Biyernes, Mayo 25, 2012

Ang Mangangapa


May kamay na kumakapa. Sa ilalim ng bag sa ibabaw ng hita. Patuloy ang pagkapa. Manhid ang kinakapa. Maingat naman ang kumakapa at aktibo ang lahat ng kanyang pandama. Normal lang ang paligid. Lahat sila’y manhid. Normal lang ang araw, sa mangangapang lakas ng loob ang puhunan.

Tapos na ang pangangapa.

Sinipat ng mata ng tsuper ang rear view mirror, paghinto sa kanto ng Mindanao Ave. Napailing. Nagwika "tsk! tsk! oh, baka ho may nakuha sa 'nyo!" Natauhan ang lahat. Isa-isang kinapa ang bulsa’t bag.

Isang estudyante ang napaiyak. Laslas ang bag. Pangmatrikula’y naglahong parang bula.

Ang mahilig mangapa, pauwi na sa anak niyang nag-aagaw-buhay sa dampa nila sa ilalim ng tulay.

96 (na) komento:

  1. Kawawa naman yung nanakawan. Nagkalat na talaga ang mga mandurukot ngayon. Hindi naman natin masisisi yung magnanakaw. Mamatay naman kase yung anak nya. Pero hindi naman tama na yun yung ginawa nyang solusyon.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama . Marami pa ngang paraan kung paano siya makakakuha ng pera para sa anak niya . Pero , natataranta na siya at hindi na makapag-isip ng mabuti dahil nga nag-aagaw buhay na ang bata . Kaya ang tanging pumapasok na lamang sa isip niya ay ang ilegal na paraan dahil mas mabilis siyang makakakuha ng pera dito .

      Burahin
    2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

      Burahin
  2. Lahat ng bagay na ating ginagawa ay mayroong dahilan, mali ang ginawa ng mangangapa dahil para iyon sa pag aaral ng batang kanyang nanakawan. Minsan talaga ay mapupunta tayo sa isang sitwasyong kailangan nating mamili kung sa mahirap ngunit tama o sa madali ngunit mali.

    -BsPsychology 1-4

    TumugonBurahin
  3. "KAPIT SA PATALIM". Dito maihahalintulad ang ginawa ng tauhan sa kwento . Mabuti man ang kanyang hangarin at layunin , mali naman ang kanyang pamamaraan . Lagi nating tatandaan na di solusyon ang panlalamang sa kapwa , mabigyan lamang ng solusyon ang sariling problema .

    TumugonBurahin
  4. Ayan, sa hirap ng buhay nagagawa ang mga di kanais-nais para sa binubuhay nila. Isa pa itong kwento na ito, na nagbibigay silip sa totoong kaganapan ng buhay.
    Hindi lang naman ang mandurukot ang may pangangailangan, hindi lang naman sya ang naghihirap, marahil sa sitwasyon nya ay may nagaagaw-buhay pero kahit na, hindi tama ang ginawa nya para mapambuhay ng kanyang anak. Ang kinuha sa masama ay may kabuntot na karma. Kaya wag tayong magpasubali. Hindi tamang kunin ang hindi mo naman pinaghirapan.

    TumugonBurahin
  5. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 6:06 PM

    Malinaw na naihatid ang kwento. Minsan, dahil sa matinding pangangailangan, may mga taong kumikitid an isip at ginagawang paraan ang pagkuha ng mga bagay na hindi sa kanila. Nakakalungkot, sapagkat ito ay imoral na gawain. Maaaring ang biktima ay nangagailangan din. Kailangan tayong maging isang responsableng indibidwal at tumigil sa gawaing ilegal.

    TumugonBurahin
  6. Hindi ko alam kung kanino ako mas maaawa sa mandurukot ba o sa estudyante. Dahil isang bata ang mabibigyan ng buhay ngunit isang pangarap naman ang mawawalan. Maraming paraan para mabigyan ng kasagutan ang problemang dumadating sa buhay. pero hindi magandang paraan ang gumawa ng mali na kakailangan pang mandukot. Hindi ba masyadong makasarili ang ginawa niya? Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng problema kung hindi natin kayang lagpasan.

    TumugonBurahin
  7. Minsan, hindi rin natin masisisi ang mga taong gumagawa ng masama para makakuha ng pera. Kasi kung aalamin natin ang puno't dulo kung bakit nila nagawa ito, marahil ay valid ang rason nila. Ngunit ganunpaman, hindi naman sapat na dahilan ang mahigpit na pangangailangan sa pera para gumawa ng gantong gawain. kawawa rin yung nakuhaan dahil kailangan rin naman niya ito. Para dun sa mandurukot, Lahat ng bagay may solusyon, basta't sabayan ng pagkilos ang bawat panalangin sa Diyos.

    TumugonBurahin
  8. kawawang estudyante sapagkat nawalan sya ng pambayad sa matrikula sa eskwelahan pero nagkaroon naman agad ng hustisya dahil nag-aagaw buhay ang mangangapa habang sya ay papauwi sa kanyang mga anak. mabilis talaga ang karma sa lahat ng ating mga gingwa mabuti man o masama sa ating kapwa. ito ang paghatol sa atin ng Panginoon sa atin kaya pag-isipan mo muna ang lahat ng bagay bago mo gawin ang iyong mga binabalak.

    TumugonBurahin
  9. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  10. gaano man kabuti ang intensyon sa paggawa ng masama,
    nananatili pa rin itong masama.
    sabihin nang bulag ang ating puso, ngunit huwag natin kalimutan na higit na tinitingnan ang aksyon. nakakaawa man ang kalagayan ng kanyang pamilya, may kasalanan pa ring nagawa.

    sa kabilang banda, ang pangyayaring ito ay kasalanan din ng biktima.
    sapagkat hindi naging mapagmasid sa paligid, nagkaroon ng motibo ang mangangapa na kunin ang pera, dahilan upang nawalan ang biktima.

    TumugonBurahin
  11. Malaman ang akdang ito kahit na ito'y maikli lamang. Maayos ang pagkakasalaysay kaya madaling maintindihan. Maganda rin ang ginamit na istilo para sa panimula nito.

    Babala ito na dapat mag-ingat sa lahat ng oras!

    TumugonBurahin
  12. Maiksi lamang kwento, simple lamang ito at direkta sa punto.

    TumugonBurahin
  13. Bagaman maikli lamang ang kwento subalit maiintindihan mo ang kahulugan nito :)

    TumugonBurahin
  14. Ang buhay nga naman , mahirap talaga , sana naman ay nanghingi na lang ng tulong ang tao kaysa magnakaw na hindi naman tama , pero may tutulong naman kaya ???

    TumugonBurahin
  15. Problema, ang pangunahing nais ng akdang ito. Lahat manhid at pawang may iniisip, ang isa nakapagisip-isip na ay sinasamantala ang pagkamanhid ng lahat. Pangit man pakinggan ngunit hindi na natin masisisi ang kumakapang kumakapit din sa patalim. Nakakaawang pakinggan na ang tanging solusyon sa problema nito'y gumawa ng masama. Andyan si Ama hindi tayo hahayaang humantong ang lahat sa mga ganitong pangyayari.

    TumugonBurahin
  16. Yung ibang mga tao ngayon, gumagawa na sila ng mga bagay na masasama, kumita o magka-pera lang. Sana matuto silang magsumikap at magtrabaho, hindi yung mangholdap, mang-snatch, atbp. :)

    TumugonBurahin
  17. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, may mga taong kung anu-ano na lang ang naiisip upang magkapera lang. Ginagawa nila ito kahit alam naman nilang mali.

    TumugonBurahin
  18. Natuwa ako sa paraan ng pagsulat nito!

    Alam ko na ang pinapahiwatig nito ay may mga taong nagnanakaw dahil nangangailangan sila, pero ang masama dun ay may biktima lagi. Kawawang estudyante :(

    Dapat sa mayaman na lang siya nagnakaw xD At least that way, wala lang sa mayaman, pero joke lang yun! Masama ang pagnanakaw.

    Mahirap talaga ngayon, kaya maraming gumaganyan. Kung maghahanap ng trabaho, mahirap. Kapag hihingi sila ng tulong, walang tutulong...kaya sila nagnanakaw, kahit mali...

    TumugonBurahin
  19. lahat na ginagawa ng isang tao matustusan lang ang pangangailngan niya...

    TumugonBurahin
  20. camille orogo, bspsy 1-4Oktubre 17, 2012 nang 3:46 AM

    bagamat mabuti ang kanyang hangarin ay nanggaling pa rin ito sa masama kayat hindi magandang tularan

    TumugonBurahin
  21. Nakakalungkot na pareho silang kawawa, pero para sa akin mas kawawa naman ang estyudanteng nadukutan, Kahit para ito sa magandang layunin hindi maganda ang naging paraan kaya mali parin ito at dapat iwasan.

    TumugonBurahin
  22. Ang isang masamang gawain na may mabuting hangarin ay isang pa ring maling bagay. Kapit sa patalim ika nga nila. Kapag gipit na ang tao, kaya nitong gawin ang lahat.

    TumugonBurahin
  23. kristel anne bernaldezOktubre 17, 2012 nang 4:56 AM

    Sa aking palagay, hindi lahat ng inaakala nating masama ay tunay na masama. Ang mga magnanakaw o holdaper ay alam kong hindi lahat ay masama. Ang iba marahil ay wala ng magawa at wala ng maisip na paraan. Ayaw man nila gawin wala na silang pagpipilian. Dala lang ng matinding pangangailangan. Hindi ko sila masisisi. Hindi sila ang masama kundi ang kanilang ginawa.

    TumugonBurahin
  24. Pangit mang pakinggan ngunit ndi ntin masisisi nang taong gumawa niyon spagkat kapos din siya at labis ang kanyang pangangailangan.. Nakakalungkot lng na kapag dumarating sa buhay ng tao ang
    mga ganitong pagkakataon, wala ibang maisip na solusyon kundi ang gumawa ng masama laban sa kanyang kapwa..

    TumugonBurahin
  25. ano nga ba talaga ang higit na may kailangan>?? naawa ako sa nanakawan pero mas naaawa ako sa nangnakaw.. pero sana hindi sa ganung paraan gnawa nung magnanakaw.. nakakalungkot ang phinang nabasa ko.. :(

    TumugonBurahin
  26. Ito ay sumasalamin sa buhay ng marami sa atin. Laganap ang mga magnanakaw sa bansa. Ngunit ang ilan sa kanila ay nagawa lamang ito dahil sa hirap ng buhay. Pero ang pagnanakaw ay isa pa ring kasalanan. Kawawa naman ang nanakawan dahil ang pera ay para lamang sa kanyang pangmatrikula. Sana matigil na ang pagdami ng kaso ng nakawan sa bansa dahil marahil ang nanakawan ng magnanakaw ay tulad din niyang matindi ang pangangailangan.
    Mahusay ang pagsulat ng mga akda ukol sa totoong nangyayari sa lipunan ngayon. :D

    TumugonBurahin
  27. Maraming naghihirap. Maraming humahawak na sa patalim magkapera lamang. Makatotohanan ang ganitong pangyayari. Maraming nananakawan ng walang kamalay malay. Dapat ang bawat isa ay matutong mag-ingat lalo na kung walang kasama. Sa panahon ngayon ay mahirap magtiwala.

    TumugonBurahin
  28. Nikka Patricia MarceloOktubre 17, 2012 nang 6:28 AM

    Tunay na nakakagalit ang manakawan. Lalo na ang sa halimbawa ng akdang ito, ang estudyanteng nanakawan ng pangmatrikula. Ang pera'y pinaghirapan ng kanyang magulang na buuin o maari din namang ang estudyanteng ito ngunit ang lahat ay nawala ng parang bula. Siguro nga'y napakapit lamang sa patalim ang magnanakaw pero kahit kailan ang masamang nagawa para sa isang mabuting layunin ay mananatili pa ding masama.

    TumugonBurahin
  29. Kahit sino man ang magipit dapat lamang na hindi humangtong ito sa sitwasyon na "PAGNANAKAW". Maraming pwedeng maging solusyon, hindi naman dapat mawalan agad ng pag-asa dahil maraming taong handang tumulong sa'tin ang kailangan lamang ay gumawa at maghanap ng paraan.

    TumugonBurahin
  30. Maraming mga tao ang umaasa sa pagnanakaw kapag nalalagay sila sa alanganing sitwasyon. Kung ako ang anak na naghihingalo sa kuwentong ito, mas pipiliin kong mamatay na lamang dahil kung ako ay mananatili sa ospital, masusunog ang kaluluwa ng aking ama sa impiyerno dahil sa pagnanakaw. Hindi ko naman maaatim ang ganong pangyayari.

    TumugonBurahin
  31. Unang-una tayo ay maging maingat sana sa ating mga pagaari lalo na sa mga pampublikong lugar. hindi natin alam ang iba't-ibang motibo ng mga taong ating nakakasalamuha.
    Pangalawa,hindi talaga natin maiiwasan ang paggawa na mali lalo na kung ang dahilan nito ay lubhang mahalaga. katulad na lamang ng nasabing "mahilig mangapa" .

    TumugonBurahin
  32. Ipinapakita sa akdang ito na sobrang marami ng tao sa ating bansa ang nakararanas ng kahirapan. Dumadating pa sa punto na sa sobrang hirap ng buhay ay nagagawa pang mang-agrabyado ng kapwa matustusan lamang ang pangangailangan. Ang kwentong ito ay napapanahon. Dapat na maging mas maingat na tayo palagi. :DD

    TumugonBurahin
  33. Napakaganda ng istorya. Dalawang magkaibang buhay ang nasa loob ng artikulong ito. Ang isa'y estudyanteng biktima ng di namamalayang nakawan sa loob ng jeepney habang ang isa nama'y magnanakaw na kailangang kailangan ng salapi upang may maipambiling gamot sa anak na nag-aagaw buhay. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman, kung awa ba para sa estudyante o awa para sa magnanakaw. Ngunit atin pa ring tandaan, dapat ay tama lahat ng ating ginagawa. Kung wala talagang pera ay huwag kumapit sa patalim. Humingi ng tulong sa kinauukulan. Huwag gumawa ng labag sa batas ng Maykapal. Ang gandang kwento talaga nito.

    TumugonBurahin
  34. Napakaganda ng akdang ito. Dito, naipakita ang sitwasyon ng nanakawan at ang sitwasyon ng nagnakaw. Kung sa nanakawan, ang perang iyon ay ang kanyang pang matrikula, sa nagnakaw naman ang perang iyon ang magliligtas sa naga-agaw buhay niyang anak sa ilalim ng tulay.

    Kung iisipin, may dahilan din kung bakit kumakapit sa patalim ang mga tao. Oo ito'y masama. Ito'y isang kasalanan. Ngunit may magagawa ba ang isang nagigipit. Katulad ng nasa akda. May dahilan kung bakit nagnakaw ang lalaki. Dahil wala siyang perang pampagamot sa kanyang anak. Yun nga lang, mapeperwisyo din ang nanakawan. Syempre, may paglalaanan din siya ng pera. Para sa kanyang pag-aaral. May isang mawawalan, may isang magkakaroon. Hindi patas.

    Mas maganda pa rin kung tama ang paraan na gagawin kahit na ika'y nagigipit na. Magdasal ka lamang. Walang imposible sa Panginoon. :)

    Maganda. Makikita mo ang lugar o ang rason kung bakit nagnanakaw ang isang tao.

    TumugonBurahin
  35. Labis na nga talaga siguro ang kahirapan sa bansa para mangyari ang mga ganitong bagay. Hindi ko alam kung kanino dapat maawa: sa magnanakaw ba na napipilitan lamang magkasala para makakain o ang ninanakawan na hindi naman dapat nagbabayad sa kahirapan ng ibang tao. Marahil, pareho silang may pananagutan.Sa panig ng nagnanakaw,hindi niya dapat singillin ang ibang tao dahil siya ay naghihirap.Una sa lahat, maraming ibang paraan upang kumita. Sa panig naman ng ninanakawan,tungkulin niya na makiramdam sa paligid at pakaingatan ang kanyang mga gamit.Walang tao ang gugustuhing mawalan ngunit nasa tao parin ang lahat kung siya ay may pag-iingat.

    TumugonBurahin
  36. Kapit sa patalim! Ito ay dulot ng kahirapan na umiiral sa ating bansa ngayon. Manhid? Dahil hindi nararamdaman ng lipunan ang mga taong nasasadlak sa kahirapan. Patuloy siya sa pangagapa, nungit walang tumutugon kaya't naisipang gumawa ng masama para maisalba ang kanyang anak. Hindi natin siya masisisi. Ngunit sa kabilang banda, hindi ang pagkuha sa pinaghirapan ng iba ang solusyon. Paano na lamang sila? Paano ang kanilang kinabukasan? Sa pangmatrikula sana ngunit naglaho na ito ng parang bula. XD

    TumugonBurahin
  37. Ang paggawa ng masama, saaang anggulo mo mang tinganan, masama parin yun. Pero ang paggawa ng masama ay hindi nagpapahiwatig na masama rin yung tao na gumawa nito. Minsan tayong mga tao, nakakagawa tayo ng mga masamang bagay dahil wala na talaga tayong choice. "Kapit sa patalim" kung baga. Ang tao'y marupok; tayo'y madaling matukso, lalung-lao na sa panahon ng kagipitan. Kay akahit papaano'y naiintindihan ko ang sintemyento nung mgananakaw.

    Sa kabilang banda, naawa rin ako dun sa nanakawan kasi pangmatrikula niya yun. Sayang talaga. Kung tutuusin meron din siyang kasalanan sa nagyari kasi hindi siya naging maingat sa nangyari.

    Ang akdang ito'y nagtuturo sa mga mambabasa na huwag agad manghusga ng kapwa at dapat maging responsable tayo sa ating mga gamit. :)

    TumugonBurahin
  38. nakakatakot na tlga ang henerasyon natin ngayon. nagkalat ang mga
    masa2mang loob. kawawa naman ang mga katulad nung estudyante sa akda, nakalaan ung pera para sa pangmatrikula nya tpos nwala lang sa isang iglap.. kaya dapat lagi taung mag-iingat. maging alerto tau sa ating paligid para makaiwas sa ganung mga pangya2ri.

    TumugonBurahin
  39. kailangan talaga sa panahon ngayon ang maiging pag-iingat pagdating sa mga lugar na maraming mga magnanakaw. Kailangang batid mo ang mga nang yayari sa paligid mo para maiwasan mong manakawan. ang nais ipahihatig ng manunulat na ang pagkapit sa patalim ng ibang tao ay sanhi ng mga kahirapang nararanasan at matinding pangangailangan ng mga taong ito. ang pera sanang pambayad ng twisyon ng estudyante ay nawala nalang ng parang bula.nakikinita ko ang nais ipahiwatig ng manunlat na sa panahon ngayon ay marami ng naglipanang mga magnanakaw kaya kailangan ang ibayong pag-iingat.

    TumugonBurahin
  40. Ang dagli na ito ay tumatalakay sa tunay na mukha ng lipunan. Kahit naman sino, nakaranas na ng ganitong karanasan at laking salamat sa akda dahil nabalaan nito ang mga tao sa maaaring mga posibilidad sa kalye. At malaking tulong ang naidulot nito, lalo na sa mag-aaral na bulag pa sa tunay na itsura ng kalsada

    TumugonBurahin
  41. Sa panahon natin ngayon, wala ng sinasanto kahit pulubi ay ninanakawan pa rin. Kailangan lang talagang maging maingat at handa.

    TumugonBurahin
  42. Nakakalungkot isipin na tanging paggawa ng kasalan ang nakikita nilang sulosyon sa mga problema. Ngunit di ba nila naiisip na magiging doble ang kanilang kasalanan dahil sa ginawa nila sa kapwa at ang paraan nila? Maraming paraan kung saan hindi ka magkakasala at malinis ang iyong konsensya at kasabay nito ay ang pagkalutas ng problema.

    TumugonBurahin
  43. Nakakabilib ang mga mangangapa na tinutukoy rito. Tila ba mga estatwa ang ang kanyang kinakapa. Walang mga pakiramdam. Manhid. Kung tutuusin, ganyan na talaga ag makakagisnan na buhay ngayon. Ibilib!

    TumugonBurahin
  44. marami ang kumakapit na lamnag sa patalim gawa ng kahirapan sa buhay.
    sa mundong ito, nagkalat ang mga masasamang tao na may mabuting layunin gaya na lamang ng mangagapa ngunit ating tandaan na ang kasalanan ay kasalanan pa rin.

    TumugonBurahin
  45. mali pa ring maituturing na gumawa ng masama kahit na walang wala ka na sa buhay. dapat ay huwag nating samantalahin ang kahinaan ng ating kapwa bagkus ay matuto tayong magbanat ng buto upang matustusan natin ang ating pangangailangan sa pang-araw-araw. huwag nating gayahin ang ganitong klase ng tao.

    TumugonBurahin
  46. Kapit-patalim si manong . Hindi niya alam kung gaano rin naghihirap ang mga magulang ng estudyanteng kanyang pinagnakawan upang maigapang ang pag-aral ang kanilang anak . Impokrito man sa pandinig, sana nagsikap na lang ang magnanakaw na iyon noong kanyang kabatan . Edi hindi sana siya namemerwisyo ng buhay ng iba . Nabigyan niya sana ng magandang buhay ang pamilya niya . Nako . Mag-aral talaga ako
    :D

    TumugonBurahin
  47. Masasabi nating nakakaawa ang nangangapa dahil sa ginawa niya pero kahit ganun ay mali pa rin ang paraan na ginawa niya dahil kasalanan pa rin ang ginawa niya. Pero hindi pa rin ito maiiwasan dahil sa hirap ng buhay natin ngayon ay karamihan sa tao ay ganito ang ginagawa para sa kanilang sariling dahilan.




    -BSPSYCHOLOGY 1-4

    TumugonBurahin
  48. Sa hirap ng buhay ngayon, minsan talaga hindi na naiiwasan ng tao na gumawa ng masama, magkapera lang para may makain o kaya'y makabili ng gamot sa kamaganak na nag-aagaw buhay na. Minsan, hindi na nila naiisip kung ano yung sitwasyon ng taong pinagnakawan nila. Siguro, wala na rin kasi silang ibang maisip na paraan. Pero kahit ganun kahirap ang sitwasyon ng isang tao, sana ginawa na lang niya ang tama.

    TumugonBurahin
  49. isipin nman natin na hndi lang tayo ang naghihirap. oo, madaming naghihirap ngayon pero walang mgagawang maganda ang pagnanakaw sayo. panandalian lang yang nanakaw mo. pg nabenta mo na yan, wala kna ulit na pera. ang mabuti pa ay mag'aral nalang tayong mabuti :)

    TumugonBurahin
  50. Si Prop. Jomar Adaya ay nagpapakita ng balanseng pagtingin sa bawat panig ng kanyang paksa at nagbibigay pa ng maga nakatagong paliwanag.

    TumugonBurahin
  51. Pinapakita sa kwento na may mga tao na kapag naghirap hindi maiwasang gumawa ng masama.

    TumugonBurahin
  52. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na marami tayong kababayang naghihirap kaya't marami sa kanila ay kumakapit sa patalim. Pero marami pa rin namang mas mabuting paraan na kung saan hindi tayo makakasakit ng kapwa.

    TumugonBurahin
  53. tsk...tsk...tskk...
    sa sobrang hirap ng buhay kaya nagagawa na ito ng mga tao sa mundo..
    oo masama pero mahirap maghusga kung ikaw ang mapupunta sa kalagayan nila..maaaring ayaw mo ring gawin,,ngunit sa dikta at daloy ng panahon ay di natin masasabi na hindi natin magagawa ang ganitong bagay lalo na kapag nakasaalang alang ang buhay ng ating pamilya... :(

    TumugonBurahin
  54. Minsan talaga ay may mga bagay tayong magagawa para sa ating minamahal sa buhay, mabuti man yan o masama. Pero dapat lagi nating tandaan na ang pag-gawa ng masama ay hindi magandang paraan. May iba pa namang paraan bukod sa pag-kapit sa patalim. Kailangan lang nito ng tiwala at dasal.

    TumugonBurahin
  55. Pagkatapos kong basahin ang gawang 'Ang Mangangapa', nakaisip ako kung kanino ba dapat ibigay ang sisi. Sa kolehiyala bang hindi nag-iingat sa pagbibyahe, sa lalaking walang sapat na edukasyon kung kaya't walang alam na marangal na trabaho, o sa tadhana na hindi marunong makisama sa mga taong walang wala sa buhay. Pero naisip ko na hindi kailanman solusyon ang paggawa ng masama para matapos ang isang problema. Ang paggawa ng masama kahit pa mabuti ang iyong hangarin ay itinuturing pa rin na masama.

    TumugonBurahin
  56. gusto man natin ng magandang bagay na magagawa sa kapwa, kung sa masang paraan naman natin ito mgagawa, kasamaan pa rin ang ipnapakita nito. manalig ka na lamang upang maging matatag ka

    TumugonBurahin
  57. Totoong mahirap mabuhay at bumuhay ng pamilya. Ngunit hindi ito sapat na dahilan upang manlamang ng kapwa. Ang mga tao nama'y dapat na maging alerto at sensitibo sa mga nangyayari sa paligid lalo na kapag sasakay ng dyip o anumang transportasyong maraming kasamang hindi kakilala at lalo na kung alam mong may makukuha sayong mahalaga.

    TumugonBurahin
  58. Tiyak dahil sa kahirapan sa buhay at may pangagailangan kaya nagawa ng taong iyon na mandukot sa iba ngunit hindi ba nya alam na may pangangailangan din ang estudyante na iyon? Sa panahon ngayon, kadalasan kapit-patalim na ang mga tao.

    TumugonBurahin
  59. Realidad. Bow. Haaaay buhaaay. :( Kaya ako minsan natatakot na eh, buti nalang ako alert ako sa jeep. =)

    Abigail V. Manalo
    BS Psychology 1-4

    TumugonBurahin
  60. Napakagandang kwento! Ito ay sumasalamin sa realidad ng buhay. Marami na talagang mga "mangangapa" ang nagkalat ngayon. Marahil siguro sa matinding hirap ng buhay sa panahon ngayon kaya napipilitan ang tao na kumapit sa patalim. Ngunit hindi pa rin ito sapat na dahilan upang gumawa tayo ng masama sa ating kapwa kahit na maganda pa ang ating intensyon.

    TumugonBurahin
  61. Di natin maipagkakaila na lahat tayo ay may kanya kanyang pangangailangan,ngunit may mga tao talagang di naiiwasang gumawa ng mali dahil sa sobrang pangangailangan,nakalulungkot isipin na nanakaw ang pangmatrikula ng studyante at kinuha ito ng taong lubos na nangangailangan.

    TumugonBurahin
  62. Nakakalungkot isipin. Ito ang realidad ng ating buhay. Sa panahon ngayon, maraming tao na ang nagdurusa dahil na rin sa kagagawan ng iba. Minsan na akong nabiktima ng isang klase ng modus ng mga taong ito, napaiyak na lamang ako,ilang linggo na bakas sa bawat gawi ko ang kalungkutan at panghihinayang. Ilang beses ko na ring sinisi ang aking sarili sapagkat alam ko na pinaghirapan iyon ng aking mga magulang, pagod at hirap ang ibinuhos nila upang magkaroon ng pera upang ipangbayad sa aking kasalukuyang tinitirhan. Ilang araw na ang lumipas nang mapagtanto ko na ako pala ay mapalad. sapagkat ako ay nakakapagaral pa, samantalang ang iba, ni pagkain ng tatlong beses sa isang araw, hindi nila magawa. kailan kaya mababago ang sistemang ganito sa Pilipinas? darating kaya ang panahon kung saan wala ng tao pa ang mamamatay dahil sa gutom? sana...

    TumugonBurahin
  63. Nakakaawa yung nanakawan pero nakakaawa din yung nagnakaw. Sa panahon ngayon, maraming tao ang gumagawa ng masama upang may ipangtustos sa pamilya. Kahit alam nilang mali ang kanilang ginagawa ipinagpapatuloy pa rin nila ito dahil sa tingin nila ay ito lamang ang paraan upang mabuhay ang kanyang pamilya. Nakakaawa ang magnanakaw dahil nagawa nyang gumawa ng masama upang mailigtas ang kanyang anak na nag-aagaw buhay. Pinapakita nito na mahal na mahal nya ang kanyang anak at hahamakin nya ang alat mailigtas lamang ito kahit gumawa sya ng masama.

    TumugonBurahin
  64. Bakit kaya sa panahong ito, uso ang ganyang istilo? Siguro nga may dahilan ang mga taong mahilig mangapa, maaaring dahil sa kahirapan, may kailangan ipagamot, walang makain, at ang pinaka-malala ay ang walang magawa. Nakakalungkot man isip nagkalap na ang mga taong ganyan, imbes na maghanap ng maayos at marangal na trabaho ay mas pinili pa ang pangangapa sa kapwa. Sa akin lamang, tao'y mag-ingat lalo na sa panahong ito. Hindi lang doble o tripleng ingat ang kailangan natin. Para naman sa mga mahilig mangapa, sana may takot kayo sa Diyos.

    TumugonBurahin
  65. Lahat ng bagay ay may dahilan. Yun nga lang, ang pagnanakaw ay hindi tama. Siguro kaya niya nagawa yun dahil sa kahirapan sa buhay. Pero hindi padin tama ang magnakaw sa kapwa. Masakit sa kalooban ang manakawan, lalo na kung first time nangyari sa iyo ito. Pero dahil nga sa kawalan ng pera, kumakapit nalang yung iba sa patalim. Pero sana matigil na yung mga ganitong insidente. Napakahirap ng buhay ngayon, at sobrang hirap din manakawan.

    TumugonBurahin
  66. Nakakaawa ang ninakawan dahil wala na ang kanyang pangmatrikula pero sa kabilang dulo naman ay masaya ang magnanakaw dahil may pera na siya para sa kanyang anak.

    TumugonBurahin
  67. Totoong ang kadalasan na tinatarget ng mga mandurukot ay ang mga estudyante, hindi ko batid bakit ganon.. :(

    TumugonBurahin
  68. Hindi ko masisisi ang mga masamang loob sa kanilang nagagawa dahil bakit ang mga pulitiko? Ayos lamang sa kanila na magnakaw? Samantalang sa mga kawatang naka-shorts at tshirt eh hindi pupwede? Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila. Ang sinabasabi ko ay tignan natin ang parehong anggulo ng isang istorya.

    TumugonBurahin
  69. Minsan ang mga tao ay gumagawa ng masama mailigtas lang ang kanilang mahal sa buhay. Hindi mo rin masisi sapagkat may anak na nag-aagaw buhay ngunit kung ikaw ay mag-aanak dapat responsibilidad mong buhayin sila at hindi magnakaw lamang sapagkat hindi mo nalalaman kung ano rin ang pangangailangan ng ninakawan mo.

    TumugonBurahin
  70. Ang mga nagkasala ay hindi dapat konsintehin. Ang mali ay mananatiling mali. patungan man ito ng magandang rason, mananatili itong mali sa kaila-ilaliman.

    TumugonBurahin
  71. Sa panahon ngayo'y lahat ay naghihirap kaya't di natin masisisi na ang karamihan sa mali dumadaan para matugunan lang ang pangangailangan.

    TumugonBurahin
  72. Maraming mga Pilipino sa panahon ngayon ay gagaein ang lahat para lamang sa kanilang minamahal sa buhay, kahit na masama pa ito, isang akalulungkot na pangyayari para sa mag-aaral. Hindi natin ito maiiwasan dahil kung minsan tayo na rin mismo ay hahawk sa patalim mailigtas lang ang minamahal.

    TumugonBurahin
  73. Bakit kaya madalas ng mga estudyante ang nananakawan? Ni wala pa nga kaming mga trabho eh. Pero di natin maikakaila na maraming hasler(?) sa paligid na mabilis gumalaw.

    TumugonBurahin
  74. Talaga nga namang marami na ang Pilipinong naghihirap ngayon , marami na ang umaasa sa maling gawain na ganito , sana ay may magawa ang gobyerno ukol sa ikabubuti ng buhay ng bawat estudyante.

    TumugonBurahin
  75. Pareho lamang biktima ang estudyante at magnanakaw. Ang magnanakaw ay biktima ng bulok na sistema sa Pilipinas, at ang estudyante ay biktima ng pagnanakaw.

    TumugonBurahin
  76. Parehas silang nawalan at kung iisipin ay parehas ding nakakaawa ang kanilang kalagayan. Malaking kawalan ito sa estudyanteng nawalan ng matrikula ngunit malaki rin naman itong tulong para sa amang may anak na naghihingalo sa sakit. Ganyan talaga ang buhay ng tao minsan ang malaking kawalan para sayo ay malaking tulong naman para sa ibang tao.

    TumugonBurahin
  77. Hindi makatarungan ang ginawa ng magnanakaw kahit ano pa man ang rason niya. Paano na lang kung ang estudyanteng ninakawan niya ay may mas mabigat na problema kaysa sa kanya? Dapat gumawa na lang siya ng marangal na gawain upang magkapera.

    TumugonBurahin
  78. May mga tao talagang tinatawag na KAPIT SA PATALIM. Desperado na ang taong mangangapa na ito dahil sa anak. Ngunit, hindi naman makatarungan para sa estudyanteng nanakawan. Mas magandang gumawa ng marangal na bagay para sa pangangailangan.

    TumugonBurahin
  79. Sa Kwentong ito pinakita ang totoong kalagayan ng mga tao dito sa Pilipinas. Minsan napipilitan ang isang tao na gumawa ng maling bagay dahil na rin sa sobrang pangangailangan. Inuudyukan sila ng isang mabigat na dahilan, tulad na lamang ng nasa kwento na ang anak niya ay malubha ang sakit. Kaya minsan hindi natin alam kung dapat ba silang sisihin sa nagawa nilang kasalanan.

    TumugonBurahin
  80. naghihirap ka ma'y hindi tamang mag nakaw ka dahil kinabukasan ng iyong nanakaw ang nakasalalay dito. nangangailangan ka man o namromroblema, kelangan mo pa bang mang damay?

    TumugonBurahin
  81. Ipinapakita sa kwento ito dahil minsan sa kahirapan at kakulangan ng pera ay kumakapit ang tao sa patalim. Nakakagawa sila minsan ng kasamaan para naman may pangbayad lang. Pero wag nating kalimutan na masama pa rin yung kahit alam mong gagamitin mo ito sa kabutihan. Huwag nating hayaan na makuha tayo ng kasamaan basta't patuloy lang tayo na maniwala sa Maykapal..

    TumugonBurahin
  82. nakakaawa yung estudyante. para sa kinabukasan nya yun. pero nakuha pa ng iba

    TumugonBurahin
  83. Pareho lamang biktima ang estudyante at magnanakaw. Ang magnanakaw ay biktima ng bulok na sistema sa Pilipinas, at ang estudyante ay biktima ng pagnanakaw.

    TumugonBurahin
  84. Pinapakita dito yung dalawang bahagi ng istorya nung nanakawan at yung nagnakaw. Nanakawan ang isang estudyante ng kanyang pangmatrikula, samantalang nagnakaw ang isang ama para sa kanyang anak na nagaagaw buhay. Pareho silang nasaktan ng malupit na lipunan.

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  85. Ang magnanakaw ay may rason kung bakit nya ito ginawa. Ngunit dapat nating isipin na ang Diyos ay nakikita tayo. At sa bawat na pagkakamaling ating ginagawa ang may karampatang parusa.

    TumugonBurahin
  86. Masaklap! Kala mo meant to be na kayo, tapos biglang malalaman mo na kapatid mo pala siay...

    Pero, sa tingin ko, kung hindi talaga nila mapigilan ang mga nararamdaman nila, pabayaan mo na...

    Pag-ibig, eh.

    TumugonBurahin
  87. Ang mga tao ngayon kahit gano kabuti ay napipilitan gumawa ng masama kapag kinakaylangan alang alang sa taong mahal niya. Hindi na nito kayang mag isip sa kapakanan ng ibang tao. Ang tanging naiisip nalang niya ay kung paano malalapatan ng solusyon ang kanyan problema.

    TumugonBurahin
  88. maganda nga ang rason niya sa gawaing dahil ang magnanakaw ay may rason kung bakit nya ito ginawa. Ngunit dapat nating isipin na ang Diyos ay nakikita tayo. At sa bawat na pagkakamaling ating ginagawa ang may karampatang parusa. napakagandang akda na may mahalagang aral.

    TumugonBurahin
  89. Maganda man o hindi ang dahilan ng nandukot,hindi pa rin tama ang manguha ng mga bagay na alam nyang iba ang naghirap. may mga paraan pa naman. pwede siyang mangutang sa kaanak. ang isang mali ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali.

    TumugonBurahin
  90. Laganap na talaga ang karahasan sa bansa, patuloy ang paglala ng krimen dahil patuloy parin ang paglala ng kahirapan.

    TumugonBurahin
  91. Sa hirap ng buhay ngayon, nakakagawa tayo ng mga bagay ng ayaw natin gawin, pero kailangan. May mga taong sadyang ganyan. Hindi na nila ang gagawin pa nila kaya makakagawa ng masama. Nakakalungkot isipin na kaya naman nilang gumawa ng tama, sadyang hindi lang sila binibigyan ng tsansa ng Bayan at ng sarili nilang Bansa.

    TumugonBurahin
  92. SABI NGA NI MAO ZEDONG, KUNG TAYO LANG HINDI TAYO LALABAN PERO KAPAG SITWASYON NA ANG NAGDIKTA, KUSA TAYONG KIKILOS.
    SA TOTOO LANG, WALANG DAPAT SISISIHIN KUNDI ANG SISTEMA NA NAGING SANHI NG MGA SITWASYONG ITO. TINUTULAK SILA NG SITWASYON, KAYA DAPAT INTINDIHIN AT UGATIN NATIN BAWAT PROBLEMA SA LIPUNAN

    TumugonBurahin
  93. ang akdang ito ay tungkol sa isang taong nagnanakaw para lang maisalba ang kanyang anak. maganda sana ang kanyang intensyon ngunit isang labag sa batas ang kanyang ginawa at maramng naperwisyo isa itong napakagandang akda na may mahalagang aral na mapupulot.

    TumugonBurahin
  94. tsk tsk kahirapan talaga ang nakakasira ng moralidad ng ilang tao. gagawa sila ng bagay na masama para sa isang magandang intensyon. nakakalungkot nga naman na realidad.

    TumugonBurahin