Sabado, Mayo 5, 2012

Mayumi

Sa iyong pintig at galaw,
napapaisip ako
Nandyan ka na ba talaga?
parang misteryo pa rin.

Sa mabilog mong hugis,
ako'y napapangiti
Bakit nga ba?
Eh hindi naman kita nakikita?

Bawat araw ay puno ng kapanabikan
Sa mga indayog mong,
di ko maipaliwanag
Ahh! nahubog ka na nga!

Minsan tuloy ako'y nagtataka
Bakit bilog? hindi ba pwedeng tatsulok?
minsan ka ng tumulis at nanigas
hudyat ba iyon ng pagbabago ng hugis mo?
O ng pagod na nadarama habang nasa loob ka?

Nangangamba tuloy ako
dahil alam kong may nasasaktang iba..

Kayong dalawa,.. iisa,
Ikaw o siya?
Sino ang mahalaga?
bilog ka at siya'y imahe na,
Hindi usapin kung sino ang mahalaga..

Sa paghimas at pagpindot ko sa balat niya,
Ikaw ang aking nakakapa..
Ang mga galaw ninyo'y mahalaga,
nagbibigay sa akin ng sigla..
Ikaw at Siya..
Ako'y kumpleto na! 

35 komento:

  1. Para sa isang magulang, ang pagkakaroon ng panganay na anak o ilan pa ang kukumpleto sa buhay nila. Sa isang ama, ang makita anag kanyang asawa na dala dala ang malaking bolang tiyan na may lamang bata ay tila kasiyahan na. Sumasang ayon ako ng sabihin ng karakter na parehong matimbang, hindi kailangang pumili dahil sila ang kukumpleto sa buhay ng isang ama.

    -BsPsychology 1-4

    TumugonBurahin
  2. Isang napakalaking biyaya maituturing ang pagkakaroon ng supling . Marahil ito na yata ang kukumpleto sa buhay ng ating mga magulang , kaya't sa mga pagkakataong tayo'y kanilang inalagaan at inintindi , isang nag-uumapaw na SALAMAT dapat ang ating ihandog kalakip ang matamis na ngiti na nagpapahiwatig na kung wala sila'y tayo'y wala rin .

    TumugonBurahin
  3. Marahil ay ganyan na ganyan rin ang aking ina noong ako'y nasa sinapupunan niya. Kay sarap isipin na mayroon tayong ina na tayo'y mahal na mahal. :)

    TumugonBurahin
  4. Habang binabasa ko 'to, ako'y napapangiti at napapaisip "ganyan dn ba sa amin si mama?" Siguro oo, dahil lahat naman ng magulang ay mahal ang kanilang mga anak :) ang saya saya lng isipin kaya dapat mahalin natin ang ating mga magulang dahil di natin alam kung gaaano kalaki ang hirap na dinaranas nila para sa atin :)))

    TumugonBurahin
  5. Biglang pumasok sa isipan ang marahil katotohanang ganito din ang naramdaman noon ng aking Nanay nang ako'y nasa sinapupunan niya.Kaysarap isiping mayroon tayong mga Nanay na habang di pa tayo naisisilang ay mahal na mahal na mahal na kaagad tayo.

    TumugonBurahin
  6. nasasabik ang mga nanay sa pagdating ng biyaya sa kanilang buhay

    TumugonBurahin
  7. ang isang pamilya ay binubuo ng ama ,ina at m,ga anak. sa pagkasilang sa atin , nariyan ang lawak ng mga kita ng ating mga magulang lalo na ng ating mga ina. kaysarap isiping mayroon tayong mga Nanay na siyang nag-alaga mula ng tayo'y isinilang magpa-hanggang ngayon,

    TumugonBurahin
  8. Sa isang pamilya, isang kaligayahan ang magkaroon ng anak. Ang anak ang siyang nagpapasaya sa magulang. Tulad nga ng madalas na sinasabi ng bawat magulang eh, makita lamang nila at makapiling ang kanilang anak ay kaligayahan na para sa kanila.

    TumugonBurahin
  9. Kaligayahan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Para sa isang ina, liban sa pamilyang nag-aruga sa kanya, ang kanyang anak at asawa ang bumubuo sa kanyang pagkatao at buhay. Ito ang kaniyang kaligayahan at dahilan kung bakit siya ay nananatiling maliwanag at matingkad.

    TumugonBurahin
  10. Labis na tuwa ang mararamdaman ng isang magulang kapag ang kanyang anak ay naisilang na. hindi ko pa man ito naranasan ay nadama ko na nang mabasa ko ito.

    TumugonBurahin
  11. Marahil, lahat ng ina ay ganyan ang nararamdaman sa pagdating ng kanilang mga anak, mula sa kanilang mga sinapupunan hanggang sa paglabas nito sa totoong mundo.Kaligayahan para sa kanila ang mga anak, kaya kahit hindi pa man tayo nailalabas sa mundo ay mahal na mahal na nila tayo at sabik na sabik na silang makita tayo.Natitiyak ko, ganyan ang naramdaman ng nanay ko noong dumating ako sa buhay nila ng tatay ko.Sino bang magulang ang hindi matutuwa sa isang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos?Ang mga anak ay regalo sa mga magulang, sa parehong paraan na ang mga magulang ay regalo sa mga anak.

    TumugonBurahin
  12. Ipinapakita dito kung anong saya ng isang magulang sa pagdating ng kanilang magiging supling. Ito ay isang realidad na hindi maaring magbago, walang magulang na hindi masaya paglabas ng kanilang anghel. Kaya naman kung sa iyong tingin ay hindi ka mahal ng iyong mga magulan, diyan ka mali. Isipin mu lang ang pagaaruga nila sa iyo mula ng ikaw ay nasa sinapupunan pa hanggang paglaki mo. Napakaganda ng hatid ng tulang ito. XD

    TumugonBurahin
  13. iba talaga ang pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak. puno sila ng pananabik at pagmamahal para sa anak nila..
    kaya tayong mga anak dapat mahalin at pahalagahan natin ang mga magulang dahil wala tau dto sa undong to kung hindi dahil sa kanila..

    TumugonBurahin
  14. Hindi natin maipagkakaila ang ibinibigay na pagpapahalaga at pagmamahal ng bawat magulang natin. Kaya marapat na respetuhin, mahalin at alagaan sila gaya ng ginagawa nila sa atin. Ang bawat magulang sa mundo ay lubusang natutuwa sa pagkakaroon ng supling.:) Ang mga batang ito na biyaya ng Diyos ang siyang nagbibigay kulay sa buhay magasawa.

    -Mikhaela Andrea B. Calcita
    BSPsychology 1-4

    TumugonBurahin
  15. HAHAHAHAHA ! dispensa . Hindi ko pong mapigilang tumawa :D Hinihiling ko po na sanay wag naman puro tula tungkol sa kahirapan ang mabasa ko at ito ang sunod kong nabasa . Pasensiya na po talaga . hahaha . Ngunit alam ko naman po ang ibig-sabihin ng tulang ito . Natatawa lang po talaga ako . BASTA TUNGKOL ITO SA PAGBUBUNTIS .

    TumugonBurahin
  16. Nikka Patricia MarceloOktubre 18, 2012 nang 7:25 AM

    Ang anak ay sinasabing isang regalo ng Diyos sa mag-asawa. Kung kaya nama'y masasabi natin na ang isang anak ay napakahalaga sa mag-asawa lalong lalo na sa ina sapagkat dinala niya ang bata sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan. Kaya bilang ganti, nararapat lang na ang mga anak ay lubos na gumalang at magmahal sa kanilang mga magulang.

    TumugonBurahin
  17. Ang pagkakaroon ng supling ay isang biyayang maituturing galing sa Diyos. Ito ay dapat ingatan at pahalagahan hanggang sa araw ng kanyang paglabas. Ang tulang 'Mayumi' ay maganda ngunit para sa akin ang titulo nito ay hindi akma o hindi bumabagay sa tula na tungkol sa pagbubuntis.

    TumugonBurahin
  18. Hahahaha. Kala ko yung lalaki ikinukumpara sa isang gadget yung babae. Teka, hindi ko naintindihan ng maayos yung nais iparating ng tulang ito. Ano nga ba? :) Hahaha. Pero ewan ko ba... Iba naiisip kong kahulugan nito. Hmmmm.

    Abigail V. Manalo
    BS Psychology 1-4

    TumugonBurahin
  19. Nakakatuwa ang tula! Sinalamin dito ang pagmamahal ng magulang sa kanyang supling at ang matinding kaligayahan ng ama sa pag-aabang sa siyam na buwan na pagbubuntis ng kanyang butihin na asawa. Ang kanilang magiging anak ay isang mayuming biyaya ng Diyos na bunga ng kanilang pagmamahalan ngunit ipinakita din sa isipan ng ama na baka dahil sa labis na kasabikan sa kanilang magiging anak ay magdamdam mismo ang ina nito.

    TumugonBurahin
  20. Nung una ay hindi ko talaga maintindihan ang kahulugan ng tula. Marahil siguro ay inaantok na ko. HAHAHA pero ng basahin ko muli ito ay napagtanto ko na ito ay tungkol sa isang ina na labis ang pagpapahalaga sa kanyang supling.

    TumugonBurahin
  21. Napakaganda ng nais iparating. Mahirap itong intindihin, naka ilang ulit na ako ng basa kasi ang ang lalim. Tungkol sa babae na nagbubuntis. Hmmm. Galing ah.

    TumugonBurahin
  22. Tungkol ito sa isang ina na nananabik sa paglabas ng kanyang sanggol sa kanyang sinapupunan. Napakaganda ng mensahe ng tula. Sadyang walang kapanatay ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Dapat mahalin din natin ang ating ina tulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa atin.

    TumugonBurahin
  23. Naiiyak ako sa ganitong kwento. Ang aking naintindihan ay ito ang pagtatalo ng dalawang pusong ligaw tungkol sa pagtuloy ng pagbubuntis ng babae. Oo, nakakalito ang ganitong bagay, ngunit sana maisip nung lalake na lahat ng buhay ay mahalaga, at kung mawala man, anong ang sakit na iniwan nito sa babae? Alam ko ang pakiramdam nito. Ang aking pinsan ay nagbuntin nung siya ay 16 lamang. Ginusto ng lalake na ilaglag ang bata, ngunit itinuloy namin, at tinakbuhan ito ng lalake. Kahit ako, inisip kong ilaglag na lang, sa kadahilanang wala rin kaming pampakain, at tuluyang paghirap ng buhay. Ngunit, kung nakikita ko ang pamangkin ko ngayon, ako'y naluluha. Diyos ko, patawarin niyo sana ako, at tunay Ka ngang maawain, sapagkat binigyan Mo kami ng isang anghel. Walang kapantay ang mga ngiti ng tao sa paligid ng anghel na iyon. Sana, kung gagawin ang pagsiping, handa sana sa mga pwedeng mangyari, at tunay na mahalin ang isa't isa. Wag niyong iwan ang isa't isa sa panahon ng kasiyahan, o kasawian man.

    TumugonBurahin
  24. Inang nananabik sa panahong darating na ang kanyang kauna-unahang lakas at magpapasimula ng kanyang pagpupursige at patuloy na mabuhay ay mailabas sa mundong ibabaw, ang kanyang Anak.

    TumugonBurahin
  25. Nahirapan ako sa pagunawa ng mensahe sa tula pero nuog paulit-ulit ko nang nabasa ay naunawaan ko na. May mga bagay talaga ng nakakapanabik at nakakahamon sa magkaparehas na panahon. Nakakatuwa lang. :))))

    TumugonBurahin
  26. Hindi ko pa masyado naiintindihan ngunit base sa konteksto ng tula ay masasabi kong masaya ang pamilyang ito. Marami pa kayang pamilya sa Pilipinas ang nananatiling may matatag na samahan lalu na't sa panahon ngayon ay pabata na ng pabata ang nagpapamilya? Wari ko lang

    TumugonBurahin
  27. Isang amang masaya na dahil walang nangyari sa kanyang mag-ina. Tila isang sakripisyo sa ina ang pagdadala ng bata sa loob ng sinapupunan sa loob ng siyam na buwan. Kita ito ng asawa. Kaya dulot nito'y saya kpag lumabas na.

    TumugonBurahin
  28. masarap sa pakiramdam na kahit nasa sinapupunan ka pa ng iyong ina ay nararamdaman mo na ang pagmamahal nila.

    TumugonBurahin
  29. Napapangiti ako habang binabasa ito. Ang magiging nanay ay mahal na ang anak kahit bago pa ito ipanganak. :))

    TumugonBurahin
  30. Sa simula ay medyo hindi ko naunawaan ang nais nitong ipahayah ngunit ng basahin ko ito uli ay naintindihan ko rin. Nakakatuwa rin ito dahil talgang masarap sa pakiramdam ang isang ina na makapiling ang anak niya.

    TumugonBurahin
  31. ang salita ay makapangyarihan dahil tinataglay nito ang emosyon ng tao gaya dito sa tula. damang dama ang nararamdaman ng manunulat sa bawat linya ng tula

    TumugonBurahin
  32. Ang pagkakaroon ng bata sa sinapupunan ay isang malaking biyaya sa ating Diyos. Binigyan niya tayo ng chansa at oportunidad na magpalaki ng maayos tulad ng pagpapalaki ng ating magulang sa atin.

    TumugonBurahin
  33. nakakatuwang isipin na ganyan pala ang mga magulang natin noong tayo ay nasa loob pa. nananabik, mahal na mahal tayo. pero nakakalungkot din na konti pa lang ang taong nakakarealized nito at patuloy na sinasaktan ang damdamin ng kanyang magulang.

    TumugonBurahin
  34. Masaya ang pagkakaroon nang napakalaking biyaya maituturing ang pagkakaroon ng anak para sa magasawa. siguro ito na ang makakabuo sa buhay ng mag-asawa. at dahil na rin sa kanila nandito tayo, inalagaan pinalaki at pinagmalasakitan nila tayo kaya't nararapat lang na sila ay ating pasalamatan.

    TumugonBurahin
  35. Aminin ko sige, na-green ako nung una kong mabasa. Di ko s'ya naintindihan nung una. Nung binasa ko ulit, ayun, nakuha ko na. Maganda. Nakakatats.

    TumugonBurahin