Lunes, Agosto 27, 2012

Laro ng Buhay


Isang nagmamadaling Lunes nang magkabanggaan kami sa LRT station. Nahulog ang mga bitbit niyang aklat. Sabay kaming dumampot. Sa pagtindig namin, nagsalubong ang aming tingin. May tila koryenteng dumaloy sa aking katawan. Pakiramdam ko tumigil ang mundo. Nagtapon siya ng ngiti. Lalong tumindi ang koryente. Parang gusto kong himatayin. Pinawisan ako nang malamig. Tila binuhusan ng nagyeyelong tubig. Kinikilig? Doon nagsimula ang aming kasaysayan.

Ilang buwan ding nagsalo sa ngiti, tuwa, tampo at lumbay. Kapwa naglakbay sa mundong kami lang ang nakaaalam. Nagsalo kami sa lahat. Maliban sa isang bagay na ayon sa kaniya'y hindi pa handa. Dapat maghintay. 

Naghintay ang aking isip subalit ang katawa'y may sariling pintig. Wala nang nagawa, isang gabing alipin ng alak. Pumutak ang manok ng kapitbahay.

Nagising akong mag-isa sa kama. Tanging pilas ng papel mula sa isang notebook ang aking katabi. Ayon sa liham "Thank you sa lahat. Itigil na natin ito. We're not meant for each other. I'm really sorry. Kailan ko lang nalaman, magkapatid tayo sa ama. Paalam kuya."

Nakoryente muli ako. Pero hindi tulad noong una na kilig, kundi kilabot sa natuklasan.

133 komento:

  1. Sa buhay may mga bagay na kahit na nagbibigay sa atin ng kaligayahan na hindi naman mabuti para sa kapakanan ng nakararami ay mas mabuting iwaksi na lang natin ito at tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng nagbibigay satin ng kaligayahan ay dapat nating panindigan hanggang sa huli lalu na kung ang nakasalalay ay ang reputasyon ng taong mas importante sa buhay natin....

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. Magandang araw po sa inyo Ginoong Jomar Adaya!

    Sa buhay ng isang tao mayroong kung tinatawag na 'zypher theory' kung saan ang bawat nangyayari sa kanyang buong buhay sa mundo ay hindi positibo o negatibo. Ito ay dumedepende lamang sa kung paano niya titignan ang bawat pangyayaring dumarating. Ito ay maliwanag din na nakasaad sa pilosopiya ng yin at yang na kung saan ang dalawang pwersa ng liwanag at dilim ay hindi nagtatalo bagkus, ay magkakonekta sa bawat isa.

    Minsan ang mga bagay bagay na kamuhka ng iyong istorya ay umiiral din sa ating kasalukuyang lipunan. Minsan ba'y aakalain mong habang buhay na kasiyahan na yata ang iyong natatamasa ngunit hindi mo alam ay may kaakibat pala itong burak. Ngunit nakadipende parin sa iyo kung ano ang gagawin mo sa burak na ito. Tatanggapin mo ba ito nang buong puso at lilinisin ito o iyong papabayaan ito upang magpakapal.

    Sa kaso ng nasa iyong kwento, maliwanag sa ating batas ang pagbabawal sa mga relasyong insestuwus. Ngunit ang pagmamahal ay ika nga 'bulag' kung kaya't hindi matitinag ng mga pwersang panlabas ang dakilang damdaming ito.

    -Marc-

    TumugonBurahin
  4. Ang tragic naman nung kwento.. Hindi pala lahat ng love story humahantong sa happy ending, minsan may malungkot din pala. Mas malala pa, kapatid mo pala yung tinuturing mong kasama sa buhay. May mas lalala pa pala, ang magkaroon ng anak kung sakali. Hindi mo alam kung pamangkin mo siya o anak mo.

    TumugonBurahin
  5. Nagustuhan ko po ang inyong isinulat. Kakaiba ito at mayroon kang makukuhang aral. Base sa aking interpretasyon ito'y nagpapahayag na sa ating buhay mayroong mga maganda at di kanais nais na mangyayari, kung ito'y maganda ating pasalamatan, ngunit kung hindi naman ay ating tanggapin at mayroong nakalaan sa atin na mas deserve natin.

    TumugonBurahin
  6. Natutuwa ako sa tuwing nakakabasa ako ng kwento tungkol sa pag-iibigan. Ngunit dahil sa trahedya nitong katapusan ay parang gusto kong maiyak. Nakakalungkot isiping ang pag-ibig na nadarama nila sa isa't isa at ang pagkakaroon nila ng relasyon sa umpisa pa lamang ay mali pala dahil nga sa sila ay magkapatid. Talagang hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay nagtatapos ng maligaya.

    TumugonBurahin
  7. Maraming lihim dito sa ating mundo . Minsan , mas maganda pang hindi na lang maipaalam para wala ng masawi sa buhay . Ngunit kusa pa rin itong lalabas kahit pilitin mo mang itago dahil yun ang katotohanan . Ang buhay natin ay matamis ngunit mapait din kung minsan .

    TumugonBurahin
  8. Tunay ngang mapaglaro ang kapalaran . Inaakala'y pag-ibig , lukso pala ng dugo ang naramdaman . May mga bagay talaga na di para sa atin , may mga pagkakataong di sinasadya pero nangyayari at may mga pangyayaring masakit mang tanggapin pero nararapat gawin . Kaya't sa istoryang ito , pagtanggap sa kapalaran ang pinakamabuting paraan.

    TumugonBurahin
  9. Ang inyo pong akda ay aking nagustuhan sapagkat nakabase ito sa realidad.Maraming mga ganitong pangyayari ang nagaganap sa kasalukuyan.2 bagay lamang ang nakikita kong nais ninyong ipahayag sa pagsulat ninyong ito.

    Una ay upang ipahayag na sa buhay natin, may mga bagay na maganda at naaayon sa ating kagustuhan at may mga bagay na sadyang salungat sa ating ninanais na nagiging dahilan pa upang isakripisyo natin ang isang bagay para sa kapakanang panlahat.

    Pangalawa ay upang ipataros sa atin na sadyang makapangyarihan ang pag-ibig, hindi nga ba't nagawa pang ibigay ng babae ang kanyang sarili bago umalis.

    Ngunit ipinapahayag din nito na sa bawat pag-iibigan, hindi lahat ay sa kasalan ang kahahantungan.May mga pag-iibigan na ang hangad lang ay bigyan ka ng leksyon o karanasan kung paano umibig at ibigin.May mga pag-iibigan na sadyang hindi nararapat pang ipagpatuloy sapagkat may mga bagay na mas dapat na bigyang halaga kaysa rito.

    Nakakalungkot lang isipin na isa sila sa maraming taong nakaranas ng ganitong uri ng pag-iibigan.Masakit nang isipin na ang taong pinaglaanan mo ng pagmamahal ay nagawa kang iwanan dahil sa iba, sapagkat may posibilidad pa na maging kayo ulit ngunit doble pa ang sakit na mararamdaman mo kung kadugo mo ang taong ninanais mo ng makasama habang buhay sapagkat batid mong kailanman, di na maisasakatuparan pa ang iyong nais.

    Nakakainspire ang inyong akda.

    TumugonBurahin
  10. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  11. Nalungkot ako nang matapos ko ito, akala ko magiging masaya ang katapusan kahit na sa bangdang gitna ng akda nagpapahiwatig na ito ng malungkot na katapusan. Pero ang masasabi ko lang base sa nabasa ko, tunay na mahirap pangunahan ang puso, dapat mag-antay lang tayo dahil darating at darating rin ang magandang katapusan na bubuo ng ating istorya ng pag-ibig. At ang nakapaghihintay ay siyang pinagkakalooban ng magandang ENDING.

    TumugonBurahin
  12. nakakalungkot naman ang naging katapusan nito. bandang huli palay magkapatid sila, naging si maganda ang kinalabasan ng naging ugnayan nila . pero magkaganun pa man ang ganda ng takbo ng kwento na di ko inaasahn ang naging katapusan nito :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nakakagulat ang huling bahagi ng akda, may mga sekreto talagang nabubunyag sa huli, nakalulungkot isipin na silang dalawa ay mag kapatid pala. Noong una natuwa ako na kinahinatnan ng dalawa ngunit kabigla-bigla talaga ang huli ng akda.

      Burahin
  13. Nakakakilig ang unang pangyayari. Mahilig kasi ako magbasa ng mga love story. pero sa iyong istorya nakakalungkot man ang ending pero ako'y humanga ng lubos. akala ko hanggang sa dulo magiging happy sila. masakit isipin na ang minahal mo ng lubos ay kapatid mo pla.

    TumugonBurahin
  14. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:57 PM

    Pinatutunayan nito na ang buhay ay sadyang mapagbiro. Masakit ngunit iyon ang katotohanan. Ganyan magpaikot ang tadhana. Mayroong mga bagay na dapat tanggapin o kaya naman ay pakaisipin bago ito gawin. "Nasa huli ang pagsisisi", ika nga. Binubuksan ng kwentong ito ang ating mga kaisipan ukol sa karaniwang kaganapang nangyayari sa kasalukuyan.

    TumugonBurahin
  15. Ang ganitong pangyayari ay napakahirap tanggapin at unawain. Ngunit sa buhay, hindi lahat ay puro kasiyahan lamang ang iyong mararanasan lalo na sa pag ibig. Masasaktan ka ngunit hindirin imposibleng mangyari na pagkatapos ng kasawian ay babangon tayo at magmamahal muli.

    TumugonBurahin
  16. may ganito ding story sa detective conan. magpapakasal na nga sila eh..kaso ang naiba lang, nagpakamatay yung girl dahil at di niya sinabi sa guy ang totoo.ayaw kasi niya itong masaktan. so sad ng ending. pero pwede pa naman kayong magmahalan, hindi na nga lang bilang isang couple, kundi bilang magkapatid. mahirap pero kailangan.

    TumugonBurahin
  17. ang ganda at kakaiba ang kwento. ngayon lang ako nakabasa ng ganitong kwento! ang nakapagtataka lang ay paano niya na nalaman na magkapatid sila sa ama? pero iba talga ang kwentong ito. nagsimula sa ngiti, pag-inom ng alak, at tpos nagpalipas ng gabi at magkatabi sa kama.

    TumugonBurahin
  18. nakakikilabot talagang isipin ang mga ganitong pangyayari lalo kung sa iyo magaganap.

    marahil ay nais lamang iparating na huwag magpapatangay sa damdamin. hindi natin alam, ang pagmamahal na ating nararamdaman ay pagmamahal pala para sa isang pamilya.

    kailangan din nating mag-isip kung ano ba ang kahulugan ng ating nararamdaman.. hindi sa lahat ng pagkakataon ay puso ang paiiralin.

    masakit man isipin, ngunit yun ang katotohanan.

    TumugonBurahin
  19. OWMAY! Magkapatid sila. Isang kasalanan na nadagdagan pang muli ng isa pang pagkakamali. Ok na sana, Masaya naman sila. Pero sadya nga namang mapaglaro ang tadhana na sa dami-dami ba naman ng mamahalin mo ay yung taong kadugo mo pala. Ganyan talaga ang buhay, minsan ang gulo ng sinasabi ng iyong isip at damdamin. Ngunit tandaan na sa bawat kasawian ay may kapalit na kasiyahan sa bagong taong iyong maari pang mahalin.

    TumugonBurahin
  20. Ang buhay talaga ay hindi mo malalaman kung anu ang ibibigay sayo at kung ano ang biglang aagawin sayo, Katulad nitong kwento, Akala mo magkakatuluyan sila pero sa huli hindi rin pala. Dapat handa tayong tangapin ang mga bagay na ibibgay ng Buhay.

    TumugonBurahin
  21. Hindi ko akalaing ganoon ang magiging katapusan ng akdang ito. Akala ko babae ang nagsasalaysay at ang pagbubuntis niya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. masaklap ito subalit ito rin naman ay nangyayari sa totoong buhay.

    Sana lang ay gamitin natin ang aral dito na kilalanin muna ang isang tao bago pumasok sa relasyon kasama ito.

    Magaling ang pagsasalaysay ng pangyayari, subalit tila masyado atang minabilis at nay ilang mga tanong na nabuo sa aking isipan.

    TumugonBurahin
  22. Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging wakas. Talagang Pang prime time bida tong kwentong ito ahahaha. Talagang nakakakilabot ang katotohanang nalaman nila sa bandang huli. Sana pinahaba pa :)

    TumugonBurahin
  23. Masaklap ang katapusan nito. Hindi ko akalaing ganoon pala ang mangyayari sa huli. Tulad nga ng sinabi sa kwento, nakakakilabot!

    Marami na rin akong narinig at napanood na ganitong uri ng kwento at masakit talagang isipin na ganoon ang kinahihinatnan.

    Ngunit ang napansin ko lang ay masyadong mabilis ang pagkakasalaysay ng kwento at maraming butas sa mga eksena.

    Ganunpaman, mahusay pa rin!

    TumugonBurahin
  24. Napakasidhi ng pagkakasalaysay ng mga pangyayari sa akda. Noong binasa ko ang kuwento, bigla na lamang akong nagulat sa tindi ng rebelasyon sa dulo. Napakagaling na tema, hindi pangkaraniwan!

    TumugonBurahin
  25. Sayang ang naging relasyon nila pero dapat respetuhin ang katotohanan , hayaan ng wag mangyari ang di puwedeng mangyari.Ganyan talaga ang buhay , minsan inaakala mo na maganda ang kahihinatnan mo pero may mga pagkakataon na hindi mo inaasahan , negatibo pala ang lalabas.Hindi natin maiiwasan ito , kailangan talaga nating sumunod na lang sa daloy ng buhay na ganito.

    TumugonBurahin
  26. hindi ko inaasahan ang ganitong wakas. nakakapangilabot nga na ang magkapatid sa dugo ay makakagawa ng ganitong pagkakamali.nakakaawa ang mga karakter sa kwento.kailangang sila ang magtikis ng damdamin dahil sa kalokohan na ginawa ng kanilang ama.

    TumugonBurahin
  27. Tamang tama ang titulo, pinaglaruan nga sila ng tadhana. Maganda at sa reyalidad napakabihira nitong mangyari.

    TumugonBurahin
  28. Mapag-laro sadya ang tadhana. Tulad nang sa kwento, maganda ang kanilang naging simula ngunit masama naman ang naging wakas nito. Siguro, kailangan nalang nilang tanggapin kung ano ang katotohanan :)

    TumugonBurahin
  29. Minsan, hindi talaga "happily ever after" ang wakas ng isang relasyon tulad ng nabasa kong ito.

    TumugonBurahin
  30. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  31. Lahat ng bagay may tamang panahon. Dahil sa hindi nya pagpigil sa sarili niya, nadagdagan pa ang kanyang kasalanan. Ang lungkot naman wakas pero talaga hindi lahat ng kwento ay masaya ang wakas. Sana'y kapulutan ito ng aral ng mambabasa. Maikli ngunit makakapukaw ng damdamin ng mambabasa. Sadyang mapaglaro nga ang buhay, tulad ng pamagat. Magaling po :D Sana ay pagpatuloy pa ang paglikha mo ng magandang obra. Salamat ;)

    TumugonBurahin
  32. napakahusay ng pgkakalikha ng panitikang ito .

    nagsimula sa unang pagkikita ng isang babae at lalaking nagkabangga sa lrt .. hanggang sa nagkamabutihan at tuluyan nang minahal ang bawat isa .. ngunit sa huli'y , natapos ito sa hindi inaasahang pangyayari ... isang tagpong lubhang nagpagimbal sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan .. ang pagatuklas na sila pala ay magkapatid .. :(

    sadyang kakaiba talaga ang trip ng tadhana ...

    sumasaludo ako kay G. Jomar Adaya .. kahanga-hanga ang malikhain mong isipan .. :) ngunit nangyayari kaya talaga ito sa realidad ? i wonder .. :)

    TumugonBurahin
  33. hala.. nakakaiyak naman yun... ang Love talaga walang pinipili.. pag naramdaman muh na tlgang gaganahan ka... G. Jomar Adaya nakakabilib k talaga.. :)

    TumugonBurahin
  34. Ang umpisa ng kwento ay nakakakilig at nakakatuwa. Ngunit sa pag usad nito unti unti mararamdaman ang pag iba ng takbo ng kwento at sa huli isang kakila-kilabot na katotohanan ang natuklasan. Napakapaglaro nga ng buhay kaya dapat tayo'y mag-ingat sa bawat kilos na ating gagawin. :)

    TumugonBurahin
  35. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  36. Dumarating talaga sa ating buhay ang pagkakataon makakakita tayo ng taong magpapatibok ng ating puso. Subalit, hindi lahat ng ating iniibig ay ang taong nakalaan para sa atin. Kaya, bago tayo tuluyang mahulog sa isang tao, mainam na kilalanin muna natin ng mabuti ang taong iyon para sa bandang huli, wala tayong panghinayangan at pagsisihan.

    TumugonBurahin
  37. Di talaga natin alam ang takbo ng tadhana. May mga taong akala nating nakalaan para sa atin ngunit hindi pala. Minsan kasi ay kailangan wag magpadalos dalos at wag basta magpadala sa nararamdaman.

    TumugonBurahin
  38. Nikka Patricia MarceloOktubre 17, 2012 nang 5:44 AM

    Naagaw ang aking pansin ng mga naunang pangungusap ng akda.Tunay ngang ang pag-ibig ay bigla bigla na lamang dumadating, masyadong mapaglaro. Magugulat ka na lamang na ang taong nakasalubong mo sandali ay ang siya na palang makakapagpabago ng ikot ng iyong mundo.Pero di maikakailang maliit talaga ang mundo, ito nga'y pinatunayan ng kwentong ito at dito'y wala tayong magagawa. Masakit mang isipin ngunit kinakailangang tanggapin. Ang lahat ng taong dumadating sa ating buhay ay dumating dahil sa isang rason. Isang rasong atin lamang nakikita sa paglipas ng panahon.

    TumugonBurahin
  39. Wala talagang makapagsasabi sino man s atin ang mga mangyayari at tadhanang nakalaan para sa atin, may mga pangyayaring hindi natin inaasahan tulad ng nasa kwentong ito na sa hindi inaasahang pagkakataoon ay nagmahalan ang magkapatid.

    TumugonBurahin
  40. Maliwanag ang nais ipahiwatig ng manunulat. Ito ay makapagbibigay ng aral sa bawat mambabasa. Ang buhay ay puno ng pagsubok, minsan hindi natin alam na mali na pala ang ating ginagawa ngunit hindi na natin ito maibabalik pa ang maaari na lang natin gawin ay itama ang ating nagawang pagkakamali. Hindi man ito madali sa umpisa ay dapat natin ipaglaban kung ano ang tama dahil kung ipagpapatuloy pa rin natin ang ating mga maling ginawa ay makadadagdag lamang lalo ito sa ating mga nagawang kasalanan. Kaya't hanggang hindi pa huli ang lahat ay itama na natin ang ating nagawang pagkakamali.

    TumugonBurahin
  41. hmmm..alam na pala ng babae bago pa may mangyari na magkapatis sila ng boyfriend niya bakit hinayaan niya pa ipinagpatuloy? At saka may mga bagay na makapaghihintay kadugo mo man o hindi 'di parin nararapat na gawin nila iyon. Nasaan na ang respeto nila sa isa't isa?

    TumugonBurahin
  42. Maikli lang yung kwento pero parang andaming nangyari. Naisaad ng maayos yung mga pangyayari at tumatak agad sa mambabasa yung istorya.

    TumugonBurahin
  43. Palaisipan sa akin ang kuwento sa unang parte pa lamang dahil ang pamagat ng kuwento ay malayo sa tinalakay sa unang talata. Ang galing ng manunulat, napakaganda ng twist ng kuwento kahit na hindi naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagmamahalan.

    TumugonBurahin
  44. Hindi pangkaraniwan ang kuwento pero minsan ay nangyayari ito gawa na rin ng mapaglarong tadhana. Naalala ko tuloy ang payo sa akin ng aking tatay na dapat alamin ang family tree ng iyong napupusuan bago ko siya sagutin. Ang pangunahing rason ay baka magkamag-anak daw kami. Kunsabagay, kahit wirdo ang payo eh may point naman si Papa.hehe

    TumugonBurahin
  45. Ang saklap ng nangyari sa magkasintahan, wala sanang problema sa kanilang pag-iibigan kung ang kanilang ama ay naging tapat. Bunga nito, nagkasala na sila sa Maykapal ay nasaktan pa sila sa kanilang paghihiwalay. Ang mahirap ay tsaka lang sila naghiwalay kung kailan mahal n mahal nila ang isa’t isa at may nangyari na sa kanila.

    TumugonBurahin
  46. Kunsabagay, ganun talaga ang buhay, kailangan na lamang nilang itigil ang kanilang pagiging magkatipan at tanggapin ang katotohanang hindi sila para sa isa’t isa at may darating din na tamang tao para sa kanila na siyang makakasama at makakaagapay nila sa habang buhay. ayun ! napasarap na sa pagcocomment ! =) ang galing kasi ng may akda. more power po !

    TumugonBurahin
  47. BSP I-4 PUP

    Nakakatuwa ang panimula ng akda. Ang mga ganoong eksena ay madalas kong nakikita sa mga telenobela na pinapalabas sa telebisyon. "Love at first sight" ang karaniwang tawag sa mga ganitong pangyayari. Kadalasan itong nangyayari sa mga kabataang hindi pa lubos na alam kung ano ang tunay na pag-ibig. Marahil ay nakakakilig ang mga eksenang ganito pero iba pa rin kung kilala mo ang tao bago mo pa siya mahalin. Habang nalalapit na ako sa katapusan ng akda, medyo nararamdaman ko na ang mga susunod na mangyayari. At tama nga ako. May nangyari sa kanila dahil sa sobrang kalasingan. At ang nakakalungkot na bahagi ng kwentong ito ay magkapatid pala sila. Kailanma'y hindi nila maaaring ipaglaban ang kanilang maling pagmamahalan.

    TumugonBurahin
  48. Isa na naming kuwento ng may akda na nakabase sa realidad ang kanyang isinulat. Para sa akin, maganda ang ganitong estilo, dahil namumulat ang mga mambabasa sa parte ng kanilang buhay na hindi pa nila masyadong napag-iisipan. Talagang ang ating buhay ay puno ng pagsubok, minsan ay hindi natin alam na mali pala ang ating mga ginagawang desisyon, at pagkatapos ay tsaka lamang natin ito mauunawan kapag may resulta na itong maganda o pwede ring hindi. Kaya dapat muna nating pag-isipan nang mabuti ang mga bagay na ating gagawin bago natin ito isagawa. Ngunit kung may pagkakataon pa ay agad natin itong itama kung ito’y mali, at kung tama naman ay ating isapuso nang ating matandaan.

    TumugonBurahin
  49. Sa dinami rami ng tao sa mundo, hindi mo aakaling ang babaeng minamahal mo ay magiging kapatid mo pala.

    Ang taong inaakala mong magiging kasama mo na habang buhay. Ay, mali pala. Palabas lang ang lahat. Nakakabigla talaga. Ang aking akala ay kaya sila naghiwalay ay dahil may nangyari sa kanila kahit na hindi pa sila kasal ngunit mali pala. Kahanga-hanga. Napaka "unpredictable" ng katapusan ng kwento.

    TumugonBurahin
  50. Ay grabe! Kinilig na ko nung umpisa eh. Sabi ko sa sarili ko, "aba'y pang-Wattpad pala 'to eh" ngunit ng matapos kong basahi'y nasabi muli na, "Mali ako, pang- MMK pala" Grabe. May mga cases talaga na ganyan. Syempre hindi naman natin talaga kilala kugn sino sino ang ating mga kadug. Hindi natin sila nakikilala sapagkat hindi ipinapakilala, samaktwud ay inilihim. Masakit man tanggapin ngunit dapat ay ipaalam at ipakilala kesa naman magkaroon ulit ng mga pangyayring ganito, na ang taong mahla na mahala mo ay iyo palang kapatid sa ama.

    TumugonBurahin
  51. hmmn. ganda ng umpisa . ok na sana yung takbo ng relasyon nila eh. tapos biglang magkapatid pala sila sa ama. ouch!
    ang saklap ng kinahantungan ng relasyon nla. kala mo happy ending na pero hindi pala sila ung para sa isa't-isa. haay tadhana nga naman ! napakamapagbiro!

    TumugonBurahin
  52. May mga bagay talagang hindi natin magugustuhan na maaari talagang nakaplano na para sa atin. Sadyang mapaglaro ang tadhana sapagkat may mga pangyayari sa ating buhay na maaring iba sa ating inaasahan. Gaya na lamang sa kwento, nagkakilala sila bilang normal na nilalang subalit hindi nila alam na sila pala ay magkapatid. Maganda ang pagkakagawa ng twist ng kwento. Minsan sa sobrang lupit ng mga pangyayari sa buhay ay hindi na natin ito maiiwasan.

    TumugonBurahin
  53. Nakalulungkot mang isipin ngunit mayroon sa buhay na kailangan nalang nating tanggapin. Hindi maari ang relasyong iyon kaya marapat lamang na itigil na. Dapat nating maintindihan na huwag tayong padalos dalos sa ating mga desisyon. Ang nagpatindi pa sa kwento para sa akin ay ang pagbigay nila sa tuksong hindi inaasahan. XD at sa huli, malalaman nilang magkapatid sila. Hindi ba't parang ang isang kasalanan ay nadagdagan pa ng isa pang kasalanan? (Ohmy lang.. Incest sa dulo! haha XD)

    TumugonBurahin
  54. Hindi lahat ng love story, happy ending. Naklulungkot mang isipin pero ganun talaga eh.

    Nanindig ang balahibo ko sa twist nung storya. Matapos nilang bumigay sa tukso'y saka nila nalaman na magkapatid sila sa ama.

    Ang tao'y marupok, pero hindi ibig sabihin na dapat magpadal sa tukso. Ang alak sa tiyan nilalagay hinid sa utak. Dapat maging responsable tayo sa ating mga ginagawa. Sabi nga nila "Nasa huli ang pagsisisi. " :)

    TumugonBurahin
  55. Nakakapangilabot na istorya. Tulad ng dati, di ko na naman inasahan na ganun ang mangyayari. Totoo ngang sa buhay hindi laging “happy ending”. Tunay ngang walang makapagdidikta ng mga susunod na kabanata ng ating buhay at mga bagay na posibleng mangyari sa hinaharap…

    TumugonBurahin
  56. malaking misteryo na talaga ang buhay ngayon, minsan na nga lang magmahal, kapatid pa pala. Napakamalas naman kung makakatagpo ng ganoon. Ngunit hindi iyon dahilan upang malugkmok, dapat ay matutunang magbigay at tumanggap. Hindi naman kasi mapipigilan kapag puso na ang umiral, mahairap man pero dapat magpaalam.

    TumugonBurahin
  57. Oh my God ! isang masaklap na pangyayari ang dagok sa ating buhay, mas mabuti na naghiwalay man kayo at least hindi mo siya kaano ano, kaysa naman na malaman mo na ang nakasalo mo sa ligaya ay kapatid mo. Grabe hirap isipin.... parang ang hirap mag move on nun.Kaya mabuti nang ating kilalanin ng mabuti ang taong ating mamahalin upang makasama habang buhay.

    TumugonBurahin
  58. ang galing ng pagkakagawa ng kwento..akalang pag-ibig ay lukso lang pala ng dugo! ang lalim!

    TumugonBurahin
  59. Oh my God! Sa unang bahagi ng kwento ay makikilig talaga pero ng matapos ay parang may mali. Masasabi kong ang naramdaman niyang kilig ay lukso ng dugo para sa kapatid. Malugkot ang kinahinatnan ng kwento. Nagdadala ng lungkot para sa mga mambabasa,

    TumugonBurahin
  60. Trahedya kung maituturing ito ng pangunahing tauhan, nagpapatunay lang ito na ang buhay ay minsang di naaayon sa ating kagustuhan.

    TumugonBurahin
  61. Natutunan ko sa kwentong ito na hindi lahat ng bagay na nakakapagpasaya sa'yo ay tama. :) Minsan talaga, kahit masakit, kung yun naman yung tama, dapat yun na lang yung sundin mo kasi yun yung tama eh. Kahit maikling kwento lamang ito, parang ang dami kaagad pumasok sa isip ko, at ang dami kong natutunan agad. :)

    TumugonBurahin
  62. Sa ating buhay, hindi lahat ng kasiyan ay tunay na kasiyahan. Kadalasan, ang mga kasiyahang ito ay mapanlinlang lamang. Nais lang tayong dalhin sa tukso na sa una’y akala natin ay makabubuti sa atin at wala kahit ano pa ang maaring makapagbigay. Matuto nawa tayo na matuklasan ang tunay na kaligayan hindi lamang sa isang pagkakataon. Ang tunay na kaligayan ay makakamit sa mga bagay na paulit-ulit na nangyayari sa ating buhay hindi yung using beses lamang.

    TumugonBurahin
  63. sa simula ay nakakakilig ngunit sa huli ay nakakakilabot.
    hindi mo aakaling ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa isang tao ay pagmamahal para sa isang kapatid pala.

    TumugonBurahin
  64. Grabe. Kinilig ako ng kaunti. dahil sa pagkakabunggo sa LRT ay naging magkasintahan. Nagpadala sa init ng pag-ibig. Nakakakilabot ang katotohanang sila pala ay magkapatid. Kawawang lalaki.

    TumugonBurahin
  65. Sa totoo lang, napanganga ako ng mabasa ko ang katapusan ng kwento. tunay na nakapangingilabot ang nangyari. maihahalintulad ko ito sa isa kong nabasang kwento na pinamagatang "Ang Lihim ni Teresa". magkapareho ang tema ng dalawa.
    Maganda ang pagkakagawa sa kwento.

    TumugonBurahin
  66. Nabasa ko na ito mula sa aking kapatid . Naaalala ko dito ang episode ng MMK kung saan nagkaroon ng relasyon ang karakter ni Kristine Reyes sa kanyang kapatid sa ama na si Ryan Eigenmann . Hindi ko alam kung mandidiri o malulungkot ako sa tuwing mababsa ko ito sa ebok ng ate ko ..

    TumugonBurahin
  67. nakakalungkot dahil totoong nangyayari ito ngayon. hndi ito bago, dahil ang pag'ibig ay may ibat ibang mukha. nakakalungkot dn dahil hndi ito tangap ng ating kultura. :(

    TumugonBurahin
  68. Sayang..
    Hindi natin mapipigil ang ating puso na sundin kung sino ang ating napupusuan..
    Pero nandian ang isip upang paalalahanan tayo na hindi lahat, ay TAMA o MALI.

    TumugonBurahin
  69. ouch naman:( tunay ngang masakit sa damdamin ang katotohanang iyon ngunit kailangang tanggapin. siguro naging mapaglaro lang ang tadhana pero hindi nito maaalis ang sakit na nadulot nito.

    TumugonBurahin
  70. Ang pahayag na ito ay nagpahiwatig ng isang magandang aral sa mga kalalakihan at maging sa mga kababaihan, na bago makipagrelasyon ay mag-isip muna ng malalim bago magpatalo sa bugso ng damdamin.

    TumugonBurahin
  71. Napaghinayangan ako dahil hindi inaasahan na sila pala ay magkapatid,ang pagibig nga naman.

    TumugonBurahin
  72. Napaghinayangan dahil sa hindi inaasahan ay magkapatid pala sila,pagibig nga naman.

    TumugonBurahin
  73. Kakaiba para sa akin ang naging wakas ng kwento. Naging kagimbal-gimbal ang wakas nito at may halo ring kalungkutan. Tunay ngang naging mapaglaro ang buhay para sa mga karakter ng kwento.

    TumugonBurahin
  74. ang kwentong ito ay may pagkakahawig sa "para kay b" ni Ricky Lee..
    kay lupit talaga ng tadhana..sa daming tao sa mundo..bakit magkakamag anak pa ang nagkakaroon ng relasyon...
    grabe!! hindi rin talaga maiwasan kapag init na ng ating katawan ang pinag uusapan,,ang hirap isantabi nito!!

    TumugonBurahin
  75. nakakalungkot namang isipin na sadyang mapaglaro ang tadhana at sa hindi inaakala ay may halaga pala sa kanya ang taong iyon ngunit hindi bilang kasintahan kundi isang kapatid pala. medyo nahiwagaan ako sa katapusan dahil wala akong naging ideya na ganun ang mangyayari sa kanila ngunit sa kabila nito sadyang nakakabagbag-damdamin kaya maganda. magaling!!

    TumugonBurahin
  76. sadyang nakakapanghiwaga ang wakas ng akdang ito sapagkat ay hindi ko talaga maakalang ganun ang mangyayari sa dalawa. ngunit nakakabagbag-damdamin ang kwento kaya napakaganda. Magaling!!

    TumugonBurahin
  77. Nakakagulat at nakakadismaya ang naiwang damdamin sa akin nang matapos kong basahin ang kwento. Di ko akalain na ang kuryenteng kanyang naramdaman ay ang lukso ng dugo para sa kanyang kapatid na hindi lamang nabigyan ng higit na pagpapahalaga. Sa huli pa nila nalaman ang nakakagimabal na rebelasyon sa tunay nilang kaugnayan.Talagang mapaglaro ang tadhana. Ibang klase kung magbiro.




    Kcirlenn Rodelas
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  78. Sa 'Laro ng Buhay', masyadong naging maiksi ang pagkakasulat ng kwento. Hindi masyadong hinabaan ang pagkakasulat kung kaya naman naging masyadong simple ang labas nito. Kung hahabaan pa sana ng kahit kaunti at dadagdagan ang mga magagandang eksena, magiging mas kaaya-aya sana ito sa mga mambabasa.

    TumugonBurahin
  79. mapaglaro ang tadhana kaya dapat maging handa tayo sa mga pwedeng idulot nito.

    TumugonBurahin
  80. Sa una'y maganda ang tinakbo ng kwento. Ngunit sa kawakasan ay mahihinuhang may mga bagay talagang hindi para sa atin. Totoong ang buhay ay mapaglaro. Dapat ay handa tayong makipaglaro sa buhay at sumabay sa agos nito. May mga kapalit ang mga bagay na nawawala. 'Yan na lamang ang dapat nating tandaan.

    TumugonBurahin
  81. Sadyang mapaglaro ng buhay. Hindi natin alam ang mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Paiba iba ang ihip ng hangin at minsan ang inaakala natin na taong nakalaan para satin dahil sa ating masidhing nararamdaman ay hindi pala. Ang kailangan na lang nating gawin ay tanggapin ang masaklap na katotohanan.

    TumugonBurahin
  82. Sobrang mapaglaro talaga ang tadhana kung ating maituturing,ang kwentong ito ay isang patunay lamang na hindi natin hawak ang lahat ng bagay at nangyayari,di natin hawak ang oportunidad at pagkakataon,lalong di natin alam ang mga sikretong nakatago sa mga katauhan ng isang tao.

    TumugonBurahin
  83. Sa Kwentong Ito , Gaya Ng Sabi Ng Iba , Sadyang Mapaglaro Ang Tadhana .. Maganda Na Sana Ang Simula Ngunit Nakakalungot Ang Nging Katapusan .. Nkakadismasya Ito At Nkakagulat Dahil Hndi Mo Akalain Na Ganun ANg Mgiging Katapusan Ng Istorya .. Napakasalap Dahil Nagkaroon Cla Ng Pagtngin Sa Isa't-Isa Ngunit Hndi Nila Pdeng Ipagpatuloy Dhil Sa Lihim Na Nabunyag Mula Sa Kanilang Pagkatao .. Masakit Man Ngunit Kailngan Tanggapin Dhil Parte Ng Buhay Ang Kabiguan , Sakit At Pighati ..

    TumugonBurahin
  84. napakamapaglaro ng tadhana, minsan, may mga pagsubok nga naman na parang sa ating palagay ay huli na ang lahat. Lalo na sa pagibig. Maraming tao ang nasasaktan dahil lamang sa salitang pagibig. Iba't iba ang rason ngunit nasa ilalim parin ng salitang pagibig. Nakakalungot na kailangan pa nilang makaabot sa ganoong kalagayan bago nila mapagtanto na sila ay magkapatid.

    TumugonBurahin
  85. :((((( <////////3
    Ang sakit 'non! Naramdaman ko ang emosyon. Ang galing galing ng gumawa ng kwentong ito!! Dahil dito, ako ay namotivate gumawa ng blog na may temang ganito. Ang ganda po. Sa lahat ng nabasa ko, ito ang aking paborito. :DDDD

    Abigail V. Manalo
    BS Psychology 1-4

    TumugonBurahin
  86. Hindi lahat ng relasyon ay nagtatagumpay. Tulad nito, akala nila sila na yung para sa isa't isa pero sa likod ng mga kilig na naramdaman nila ay may isang sikretong nakatago. Sa buhay natin, may mga lihim tayong malalaman nalang natin ng basta basta kung kailan masaya na tayo at kuntento na sa buhay. Ika nga ng iba, mapaglaro ang tadhana.

    TumugonBurahin
  87. Sa simula ng kwento ay na-excite ako kung ano ang mga susunod na pangyayari kaso iba pala ang naging kahihinatnan ng kwento. Minsan sa buhay natin, maraming beses din tayong napaglalaruan ng tadhana. Katulad ng nasa kwento, huli na ng malaman nilang magkapatid sila. :(

    TumugonBurahin
  88. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Mahirap tanggapin ang ganitong sitwasyon lalo na kung napalapit na kayo sa isa't-isa. Kaya bago ka makipagrelasyon, tiyakin mo muna kung ito ay pag-ibig o lukso ng dugo lamang.

    TumugonBurahin
  89. Masyado mabilis ang pangyayari at hindi maganda ang pagtatapos ng kwentong ito dahil sa nangyari.

    TumugonBurahin
  90. Hindi natin masasabi ang totoong tadhana. Dito sa ating mundo maraming kabuluhan ang nangyayari. Paminsan, magugulat ka na lang. Kaya nga, wag padalos dalos, maging mapanuri para walang mamimirwisyo.

    TumugonBurahin
  91. Kala ko sa huli kaya nakikipaghiwalay kasi nakuha na nung lalaki yung puri nung babae ngunit nawindang ako kasi lalaki pala yung nag kukwento... Tapos magkapatid pala sila. Tunay na malikhain ang gumawa ng kwentong ito!! Kung ako ay may pagkakataon lamang, nais kong pangaralan ang may likha nito.

    TumugonBurahin
  92. Ganito talaga ang buhay. Mapaglaro ang tadhana, kaya dapat maging matatag sa lahat ng pag subok at unos na darating.

    TumugonBurahin
  93. Nakakabigla yung mga ganyang bagay. Sana lamang eh huwag nang maraming tao ang matulad sa ganyang sitwasyon. Hindi naman nila iyon kasalanan dahil naging biktima lamang sila ng pagkakataon.

    TumugonBurahin
  94. Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa mabilisan. may mga bagay na dapat munang pagisipan bago gumawa ng aksyon. Kapag nagawa mo na ito, kailangang panindigan mo na ito maging TAMA man ito o MALI.

    TumugonBurahin
  95. napaka ganda. ang mga ganitong klase ng kwento ay nakakabigla. maski ako hindi ko rin akalain na magiging ganun ang magiging wakas ng maikling kwento. Napaka mapaglaro nga naman ang tadhana.

    TumugonBurahin
  96. Bago ang lahat, may sasabihin muna ako... BOOM!!! Talagang masasabi kong unexpected ang turn of events. Di ko lubos maisip na iyon talaga ang magiging pagtatapos ng maikling kwentong iyon. Pero, masasabi kong tunay na mapaglaro ang tadhana. Di ito tadhana ng dalawang nag-iibigan, ngunit tadhana ng dalawang magkapatid, kung saan nalaman nila ang tunay nilang relasyon, habang nag-iibigan ng tulad sa mag-sing irog.

    TumugonBurahin
  97. Dapat nating malaman na mapaglaro ang kapalaran. Hindi sa lahat ng bagay ay aayon sa iyo ang tadhana kaya sana wag maging padalos dalos dahil ang nagawa na ay nagawa na at kahit kailan man ay hindi na maibabalik ngunit maaari pang itama.

    TumugonBurahin
  98. nakakagulat ang revelation sa huli! hindi inaasahan ! ngunit ganon talga ang buhay . dapat tayong magiingat sa mga ggwin at mga desisyon na ggwin natin..
    ang pag.ibig kapag nagsimulang mga laro mahirap at masakit na ..

    TumugonBurahin
  99. Nakakalungkot, at talagang isang laro ng buhay. Paano nga kaya kung may ganitong mga kwento? Magkapatid sila ngunit hindi nila alam at nahulog sila sa isa't - isa? Maituturing ba itong malaking kasalanan kung wala ka naman talagang alam? Di ko masabi, ngunit malungkot ang wakas para sa dalawang magkasintahan na ito. Masaklap at mapait.

    TumugonBurahin
  100. May mga bagay talaga sa mundo na nakakagulat dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Gayunpaman, naniniwala akong kung mahal talaga ng magsing-irog ang isa't isa, gagawin nila ang lahat pari ang "MALI" ay magiging "TAMA".

    TumugonBurahin
  101. Nakakagulat ang huling bahagi ng akda, may mga sekreto talagang nabubunyag sa huli, nakalulungkot isipin na silang dalawa ay mag kapatid pala. Noong una natuwa ako na kinahinatnan ng dalawa ngunit kabigla-bigla talaga ang huli ng akda.

    TumugonBurahin
  102. Kapanapanabik ang naging simula ng istorya. Nakakalungkot lang na hindi naging maganda ang katapusan ng mga karakter sa kwento. Sadyang ganun talga ang buhay puno ng di inaasahang mga pangyayari.

    TumugonBurahin
  103. Isa sa mga hirap ng buhay. Pagmamahal ay isang mapaglarong tadhana. Mahirap man tanggapin ang bawat hadlang ng pagmamahal, may mga taong magmamahal satin. Ang makaramdam ng pagmamahal mula sa ibang tao ay kakaiba. Sapat na iyon sa bawat tao. Magtanan man o hindi, nandun ang pagmamahalan sa isa't isa. Di tayo nagiisa, laging may tao na nakakaramdam ng parang sa atin. Ang solusyon ay magsama sama tayo. :')

    TumugonBurahin
  104. Ang kwentong ito ay patunay na minsan ang buhay ay sadyang mapaglaro. Minsan akala natin magiging maayos na ang lahat ngunit isang pitik lamang ng ga daliri ng buhay , ang masayang mukha ay mapapalitan ng lungkot at luha.

    TumugonBurahin
  105. WOW!
    Hindi ko inaasahan na ganito ang katotohanang maibibigay ng tadhana sa isang tao.
    Sa bawat pagkakataon na nararamdaman ang tunay na pag-ibig, hindi maiiwasan na may tinatagong sekretong ang mabubunyag na magbibigay sa ating isipan ng simbolong "?" at "!".

    TumugonBurahin
  106. Isang nakakabiglang biro ng tadhana sa buhay nila! Di ko inasahan ang ganoong pag-atake ng sumulat sa mambabasa. Mahusay. Ang laro ng buhay ay di natin maiisahan dahil di lahat ng bagay ay ating nalalaman.

    TumugonBurahin
  107. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang kakahinatnan. Ang inaakala mong kaligayahan ay kasaklapan pala ang mangyayari. Napakagulo talaga ng bilog na mundong ito.

    TumugonBurahin
  108. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinipili natin ang makasariling kasiyahan natin. Sa pagpili ay dapat nating isaalang alang ang mga bagay na nasa paligid natin na naapektuhan sa bawat hakbang na ginagawa natin. Hindi sa nawawalan tayo ng paninindigan sa bagay na pinaniniwalaan natin sapagkat sa pagpapatuloy natin ng paninindigan ay hindi natin napapansing nawawala unti unti ang mga bagay na siyang dahilan kung bakit tayo naninindigan.

    TumugonBurahin
  109. Nakakadurog ng puso ang mga pangyayaring ganito, yung akala mo nagkatagpo na kayo ng tunay na itinakda para sayo. Pero sa bawat ganitong pangyayari dapat na tayo'y matuto. Matutong gumamit ng utak at hindi lang puso. Matutong maghintay at hindi mainip sa tunay na tinadhana ng Panginoon. Matuto na masaktan at bumgangon muli. At higit sa lahat matutong matuto mula sa ating mga karanasan para magamit sa hinaharap.

    TumugonBurahin
  110. Nakakalungkot naman ng ending. Ang ganda pa naman sana ng simula ng kanilang pag-iibigan. Pero hindi dapat magmamadali sa mga bagay-bagay at huwag mag take advantage ng dahil lang sa kalasingan. Hayaan natin na dumating ang tamang panahon.

    TumugonBurahin
  111. Totoong ang buhay ay mapaglaro. Dapat ay handa tayong makipaglaro sa buhay at sumabay sa agos nito.

    TumugonBurahin
  112. mapaglaro ang buhay. Dapat ay lagi tayong handa sa anumang maaaring mangyari.

    TumugonBurahin
  113. Grabe! Magkapatid pala sila? Siguro hindi pagibig ang tunay nilang naramdaman kundi pagmamahal.Pagmamahal sa isang kapatid na naging mapusok lamang

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  114. May mga bagay na sa una ay akala nating para sa atin. Ngunit may mga bagay talaga sa mundo na hindi ginawa para sa isa't isa. Sa mga pagkakataong ganito ay dapat tanggapin na lamang natin ang katotohanan.

    TumugonBurahin
  115. lahat ng kaldero ay may nakalaang takip. matuto tayong tanggapin ng buong puso ang inilaan sa atin ng tadhana, masakit man at sa ayaw man natin o sa gusto.

    TumugonBurahin
  116. Mapaglaro ang tadhana. Sa sobrang dami ng sikreto sa mundong ito ay hindi natin malalaman ang mangyayari. Nakakalungkot isipin na madaming tao ang darating sa buhay natin na akala natin ay sila na ngunit hindi pala. unti unti ay magiging parte lang sila ng buhay natin at nakaraan.

    TumugonBurahin
  117. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang kinahihinatnan.Sa kwentong ito sinasabi na hindi lahat ng love story ay may happy ending, tulad nito walang happy ending pero kahit sandaling panahon lang ay nakaramdam siya kahit papaano ng pagmamahal sa inaakala niyang babae sa buhay niya pero kapatid pala niya.

    TumugonBurahin
  118. NAKAKARELATE ANG KWENTO LALO NA SA PARTE NAMING MGA KABATAAN.
    DAPAT TANGGAPIN NATIN NG MALUWAG ANG MGA BAGAY BAGAY

    TumugonBurahin
  119. Sa buhay natin sadyang nakakalito ang pag tingin sa tama o mali kaya namn kelangan talaga nating gumamit ng isip kahit pa pag ibig ang nakasalalay.

    TumugonBurahin
  120. Nakakaasar! Kinkilig ako nung una tpos sa huli ganun. Badtrip,Sana talga inisip muna nilang mabuti at kinilala pa ang bawat isa para hindi iyon nangyari sa kanila.

    TumugonBurahin
  121. Sabi nila masarap daw ang magmahal, pero nakadepende pa rin sa tao kung magiging masaya ito. Wag lang puro puso ang gagamitin pag nagmahal, paganahin rin natin ang ating utak para maging balanse ang lahat.

    TumugonBurahin
  122. nakakakilig ang umpisa nang lahat nang pag-iibigan ngunit hindi lahat ay "happy ending". kagaya nga nang malaman nila ang nakakapangilabot na katotohanang gumulat sa kanila ay nagintg masalimuot ang kanilang pag-iibigan. kaya wag nating hayaang mapag laruan tayo nang mga pangyayari sa ating buhay. mag-isip mun bago gumawa nang mga hakbang.

    TumugonBurahin
  123. NAPAKAGANDA NG KWENTO. PINATUTUNAYAN NITO NA SADYANG MAPAGLARO ANG TADHANA.-BSP 1-4

    TumugonBurahin
  124. Masarap magmahal, pero di mo makakalimutan ang sakit na dulot nito. Ngunit sa kabila nito, dito tayo natututo.

    TumugonBurahin
  125. Isang nakakakilabot na pangyayari.
    Walang pinipiliing tao ang tadhana kung sino man ang bibiglain nito kaya dapat laging handa sa bawat pangyayaring magaganap sa ating buhay.

    TumugonBurahin
  126. Minsan sa buhay, may mga dapat ng hindi pwede at may mga pwede na hindi dapat.

    TumugonBurahin
  127. may mga bagay na masaklap tanggapin ngunit walang magagawa kundi tanggapin dahil mali kung ipipilit pa .

    TumugonBurahin
  128. Isang masakit at malupit na gawain ng mapaglarong tadhana't ng buhay! Aking nadama ang sakit ng kuwentong ito. Napaka-intense ng kuwento at ito'y tagos sa puso at sa aking mga damdamin.

    TumugonBurahin
  129. Ang drama nga naman ng tunay na buhay. Tsk tsk. Kung hindi may kabit, namatayan o natukso, ngayon ay minalas pa na makilala ang isang kapatid sa labas bilang ang taong pinakamamahal mo. Kakaibang kwento nga naman.

    TumugonBurahin
  130. Tungkol swan ang kwento

    TumugonBurahin