarili. Hindi ka pababayaan ng Diyos.

    TumugonBurahin
  87. Hindi mawawala sa ating buhay ang katotohanan, may mga magulang talagang ganon magsalita. Hindi man nila ibig sabihin sila lamang ay nadadala ng emosyon at sitwasyon sa kapaligiran. Totoong nakaka-awa ang nangyari sa kanya, ngunit sa tingin ko ito'y pagsubok lamang. Nangyayari ito sa totoong buhay at bilib ako sa mga taong kayang lagpasan ang mga pagsubok gaya nito.

    TumugonBurahin
  88. Nang matapos kong basahin ang akda pakiramdam ko napaka-swerte ko dahil nakakapag-aral ako. Hindi kasi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral dahil sa kakapusan sa buhay. Sana pahalagahan nating mga estudyante na nakakapag-aral tayo at ibigay natin ang lahat ng ating makakaya upang makakuha ng matataas na mga marka.

    TumugonBurahin
  89. Sa totoo lang, marami ang mga estudyanteng ganito ang pinag-dadaanan. Pero nasa sa kanila na iyon kung sila ay magpapatlo sa kapalaran o papanigan ang kanilang tamang nalalaman.

    TumugonBurahin
  90. Nakakaawa naman siya. Maraming kabataan ngayon ang nais na makapag-aral subalit ang mga pinalad naman ay hindi ito pinahahalagahan.

    TumugonBurahin
  91. Marami sa ating mga kapwa Filipino ang nakararanas ng ganito. Masaklap ang ganitong pangyayari. Kaya dapat ay pahalagahan natin ang ating edukasyon hanggat meron pa.

    TumugonBurahin
  92. Nakakalungkot man isipin pero maraming Pilipino ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Kung sino ang mga may pangarap ay syang hindi makapagtapos dahil sa kakapusan at kung sinong mga mayayaman ay syang nagpapabaya sa kanilang mga pag-aaral.

    TumugonBurahin
  93. Bakit nga ba ganito kung sino pa ang lubos na nais makatapos at makapag-aral ay sya pang hindi makakaya :(
    ako'y sadyang nalulungkot dahil makikita na nangyayari ang mga ganitong pangyayari lalong-lalo na panahong ito :(

    TumugonBurahin
  94. Isa itong salamin ng buhay ng mga karaniwang mga tao na hikahos sa buhay. Isa itong aral, para sa ating mga mapapalad na mga mag-aarl na hanggang ngayon ay tumutuntong pa din sa mga baitang ng hagadanan tungo sa ating silid aralan. Maswerte tayo at tayo ay nakapag-aaral pa samantalang ang mga tulad ni Gina na sabik pumasok ay walang ibang magagawa kung hindi ang huminto sapagkat hirap na sa pagpapa-aral ang kanyang mga magulang. Isang realidad, masaklap na realidad. Maganda ang nais iparating na mensahe ng manunulat.

    TumugonBurahin
  95. mapaglaro talaga ang tadhana .. may mga mayayaman na walang paki alam sa pag aaral at kung makapag waldas na lamang ay ganon . samantalang ang mga mahihrap na tao ay kahit gaano kgusto na makapg aral ay hindi nila kaya !
    maswerte pa din tayo na nabigyan ng pagkktaong mkpagaral kya pagbutihin natin :))

    TumugonBurahin
  96. Hindi na bago ang ganitong eksena. Isa lamang ito sa napakadami pang scenario na nangyayari sa buong mundo. Ngunit ano nga ba dapat ang ating tugon? Ito dapat ang pagsusumikap ng mabuti para hindi masayang ang pagkakataon na ipinagkaloob ng Diyos.

    TumugonBurahin
  97. Hindi na nakakapagtaka kung ang ibang mga kabataang gustong mag-aral ay hindi nakakatapos dahil sa hirap ng buhay. Minsan ay nagrereklamo ako sa sitwasyon ko, iyon pala ay mayroon pang mas kawawa sa akin.

    TumugonBurahin
  98. Ang ganitong eksena ay talagang nangyayari sa tunay na buhay. Nakakalungkot talagang isipin na maraming estudyante ang dumadadanas ng pangyayaring ito.

    Bilang mag-aaral, mag-sisikap akong mabuti upang makatapos ng pag-aaral dahil napakapalad kong mabigyan ng pagkakataon na sa iba ay tila pinagkait.

    TumugonBurahin
  99. Ang pera ay isang napakalaking problema ng mga mag-aaral sa panahon ngayon, kung tayo mismo ang magpapatalo sa mga problemang ating hinaharap, tiyak na tayo ay maliligaw ng landas tungo sa tagumpay. Dapat na maging matatag ang ating kalooban sa pagharap ng ganitong mga problema.

    TumugonBurahin
  100. Ang nararanasan ng karakter ay madalas na nararanasan ng mga karaniwang estudyante. Ang kakapusan sa pera ay isang malaking hadlang sa mga estudyanteng nagnanais na nakapagtapos ng pag-aaral.Hanga ako sa karakter dahil nababakas sa kanya ang katatagan ng loob sa kabila ng problema.

    TumugonBurahin
  101. Di hadlang ang paghihirap sa buhay dahil yan ay parte na ng ating buhay. Ang dapat lang na ating isipin ay ang kung pano natin ito haharapin, paghandaan at kung tayo'y magiipon ng lakas ng loob at ng pag-asa sa sarili.

    TumugonBurahin
  102. Kahit na ang mismong nagbibigay ng pag-asa sayo ang sumuko, wag mawawalan ng pag-asa. Isipin ang kahihinatnan ng bawat desisyon na iyong sisiguraduhin ng hindi pagsisisihan sa huli.

    TumugonBurahin
  103. Maikling kwento ngunit sobrang malaman. Maraming estudyante malamang ang nakaka-relate sa kwentong ito. Ito rin ay tumutukoy sa lumalaking poblema ng mga mag-aaral ngayon. Nais nila makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi kaya. Isang pangarap, na nanatiling pangarap na lamang. Malungkot ngunit totoo.

    TumugonBurahin
  104. Nakakalungkot lang talaga isipin na malaki pa rin ang nagagawa ng pera upang maging hadlang tungo sa pagkamit ng tagumpay ng isang tao. Masasabi kong iyon ang tunay na mantsa ng mundong ginagalawan natin. Sana, imbes na mawalan ng pag-asa, e mas maisip ng marami na magpursigi sa buhay kung saan di nawawalan ng tiwala't paninindigan sa Panginoon.

    TumugonBurahin
  105. Marami ang makaka-relate sa kwentong ito lalo na sa panahon ngayon. Marami na ang hirap sa buhay at mas ninanais magtrabaho. Ito ang kailangan ng pamilya nila. Kailangan na agad ng pera. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mag-aral.

    TumugonBurahin
  106. Hindi na bago sa atin ang ganitong problema, ang kakulangan ng pera sa pamilya. Marami sa panahon ngayon ang mas pinipili ang pagtratrabaho kaysa sa pag-aaral upang makatulong sa problema. Hindi naman ito mawawala ngunit pwede nating bawasan ang magiging epekto kung magkakaroon lang tayo ng determinasyo sa bagay na gusto nating makamtam. Masayang mag-aral lalo't hindi naghihirap ang magulang sa pagpapaaral natin sapagkat sinusuklian natin ito ng pagbubuti ng pag-aaral.

    TumugonBurahin
  107. Nalungkot ako sa naisip niyang paraan para maresolba ang problema niya. Pwede namang masikap na lang, may iba namang paraan bakit kaylangan niyang gawin yun? Sinayang niya ang kanyang puri at dangal

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  108. May pagkamalalim ang dulong parte ng kwentong ito . Pero isa lamang yan sa mga hamon sa buhay .

    TumugonBurahin
  109. Nalungkot ako sa naisip niyang paraan para maresolba ang problema niya.

    TumugonBurahin
  110. Ang pag-aaral ang tanging maipapamana sa atin ng ating mga magulang na kung saan ay madadala natin hanggang sa huli kaya nararaapat lamang na pahalagahan natin ito.

    TumugonBurahin
  111. Minsan gaano man nating kagusto na makatapos ay ang kapalaran naman ang pumipigil rito. At minsan kailangan nating magparaya para sa ikakabuti naman ng ating mahal sa buhay. Pero huwag nating hayaan na marumihan ang ating puri at dangal isa ito sa dapat nating pangalagaan. Pero sa Diyos walang imposible basta magtiwala at manalig tayo sa kanya.

    TumugonBurahin
  112. Minsan kahit di natin kagustuhan ay nakagagawa tayo ng mga bagay di tama. Ngunit hindi ito dahilan para mawalan tayo ng tiwala sa Diyos.

    TumugonBurahin
  113. May kakayahan ang bawat tao na punili ng kanyang magiging hakbang kaya kailangan nating pag-isipan nang mabuti ang ating gagawin.

    TumugonBurahin
  114. Ang mahusay na pagpili ay isang matalinong pagpapasya.

    TumugonBurahin
  115. lahat ng tao ay may kanya kanyang pag iisip. kaya naman lahat tayo ay nakakagawa ng sari-sariling desisyon sa buhay.






    TumugonBurahin
  116. Masaklap ang katotohanan ngunit itoy ating dapat harapin. Hindi tayo dapat magpatalo bagkus ay gawin natin itong isang hamon sa ating buhay at hindi isang "dead end". Malaking isyu sa ating mag aaral ang Pera dahil ito nga ay ang ating isa sa mga pangangailangan din nating mga estudyante. Kaylangan maging madiskarte ang mga tao ngayon para magkapera at makatipid.

    TumugonBurahin
  117. Hindi pa huli ang lahat para sa kanya pwede pa niyang makumbinse ang kanya ina na pag-aralin parin siya dahil mas maganda kung magiging edukado ka para makahanap ka ng magandang trabaho para makatulong ka sa iyong magulang at para mapag-aral mo rin ang iyong mga kapatid.

    TumugonBurahin
  118. Kahit anong hirap at balakid ang hinaharap mo sa buhay, wag na wag kang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Nandiyan ang ating Panginoon na laging handang gumabay sa'tin. Maniwala ka sa sarili mong kakayahan at hinding-hindi ka mabibigo.

    TumugonBurahin
  119. kung nais mo talagang marating ang iyong mga pangarap sa buhay ay walang kahit na anong makapipigilk sayo sa pag abot nito. kung ikaw lamang ay magigi8ng madiskarte sa mga bagay dito sa mundo at magpupursigi at magsumikap na marating ang gusto mong marating...

    TumugonBurahin
  120. Kahit na anong dagok ang dumating sa ating buhay, dapat magkaroon parin tayo ng pagasa na makakamtan natin ang ating mga mithiin.

    TumugonBurahin
  121. HINDI TAYO DAPAT MAWALAN NG PAG-ASA SA PAG-ABOT SA ATING MGA PNGARAP. MARAMI PA NAMAN PARAAN PARA MATUPAD AT MAABOT NATIN TO. -BSP 1-4

    TumugonBurahin
  122. May mga panahong na mismo ang nagbibigay ng pag-asa sa atin ang sumusuko. Kaya nawawalan tayo ng lakas para ipagpatuloy ito, ngunit kelangan muna nating pagisipan ang lahat ng posibilidad na mangyayari bago makabuo ng desisyon para maiwasan ang pagsisisi sa huli.

    TumugonBurahin
  123. matalinhaga ang wakas ' maaaring isipin na ang sasakyang dumaan ay isang lalaki ang may ari at ang bida aykakapit sa patalim upang may pantutustos na sya sa malaking halagang kanyang kailangan sa kanyang pagaaral

    TumugonBurahin
  124. Nakakalito ang ending ng storya, at ang pamagat, ngunit sumasang ayon ako sa kwento ng babae. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng oportunidad mag aral, nanjan ang hirap na haharapin ng tao at ng mag aarl at kung hindi mapalad ay darating sa puntong patitigilin dahil may mas mahalagang bagay na mapaglalaanan ng pera. Lahat ng problema ay mayroong solusyon, kung iisipin at gagawin ang mga bagay para makapagpatuloy sa pag aaral. Kung gusto ay parating mayroong paraan.

    TumugonBurahin
  125. Sus yun lang pala. Mamanstahan man ang damit ko ay lalaban pa rin ako. Hindi kelan man pumasok sa utak ko na ang kahirapan ay sagabal sa pagabot ng pangarap. Isa itong pagsubok na susukat sa pagkatao mo kung karapa tdapat ka sa pangarap na gusto mong abutin.

    TumugonBurahin