Ikaw ang ngiti sa mensahe
Sa dulo ng mga salita
May impit na damdaming sumisilay
Ikaw ang simbolo sa letra
Bawat linya at kurba
May indayog ng isip na kumikintal
Ikaw ang kabuuan sa salita
Bawat hati ng pantig
May bugso ng damdaming tumatalima
Ikaw ang kahulugan sa kayarian
Sa estruktura ng buhay
May balangkas ng bukas
Ang ngiti ay simbolo,
Ang kabuua’y kahulugan
Nagbigkis,
Nabuo ang larawan
Sumisilay, kumikintal,
tumatalima
Ang bukas ay Ikaw….
Isang tula tungkol sa ngiti. Isang creative ika nga. Ang galing! :D
TumugonBurahinSa isang ngiti mo lang , marami ka nang napapasayang tao sa paligid mo .
TumugonBurahinPaglalarawan ang ginawa ng may-akda . Inilarawan niya na sa tulong ng iyong nagkukumislap na ngiti ay nabubuo ang positibong hinaharap .
TumugonBurahinAng ngiti ay hindi lamang basta ngiti. Mayroon itong mahalagang papel na ginagampanan. Iyong mapapawi ang negatibong alalahanin. Gawin nating madalas ang pagngiti sapagkat hindi natin alam kung gaano kaganda ang maidudulot nito sa iyong pagkatao gayundin sa lipunang kinabibilangan mo.☺
TumugonBurahinGrabe, pagkabasa ko pa lang ng pamagat, napangiti na ko. Lalo pa nung nabasa ko yung nilalaman, ang ngiti mo pala ang makapagpapasaya sa ibang tao. :))
TumugonBurahinMaraming dahilan kung bakit ngumingiti ang isang tao. Ang ngiti ang siyang nagbibigay sigla, hindi lang sa ngumingiti kundi ang nginingitian dn. :)
TumugonBurahinHindi natin maiiwasan ang kung anong meron sa buhay , nasa tao na ang desisyon kung hahamakin niya ba ang mga ito ng may sigla at ngiti o nang may lungkot at simangot.
TumugonBurahinKakaiba ang ngiti...
TumugonBurahinNgumingiti ka kapag masaya ka, pero minsan ngumingiti ka kahit malungkot ka...
Maraming kapangyarihan ang ngiti! xD Nakakaapekto sa sarili at sa ibang tao!
NGITI. Isang makapangyarihang elemento. Kayang makapagpasaya ng ibang tao.
TumugonBurahinNgiti? Para sakin nakakaginhawa to. Nakakahawa din. Astig! Napakamakapangyarihan.
TumugonBurahinKeep smiling everyone. Have a nice day!
sa ngiti mo lang marami kang taong napapasaya
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinngiti ang kelangan ng isang tao para magpasaya ng ibang tao.. totoo yan'
TumugonBurahinAng ngiti ay isang makapangyarihang bagay, ito ay sumisimbolo sa kasiyahan. Ang kinabukasan ay kaya nating harapin basta may ngiti sa ating mga labi.
TumugonBurahinNapakatindi ng nagagawa ng ngiti, madaming naapektuhan sa isang ngiti lang. Tara ngiti. :)
TumugonBurahinMaraming nagagawa ang ngiti ng isang tao.
TumugonBurahinkahit ito ay simpleng gawain lamang, ito ay nagiging espesyal sa ibang tao :)
Mayroong isang tao sa mundo na magiging dahilan ng ating pag-ngiti. Ang taong ito din ang nagbibigay kahulugan sa ating buhay. Kahit payak lamang ang pag-ngiti, ito ay nagiging dahilan upang mabuo ang araw ng isang tao.
TumugonBurahinNgiti isang paraan na magpapasaya sa ibang tao
TumugonBurahinAng ngiti ay hindi lamang basta ngiti. Mayroon itong mahalagang papel na ginagampanan. Hindi natin nalalaman na dahil sa ating ngiti ay may mga tao tayong napapasaya at nabibigyan ng pag-asang mabuhay. Tayo'y ngumiti kahit na may problema. Gawin natin itong lakas upang harspin ang pagsubok ng buhay.
TumugonBurahinMaraming klase ng ngit. May ngiting plastic, ngiting pilit, ngiting aso, ngiting mahinhin at marami pang iba. pero anng pinakamagandang ngiti ay yung ngiting taos talaga sa puso. Yung walang halong kaplastikan.
TumugonBurahinIsang simpleng :)(ngiti) lang marami nang naidudulot iyon sa isang tao. Sa simpleng pagngiti mo lang maari mo nang gawing maganda ang araw ng isang taong masama ang gising hindi ba? :)
Nagbigay ito ng ngiti sa aking mukha. Tunay na malaki ang nagagawa ng ngiti. Nagbibigay ito ng saya sa ibang tao. Nagbibigay inspirasyon din ito. At ang mga ngiti na ito ay nagpapahilom sa sakit dulot ng problema, nakapagbibigay pag-asa sa mga tao. Kung kaya naman, lagi lang tayong ngumiti! SMILE!
TumugonBurahinmalaking bagay na ang magagawa ng isang simpleng ngiti. sabi nga kahit may problema ka ay ngumiti pa rin, sa pagngiti maaaring mahawahan mo ang damdamin ng iba at mapangiti din sila.
TumugonBurahinSa bawat araw sa ating buhay, hindi natin alam na sa bawat pag ngiti natin may natutulungan na pala tayo na maging positibo, may napapagaan na palang pusong sawi, o may unti unting nagmamahal satin ng palihim. Kaya ngiti lang!
TumugonBurahinAng isang simpleng ngiti ay nakakapagpabago ng lahat. Sabi nga ng ilan, kahit na anong problemang dumaan sa'yo, NGITI KA LANG...
TumugonBurahinTotoo talagang ngiti ang kailangan upang mapasaya ang kapwa natin. Pamagat palang napaisip na ako, ano kaya ang nilalaman nito? Maganda sa kabuuan ang nilalaman. Saludo!
TumugonBurahinsa panahon ngayon na napakaraming problema, kailangan natin na ngitian lahat ng iyon at ipagpatuloy ang buhay. Tayong mga Pilipino ay likas na masayahin kung kaya't madaling maakit ang ibang tao galing sa ibang bansa na tularan tayo :) isang dahilan din kung bakit proud akong isa akong PILIPINO.
TumugonBurahinMaraming nagagawa ang isang simpleng ngiti. Nakakapawi ito ng pagod at nakakapagpasigla sa ibang tao. Kaya naman huwag nating kalimutang ngumiti. :)
TumugonBurahinmakapangyarihan talaga ang NGITI...
TumugonBurahinibigay mo lang ito sa isang tao ay nakadudulot ka na ng ginhawa ng pakiramdam sa iba at maging sa iyong sarili... :)
Napakaganda ng paglalarawan ng may akda sa ngiti. Simple lang ngumiti, talagang napakadali, ngunit napakarami nitong nagagawa sa ibang tao. Lalo na sa mga taong minamahal ka ng lubos, mga taong ikaw ang nagsisilbing kanilang lakas. Kaya marapat lang parati tayong ngumiti may problema man o wala sapagkat ang ngiti ay napakahiwaga, napakamakapangyarihan kaya nitong baguhin ang ikot ng mundo.
TumugonBurahinAng 'NGITI' ay isang maiksi nguni magandang tula na nagpapakita ng importansya ng ngiti sa ating buhay. Ang ngiti ang nagbibigay lakas at buhay sa atin at ito ay makapagtatanggal ng pagod ng mga nakakakita nito.
TumugonBurahinNaipabatid sa akin ng Tula ang kahalagahan ng simpleng ngiti na nagdudulot sa bawat isa ng positive energy o good vibes:)
TumugonBurahin"Ikaw ang kabuuan sa salita
TumugonBurahinBawat hati ng pantig"
-Ang tamiiiiis! <3 'de seryoso, kung ako may manliligaw na ganito, nako! Hahaha. Joke. Pero sa totoo lang, nakakatouch yung pakiramdam na may magsasabi sa iyo ng ganyan. Kung ako, iaalay ko ito para sa Nanay ko. :)
Abigail V. Manalo
BS Psychology 1-4
Nangangahulugan na ang bawat ngiti ay may halaga. Ito ay pumupukaw ng damdamin ng tao at nakadudulot ito ng malaki sa pagbabago ng kalooban ng taong iyong makakasalamuha kaya kahit tayo ay may nararanasang problema wag nating kalimutan na ngumiti at maging masaya.
TumugonBurahinIpinahiwatig sa tulang ito kung gaano kaganda ang ngiti ng kanyang minamahal. Ikinumpara siya sa maraming magagagandang bagay. Kapag ginawan ka ng isang tao ng tula na tulad na ito, napaka swerte mo. ♥
TumugonBurahinAng tulang ito ay nagpapatungkol sa kahalagahan ng NGITI sa iyong labi at pagbibigay NGITI sa mga nakakasalamuha mo,ang ngiti ay sumisimbolo sa tuwang nararamdaman mo,dapat lagi tayong nakangiti dahil pumapawi ito ng problema at binibigyang kulay at buhay nito ang araw-araw nating pamumuhay.
TumugonBurahinSadyang makapangyarihan ang ngiti.Ito ay mahalaga dahil ipinapahiwatig nito ang iyong emosyon. Sa isang simpleng ngiti ay maaaring mawala ang iyong pagod lalo na kung manggagaling ito sa isang taong importante sayo. :)
TumugonBurahinSa simpleng ngiti, maaari ng makatulong sa ibang tao. Sa pamamagitan nito, maaari kang makapagpagaan ng loob ng iba, makapagpasaya ng iba o kaya naman maari kang makabuo ng araw gawa nito. Napakamakapangyarihan ng ngiti. Sa isang simpleng ngiti, maaari mahulog ang loob mo sa isang tao.
TumugonBurahinNGITI LANG. Hindi mo alam na sa bawat pag-ngiti mo, may mga tao kang napapasaya ng sobra.
TumugonBurahinNakakakilig namang basahin, ang sarap sa pakiramdam na may isang tao na mag-aalay sa'yo ng tulang katulad nito. :"D Hihi
TumugonBurahinSa isang NGITI mo sa isang tao ay maaari ng magbago ang kanyang mood. Kaya 'wag sana tayong magtipid sa pagngiti. :DD
TumugonBurahinSa ngiti pa lamang ay napapawi na ang pighati.
TumugonBurahinKaya Ngumiti pa, para lahat ng pusong nagdadalamhati ay Mapangiti sa pag-asang maibibigay ng susunod na panahon.
Sa simpleng ngiti na ibibigay natin sa isang tao ay maaaring maging malaking epekto na sa kanila. Maari tayong makapawi ng lumbay at makapagpagaan ng loob ng isang tao kilala man natin o hindi sa pamamagitan lamang ng pagngiti.
TumugonBurahinAng ngiti ay isang napakahalagang kasuotang dapat ipagmalaki. May ngipin man o wala, bata man o matanda, dapat lahat tayo ay ngumiti kahit anumang estado natin sa buhay.
TumugonBurahinHindi magiging kompleto ang iyong araw, kung hindi ka ngingiti.
TumugonBurahinNapakamakapangyarihan ng isang ngiti. Sa pamamagitan nito maari tayong magdulot ng kasiyahan sa ibang tao at pati na rin sa ating sarili. Ang pagsimula ng araw sa isang ngiti ay magandang gawain.
TumugonBurahinIsang ngiti lang katumbas na ng lakas para sa ibang tao.
TumugonBurahinMinsan ay kahit sa simpleng ngiti lang ay may mga tao na tayong napapasaya. At kahit gaano man tayo ka problemado ay wag nating hayaan na ang ngiti nating ay mawala dahil nakakapagpalakas rin ito ng loob natin at ng iba...
TumugonBurahinsining ng pag ingi. nakakahanga.
TumugonBurahinAng isang ngiti ay may kahuugan na agad. Magandang pakita natin o ibigay natin ang ating ngiti sa mga tong nakakapagpasaya at nagpapagaan ng ating kalooban. Ang tulang ito ay nagllarwan kung gaano kahalaga ang ngiti at ang kahulugan nito.Maganda.
TumugonBurahinAng pag ngiti ay isang libreng bagay na kung saan ay marami na agad itong napapasaya. Tunay na mahalaga ang pag ngiti ng isang tao dahil dito kumukuha ng lakas ng loob ang ibang tao. :)
TumugonBurahinSa ngiti pa lamang ng isa tao ay nakakagaan na ng loob.
TumugonBurahinnakakatuwang isipin na sa pamamagitan ng isang simpleng ngiti madaming pwedeng mangyare, nakakaaliw ang tula sa kabuuan
TumugonBurahinIsang ngiti lang talo lahat ng problema.
TumugonBurahinIsang bagay na nagbibigay lakas sa taong nakakakita nito at mabigyang galak kahit na nagpapahiwatig ang kanyang itsura ng pagdadalamhati.
TumugonBurahinKaya ngumiti at bigyang lakas ang iba at maging inspirasyon na maipagpatuloy ang bukas.
Anumang problema ang ating kaharapin, nawa ay hindi natin maiwala ang ngiti sa ating mga labi sapagkat dahil sa ating mga ngiti tayo ay lumalakas laban sa problema.
TumugonBurahin