Palundag
na sumampa sa jeep ang isang batang babae. Dali-daling ibinigay sa mga pasahero
ang libagin at lukot na mga sobre. Ang iba ay ipinatong na lamang niya sa
ibabaw ng hita ng mga iyon. Nakasulat sa sobre ang:
“MAM/SER, PARANG AWA NYO NA PO. PAHINGI
PO NG KONTING TULONG PANGKAEN LANG PO.”
May
construction worker na ibinaling ang tingin sa bintana. May kolehiyalang
nagtakip ng panyo sa ilong. May sales lady na nagitla. May mamang nagdududa.
May aleng nangilatis ang mata. May nag-oopisinang patuloy sa pag-aayos ng
mukha. May grade schooler na nakatitig. May isang misis ang dumukot sa bag. May
isang lalaki ang dumukot sa bulsa ng pantalon. At may isang matandang nagsilid
ng kapirasong papel sa sobre.
Nakaupo
ang bata sa estribo. Umaawit.
“wag damdamin ang kasawiyan, tutlungan
ka ng Diyos na me lalang. Ang ‘yong padaramdam, inalangin mo sa me Kapal, na sa
puso mo eh mawala ng lubusan..”
Hindi
na niya tinapos ang kanta. Tumayo at isa-isang kinuha ang sobre. Walang imik na
tumalon papalabas sa umaandar pa na jeep. Agad umupo sa bangketa ng Avenida.
Ibinukod ang tatlong sobreng may bahagyang umbok at bigat.
Sinilip
ang una. May dadalawampisuhing biskwit. Ibinulsa,
“para ke
Nonoy.”
Sinilip
ang pangalawa. May tatlong piso. Ibinulsa. Kumalansing,
“sakto me panlugaw na.”
Sinilip
ang pangatlo. May piraso ng papel na may imahen ng Birheng Maria at mga dasal
sa pananampalataya. Kinilatis. Ilang beses na binuklat ang pahina. Walang
lumabas na salita.
Tumayo
siya at patakbong lumapit sa paparating na jeep. Naiwan sa bangketa ang piraso
ng papel na laman ng pangatlong sobre.
Sa kahit anong paraan ay gagawin ng tao maitawid lamang ang pangaraw-araw na pangangailangan subalit sa mga panahong tulad nito ay nakakalikdangan na nating pasalamatan ang poong Lumikha....
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
BurahinAnumang paghihirap ang ating gawin, kung hindi naman natin ikokonsidera ang Diyos, wala ding mangyayari dito. Tulad na lamang nung bata, itinapon nya lamang ang ang bigay na larawan nung ale.
TumugonBurahinNakakalungkot isipin ang mga bata sa ngayon ay gagawin ang lahat upang makakain lamang, hindi naman sa masama ang paghingi ngunit nakakalungkot isipin na ang isang bata ay binalewala ang isang mahalagang bagay na kapaki-pakinabang para sa lahat.
BurahinAng mga batang ito ay napariwara na ng landas . Hindi na nila kinikilala ang Diyos at ang tanging hangad lamang nila ay magkaroon ng sapat na barya para mapuno ang tiyan nila .
TumugonBurahinNakaranas na rin ako ng ganitong sitwasyon habang ako ay nakasakay sa jeep. Nag-bibigay naman ako ngunit hindi pera kundi pagkain. Tuwing nakakakita ako ng mga batang may ganitong sitwasyon, ako ay sadyang nalulungkot at nanghihinayang para sa kanilang buhay dahil sa tingin ko ay nawawalan sila ng mga dapat nilang nararanasan sa murang edad. Higit sa lahat, dapat ay hindi nila malimutang humingi ng tulong sa Poong Maykapal. Lagi nating tandaang nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
TumugonBurahinDi nga maiiwasan ang ganitong pangyayari na mas mahalaga na sa tao ang pagkakaroon ng pera o pagkain o pamatid gutom o uhaw ngunit sa mga sandaling tayo'y kapos at kinakailangan ng tulong ng iba , mas maiging kausapin at humingi ng tulong sa Diyos sapagkat Siya lamang ang may tanging solusyon at kasagutan kahit gaano ka-imposible ang lahat .
TumugonBurahinSa araw-araw na ginawa ng Diyos, nararapat lamang na magpasalamat tayo sapagkat taglay parin natin ang ating buhay. Nakakalungkot lamang isipin na itong mga batang ito, na siyang mas higit na nangagailangan ng tulong ng Diyos ay siya pang unang unang nakakalimot sa Kanya.
TumugonBurahinSa bawat yugto ng ating buhay, nakadarama man tayo ng paghihirap o pagtatagumpay, lagi nating pakakaiisipin na Siya ang nasa likod ng lahat ng ito at may magandang plano siya para sa atin.Kailanman ay wag nating Siyang ipagpapalit sa anumang materyal na bagay sa mundong ito.
Marahil ay kinondena na ng batang ito ang Diyos. Nawalan na siya ng pag-asa spagkat labis na kahirapan na ang kanyang nararanasan. Nabulag siya sa lahat ng ito at marahil nakaprogram na sa kanyang isipan na kung mahal siya ng Diyos, hindi Siya nito pababayaan na manatili sa ganong kalagayan.
TumugonBurahinNgunit ang ginawa niyang iyon ay hindi tama. Hindi tamang kondenahin ang Diyos sapagkat ang lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay may kadahilanan.At kailanman, ang Diyos ay pinaglilingkuran at hindi ipinagwawalang bahala lamang.
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinSa una, natutuwa ako dahil, nakasaksi na ko ng ganto, madalas pa nga dahil palagi ako sa patok ng dyip. Ganyang-ganyan rin ang pangyayare. Ako ang tipo ng pasahero na nagmamatyag ang mga mata, tinitignan kung sinong magbibigay, kasi minsan nagkakahiyaan pang magbigay, katulad ko. Noon nung nakasakay rin ako sa jeep, may nagpatong ng sobre sa aking mga kamay, tamang-tama, may dalawang piso pa akong natitira sa bulsa ko, ngunit nagdalawang-isip ako kung ibibigay ko, hindi dahil sa iyon na lang ang natitira kong pera sa bulsa, kundi nahihiya ako sa ibibigay ko. Saka ko na lang napagtanto na dapat binigay ko na lang iyon, dapat hindi ako pinangunahan ng hiya sa pagtulong sa kapwa. Ang maliit na bagay na iyon ay maari ng panglaman sa nagugutom nilang tiyan.
TumugonBurahinMinsan nga din naaawa ako sa mga munting bata na sasabit sa dyip tapos kung anu-anu pa ang sinasabi ng drayber, hindi na lang direktang sabihing bumaba na lamang ito.
Naalala ko pa ang sabi ng aking guro nung 4th year ako, "di naman talaga kasalanang pinanganak ka na mahirap eh, pero ang mamatay ka ng mahirap, iyon ang kasalanan." Kaya dapat sa mga batang iyon ay nagsusumikap para sa bandang huli ay maging matagumpay sila.
Mabalik muli sa kwento. Nakakalungkot isipin nu, na sa panahong mas kinakailangan mo sya, dun ka pa hindi kumapit. Binitawan mo pa ang natatanging tulong na tunay namang makakapagpabago ng iyong mahirap na dinaranas.
Nakatagpo na ako ng ganitong sitwasyon kung saan magkatulad ang mga pangyayari. Hindi kasi maiiwasan ang suliranin sa buhay. ang iba sa iyo ay mayroong pakialam. Ang iba ay wala. Maaaring matulungan ka ng iba, ang iba nama'y hindi. Ngunit, wala nang mas hihigit pa saisang paalaala ng mga nakatatanda. Anuman ang krisis na kinakaharap natin, huwag nating kakalimutang mayroong Diyos na nakikinig sa atin.
TumugonBurahinMaraming beses na ko naka-encounter ng ganyang mga bata. ung iba pa nga daladala pa nila ang maliliit nilang kapatid. Kadalasan kasi ng ganyang sitwasyon magulang mismo nila ang nagtutulak na gawin nila ang ganung bagay, ang nakakalungkot lng ay yung pati ba naman Diyos ay kakalimutan nila para lng sa hangad nilang pera. Dapat nga sa Diyos mismo tayo kumapit at humingi ng tulong. Dahil tanging siya lng ang tutulong sa atin. Kaya huwag tayong makakalimot sa kanya :)
TumugonBurahinHay, nakakalungkot naman isipin na marami sa atin ang isinasantabi ang Diyos at mas pinahahalagahan ang salapi. Lagi nating sinasabing mahal natin ang diyos, kumakanta tayo ng mga papuri sa kanya pero kapag dumating na ang oras ng kagipitan, mas nangingibabaw ang pagpapahalaga natin sa pera.
TumugonBurahintalamak na nga ang kahirapan.
TumugonBurahinhindi maiaalis na sa mundong ito, sa pera tayo nabubuhay.
ngunit bakit ganoon tayo?
pera na ang ating pinaniniwalaan.
hindi masama ang pagiging praktikal.
pero bakit kinakalimutan nating lumapit sa Diyos?
hindi ba't nararapat lamang na sa kanya tayo unang humingi ng tulong?
kaylungkot isipin na marami sa atin,
nagagawa lamang lapitan, kausapin, at hingan ng tulong ang Diyos sa oras na sila'y nasa panganib.
ngunit sa oras ng kasaganaan,
hindi nagagawang pasalamatan sa biyayang natanggap
bagkus ay nagmamalaki pa.
:((
Bakit nga pa napakahalag ng pera? umaabot pa sa puntong dahil dito nkakalimutan na nating tumawag sa Panginoon. Ang pera ang siyang pinambibili natin ng pagkain sa araw-araw pero ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay walang kahit anong kayamanan ang makakapantay. Tandaan na sa panahon ng kasawian at kagipitan, pagsubok lamang yan ng Diyos kung hanggang saan pa ba ang ating pananampalataya sa kanya.
TumugonBurahinIpinakikita nito ang ugaling namamayagpag sa mga tao. kadalasan ay dinodiyos na natin ang pera at ibang materyal na gabay dahil yun lang ang alam nating makapagbibigay ng kaligayahan sa atin. Minsan nakalilimutan nating ang Diyos ang dapat hingian ng tulong at gabay sa mga gawain natin sa buhay.
TumugonBurahinMaganda ang naisip na paksa ng may-akda. Nagtataglay ito ng aral at pang-gising sa mga makababasa na minsan pa ma'y dumulog sa Panginoon.
Malinaw naman ang pagpapakita ng mensahe at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
TumugonBurahinSa aking palagay, nais lamang ipakahulugan ng may-akda na para sa mga batang namamalimos at kumakalam ang sikmura hindi na mahalaga ang anumang babasahin at dasal, ngunit pera pambili ng pagkain.
Nakakalungkot ang kuwento, sumasalamin lamang ito sa kaawa-awang kalagayan ng kahirapan sa bansa.
TumugonBurahinMasakit isipin ang ganitong pangyayari , ito kase ang ayaw ko sa mga nanlilimos na mga bata sa bawat jeep na masasakyan maging mga matatanda sapagkat di na nila inaalam ang halaga ng isang biyaya , tila ang pera na lamang ang may silbi at sinasamba nila.Mabuti na ang ginawa ng matanda dahil lahat naman ng ating hinahanap at pangangailangan ay maibibigay ng Poong Maykapal sa atin.
TumugonBurahinnakakalungkot ang akda. hindi kasi natin alam na hindi ang pera ang pinakamahalaga sa buhay ng tao kundi ang ating pananampalataya. kailan man ay hindi naging tama na sambahin at tanging kilalanin ang pera.
TumugonBurahinTotoong nangyayari ang mga ganito at masakit isipin na marunong silang umawit ng mga kantang tungkol sa diyos pero hindi nila ito sinasapuso. hindi lang ang mga pulubing katulad nila ang ganito kundi ang ilang mga kristiyanong nagsisimba pero hindi naman nakikinig sa parangal ng pari. Dpat mabago na ang ganitong ugali ng mga Pilipino. Hindi ito maganda sapagkat hindi lang ang sarili mo ang niloloko mo, pati ang diyos na may lalang sa lahat.
TumugonBurahindapat na isapuso natin ang mga bagay na tungkol sa Diyos.. kahit ano pa man ang ating paniniwala.
TumugonBurahinmahalaga na maisaisip natin ito
TumugonBurahinang mga bagay lang na pinapahalagahan natin sa ngayon ay yung sa tingin natin ay makakatulong sa atin pero ang siyang mas makakatulong sa atin ay nakakalimutan na natin...nakakalimutan na nating magdasal at magpasalamat sa biyayang binigay sa atin dahil busy tayo sa paghahanap ng mga materyal na bagay na sa tingin natin ay makapagpapasaya sa atin.
TumugonBurahinAgree ako sa mga sinabe ng classmates ko: Camille, Janina. God deserve to be recognize. Amen :D
TumugonBurahinSa nais nila na magkaroon ng pangkain at mabuhay, ang Diyos na lumikha sa kanila'y hindi na nila mabibigyan ng malay. Pagpapakita ito ng reyalidad sa mga tulad nila. :)
TumugonBurahinDahil sa kahirapan, parang masasabi kong pinakamahalagang bagay na para sa tao ang pera.
TumugonBurahinNakakalungkot na isipin na wala na ang Diyos sa isipan ng mga tao ngayon kung hindi ang pera na lamang. Dapat sa kahit anong kahirapan ang ating nararanasan dapat nasa isip at puso parin natin ang Diyos.
TumugonBurahindala ng pangangailangan,ay nagagawa ito ng mga tao... mahalaga na ipagpasa-Diyos an lahat.
TumugonBurahinMarahil para sa bata ay wala nang halaga ang piraso ng papel na may imahe ng birhen maria at mga dasal sa pananampalataya. Una, dahil siguro ay hindi niya maintindihan. Pangalawa ay dahil hindi na niya alam kung may tunay na diyos dahil sa mga dinadanas niya sa mura niyang ede. At huli, marahil ay dahil sa ang piraso ng papel ay hindi niya makakain o maimpambibili ng pagkaen.
TumugonBurahinagree. :) pera talaga bumubulag sa mga taong walang "pananampalataya"... nakakalungkot ang kwento... gnto karamihan ngyayari sa mundong gnagalawan natin...
TumugonBurahinMahirap mang isipin pero marami na talaga ang nakakalimot humingi ng tulong sa Maykapal. Tanging pera na lamang sinasamba ng ilan sa atin ngayon. Naaawa ako sa mga batang katulad ng nasa kwento. Dapat ay nasa eskwelahan sila at nag-aaral pero nasaan sila, nasa kalsada, nakikipagpatintero sa mga mabibilis na sasakyan makahingi lamang kahit konting barya. Nasaan kaya ang kanilang mga magulang. Hindi dapat pinagtatrabaho ang isang bata o hinahayaang magpakalat-kalat sa daan upang manlimos. Sana mabawasan na ang mga batang hinahayaan ng kanilang mga magulang sa lansangan. Nakakalungkot na mas pinili ng bata ang pera kaysa sa nasa loob ng ikatlong sobre. Sana ay mabatid ng mga tao ang pagkukulang nila sa pagdarasal at pananampalataya sa Panginoon. Magdasal lamang tayo at didinggin tayo ng Panginoon
TumugonBurahinMarami na nga ang naghihirap ngayon sa bansa, sana ay masolusyunan agad ito.
Isang malikhaing akda na naman ang aking nabasa mula po sa iyo. Ang galing! ;)
Magandang araw po sa iyo Ginoong Jomar Adaya!!!
TumugonBurahinNatumbok niyo!!! ang kalunos-lunos na estadong kinasasadlakan ng mga pulubing paslit na kamukha ng karakter na tinuran mo po sa iyong kuwento.
Ngunit isang ironya ang pumukaw sa aking damdamin. Matapos niyang iabot ang sobre sa mga tao ay kumanta siya ng isang awitin na patungkol sa pananalig sa Diyos sa kabila ng lahat ng kasawian sa buhay. Ngunit nang matuklasan niya na ang isang sobre ay naglalaman ng isang pampleta tungkol kay Inang Maria, ay iniwan niya ito na nakapatong sa bangketa.
Ang kanya palang pag-awit ng pananalig sa Diyos ay sadyang kasangkapan lamang upang makuha ang habag at higit sa lahat ang limos na kanyang pinaglalawayan.
-Marc-
salamat sa komento.. ipinakita ko lang sa kuwento ang karaniwang batang lansangan.. maaaring hindi siya nagabayan ng magulang kaya ganoon siya.. salamat sa pagbabasa
BurahinNaranasan ko na rin ang makakita ng gantong mga bata na humihingi ng tulong. Nakakalungkot lamang na kahit simpleng bagay lamang eh, wala sila. Pangkain sa araw-araw eh, ipinanghihingi pa nila.
TumugonBurahinIlang beses na akong nakaranas ng ganitong pangyayari. Napakalungkot isipin na dahil sa kahirapan ang mga batang gaya ng nasa akda ay namamalimos lamang na dapat ay nag-aaral. Napakahirap siguro sa mga magulang ng mga batang ito na kinakailangan nilang hayaan ang kanilang mga anak na makipagsapalaran para lamang may makain sa buong araw. Sana'y mabigyan sila ng pansin ng gobyerno sapagkat hindi na nila natatamasa ang kanilang mga karapatan.
TumugonBurahinAng ganyang sitwasyon ay laganap sa kakalsadahan ng kalakhang Maynila. Hindi talaga maiiwasan na maging ganon ang reaksyon ng mga tao sapagkat iba-iba ang ating pagtingin sa ating kapwa. Sa bandang huli ng akda, ipinapakita nito na habang tayo ay abala sa pagtugunan ng ating gutom sa materyal na bagay, nakakalimutan nating busugin ang ating espiritwal na pangangailangan. Dahil dito, tinatalikuran at nakakalimutan na natin ang Panginoon. Napakaganda ng mensahe ng kuwentong ito.
TumugonBurahinNakakalungkot, parang ipinakita nito o ipinakita sa karakter ng bata ang karakter na ipinapakita ng mga tao ngayon, mas lubos nating pinahahalagahan ang mga materyal na bagay tila mas sinasamba pa ang pera kesa sa Diyos. Naniniwala akong kahit mahirap lang ang buhay ng isang tao basta naniniwala at ibinibigay mo ang buhay mo sa Diyos kahit wala sayo ang mga materyal na bagay o mamamahaling bagay, mayaman ka- mayaman ka sa lahat ng bagay na naghihirap ang mga mayayaman.
TumugonBurahinBSP I-4 PUP
TumugonBurahinNapakahusay ng pagkakagawa ng kwentong ito. Naipakita ng may-akda ang karaniwang eksena sa jeep sa Maynila. Nailahad din nang maigi ang realidad na marami pa ring mga Pilipino ang dumaranas ng gutom at kahirapan. Ako ma'y nakaranas ng ganito noong pumunta ako minsan sa Blumentritt. P1 lang ang barya ko kaya un lang ang naibigay ko. Ngunit imbes na magpasalamat ang bata, itinapon nya ito pabalik sa akin. Ang nakakalungkot sa akdang ito'y hindi na binibigyan ng halaga ng mga palaboy ang Diyos. Tila pera na ang bago nilang sinasamba. Naiintindihan ko namang pera ang kailangan nila para makabili ng pagkain. Pero sana wag nilang kakalimutang magdasal at magpasalamat sa Panginoon sa bawat barya na natatanggap nila.
"Walang saysay ang lahat kung wala sa sentro ng buhay natin ang Panginoon". Walang imposible sa Kanya. Matuto lang tayong magdasal at maniwala. Maghintay kahit matagal. Magbigay kahit wala. Siya lang ang nakakakita ng lahat ng kabutihang nagagawa natin, at siya rin ang magbabalik sa atin ng sukli para dito.
TumugonBurahinHindi tayo magtatagumpay, makakaraos sa buhay, o makakaranas ng anumang kasiyahan kung hindi natin iniisip ang Diyos.Matuto man lamang tayong magdasal at magpasalamat sa kung anong meron tayo. Hindi yung hanap pa tayo ng hanap sa kung ano ang wala tayo.
Sa panahon talaga ngayon, mas uunahin mo nang magkalaman ang iyong sikmura kesa sumamba. Hindi ka mabubuhay kung walang laman ang tiyan mo. Pero kaya mong mabuhay kahit wala kang pananampalataya. Yun lamang, mabubuhay ka ng matagal sa lupa, pero hindi ka makakapasok sa paraiso pagkatapos ng buhay mo dito sa mundo.
Nakakalungkot na kung ano pa ang mas mahalaga ay yun pa ang iniwan niya. Ang imahen ng Birhen na iyon ay bagay na makatutulong sa kanya, bagay na makpagpapalakas sa kanya. Ngunit hindi naman natin siya masisisi dahil ang kailngan naman niya talaga ay ang pera pambili ng panawid-gutom. Pero sana'y maintindihan ng lahat na hindi dapat balewalain ang mga ganoong bagay, dapat itinatago iyon.
TumugonBurahinSa panahon ngayon, hindi na alam ng mga kabataan kung sino nga ba ang Diyos. Sa kwentong ito, mahihinuha natin na ang bata ay hindi na nakikilala ang Diyos. Mas pinahalagahan niya ang pera kesa sa mga bagay na hindi niya alam. Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi na iniintindi ang mga ganitong bagay sapagkat ang tanging nasa isip na lamang nila ay kumita ng pera. Sana dahil sa akdang ito ay mabago na ang ating pananaw sa buhay. Malaman sana natin kung sino ang dapat sambahin.
TumugonBurahinAno na ba ang mas mahalaga? Pera o Diyos? Nakalulungkot lang dahil hindi niya binigyang pansin ang papel sa ikatlong sobre, tila nakalimutan na niya na ang Panginoon. Mas mahalaga na nga ba ang pera ngayon? Iyan ang nasa isip ngayon ng karamihan, sa pera na nakasalalay ang buhay dahil kung walang pera, walang pangkain ngunit hindi nila naiisip na saan ba nagmumula ang biyaya sa atin tulad ng pagkakaron ng pera? Hindi ba't sa Diyos din? Huwag sana nating kaligtaan na ang Diyos ay nariyan lang, hinihintay kang tumawag sa kanya. :)
TumugonBurahinIpinapakita ng akdang ito na sa lipunang kinbibilangan natin ngayon, unti-unti nang nasisilaw sa pera at unti-unti nang nililimot ang Diyos.
TumugonBurahinAng mga pagsubok sa bhay, tulad ng kahirapan ay nagsisilbi lamang na paalala upang tayo'y tumalima sa tawag ng Poong Maykapal. :)
nakakalungkot sapagkat ang batang kapos at sa lansanga'y lakas loob na naghahanapbuhay ay hindi binigyang halaga ang papel na naglalaman ng mga panalangin gayong habang hinihintay nya ang mga sobre nya'y awit para sa Panginoon ang kinakanta nya... nakakapagtaka ang mga ganun dba..
TumugonBurahinHayyy… siyang tunay. Isang realidad na talamak sa ating lipunan.. isang katotohanang hindi maitatanggi ninuman. Tila nakakalimutan na nga ata ng bawat isa ang tungkol sa Diyos at abalang-abala sa paghahanap ng paghahanap ng salapi. Makatulong sana ang iyong akda upang imulat at buksan ang ispiritwal na diwa ng lahat,,,
TumugonBurahinIpinakita nito ang tunay na nangyayari sa ating mga buhay sa panahon ngayon. Marami ang taong naghihirap, nagdurusa at nagpapalimos para lamang mabuhay subalit minsan ay nakakalimutan na ng iba ang pananalig sa Diyos at minsan ay mas binibigyan na ng halaga ang pera. Ang kuwentong ito ay makatutulong upang magbigay aral sa bawat mambabasa na sa panahon ng kagipitan ay may isang Diyos na handang umalalay sa ating lahat at handa tayong tulungan para malagpasan ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay.
TumugonBurahinSa bawat pangyayari sa ating buhay, hindi pa rin dapat kalimutan ang Diyos. Sa kwentong binasa ay tungkol sa realidad, ngunit totoo ba na pantawid gutom ang perang kanilang nakukuha dahil hindi nila pinapansin ang ibang bagay na ibigay bukod sa pagkain? Hindi ba sila ginagamit ng mga sindikato ?siguro naman ang iba ay hindi, pero bakit hindi ang mga magulang nla ang gumawa ng paraan upang malamnan ang kanilang mga sikmura?nasan na sila? Napapabayaan na nila ang kanilang mga anak? o ulilang lubos lamang ang mga ito?
TumugonBurahinNapakalungkot isipin na mas binibiayan ng importansya ang pera. Para sa akin, tanging ang Diyps lamang ang makatutlong sa atin sa oras ng kahirapan ngunit sa kwentong ito, binalewala lamang niya ang pagkakatapng iyon. Para sa akin ay mali ang ginawa ng bata, Kailangang turuan na ang lahat na meron tayo ay galing sa Diyos lamng.
TumugonBurahinIpinapakita ng akda ang pagiging praktikal sa panahon natin ngayon, makikita na ang kinuha lang ng dalaginding ay yung mga mapakikinabangan, samantalang binalewala nuya ang bagay na higit na makakatulong sa kanya, ang Diyos.
TumugonBurahinAng kwentong ito ay bumabagtas sa tunay na lagay ng lipunan at ang epekto nito sa mga tao lalo na sa mahihirap. Nalaman kong mas malakas ang kalam ng tiyan kung ikukumpara sa tawag ng pananampalataya at marami sa atin ang humaharap sa ganitong sitwasyon. Ano nga naman ang maitutulong sa kanila ng pananampalataya? Mabubusog ba sila nito? Magagawa ba nitong sagutin ang mga pangagailangan nila sa araw-araw? Ngunit ang persepsyong ito ay tunay na mali! At iyon ang naisip ko sa panahong natapos ko ang kwento.
TumugonBurahinSa panahon ngayon, sa hirap ng buhay ay kung ano-ano ang naiisip ng ating mga kababayan na gawin upang masagot ang tawag ng tiyan. Hati ang aking pananaw dito. May pagkaawa akong nararamdaman pag nakakakita ako ng mga taong ganito ang ginagawa upang malamnan ang tiyan. Subalit akin ding naiisip na marami naming maaaring gawin maliban dito upang masagot ang klam ng tiyan. Ngunit umaasa na lang sila sa awa ng tao sa kanilang paligid.
TumugonBurahinmarami na ngang taong naghihirap sa panahon ngayon .. kaya't lahat ay ginagawa nila upang mapunan ang kumakalam na sikmura ..
TumugonBurahinnaranasan ko na rin ito .. ang mahingian ng limos ng pulubi sa jeep .. at minsan kapag ang binigay mo sa kanila ay pagkain .. di nila kinukuha .. "choosy" pa sila ..
lubos akong sumasang-ayon sa ginawa ng isang tauhan sa kwento .. ang paglalagay niya ng imahe ng Birheng Maria sa sobre ..
talaga namang sa panahon ng kagutuman o ng kahit anong suliranin na ating kinakaharap . Siya lang ang ating masasandalan .. gagawa at gagawa Siya ng paraan para tayo ay tulungan .. :)
nakalulungkot isiping marami ang nakakalilimot sa diyos.
TumugonBurahindahil sa kahirapan at kakulangan sa pera, sa halip na lapitan ang diyos ay kinakalimutan siya.
siya na lumikha sa atin.
Sa una'y pagkaawa at lungkot naman sa huli ang naramdaman ko . Naaawa ako dahil ito talaga ang madalas kong masaksihan sa twing mapapadpad ako ng maynila . Mga batang nanlilimos . At nalulungkot naman ako dahil ang batang nasa akda ay hindi alam ang kahalagahn ng pananampalataya . Nakakalungkot isipin na ang iniisip lamang ng mga gay ng batang ito ay ang panandaliang sagot sa kalm ng kanilang sikmura . Hindi nila alam na ang pananampalataya ay panghabang-buhay . Sa oras na tanggapin nila ang Diyos sa kanilang buhay, gagabayan sila nito sa kanilang buhay . Malay nila , ito ang maging sagot sa kaginhawaang matagal na nilang hinihintay ..
TumugonBurahinnaaawa ako sa mga batang ganito kapag nakikita ko sila dahil wala silang kasalanan kung bat ganito ang nagyari sa kanila. wala silang nagawang mali para pahirapan ng ganito sa musmos nilang edad. nunit tandaan na sa lahat ng gagawin natin, hndi tayo nag'iisa. may diyos pa po :)
TumugonBurahinNakakaawa ang mga bata dahil walang kalaban laban ang mga ito eh naaapi pa.Huwag tayo mawalan ng pagasa dahil hindi tayo pinapabayaan ng puong may kapal.
TumugonBurahinmarami na kong nakasalamuha na gaya ng mga batang ito at alam ko rin na sadlak sila sa kahirapan ngunit hindi naman dapat nila kalimutan na may Diyos pa na laging handang makinig sa kanilang dalangin.
TumugonBurahinOo nga't ang pagkain, tirahan,damit, atbp. ay mga bagay na mahalaga sa atin, Pero ang mas higit na importante ay ang Poong Lumikha, dahil sa kanya lahat nanggaling ang mga ito. Huwag na huwag natin siyang kalimutan at balewalain.
TumugonBurahinnakakatalikdaan na talaga natin ang Maykapal!
TumugonBurahinsa sobrang di na natin kayang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa sa atin,mas pinahahalagahan na natin ang mga materyal na bagay..sa bagay may punto pa rin naman..ngunit para sa akin mas busog ang tao kung busog siya sa pisikal at sa ISPIRITWAL!
Sa lahat ng pagkakataon, kahit na tayo ay nasa gitna ng kahirapan at kagutuman, wag nating kakalimutan na may Panginoon tayong laging nakagabay sa atin. Huwag natin siyang kalimutan dahil kahit kailan, hindi Niya tayo kakalimutan.
TumugonBurahinSa lahat ng ating ginagawa sa ating buhay ay di natin dapat makalimutan kung kanino nagmula ang lahat ng biyaya na ating tinatamasa. Higit nating kailangan Siya kung kaya't tayo'y magkaroon ng mababang loob at magpasalamat sa awa at tulong na naipagkaloob niya sa atin.
TumugonBurahinKcirlenn Rodelas
BS Psychology I-4
napakaganda ang aral nito, na kailangan sa hirap na ginagawa natin sa ating buhay, ay huwag pa rin nating siyang kalimutang magpasalamat sa Poong Maykapal. nakakaawa nga ang bata ngunit mas laoa syang nakakaawa kung hindi siya nagdarasal sa Diyos.
TumugonBurahinNakakaawa naman ang kwento ng bata sa maikling istorya na ito. Bata pa lang siya pero namamalimos na para may pera. Pero sana, hindi niya iniwan ang imahe ng Birhegng Maria at mga dasal. Minsan kasi, isang dasal lang naman ang kailangan natin. Humiling lang tayo ng tulong sa Maykapal at tutulungan naman niya tayo. Sana huwag nating kalimutan yun.
TumugonBurahinIto ang nagsasabi na dahil sa kahirapan at dami ng pagsubok sa buhay na nararanasan ng isang tao ay nawala na ang pananalig sa Diyos. Mas mahalaga ang salapi para sa kanila dahil ito ang bubuhay sa kanilang mga pamilya ngunit hindi ito tama, dapat ay huwag nating kalimutang May Diyos na nandyan lagi para satin ang kailangan lamang nating gawin ay magtiwala, magbalik loob at magdasal.
TumugonBurahinSa makabagong panahon ngayon, maraming mga katulad nito na karamihan ay mga kabataan ang nagkalat ngayon sa mga lansangan upang mamalimos ng konting pantawid gutom. Tunay ngang pera na halos ang kumikilos sa mga panahon ngayon ngunit sana wag nating kakaligtaan magpasalamat sa ating Dakilang Poong Maykapal dahil hindi nya tayo pababayaan.
TumugonBurahinSa panahon ngayon lahat tayo ay gagawa ng paraan magkalaman lamang ang ating mga tiyan,may makain lamang sa pang araw-araw,ngunit sa pang araw-araw na biyaya sa atin,nakakalimutan na natin magdasal at magpasalamat sa ating Panginoon.Dapat wag tayong makalimot sa walang sawang pagpatnubay nya sa atin.
TumugonBurahinAng Lahat Ng Ating Natatanggap Ay Galing Sa Panginoon At Bukas Palad Niyang Pinagkakaloob Stin .. Walang Panunumbat At Walang Pag-Aalinlangan .. Lahat Tayo Nkakaranas Ng Pagkukulang , Ngunit Nariyan Ang Diyos Pra Punan Ito .. Sabi Nga Nila, Sa Anumang Gagawin , Diyos Ang Laging Uunahin .. Malaki Ang Utang Na Loob Ntin Sa Kanya , Ngunit Siya Ay Ating Kinakaligtaan .. Wala Siyang Hinhinging Kapalit .. Ngunit Simpleng Dasal At Panalangin Hndi Mgawa , Pero Ang Ilang Oras Winawaldas Sa Mga Walang Kwentang Bagay .. Kahit Anu Pang Pagsubok Sa Buhay , Andyan Ang Panginoon Handang Tumulong At Sumubaybay .. :)
TumugonBurahinKilalanin natin mabuti ang Diyos. Minsan kasi nakakalimutan na natin siya at naisasa-walang bahala na lang. Pero sa pamamagitan ng pagdarasal ay maaaring magbago ang lahat. Manatili lang tayong tapat at may buong tiwala sa Diyos. Siya lang ang makakatulong sa lahat ng mga pinagdadaanan natin.
TumugonBurahinNakakarelate ako. Hahahaha. Joke. Pero totoo, madalas kasi akong maka encounter ng ganyang mga tao. Siguro ako yung nakatingin lang at nagmamasid. Tinitignan ko bawat galaw ng mga tao sa jeep pag may mga bata/matanda na pumapasok. Naalala ko nga eh, nung nagpunta kami ng bestfriend ko sa CCP ata, tapos pagsakay namin may aling nag abot agad ng sobre, eh yung bestfriend ko first time niya sa ganong lugar, ako naman sinabihan ko kaagad siya na wag magbibigay. Tapos yung ale ang kulit kulit sabi ko wag na pansinin, tapos may isang pasahero biglang sinabi "Pina-paabot niya yung sobre, nahulog.". Nung marinig ko iyon,hindi ko alam magiging reaction ko, kasi nakakahiya man,ako sa sarili ko nahiya ako. Nagbigay nalang yung bestfriend ko, yung sukli sa pamasahe namin. :/
TumugonBurahinAbigail V. Manalo
BS Psychology 1-4
Maaantig na sana ako nung sinabi ng dalaginding na para sa pamilya nya ang kanyang nakuha mula sa jeep, kaso nung iniwan nya yung sobre na ngalalaman ng Birhen Maria ay mas naawa ako sa bata. Grabe, Wala syang gabay kung ganun. nakakalungkot lang isipin ang ganitong realidad sa ating mga kababayan dahil naaawa talaga ako sa mga batang ganyan.
BurahinSa tuwing nakakakita ako ng mga batang ganito ay naaawa ako. Naiisip ko, ano kaya ang ginagawa ng mga magulang nila? Bakit pinapabayaan lang nila ang mga bata na mamalimos sa kalsada gayong mapanganib ito? Sadyang nakakaawa ang bata sa istorya dahil sa mura nyang edad ay gumagawa sya ng paraan upang may makain ang kanyang pamilya. Nakakalungkot lamang ang ginawa nya sa laman ng huling sobre. Hindi natin dapat kinakalimutan ang Panginoon dahil sa kanya nagmula ang mga biyaya na natatanggap natin. Sana ay huwag nating kalimutan na magdasal sa Diyos. :)
TumugonBurahinMinsan sa ating buhay, may mga problema tayong dinaranas. Dapat, pasalamatan natin ang Diyos sa pagbibigay nito sapagkat ang problema ay ang humuhubog sa bawat isa upang maging mas matatag. Nakakalungkot isipin na dahil sa kanilang pamumuhay, ni hindi man lamang nila nakilala ng mas malalim ang Diyos ni hindi nila nalaman kung gaano ito kabuti sa tao dahil namulat sila sa kahirapan, na sa tingin nila ang dapat lamang gawin ay kumita ng pera upang makakuha ng sapat na halaga upang maitawid ang kanilang pamilya sa paghihirap.
TumugonBurahinSa kwentong ito ay ipinakita na kahit anong hirap ng buhay ay nandyan lang ang poong maykapal sa atin na gumagabay at wag natin siyang kalimutan lalo na sa mga panahong kailangan nmo ng tulong
TumugonBurahinNakakalungkot lang isipin na ang mga batang lansangan ay hindi na natuturuan ng kanilang mga magulangkung paano magdasal. O di kaya wala ding alam ang kanilang mga magulang sa ganitong bagay. Nakakaawa ang mga taong ganito. Naway magabayan sila at makasali sa mga proyektong pan-simbahan upang magkaroon sila ng buhay ispiritwal.
TumugonBurahinIto ay realidad ng buhay. Sana sa mga panahon na ganito magkaroon ng konting oras ang mga nasa posisyon sa gobyerno para makita ang totoong problema ng bansa. Sana mabawasan na ang naghihirap, mga batang kumakayod para sa kanilang mga kapatid na maliliit pa sa kanila at SANA, sa mga ganitong pagkakataon manalig sila sa Panginoon. :D
TumugonBurahinIsa ito sa mga nangyayari sa totoong buhay na ang importante na ngayon ay pera. Nakakalimutan na nating tumanaw ng utang na loob sa may lalang at gawa sa atin. Sa palagay ko, magkakaroon pa naman ng pagbabago sa mga ganitong pangyayari. Sana lamang ay marealize nila na hindi lang pera ang magpapasaya sa tao.
TumugonBurahinkahit gaano kahirap ang buhay pasalamatan natin ang Diyos hindi porket naka kuha na tayo ng kung ano ang ating hinihingi ay kalilimutan natin siya samantalang si Hesus nga ay hindi tayo nilimutang bigyang ng hininga at gisingin sa umaga.
TumugonBurahinIto ang katotohanan ng buhay. Hindi mo laging mararamdaman ang presensiya ng Diyos, lalo na kung may kumakalam kang sikmura. Dahil sa mga ganitong pangyayari sa buhay, minsan nalilimutan na ng tao na may Diyos palang nagmamatiyag sa kalangitan. Mga pangyayaring sobrang saklap, parang walang Diyos. Parang walang nagmamahal sa'yong Diyos Ama. Ganun ang mundong materiyal. Sa sobrang pait ng mga pangyayari, malilimutan mo ang Diyos, gayun din sa sobrang kasarapan at pagmamataas. Kaya manatili tayong mapagkumbaba, at laging tanawin ang tulang ng Amang maawain. Kahit gaano kadali, o hirap ang buhay, laging ialay sa Kanya.
TumugonBurahinNakakalungkot isipin na may binibigyang halaga talaga ngayon ang mga materyal na bagay. at sa panahon ng ating kasiyahan dahil natamo natin ang ating gusto, nakakalimutan na natin ang Panginoon. Nakakadismaya dahil, iniwan na lamang ng bata ang laman ng ikatlong sobre hindi niya alam na sa lahat ng ibinigay sakanya iyon ang pinkamahalaga sa lahat.
TumugonBurahinNakakalungkot na sa halip na sa mga paaralan matatagpuan ang mga kabataang ito ay nagkalat sila sa mga lansangan. Ako'y nagtataka kung nasaan ang kanilang magulang o kaya'y may mga magulang pa kaya sila? Edi sana noon pa ay naturuan na nila ang kanilang anak na magpasalamat sa Panginoon dahil lahat ng tatanggapin nila ay mula sa Kanya, kaya marahil binalewala ng dalaga ang laman ng ikatlong sobre.
TumugonBurahinNakalulungkot na halos makalimutan na natin ang syang lumikha dahil lamang sa ating mga ginagawa at sa mga kasiyahang ating nararanasan.
TumugonBurahinMaging ang mga batang lansangan ay nakakalimutan ng magdsal at magpasalamat sa lumikha :(
kahit na anong paraan talga kayang gawing ng pilipino para sa pamilya t para maitawid ang isang buong arw .. pero sa mga panahong tayoy nakakaraos at naktatanggap ng kahit na maliliit na blessings .. nalilimutan nating mag pasalamat sa Diyos . totoongmay mga paghihirap tayong pinagdadana pero naniniwala ako na ito ay para patatagin tayo at ihanda sa buhay XD
TumugonBurahinTandaan nating hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi pati na rin sa salita ng ating Diyos. Pero dahil praktikal na tayo ngayon, mas inuuna nating ang panlaman tiyan kaysa sa pagkain ng kaluluwa.
TumugonBurahinWag magdesisyon ng padalos dalos, humingi muna ng gabay sa Panginoon para ang mapiling desisyon ay nasa katwiran at tama.
TumugonBurahinNakakalungkot isipin ang mga bata sa ngayon ay gagawin ang lahat upang makakain lamang, hindi naman sa masama ang paghingi ngunit nakakalungkot isipin na ang isang bata ay binalewala ang isang mahalagang bagay na kapaki-pakinabang para sa lahat.
TumugonBurahinIpinapakita dito na minsan dala ng hirap ng buhay ay nakakalimutan na ng ilan na tumawag sa Diyos. Minsan pa ay dumadating ang pagkakataon na hindi na nakikilala ang Diyos dahil sa sobrang hirap na dinaranas.
TumugonBurahinHindi ko alam ang sasabihin ngunit dahil sa kwentong ito ay sa tingi'y ko babaguhin ko na ang hilaw kong pananampalataya.
TumugonBurahinKaawa awang bata na nawala na sa kanyang tuwid na daan. Tayong mga nakakapagkomento pa ng kagaya nito ay dapat matuto magbigay. Dahil sa maliliit na bagay na ito, tayo ay nakakatulong di lang sa kanila't sating sarili, kundi pati na rin ang Diyos nating mahal. :)
TumugonBurahinAlam nman nating lahat na kapag ang kinalalagyan ay papunta sa wala, napipilitang gumawa ng solusyong hindi kaayaaya. Ngunit sa bawat problemang tinataglay ay wag kalimutan na ang Diyos ay nagbabantay.
TumugonBurahinAng ibang tao, sa hirap ng buhay, ang sinasamba nila ay walang iba kundi ang pera. Pera na maaring maging pagkain pagdating sa tiyan. Ang perang iyan, di man alintana ng marami, ay umaalipin sa marami satin. Di pera ang nagpapaikot sa mundo! Sana maunawaan ito ng maraming tao.
TumugonBurahinNakakalungkot dahil sa murang edad ng bata ay ganito na ang kanyang problema, ang perang pangkain niya. Dahil sa ganitong pangyayari ay hindi na niya napapansin ang mga bagay na dapat nalalaman niya na lubos na makakatulong sa kanya, ang ating Panginoon.
TumugonBurahinSobrang konektado ang kwento na ito sa kasalukuyang nangyayari sa mga jeep at bus ngayon. Sa sobrang dami nila na gumagaw nito ay minsan hindi mo na alam kung maniniwala ka pa o hindi. At tungkol naman dun sa iniwan ng bata yung imahe at dasal , sumasalamin yun sa katotohanan na sa panahon ngayon nalilimutan na natin ang pagdadasal, na sa tutuusin ay ang pinakamabisang sandata sa buhay.
TumugonBurahinNakakalungkot isipin na maraming mga bata ay nagpapakahirap para makakain lang pero nakakalungkot rin isipin nakuha na kumanta ito ng tungkol sa Maykapal pero nung binigyan siya ng Birhen Maria na may mga dasal ay hinanap niya lang dito ay pera hindi ang mga aral at nais iparating ng mga dasal na ito sa kanya.
TumugonBurahinmarami ang nagugutom lalo na ang mga batang lansangan. kaya mas higit nilang pinahahalagahan ang pambili ng pagkain
TumugonBurahinnaiintindihan ko ang mga ganitong klase na kaganapan. may mga bata talaga na pinahahahalagahan lang ang pera imbes magdasal
TumugonBurahinKung may anumang problema ka, dapat gawan mo ng solusyon. Oo nga, nasa Diyos ang awa pero nasa tao ang gaw! Bibigyan ka ng Diyos na bagohin ang buhay mo, ang kailangan mo lang ay kumilos! Walang mangyayari kung tatayo ka lang jan...
TumugonBurahinHindi lang sa pagkain nabubusog ang tao, Sa salita din ng Diyos. Kahit gaano ka man busog sa pisikal na aspeto kung uhaw ka naman sa pananampalataya. Ikaw ay isang taong gutom na gutom. Gutom sa tunay na kahulugan ng buhay.
TumugonBurahinIrene Joy Geroy BSPsy 1-4
Ikaw man ay magsumikap sa buhay, kung ang Panginoong Diyos ay wala sa iyong katauhan at buhay, mababalewala ang lahat ng mga pagsisikap mo. Dahil ang lahat ng mga gawaing anting ginagawa ay dapat na ipinagkakaloob natin sa ating Panginoon.
TumugonBurahinMasakit man isipin na marami sa panahon natin ngayon ang mga bata ay nagtratrabaho na at namamalimos na lamang. Ang tanging tulong na ating maibibigay sa kanila ay panalangin.
TumugonBurahinsa bawat yugto ng ating buhay, marapat lamang na lagi nating kasama ang Panginoon nang sa gayo'y magabayn Niya tayo. mahalaga rin na tayo'y magsumikap sa buhay upang makamit natin ang ating mga mithiin. kumilos at Manampalataya.
TumugonBurahinsadyang nakakaawa ang bata sa kwento hindi dahil mahirap sya kundi dahil tinalikuran niya ang Diyos dahil lamang sa gutom na nararanasan lamang niya. nakakalungkot isipin na nangyayari ito sa ating pamumuhay na tayo'y nawawalan ng pag-asa dahil haindi tayo humihingi sa Poong Maykapal. nakakabagbag-damdaming kwento na tumatama ang aral talaga sa bawat isa.
TumugonBurahinAng mga batang ganito ngayon ay nagkalat sa maynila. Kung tutuusin ang mga magulang nila ang dapat nagpapakain sa kanila, Pero minsan ay kabaliktaran. Ang mga bata pa ang pinagttrabaho ng mga magulang nila upang may pang kain. Sinasabak sa kung ano anong raket upang magkaroon ng pangkain.
TumugonBurahinPATUNAY LAMANG ANG KWENTONG ITO SA PATULOY NA PAGLALA NG LIPUNANG KRISIS SA MAHIHIRAP NA NAGDUDULOT PARA GUMAWA NG KRIMEN ANG MGA BATA
TumugonBurahinAng bata ay tunay na mapagmahal sa kanyang mga kapatid dahil naghahanap siyang ng paraan upang may makain sila pero wag naman nating kalimutan ang Diyos na may lalang satin upang magpasalamat sa mga biyayang pinagkaloob niya.
TumugonBurahinMarami tayong ganito sa panahon natin ngayon. Hindi taaga maiiwasan ang mga suliranin natin sa buhay ngunit maging positibo parin tayo at ipagpatuloy ang buhay. Maaring naghihirap ka ngayon gunit may tutulong rin sau. Mrami kasing tao ang walang pakialam sa mga taong tulad niya eh.
TumugonBurahinPagkain ang nakabubusog sa pisikal na aspeto ng isang tao pero di sa lahat ng oras at pagkakataon. Minsan, simpleng pagmamahal lang sa mga taong nasa paligid mo ayos na. Lalo na ang pagmamahal sa dakilang lumikha, ang ating Panginoon.
TumugonBurahinganito talaga ang buhay di natin alam kung kailan saan at paano tayo susubukan ng ating panginoon. ating mahalin at pansinin ang ating kapwa dahil ang simpleng pakikipag kapwa natin ng maayos sa kanila ay ang napakahalagang utos nag Diyos na mahalin ang kapwa.
TumugonBurahinWalang taong nabubuhay sa sarili lamang. Kailangan rin nating makisalamuha, para magmahal, at mahalin.
TumugonBurahinSa panahon ngayon, ang karamihan sa tao ay ginagawa ang hindi kaaya-aya para lang maitawid ang pagkagutom. Pero ang dapat ay laging tandaan na ang Diyos ang hindi nagbibigay ng problema ng hindi mo kayang solusyonan.
TumugonBurahinnaging isa ako sa nakaupo sa jeep na may isang tang aakyat pra magbigay ng sobre at nagnghihingi ng tulong . alam kong mahirap ang buhay at lahat tayo ay may sari-sariling paghihirap ngunit di tamang ikumpara ang paghihirap ng bawat isa .
TumugonBurahinIto ang lagi naming sinasabi ng mga kaibigan ko. Kaya di kami pagpalain sa mga bagay-bagay ay dahil nililimot namin kung san galing ang mga iyon. Pinaka importante ang Panginoon at pera ay hindi dapat sinasamba.
TumugonBurahindito natin mahihinuha na kadalasan nakakalimutan natin ang Diyos dahil lamang sa hirap na dinaranas natin. pero tandaan natin na sa pamamagitan ng pagdarasal ay mas malalagpasan natin ang problema.
TumugonBurahinNakakaawa naman ang mga ganung mga tao.Hindi nila inisip na ang perang natanggap nila ay kaloob ng Diyos na naaawa na sa kanilang kahirapan. Faith talaga ang nagging problema nila at ang baryang natatanggap nila ang iniisip nilang nagpapabusog sa kanila at hindi ang Lumikha.
TumugonBurahinang bata sa kwento ay sumasalamin sa patuloy na paghihirap ng bansang pilipinas. May nabasa akong kolumn na: hindi masama ang gumawa ng anak kung kaya mo siyang buhayin, at ituro ang kagandahang asal patungo sa Diyos, pero kung pababayaan mo lamang na maging laman ng kalsada at sa murang idad ay natututong manghingi sa kapwa ay hwag nalang gumawa ng anak dahil iyon ay maituturing na kalapastanganan sa Diyos. Minsan kawawa po ang mga batang kalye dahil sila ang nagsasakripisyo sa kasalanan ng kanilang mga magulang
TumugonBurahin