Huwebes, Agosto 23, 2012

Pagkatay


MAY humatak sa buntot papalabas sa kural. Walang ano-ano'y kinaladkad sa madamo at maputik na daan. Pinagtulungan ng apat na matador na naka-fatigue na pantalon.

Napabirit. Walang nakaririnig.

Sinubok ng katawang pumiglas, kaya nauwi sa pagkakagapos ang mga paa. Itiniwarik pa. Kumukulo na ang tubig sa malaking kalderong inaapuyan ng mga gatong. Sa ilang saglit ay babanlian ang katawan.

Kumuha ng pamalo ang isa. Lumapit. Pinuntirya ang ulo. Iwinasiwas. Sapul!

Patuloy ang pagbirit. Malakas na birit. Wala pa ring nakaririnig.

May katigasan ang bungo. Pumalag-palag pa. Umuungot ng bahagya. Kaya kumuha na ang isa sa mga matador ng matulis na kutsilyo. Hinawakan sa katawan ng iba upang hindi na makapalag. Kasunod ang pagtarak ng kutsilyo sa leeg. Sumirit ang dugo.

Bumirit muli ng isang malakas. Pahina nang pahina. Nakapupunit ng katahimikan sa madaling araw ang tagpong iyon. Nakatay na rin sa wakas ang baboy na ipauutang nang por kilo sa mga kapitbahay, pagsilip ng liwanag.

BIGLANG napabalikwas sa pagkakatulog si Arman. Bakas sa mata ang takot. Hindi ang ingay ng kinatay na baboy sa kalapit na bahay ang gumising sa kanya. Sariwa pa rin sa kanyang gunita ang sinapit ng kanyang kaiskwela na napagkamalang kasapi ng mga rebolusyonaryong grupo sa kabundukan. Masahol pa sa pagkatay ng baboy ang kanyang nasaksihan na ngayo'y bangungot na dumadalaw sa kanyang balintataw..

79 (na) komento:

  1. Ang tao ay di tulad ng hayop na maaring katayin lamang. May sarili tayong buhay at hindi tayo hayop. Lubhang nakaririmarim ang sinumang makakasaksi nit.

    TumugonBurahin
  2. Ang pagkasaksi sa isang katakot-takot at kahindik-hindik na pangyayari na ayaw nating makita ay nagkikintal ng isang kasuklam-suklam na alaala sa atin . Ang mga natunghayang nating bagay katulad nito ay maaaring magtagal sa ating isip hanggang sa panahong hindi na natin malalaman kung ano ang realidad sa hindi .

    TumugonBurahin
  3. Isang nakakapangilabot na pangyayari iyon.Sadyang napakahirap para sa kanya na kalimutan iyon spagkat tlgang kahindik-hindik iyon at npkahirap iwaglit sa isipan .. Ang tao ay hindi hayop na kapag ginusto ng sinuman ay maaaring katayin! Nakakapangilabot !

    TumugonBurahin
  4. Grabe ang pagkakalarawan ng pagpatay, akala ko talaga nung una, isang pagsasalaysay lamang yun ng pagkatay ng baboy, ayon pala pagsasalaysay ng pagpatay ng isang tao, ang mala-hayop na pagpatay. Hindi na makatao ang ganung gawain. Nakakadagdag lamang ang mga taong gumagawa nito sa pasakit sa lipunan. Walang magawang tama, sila ang mga tipo ng taong nasisiraan na ng bait. Nakakainis lang isipin, na magpahanggang ngayon ay nangyayari pa rin ito sa totoong buhay. Sana lamang ay nakakamit ng tao ang hustisya, hustisya na minsan malabo dito sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  5. .. nakakatakot naman! dba ang pagpatay yun ang isang masamang gawi sa mata ng bawat isa lalo na sa mata ng Diyos?? pahalagahan ang bawat nilikha na binigyan ng buhay, hindi lng para sa sarili ang pagkabuhay ntin ganun dn sa mga nagmamahal satin

    TumugonBurahin
  6. Nakakatakot! Ang hirap ng kalagayan ni arman, dahil sa bawat pagkakataong maririnig niya sa kapitbahay ang pagkatay ng baboy ay naaalala niya ang sinapit ng kanyang kaeskwela. Masahol pa sa pagpatay sa isang hayop. Isang nakakapangilabot na ala-ala ng nakaraan.

    TumugonBurahin
  7. maganda ang pagkakabuo ng kwento at ang pagkakasuno-sunod ng pangyayari. Kahanga-hanga rin ang naisip na paraan ng may-akda upang ilarawan ang katakot-takot na pangyayaring kanyang natunghayan.

    Maari rin itong ihalintulad sa mga nararanasan ng mga taong napagkamalan na nagkasala at ngayo'y nananatili sa kulungan para sa kasalanang hindi sila ang gumawa.

    TumugonBurahin
  8. Mahusay ang pagkakayari sa istorya na ginamitan ng istilong "flashback" ng may-akda.

    Madalas talaga na nakararanas tayo ng mga pangyayaring hinding-hindi mawawala sa ating isipan at paulit-ulit na maghahatid ng takot at agam-agam.

    TumugonBurahin
  9. Simple lamang ang pagkakakuwento ng pangyayari subalit sa dulo ay makikita ang nakakgimbal na pangyayari na naganap sa nakaraan ng pangunahing karakter. Ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang kaibigan ay naalala niya ng kanyang marinig ang mga kapitbahay niyang nagkakatay.

    TumugonBurahin
  10. lubhang nakakatakot.noong una medyo sigurado pa ko na ang sentro ng kwento ay ang pagkatay sa panindang hayop.ngunit talagang nakakapangilabot ang gawing wakas ng kwento.d2 isinalaysay kung panung ang tao naman ang ginawan ng parehong pagkatay, at mas malala pa nga

    TumugonBurahin
  11. nakakatakot ang makakita ng ganoong pangyayari at wala ka man lang naitulong sa taong yun kasi parang pakiramdam mo wala ka man lang naitulong sa kaibiagan mo at hindi ka naging isang mabuting kaibigan

    TumugonBurahin
  12. camille orogo, bspsy 1-4Oktubre 17, 2012 nang 3:27 AM

    nakakatakot ngunit may iniiwang mensahe para sa ating lahat...

    TumugonBurahin
  13. Isang nakakatakot na alaala ang bumabalik kay Arman. Sa simula ng kuwento ay aakalain mong pagkatay ng baboy ang ipinahahayag nito ngunit nalinaw ang lahat sa katapusan.

    TumugonBurahin
  14. Maganda ang pagkakabuo ng kwento pero nakakagulat ang huli. Nakakaawa naman si Arman dahil natandaan niya ang nangyari sa kanyang kaibigan na pinatay na parang hayop.

    TumugonBurahin
  15. Lubhang masahol pa pagkatay ng hayop ang dinaranas ng mga taong pinatay ng mga taong handang pumatay maipaglaban lamang nila ang kanilang mga paniniwala. Ganito ang nararanasan ng ilan sa ating mga kababayan sa Mindanao. Puro patayan dahil sa may mga grupo ng tao na nais matupad ang kanilang adhikain. Ganito rin marahil ang ilang OFW natin na nakakaranas ng pagmamalupit. Sana ay matigil na ang ganitong mga pangyayari sa ating mga kapwa. Isang napakalaking kasalanan ang pagpatay, sana ay alam ng lahat iyon.

    Malikhain ang pagkakasulat ng akdang ito. Hindi ko inasahan ang magiging wakas :)

    TumugonBurahin
  16. Brutal ang pagkakapahayag ng mga pangyayari. Noong una ay akala ko ay tungkol lang ito sa pagkatay sa baboy ngunit kalaunan ay patungkol talaga ito sa brutal na pagsawi sa isang tao na mas masahol pa daw ang ginaeang pagpatay kaysa sa hayop. Nagunita ko ang nangyaring malaking bangungot noon tungkol sa "Maguindanao Massacre". Maituturing na walang puso at walang takot sa Diyos ang mga taong nakakagawa ng ganito sa kapwa.

    TumugonBurahin
  17. Ang mundo ay mabangis. Walang pinapatawad na uri ng namumuhay rito. Ang tao at hayop ay parehong dapat irespeto at di dapat babuyin. Isipin na lamang natin kung tayo ang nasa kalagayan nila.

    TumugonBurahin
  18. Ang bagay na gumuguhit ng linya sa pagitan ng hayop at tao ay ang kakayahan ng taong mag-isip. Subalit minsan, ang paraan ng ating pag-iisip ay ginagawa tayong mas masahol pa sa hayop.

    TumugonBurahin
  19. BSP I-4 PUP

    Nakakabagabag ang kwentong ito. Noong una'y akala ko, isang simpleng proseso lamang ito ng pagkatay ng baboy. Ngunit nang lumaon, unti-unti kong napagtatanto na masyado nang marahas ang pagkatay sa baboy. Sa aking pagkakaalam ay kuryente lamang ang dapat na gamitin na pampatay sa baboy at hindi dapat sa pamamagitan ng dahas. Sa huling parte ng kwento ako medyo kinilabutan. Tunay ngang ang mga bagay na nasasaksihan ng ating mga mata ay tumatatak din sa ating puso't isip

    TumugonBurahin
  20. Nakakatakot, nakakabagabag at nakakakilabot ang pagbabasa sa kwentong ito ngunit, sa kabila nito hindi natin nababatid na isa tayo sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa ating lipunan. Sa literal na pagpapakahulugan, ang baboy ay kinatay upang ipangutang sa mga kapitbahay bilang pagkain. At, hindi man natin aminin ay isa tayo sa mga kumakain nito. At, sa malalim na pag unawa, sinabi na naaalala ni Arman ang sinapit ng kanyang kaklase na pinaghinalaang kasama sa rebolusyonaryong grupo. Kung sisipatin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran, wala na ngang habas ang mga krimen lalo na ang pagpatay sa kapwa tao dito sa ating bansa. Mas hayop pa ang tao kung patayin sa ngayon. Hindi maitatanggi na kaya naaalala ito ni Arman ay dahil sa mas masalimuot na kinahinatnan ng kanyang kaklase kaysa sa baboy na kinatay upang ihain sa hapag.

    TumugonBurahin
  21. Tignan natin ang ating paligid, ganyan na ang nangyayari sa ating lipunan. Wala ng boses ang mamamayan. Milimit pang paghinalaan ng lipunan. Kahit anong pagpupumiglas nito ay wala itong magawa, iginagapos tayo sa maling sistema. Ginigilitan hanggang mamatay? Hindi naman tayo tulad ng isang baboy na pwedeng ipangutang.

    TumugonBurahin
  22. Grabeh… nagulat ako sa huling bahagi ng akdang ito… hindi ko inaasahang ganun ang patutunguhan, ni hindi nga pumasok sa aing ideya na ganun pala. Ehe, akala ko’y simpleng kwento lang tungkol sa pagkatay ng baboy, ayun pala nasa dulo ang tunay na esensya at mensahe nito… galeng!

    TumugonBurahin
  23. wow ! nakakagulat talaga yung ending ! nakakatakot !
    kinilabutan ako bigla . grabeng pagpa2hirap ang ginawa sa kaklase ni Arman . kung pagkatay pa lang sa baboy nakakapanindig balahibo na pano pa ung sa tao mismo??
    hindi ko ma-imagine yung mga taong walang awa na gumagawa nun sa kapwa nla tao.

    TumugonBurahin
  24. Nakakapangamba ang kwento, sa unang basa ko pa lang ay natatakot na akong ipagpatuloy pa ang pagbabasa subalit ipinagpatuloy ko pa rin ito. Maganda ang mensahe nito na hindi natin maipagkakaila na nangyayari ito sa panahon ngayon at minsan ay hindi natin malimutan dahil sa matinding pangamba at pagkatakot sa nakaraan. Ang kuwentong ito ay makabuluhan dahil maganda ang aral na mapupulot dito ng mga mambabasa

    TumugonBurahin
  25. Iba na ang dating ng istorya sa umpisa pa lamang, inihalintulad ng akda ang pagkatay sa babaoy ang sinapit ng kaibigan ni Arman, mahusay niyang napagdugtong ang daloy ng kwneto hanggang sa aktong magising si arman dahil sa trahedyang sinapit ng kaibigan, sa madaling sabi ay natroma siya.

    TumugonBurahin
  26. unang basa pa lang sa umpisa ay nakakainganyo ng basahin! ang ganda!!

    TumugonBurahin
  27. Kahindik hindik na pangyayari ang naranasan ni Arman. Siya ay natroma at nababagabag sa kanyang nasaksihan. Maganda ang pagkakasulat. May sorpresa sa dulo at may konting misteryo.

    TumugonBurahin
  28. Makikita na may mga bagay na gumagambala sa ating isipan na hindi natin maiwawaglit. Sa kalagayan ni Arman, hindi niya makakalimutan ang pagkatay sa kanyang kaiskwela noong siya ay bata pa. Maganda ang pagkakabalangkas ng istorya.

    TumugonBurahin
  29. Ang tao ay nilikha ng Diyos na kawangis nila. Wala anuman sa nilikha ng Diyos ang makahihigit sa tao. Ang tao ang nilikha upang mangalaga sa ibang nilikha ng Diyos. Ngunit walang karapatan ang tao na higitan ang kapwa niya tao. Ihndi niya rin rin maaaring ituring o ihalintulad sa ibang nilikha ang tao, dahil gaya nga ng aking nasabi, wala anuman ang makahihigit sa tao kundi ang Diyos lamang na Siyang lumikha.

    TumugonBurahin
  30. nakakapangilabot ang gawing wakas ng kwento. ang buong akala ko ay ang pagkatay ng hayop ang pinakasentro ng akda, ngunit ng dumating na ang aking mata mula sa pagbabasa sa may bandang wakas ay labis akong kinilabutan.ngpapakita ito ng pagkatay sa tao na mas malala pa sa ginawang pagkatay sa mga hayop.

    TumugonBurahin
  31. slubhang nakakakilabot naman ito ..
    grabe !!
    'kala ko pa naman ay hayop lang ang kinakatay ..
    yun pala ay mas malubha pa dun ..
    pahgkatay pala sa tao ..

    hindi ito maganda .. labag ito sa kautusan ng Diyos ..

    TumugonBurahin
  32. Panghuhusga ng mata ng tao sa kapwa tao. Ito ang pinairal ng mga pumatay sa inaakalang kasapi ng rebelyon. Ano ba ang dahilan ng paglaban, at may lumalaban sa gobyerno? Bakit nga ba ang isang kasapi ay pinatay ng walang habas, dahil inaakala siyang kasapi ng isang rebeldeng grupo? "Walang mali sa pag laban, may mali kaya lumalaban." Ani ito ni BLKD na taga UP, at masasabi nating, sa mga salitang iyon, itoy may katotohanan. Kaya may mga rebelde, ay dahil may mali sa sistema ng gobyerno. Kaya may lumalaban, ay may mga ng aaping makapangyarihan. Kaya may namamatay, ay dahil sa kagustuhan ng katahimikan, yun nga lang, mula sa marahas na pamamaraan. Oo, lahat ay gusto ng kapayapaan, ngunit kung hahawakan mo sa leeg ang isang tao ang tatanggalin mo ang kanyang boses, ang makakamtan lang ay katahimikan, at di kapayapaan. Isa lang naman ang daan tungong kapayapaan, at Diyos lang iyon, ngunit sa pilit na pagmamataas ng mga tao sa lupa, tingin nila ay diyos na sila ng nasasakupan, at nilalampasan na lamang ang husga ng Panginoon, at inilalagay na lang ito sa sarili niyang kamay.

    TumugonBurahin
  33. HIndi ito kaganda gandang kwento.Ito ay isang masamang gawain kung kayat wag natin ito gayahin at wag magpatay gaya sa nakasaad sa kwento.

    TumugonBurahin
  34. Kung ako rin siguro ang makakasaksi sa pangyayaring iyon ay hindi rin siguro ako patutulugin ng aking konsensya dahil wala man lang akong nagawa para tulungan siya

    TumugonBurahin
  35. Hindi lahat nadadaan sa usapang ganito. Ang hirap mapabilang sa ganito, wala nang matakasan, Ang tao, hindi hayop. Tayong lahat ay dapat na magmahalan. :)

    TumugonBurahin
  36. banal ang buhay ng tao.kung anupa't walang karapatan ang sinuman na kumitil ng buhay ng isa...napaka madugo at walang awa ang ginawang pagpatay...hindi tayo dapat kumikilos ng di iniisip ang kahihinatnan...nakakalungkot naman!

    TumugonBurahin
  37. parang naging flashback kay arman ang pangyayaring ito dahil siguro sa sinapit ng kaklase niya sa kabundukan. marahil pinapalikot ng akdang ito kung ano ang maaaring nangyari talaga sa kaklase niya. magandang kwento..

    TumugonBurahin
  38. Nakakatakot ang mga ganitong pangyayari! Tandaan natin na wala tayong karapatan na pumatay ng tao tanging Diyos lang ang maaring gumawa sa atin nun. Kung may taong kang kinaiinisan wag mo ito daanin sa patayan dahil ang lahat ng bagay ay naaayos sa simpleng paguusap lamang. Hindi natin kailangan gumamit ng anumang nakakasakit sa kapwa. Sana ang mga ganitong pangyayari ay maiwasan na, lalo na sa ating bansa. :)

    -Mikhaela Andrea Calcita
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  39. masamang mag patay ng tao, kahit gaano pa kabigat ang nangyari, o kung ano pa man ang nasa isip mo isipin mo muna dapat ang mangyayaro o kahihinatnan pag ginawa mo ito.

    TumugonBurahin
  40. Napakasaklap ng sinapit ng kamag-aral ni Arman. Napakahalaga ng buhay ng isang tao at dahil lamang sa isang pag-aakala na kasapi ito ng mga rebolusyonaryong grupo sa kabundukan ay pinatay nila ito ng karumal dumal. Nakakalungkot man isipin pero totoo, napakamapanghusga na ng mga tao sa lahat ng aspeto ng buhay.

    TumugonBurahin
  41. Ang buhay ng tao ay mahalaga. Hindi ito maitutulad sa iba pang mga nilalang dahil ang tao ang pinaka-espesyal na nilalang ng Diyos. Napakasaklap ang nangyari sa buhay ng kaklase ni Arman dahil lamang sa isang bintang ay nawalan na ito ng karapatang mabuhay pa.

    TumugonBurahin
  42. Nakatutuwang malaman na baboy pala ang kinakatay sa unang parte ng kwento,ngunit labis akong naawa sa sinapit ng kamag-aral ni Arman.Ang tao ay nilikha ng Diyos bilang kawangis nya,bawat isa sa atin binigyan nya ng buhay kaya wala man sino sa atin ang may karapatan para kunin ito sa ating kapwa.

    TumugonBurahin
  43. Mahirap makalimutan ang isang bagay na nasaksihan mo lalo na kung ito'y nakakatakot at hindi kaaya-aya. Babalik at babalik ito sa alaala mo tulad ng nangyari kay Arman. May mga bagay na magpapabalik sa ating isipan sa isang pangyayaring ayaw na natin maalala.

    TumugonBurahin
  44. Alam kong hayop yung nilalarawan sa pagpapatay. PERO nung malaman kong nangyayari pala ito sa tao, NAKAKATAKOT!!!! :( Hay. Diyos na ang bahala sa gumagawa ng ganitong pangyayari! KONSENSYA!!! >.<

    Abigail V. Manalo
    BS Psychology 1-4

    TumugonBurahin
  45. Nung una natutuwa ako dahil alam ko na ang kinakatay ay baboy. Ngunit nagitla ako ng malaman kong ikinukumpara nya ang pagkatay ng baboy sa nangyari sa kanyang kaiskwela.
    Mahalaga ang buhay ng tao. Nakakalungkot dahil masyadong mapanghusga ang mga tao at pati ang mga walang muwang na tao ay kanilang inaalipusta.

    TumugonBurahin
  46. Ang tao ay iba sa baboy kaya dapat hindi ito ihalintulad lalo na sa pagpatay na mas malala pa sa baboy ang nangyari.

    TumugonBurahin
  47. Isang kahindikhindik sa istorya. Hindi ko lubos maisip ang nangyari sa ka-eskwela ni Arman na mas masahol pa sa pagkatay ng baboy ang sinapit. Ang nakakalungkot lang ay nangyayari talaga ito sa totoong buhay. Halimbawa na lamang nito ay ang MAGUINDANAO MASSACRE. Ang hirap tanggapin na may mga taong nakakagawa ganitong klaseng ka-hayupan sa kanilang kapwa. Nawa'y mapagtibay ng pamahalaan ang hustisya sa bansa upang madakip na ang mga walang awang kriminal na ganito.

    TumugonBurahin
  48. Nakakaawa. Nakakaawa para sa hayop, pero hindi ko maatim na isipin na sa realidad ng buhay nangyayari ito sa mga tao. Bakit nagkakaganito ang mundo, humanidad. Kawawa naman...

    TumugonBurahin
  49. Nakakapanghilakbot ang mga nangyari at naranasan ng bata sa kanyang murang edad. Hindi dapat nangyayari ang mga ganito nguinit ito ang realidad na palaging may mas makakaangat at aalipustahin at kakatayin na parang baboy dahil wala silang kalaban laban.

    TumugonBurahin
  50. kawawa naman ang bata sapagkat napagkamalan lang naman siyang kasapi sa rebolusyonaryong grupo sa kabundukan hindi naman nila napatunayan ngunit bakit ito ay gagawin agad parang ganito rin kasakit kapag napaghihinalaan ka o pinagbibintangan ka ng wala namang pruweba.

    TumugonBurahin
  51. Sa kwentong ito, naipahayag na hindi lamang hayop ang maaaring katayin. Gaya nga ng sinabi sa kwento, ang kaiskwela ni Arman ay nakaranas ng higit pa sa pagkatay. Dapat hindi agad gumawa ng aksyon ang isang tao hanggat hindi pa napapatunayang nagkasala ang isa pa sapagkat maaaring makasakit tayo ng hindi pa natin alam ang katotohanan. Kailangang maging sigurado tayo sa ating gagawin upang hindi tayo makaagrabyado ng iba. :DD

    TumugonBurahin
  52. Muli na namang napatunayan, marami talaga ang namamatay sa maling akala. Maling akala nga ba o sadyang gusto lamang nilang kumitil ng buhay? hindi tayo nakakasiguro. . .

    TumugonBurahin
  53. Hindi ko lubusang maisip kung bakit nakakaya ng ibang taong pumaslang ng kapwa nila tao. Hindi ba pumapasok sa kanilang isip na, "Pano kung sa akin ito ginawa?" o di kaya'y "Pano kung sa taong mahal ko ito ginawa?" Hindi ba, nasa utos ng Diyos na "Wag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo" Pano nga kaya sila nakakatulog ng mahimbing sa gabi?

    TumugonBurahin
  54. kahit ay ayaw makita, makasaksi , lalo't higit ang makranas ng mga di kaya-ayang pakiramdam. parang ang hirapisipin na may mga taong kayang gumwa ng parehong karahasan sa mga kapwa tao nila .. nakakatako isipin na maaaaring sa paglipas at pagdating ng panahon ay mas maraming tao ang makakayang gwin ito at ang mundo'y magiging malaking "katayan ng tao" ;((

    TumugonBurahin
  55. Ang mga ganitong pangyayari ay hindi pa dapat makita ng mga kabataang katulad ni Arman dahil masyado itong sensitibo. Nakakaawa ang ginawang pagpatay sa baboy ngunit mas nakakaawa ang ginawa sa kaeskwela ni Arman.

    TumugonBurahin
  56. Di natin masasabi kung kelan ang ating huling hininga, subalit kung tayo'y makakita o makasaksi ay tayong kikilabutan. Masakit sa ating kaloobang kapag may sinasaktan maging ang pinapatay, dahil paano kaya't kung nasa ganun sitwasyon tayo, pinaglalamayan at iiyakan na ng ating mga taong mahal.

    TumugonBurahin
  57. Masyadong marahas ang pagkakalarawan dito sa akda. Nakakatakot dahil ito ay sumasalamin sa mga pangyayari ngayon. Marami ang walang-awang pinapatay na inosente. Nasaan ang hustisya?

    TumugonBurahin
  58. Ang buhay ng tao ay bigay ng Diyos at walang sinuman ang maaring kumuha nito kundi Siya lamang.Ang pagkatay sa baboy ay katanggap-tanggap ngunit ang masahol na pagpatay sa isang tao na tila isang baboy na kinakatay ay hindi makatarungan at malaking kasalanan sa mata ng Diyos at tao.

    TumugonBurahin
  59. Sadyang kaligiran na natin ang makakita ng baboy sa kung saan saan. Ika nga sa komposisyong ginawa ng idolo ko na si L. De Veyra, "Diyos Natin ay Baboy!"
    Isa lamang ang subtekstong gustong ipabatid nito, Pagbabago na magmumula sa sarili rin natin!

    TumugonBurahin
  60. Tao kang makapagbabasa nito o hindi. Tayo'y regalo ng Diyos sa isa't isa. Para magkaisa at maging kanya di para sa iba. Oras na ng pagbabago. Ang pumatay ay gawain lang ng mga nabahiran na ng dumi ang kaluluwa. Hindi tama ang pagpapatay sa isa't isa. Ngunit ang bawat kaluluwa kahit gaano pa kadumi, ay maaaring maligtas. :)

    TumugonBurahin
  61. Makaita pa lang ng kinakatay ay nakakatakot na. Ang hirap ng isipin. Paano pa kaya kung tao? Hiram lang natin sa Diyos ang katawan natin, kasalanan natin sa Diyos rin kung saktan natin sarili natin, kaya mas matinding kasalanan ang manakit ng iba.

    TumugonBurahin
  62. Sa bawat pagpatay ay katumbas ng bahid sa kaluluwang walang latay.
    Lahat ng tao ay dapat pinahahalagahan dahil maswerte tayo dahil nandito tayo sa pagitan ng mundong pagbabaksakan natin sa huli.

    TumugonBurahin
  63. Ang saklap malaman ang katulad ng mga ganitong bagay. Marahil ay tama ito sa ibang taong kumakalaban sa lumalaban sa kanila. Ngunit sa mata ng karamihan, ang ganitong pagpaparusa ay hindi katanggap tanggap dahil sa kanilang paniniwala na ang Diyos lamang ang may karapatang magtanggal ng buhay sa isang tao at kahit ang Diyos hindi ganito ang paraan ng pagkuha ng buhay ng isang tao na inihalintulad sa hayop.

    TumugonBurahin
  64. Isinasalamin ng kwentong ito ang ang kalupitan sa bansa natin. Ang kalupitan na lumalaganap at hindi napipigilan ng mga awtoridad. Na minsan pa nga ay ang mga nasa gobyerno mismo ang nagpapalaganap ng karahasan.

    TumugonBurahin
  65. Grabe, nakakakilabot. Buti na lang at baboy talaga ang kinatay at hindi tao! Karual-dumal na gawain ito kung gayon. Walang sinuman ang maaaring kumitil ng buhay ng iba o mismong sarili pa. Epektibo ang akdang ito. Magaling!

    TumugonBurahin
  66. Kung ang hayop nga sinasaktan nasasaktan na tayo eh. Pano pa kaya kung tao? hindi lang iyon basta basta nakakatakot.Ito ay isang bangungot na dadalhin mo hanggang kamatayan.

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  67. Sa panahon nating ngayon ay talamak na ang mga krimen. Dahil sa dami na nito ay halos hindi kayang sugpuin ng awtoridad. Ang makita ang isang tao na pinagmamalupitan ay masakit na sa ating dibdib paano pa kung makita natin itong namatay marahil mas magiging bangungot ito sa atin.

    TumugonBurahin
  68. di magkapareho ang tao at hayop. pero dapat pareho itong respetuhin.

    TumugonBurahin
  69. marami ang krimen. at kadalasan ang mga tao ang apektado.

    TumugonBurahin
  70. Sa panahon ngayon, laganap na ang krimen saan mang sulok ng ating bansa. unti-unti rin tayong tinatanggalan ng karapatan at mala-hayop kung paslangin.

    TumugonBurahin
  71. Pagiging saksi sa ganoong pangyayari ay nagdudulot ng troma kahit na sino man. Unti unti nito tayong binibigyan ng takot sa lahat ng ginagawa natin. Ginagawa nitong isang hawla ang ating buhay.

    TumugonBurahin
  72. Napakasaklap ang nangyari sa kaiskwela ni Arman at mas mahirap ang sitwasyon ngayon ni Arman dahil sa tuwing naiisip niya ito siya ay natatakot, hindi sa pagkatay ng baboy pero sa pagpatay sa kanyang kaiskwela na mas masahol pa sa pagkatay ng baboy. Ang bawat tao sa mundo ay dapat nirerespeto hindi binababoy katulad ng pagpatay sa kaiskwela ni Arman. Ang buhay ng tao ay napakahalaga.

    TumugonBurahin
  73. napakahirap makaranas nang gayoong pangyayari. sa pagkakakita niya sa nakakikilabot na pagpatay sa kanyang kaiwskwela ay hindi basta basta dahil na rin sa gabi gabi siyang hahabulin ng kanyang takot at konsensiya na siya na ring magpapahirap sa kanya. kaya't nakapangingilabot talaga ang makakita nang ganoong pangyayari.

    TumugonBurahin
  74. Sobrang karumaldumal ang kanyang nasaksihan. Sadyang hindi ito ung mga pangyayaring mabilis mong makakalimutan.

    TumugonBurahin
  75. Isang taong walang awa ang makakagawa ng ganitong pangyayari. Laging tandaan na ang kasalukuyang tinatapakan natin ang lugar para husgahan kung saan ba talaga tayo maipapadala.

    TumugonBurahin
  76. naging trauma sa pangunahng tauhan ang kanyang nasaksihang pangyayari na kahit sa panaginip ay hinahabol sya nito .

    TumugonBurahin
  77. Napaka sakit malaman na bawal nang ipaglaban ang karapatan ng tao. Walng mga hiya ang pumapatay, kumukunsinte, at walang pakialam sa buhay ng iba. Ang rebolusyon ang sagot sa mga ganitong pangyayari ngunit isang delikadong daan para tahakin.

    TumugonBurahin
  78. Hala! Ang tao ay walang habas na pinaslang ng mas masahol pa sa baboy? Mahalaga ang buhay ng tao at ang ganung krimen ay kinasusuklaman ng lipunan.Ang nakakalungkot ay puro patayan na ang kumakalat sa mundong ito. Mga walang kwentang patayan nawala namang naitutulong sa atin.

    TumugonBurahin