Pinindot ang keyboard,
klik
tumunog..
Log in
May numero, may titik.
Pinindot ang enter,
Klik
lumabas..
Welcome!
May pangalan, may larawan.
Namilog ang mata,
Ngumiti..
Farm Gift!
May titik, may mensahe.
Ginalaw ang mouse,
Pinindot ang keyboard,
Klik
Klik
tumunog..
Nanabik,
May larawan, may salita.
Pumindot
Naaliw,
Paulit-ulit..
Klik
Klik
Klik
Humapdi ang mata,
Nanakit ang batok,
Namanhid ang puwit.
Klik
Klik
Klik
Klik
Tumunog!
Humapdi ang tiyan,
Masakit ang katotohanan!
Namanhid ang diwa,
Bulag ang kamalayan!
Log out na!
Ilang oras ang nasayang,
Katumbas ng mahabang panahong
pagwawalang bahala..
Sayang!
Hindi namunga ang Farm,
Bukas ulit
gtg
Marami na tayong nasayang na oras dahil lamang sa paglilibang sa sarili . Alam natin yun . Ngunit hindi na natin mapigilan ang ating sarili dahil sa nakasanayan na nating gawin ito sa pang-araw-araw na buhay natin sa mundong ito .
TumugonBurahinSa halip na paggawa ng mga takdang-aralin , mas inuuna natin at binibigyang pansin ang walang kwentang bagay . Minsan kung saan pa yung walang katuturan , dun pa tayo tuwang-tuwa . Pero napakalaking pag-aaksaya lamang ang ating ginagawa . Buti sana kung isinasabuhay natin ang mga ito tulad ng pagtatanim na kung tutuusin ay napakalaki ang pakinabang , di lamang sa ating sarili bagkus sa buong komunidad .
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinDahil tayo'y nasa modernong panahon, nasasanay o mas nagiging parte na ng ating buhay ang mga bagay na may kinalaman sa kompyuter at makabagong teknolohiya. Nakakalungkot din isipin na, ang dahilan ng paggawa o pagimbento ng mga bagay-bagay ay upang makatulong at mapadali ang mga gawain ng tao ngunit parang mas tinuturuan tayong maging tamad ng mga ito.
TumugonBurahinLikas sa ating gumawa ng mga bagay na makapaglilibang sa ating sarili. Dumating na ang makabagong panaon. Laganap na ang teknolohiya. madalas, doon tayo naghahanap ng kasiyahan. Subalit may iba na, hindi makontrol ang sarili sa paggamit nito. Nararapat lamang na gumising tayo sa realidad. Hindi masamang maglibang ngunit kailangang alam mo ang iyong responsibilidad. Napakaraming pang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin na maghahatid sa atin ng bituin.
TumugonBurahinHindi na mawawala pa sa tao ang maglibang. Sapagkat kahit papaano ay pangangailangan din natin ito. Subalit ang sobra sobrang paglilibang ay mali na. At lalong huwag dapat isakripisyo ang kalusugan sa paglilibang.
TumugonBurahinNatural lng naman na maghanap dn tayo ng libangan. Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang teknolohiya. Lalo na sa mga estudyante malaki ang naitutulong sa kanila ng "computer" ngunit sa paggamit nito ng sobra at walang katuturang bagay ay hindi maganda.
TumugonBurahinsa paglipas ng panahon, ibang mundo ang umahon
TumugonBurahinteknolohiya'y umusbong, mga tao'y sumalubong.
sa teknolohiya, tayo'y nakapaglilibang
sa harap ng computer, tayo'y nahihibang.
panahon ay lumilipas,
tumatakbo ang oras
sa halip na may matapos,
heto tayo, naghihintay ng pagtatapos.
Huwag natin sanayin ang ating sarili na maging alila sa mga makamundong bagay. Matuto tayong magpahalaga at magbalanse ng oras upang walang naaaksaya. Kapag sinayang natin ang oras, marami tayong pagsisihan sa huli na dapat ay natapos/nagawa mo na. Ang masakit pa doon, may mga pagkakataong hindi mo na uli ito maaaring mabalikan pa o maiayos. Hindi lahat ng sobra ay nakabubuti sa ating mga tao.
TumugonBurahin-Mikhaela Andrea B. Calcita
BSPsychology I-4
October 17, 2012
Hindi masama ang tayo'y maglibang sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong bagay tulad ng teknolohiya. Subalit mayroon din naman itong masamang epekto sa atin. Ang oras ay isang bagay na hindi na natin maaarin pang ibalik. Kaya dapat natin itong pahalagahan.
TumugonBurahinAng paglibang ay bahagi sa pagpapakasaya natin ng sandali bilang tao. Minsan nga lang ay nagiging kaugalian na ito na minsa'y para bang nagsasayang na lang tayo ng panahon.
TumugonBurahinmarami tayong nasasayang na oras dahil sa kadalasan ang oras natin ay napupunta sa internet kahit na may mga gawain mas inuuna pa ito.
TumugonBurahinmay nais itong ipakahulugan, sa atin. ang kaugalian natin na dapat itama o isaayos.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinKapag ang mata natin ang ating binubusog napakahirap at napakatagal.
TumugonBurahinNapakarami nating hinahanap para mabusog ito, nandiyan na din ang oras na inaaksaya.
Maraming oras ang nasasayang sa mga walang kwentang bagay. Kailangan nating gamitin ang ating oras ng matalino at makabuluhan.
TumugonBurahinMagandang araw po sa iyo Ginoong Jomar Adaya!!!
TumugonBurahinHindi masamang magdibersiyon ngunit, kapag itoy sumobra na hindi na ito dibersiyon bagkus, ito ay adiksyon na sa mga bagay na walang kapararakan o maidudulot na magaling.
-Marc-
Marami ang nagkakahilig sa pag-iinternet. Nakakatulong ito lalo na sa pag-aaral. Ngunit marami rin nasasayang na oras dahil dito. Dapat ang bawat isa ay marunong magbudget ng oras.
TumugonBurahinNakaka-aliw ang istilo ng pagkasulat ng tulang ito. Sa panahon ngayon, ang mga tao ay sobrang naaliw sa paggamit ng internet. Dahil dito, nasasayang ang pagkakataon nating maging produktibong mamamayan at maging simula ng pagbabago.
TumugonBurahinSa panahong makabago halos lahat nakikkisabay sa uso ppero ang di natin alam mas nabibigyang pansin ang mga bagay na ito kaysa sa mas dapat nating gawin. Sana hindi nasasayang ang mga oras na inilalaan natin sa isang bagay lalo na kung hindi kapaki-pakinabang kung minsan.
TumugonBurahinTayo ay nasa panahong tinatawag na "computer generation". At dahil nga sa labis-labis tayong nahuhumaling sa pag-iinternet ay nakakalimutan na natin angg mas mahahalagang bagay. Minsan nauubos lang ang ating oras kakaintay na tumubo ang mga halaman natin sa Farmville kaysa sa magtanim talaga bg mga aktwal na puno para sa ating kalikasan.
TumugonBurahinAlam kong hindi pa huli ang lahat. Mabuti nalamang at may mga tulang gaya nito na nagsisilbing tagapag-alala na ang internet nandyan lang hinid yan mawawala, pero ang mga mahahalagang pangyayari sa ating buhay, ang mga dapat sana'y nagawa natin kasama ang ating pamilya'y hindi na muling maibabalik pa.
"Use your time wisely!" :)
Nasa modernong panahon na nga ang ating mundo. Masasabi kong kasama na sa ating pamumuhay ang ating paggamit ng computer. Nakalilibang - OO, ngunit kinakain na nito ang mga oras mo sa ibang bagay. Mas nabibigyang pansin na lamang ngayon ang mga bagay na hindi naman ganoon kaimportante. Gamitin natin sa wasto ang ating oras, may oras sa paglilibang at may oras din sa ibang bagay, huwag nating ibuhos ang lahat ng oras natin sa paglilibang, at sa huli, magkukumahog kang gumawa ng mga dapat mo pa palang gawin.
TumugonBurahinito talaga ang masamang dulot ng teknolohiya sa ating mga kabataan..
TumugonBurahinnakababad tau sa harap ng computer kakalaro o kaya kakacheck ng status sa FB.. nauubos ung oras natin. sa huli magmamadali taung gawin ang mga bagay na nkaligtaan o pnagmamaya natin..
nakakatuwa kung paano ginawa ng manunulat ang nabasa kong pahayag na ito. ipinapakita dito ang kaaliwan ng paglalaro sa kompyuter pati na ang mga mararanasan mong mga pasakit pagtumagal kana sa paglalaro.ngunit para sa isang manlalaro ng kompyuter isang nakakaaliw na gawain ito. marahil ay farmville ang nilalaro nito dahil nabangit sa kwento na hind raw namunga ngayon ang kanyang farm kaya bukas ay isang panahon na naman ang lilipas para sa larong ito.
TumugonBurahinmarami sa kabataan ang naaadik sa computer lalo na sa facebook.
TumugonBurahinsa halip na nakaharap sa libro, sa computer sila nakaharap at nasasayang ang maraming oras at pera.
Klik, klik, klik! Lahat ng tao dito na nasanay. Kompyuter buong maghapon, kompyuter magdamag. Sa sobrang kaadikan sa pagkokompyuter, nalilipasan na ng gutom. Ipinakikita lamang dito ang realidad sa buhay ng tao. Bravo!
TumugonBurahinHindi na bago sa isang kabataan sa panahon natin ngayon ang mahumaling sa kompyuter. Halos kalahati na ng buhay nla ang inilalaaan nila sa kompyuter kumbaga dinadakila na nla ito...
TumugonBurahinMagaling ang may akda ng tulang ito. Naipakita niya, hindi man sa tuwirang paraan, ang katotohanan na hinaharap natin ngayon. Ang katotohanan na karamihan sa atin ay halos sa computer na ilaan ang karamihan ng ating oras. Hindi man lamang natin naiisip na matapos nating gawin ang lahat ng mga ginagawa natin sa computer, halos kadalasan ay wala rin naman tayong napapala.
TumugonBurahinAng akda ay angkop na angkop, lalo na sa mga kabataan.
Sa ating modernong panahon ngayon, likas na sa atin ang gumamit ng computer upang libangin ang sarili.Kaya lamang dapat mayroon din itong kaakibat na limitasyon. Kung itutuon mo lang ang lahat ng oras mo sa paglalaro ng computer ay tiyak nga naman na walang mangyayaring maganda sa iyong buhay sa hinaharap.
TumugonBurahinSa umpisa'y medyo nakakalito ang akda ngunit ng matapos ko ang buong kwento'y nakakaaliw pala ito. Simple ngunit makatotohanan. Marami sa mga mag-aaral ang pinipili munang maglaro at magsayang ng oras bago tapusin ang mas importanteng mga bagay. Pigilan ma'y hindi talaga maiiwasan lalo na kung mas nageenjoy sa mga ganitong bagay. Gayunpama'y sana maalala nating ang bawat oras ay mahalaga.Lalo na sa mga mag-aaral. Ang edukasyon ay talaga namang napakahalaga, dapat itong pagtuunan ng pansin.
TumugonBurahinAyon sa kasabihan,"Time is gold", ang ibig sabihin nito ay sadyang napakahalaga ng oras. Huwag natin sayangin ang oras at ilaan na lamang ito sa importanteng mga bagay dahil hindi na natin ito maibabalik pa.
TumugonBurahinTama!!!!!!!!!
TumugonBurahinmaraming oras sa buhay natin ang nasasayang dahil sa mga bagay na inaasam natin makuha ngunit malayo sa realidad ng buhay...
at dahil sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ay nbabawasan ang ating pag asam dito dahil pansamantala nitong pinapagaan ang ating buhay kahit pangarap lamang.... :(
Totoong madalas masayang ang ating oras sa mga bagay na maari naman nating ipagpaliban muna upang gawin ang mga gawain na dapat nating inuuna kaysa sa mga luho at bisyo na dapat iniiwasan at iniiwan.
TumugonBurahinSa pamamagitan ng isang application o game sa internet naipahayag ng may akda ang isang ginintuang aral. Mahusay at nakapagpapagalaw ng isipan.
ilaan natin ang oras natin sa mga bagay na nakakabuti at huwag sa mga bagay na puro pag papangarap lamang
TumugonBurahinPara sakin, hindi naman masama ang ganitong bagay. Masama lang ito kapag sobra sobra at kung nilalaan na natin ang buong araw natin dahil lang sa teknolohiya na dumarating sa puntong wala na tayong nagagawang makabuluhang bagay sa buhay dahil puro na lamang tayo "KLIK". Matuto tayong bigyang importansya ang mga gawaing mas may ikabubuti satin, hindi lang puro kasarapan sa buhay.
TumugonBurahinMasasabi nating iba na talaga sa panahon ngayon,maunlad na ang ating teknolohiya,nagagamit na natin ito sa mga kapaki-pakinabang na bagay,ngunit magagamit din ito sa paglilibang,di naman ito nakasasama,depende na lang siguro pag nasobrahan.
TumugonBurahinIpinaparating ng tulang ito na maraming oras ang nasasayang sa paggamit pa lang natin ng Internet. Imbis na sa may kabuluhan natin ginagamit ang bawat segundo ng oras natin, napupunta lang ito sa wala. Masyado na kasing maunlad ang panahon natin ngayon, kaya nalilimutan na natin ang pahayag na "Time is Gold".
TumugonBurahinAng mga Pilipino ngayon, lalo na ang mga estudyante na paguwi palang galing sa eskwela ay gumagamit na agad ng computer. Imbis na gumawa sila ng kanilang mga takdang aralin ay inuuna pa nila ang paglalaro sa Internet. Ipinapahiwatig ng tula na nasasayang natin ang ating oras sa pagiinternet imbes na gumawa tayo ng mga bagay na makabuluhan.
TumugonBurahinMay mas importanteng bagay tayong dapat pagtuunan ng oras tulad ng pag aaral at hindi yung pagkocomputer. Mas naglalaan tayo ng oras sa mga walang kwentang bagay. Mas inuuna natin ito kesa sa mga bagay na nakatakda nating gawin. Tandaan natin na napakahalaga ng oras kaya dapat gamitin natin ito sa tama at wasto dahil ang bawat segundo ay napakahalaga.
TumugonBurahinTama, ang oras ay nasasayang lamang ng paganun ganun na lamang. Dapat tayong maging produktibo at dapat isipin natin na napakahalaga ng oras sapagkat ang mga nasayang na panahon ay hindi na muli pang maibabalik.
TumugonBurahinIpinapakita lamang dito ang gawain ng mga kabataan ngayon. Isa na dito ang pagkahilig gumamit ng social networking sites. Nakakatuwang basahin, dahil ito talaga ang realidad/gawain natin sa ngayon. Pero hindi mabuti na inuubos natin ang oras sa pagcocomputer, mas unahin natin ang para sa ating kinbukasan.
TumugonBurahinAng paglilibang ay hindi masama. Ngunit kung mas marami ang nagamit nating oras para sa pag lilibang siguro'y dapat na natin itong bawas bawasan.
TumugonBurahinWalang masama sa pagwawaldas ng panahon sa bagay na kinahihiligan basta ang panahon ginamit ay kakarampot lamang.
TumugonBurahinDahil sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas sa mga teknolohiya, nasisira na ang utak ng ilang kabataan sa mga computer games. Unti-unti nitong nilalason ang ating isipan hanggang sa dumating ang punto na wala ka nang magagawa dahil naadik ka na.
TumugonBurahinNakakaaliw to! Di maikukubli ng realidad na may mga bagay talaga na kahit alam mong walang pututunguhan e pinagbabalingan pa din nang oras kaysa sa mga bagay na may kabuluhan pero parati nating tinatangihan.
TumugonBurahinAng cute ng tula. Alam natin sa panahon ngayon ay ito ang uso o tinatawag nating "trending" kaya naman hindi natin maiwasan na makitrending rin. Pero minsan isipin natin na may mas importante pang bagay na gagawin kesa umupo lang at humarap sa computer..
TumugonBurahindahil sa mga makabagong teknolohiya, tayo ay natututong maging mas tamad dahil lubos tayong umaasa sa kagalingan ng kompyuter.
TumugonBurahinAng mga Pinoy ay sadyang mahilig maglaro! Kaso lang, ang iba jan ay nagiging masyadong absorbed sa nilalaro at hindi na namamalayan na lumipas ang mahalagang oras.
TumugonBurahinIsang eye-opener sa ating mga kabataan na sobrang nahihilig sa internet lalo sa mga social networking site.Na Dahil sa sobrang pagkahumaling natin dito ay napakaraming bagay na ang ating napapabayaan kasama na dito ang ating kalusugan.
TumugonBurahinAng mga Pilipino ngayon, lalo na ang mga estudyante na paguwi palang galing sa eskwela ay gumagamit na agad ng computer.
TumugonBurahinIsang eye-opener sa ating mga kabataan na sobrang nahihilig sa internet lalo sa mga social networking site
TumugonBurahinAng paglilibang ay hindi naman masama.. Nagiging masama lang ito kapag tayo ay nasosobrahan. Tandaang lahat ng sobra ay nakasasama. Matuto tayong magtimpi sa mga bagay-bagay.
TumugonBurahinHindi naman masama ang maglibang ngunit san ay marunong tayo magbalanse ng ating oras. Huwag natin ubusin ang oras sa paglilibang dahil mas marami ttayong mas mahalgang gawain kesa rito.
TumugonBurahinSa sobrang bilis ng pag usbong mga mga aplikasyon sa kompyuter ngayon ay nagagawa nitong kunin ang atensyon ng madami sa atin. Dahil sa ito ay bago sa tingin ng madami sa atin ay madaming nalilibang at nahuhumaling dito.
TumugonBurahinang tulang ito ay nangangahulugang ang oras lang ay nasasayang lang natin sa paglalaro lang ng walang kabuluhang bagay. kailangan rin nating maging produktibo para mas umunlad tayo.
TumugonBurahinMga libaangang kakaiba. pwede naman gawing katotohan upang totoong bunga ang makuha. nagsasayang ng oras, pera, kuryente.
TumugonBurahinIsang tulang angkop para sa mga batang patuloy na naaadik sa makabagong teknolohiya.Dahil sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas sa teknolohiya maramimg mga bata sa ngayon ang nalalason ang isip.
TumugonBurahinGanyan na talaga ang mga kabataan ngayon napaka adik na sa computer maski ang pagkain ay nililimutan matapos lang ang paglaro. kung nagtrabaho na lang sila o kaya nag-aral ay may mapapala pa sila sa kanilang kinabukasan kaysa naman sa nakaupo ka lang ang pinapayaman lang ay ang katamaran.
TumugonBurahinhindi masama maglaro ng online games basta't sisiguruhin natin na mabibigyan natin ito ng limitasyon.
TumugonBurahin