Sabado, Mayo 5, 2012

PG

Namimilog ang matang nakatanaw,
ang batang marungis,
sa mamantika't nangangamoy
na manok sa ibabaw
ng nagbabagang ihawan
sa Quezon Ave..

Nanlisik ang mata ng tindera
at itinaboy ang paslit
Nag-ipon ng malapot na likido
ang habag,
sabay lunok..
pamawi sa mithing pangarap
na naunsyami
at nagwika,
" 'la yang enta,
mamya chichibog din 'ko nyan
jalibi pa!"

Tumalikod ang bata
tangan ang kalawanging kalaykay...

53 komento:

  1. Kung marunong lang sanang kontrolin ng pera ang pag-iisip ng tao na wag maging sakim pero wag umabuso ang mga naaabuso. Kung marunong lang sana ang taong maawa paminsan-minsan.

    TumugonBurahin
  2. Masyado pa ring mapait ang mundo para sa mga taong hindi dapat nakakaranas nito . Musmos pa lamang ay nag-aalay na ng pawis at dugo para lang malagyan ang kumakalam na tiyan . Habang ang mga pasarap sa buhay ay nag-aaksaya na dapat ay ibinibigay sa iba .

    TumugonBurahin
  3. Di perpekto ang mundo . Siguro'y ang ilan ay sobrang yaman habang nag-uumapaw naman ang sobrang hirap . Dahil nga sa kahirapan , pati mga batang wala pang alam ay kinakailangan na ring humingi ng limos at magmakaawa sa mga taong tila walang nakikita . Kaya't wag sayangin ang pagkakataong meron ang bawat isa sapagkat di lahat nabibiyayaan ng katulad mong oportunidad .

    TumugonBurahin
  4. Mariel Joyce Dullas PortilloOktubre 16, 2012 nang 5:29 PM

    Hindi lingid sa atin ang mga taong sadlak sa kahirapan. Nagkalat ang mga pulubi sa lansangan. Sila ay salat sa karangyaan. Sila ay hindi nakatatamo ng edukasyon. Sila ay nakararanas ng matinding kagutuman. Ang batang marungis sa tula ay isang sa mga ito. Sa panahon ngayon, ang mahirap ay patuloy n nasasadlak. Ang mga mayayaman ay patuloy sa paglago. Sa halip na tulungan ang mahihirap na ito ay itinutulak pa nga. Nakapanlulumong labis ang ganitong mga pangyayari sa lipunan.

    TumugonBurahin
  5. Nakakaawa naman yung bata. :'(
    Marami akong nakikitang ganyan sa lansangan. Asan kaya yung mga magulang nila? Disin sana ay nabibigyan sila ng maayos na buhay.

    TumugonBurahin
  6. Nakakalungkot ang dinaranas ng bata pero gusto ko yung sinabi niyang " 'la yang enta, mamya chichibog din 'ko nyan jalibi pa!". Kahit anong hirap ang dinaranas niya,kahit di siya nakakakain sa tamang oras ay hindi siya gumagawa ng masama, sa halip nagagawa pa rin niyang mangarap.

    TumugonBurahin
  7. mahirap mamuhay nang walang pamilyang kinalakhan.
    mahirap kapag walang magulang na sumusubaybay sa iyo.
    ngunit isang pagsaludo ang aking ibinibigay sa mga batang tinitiis ang ganitong uri ng buhay.

    may mga anak diyan na hindi pinahahalagahan ang mga magulang nila.
    nagagalit pa nga sa tuwing hindi naibibigay ang gusto nila. hindi ba nila naisip na habnag sila'y nagagalit sa mga magulang na nagpapakahirap ay may mga batang nagtitiis sa hirap dahil nangungulila sa mga magulang?

    TumugonBurahin
  8. Ang aking inaakala n ang bata ay magnanakaw ng pagkain ngunit ako ay nagkamali , mas ginawa ng bata ang nakabubuti at umiwas sa tukso na ibinibigay ng buhay sa kanya.

    TumugonBurahin
  9. Isang halimbawa ng diskriminasyon ang akdang aking nabasa. Maaaring hindi ito gawin ng tindera kung ibang tao iyon. Simbolo na rin ito ng kahirapan sa buhay, kawalan ng responsibilidad at kawalang galang sa kapwa. Kawalan ng responsibilidad ito ng mga magulang. Maaaring hindi dadanas ang mga susunod na henerasyon kung magiging lubos na responsable ang mga gaganap sa hernerasyon na ito. Magbubunga ito ng khirapan at magbubunsod sa mga masasamang gawi mg tao.

    TumugonBurahin
  10. Sa mga palabas, madalas akong may makitang ganitong eksena. Ang mga pangarap o hangarin ng isang tao ay matutupad, basta palagi niya lang panghawakan ang mga bagay na naiisip niyang mararanasan din niya pagdating ng panahon. Wag mawalan ng pag-asa.

    TumugonBurahin
  11. kung marunong lang magsumikap ang tao makukha nya ang gusto nya

    TumugonBurahin
  12. Sa halip na ipagtabuyan natin ang mga musmos na bata, tulungan na lang natin sila. Huwag natin maliitin ang mga batang ito dahil sila ay dapat natin gayahin sapagkat ipinapakita nilang pagsisikap at lakas ng loob sa pagharap ng mga problema sa pang araw-araw. Nakakatuwa ang batang kagaya niya kasi kahit sobrang hirap ng pinagdadaanan niya ay hindi parin siya gumagawa ng masama katulad ng pagnanakaw. Sa halip, pinipilit niyang mangalakal para magkaroon ng pera upang makabili ng pagkain. Humanga ako sa batang iyon dahil sa pinakita niyang ugali at lakas ng loob. Hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang ating mga pangarap sa buhay.

    TumugonBurahin
  13. Hindi dapat nating itaboy ang mga nangangailangan sa halip ay tulungan natin sila. Ang mga kapos sa buhay ay dapat tunlungan ng mga nakakaangat.

    TumugonBurahin
  14. Hindi sa lahat ng pagkakataon na makakikita tayo ng taong kapos at mukhang mahirap, eh aabusuhin natin ito at pandidirihan. Pantay-pantay lang tayo. Magtulungan dapat.

    TumugonBurahin
  15. Magandang araw po Ginoong Jomar Adaya!!!

    Dahil demokratiko tayong bansa, bayaan ninyong maipahayag ko ang aking damdamin sa iyong akda. Wala akong gustong maargabyado sa pagsulat ko ng kumentong ito.

    Sana ay mabasa ang kaluinos-lunos na sitwasyong iyong inilarawan sa mga tumututol sa RH Bill. Dangan at sila'y kadalasang nakaririwasa, hindi man lamang narurumihan ng alikabok ang mga kamay, hindi man lang nakaranas ng kalam ng sikmura at higit sa lahat hindi kahit kailan naranasan ang tunay na salamin ng karukhaan katulad ng batang iyong karakter kaya ganoon na lamang ang kanilang paninindigan.

    Isang magandang pagsasalamin sa kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan ang iyong akda.

    -Marc-

    TumugonBurahin
  16. Nakakalungkot isipin na ganito talaga ang katotohanan o ganito talaga ang nangyayari sa ating paligid ngayon, may diskriminasyon sa pagitan ng mga taong nakakariwasa at sa mga mahihirap.

    Kahit anong pilit natin o kahit anong gawin natin hindi na maiiaalis ang malaking harang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Ang masasabi ko lang, hindi sa lahat ng pagkakataon magiging pantay ang pagtingin sa mga mahihirap at mayayaman. Kalimitan ay mayayaman lamang ang mas pinapaboran ng lahat at laging naiitsepwera tayong mahihirap.

    TumugonBurahin
  17. Nakakalungkot isipin na marami pa ring mga magulang ang pinapabayaan ang kanilang mga anak sa lansangan. Nagpapalaboy-laboy,nagpapalakad-lakad at nabibilad sa araw. Hindi ba nila naiisip ang kapahamakang maaaring mangyari sa kanilang mga supling? kaawa-awang mga bata na tila naghihintay sa kaunting pagkaing makikita sa lansangan.

    TumugonBurahin
  18. Mayroon talagang mga tao na madamot sa kaniyang kapwa. Mistulang maghihirap sila kapag sila ay nagbahagi ng kaunting tulong sa kapwa. Subalit, may mga taong napagdamutan na nananatiling positibo sa buhay at hindi hinahayaang lamunin ng inggit ang kanilang pagkatao.

    TumugonBurahin
  19. Marami talaga sa ating lipunan ang mga batang palaboy na mahilig tumingin sa tinda sa kalye. Ang kanilang mga mata nalang ang kanilang binubusog dahil hindi makabili sa sobrang kakapusan, pagpapalimos na nga lang ang ibinubuhay sa sarili. Dapat ay mas pag-igihin ng ating pamahalaan ang kanilang mga programa na lalaban sa kahirapan para wala nang maghirap at mabusog lamang sa tingin tulad ng batang takam sa iniihaw na manok.

    TumugonBurahin
  20. Ako ay nalulungkot sa tuwing makakakita ako ng mga batang nagugutom ngunit itinataboy lang. Tulad sa ating lipunan, hindi tanggap sa atin ang mga madudungis na puslit tulad ng nasa tula dahil ang tingin natin ay manggugulo lamang ito sa atin. Ang munti nilang pangarap ay hindi nabibigyang tugon. Makakain man lang ng masarap na pagkain. :( Sana ay magkaroon ng aksyon ukol dito ang ating pamahalaan, o kahit tayong mga simpleng mamamayan ay maari ring makatulong.

    TumugonBurahin
  21. nakakaawa ang mga batang palaboylaboy lang sa kalsada at walang makain, sumisipatsipat sa mga kainan sa paligid upang kahit papaano'y kahit kanilang mga matay mabusog.. nahinuha ko na ang nais ipahiwatig ng manunulat ang nakakaawang buhay ng mga kabataang palaboylaboy at walang makain.

    TumugonBurahin
  22. nakakaawa talaga ang mga batang nasa lansangan . imbis na nasa bahay sila, naglalaro, at inienjoy ang pagiging bata, nasa kalsada sila at humihingi ng limos para may mapangkain sa araw-araw..

    TumugonBurahin
  23. Nakakaawa ang mga batang palaboy na minsa'y hinahayaan lang ng kanilang magulang na mamalimos ng pagkain, at kaawaan ng lahat. Hindi man lamang nila maebjoy ang ganda ng buhay habang bata pa lamang sila

    TumugonBurahin
  24. nakakaawa ang mga batang palaboy laboy sa lansangan na nanghihingi ng limos dahil sa walang magulang na sumusubaybay sa kanila.

    TumugonBurahin
  25. Patay gutom? ito ba ang ibig sabihin ng PG? Kung hindi ako nagkakamali. Nakakahabag makakita ng ganyang uri ng bata. Sa sobrang hirap ng buhay ngayon pati mga bata ay nagtatrabaho upang makasalba sa buhay. Aling Tindera, MAGBAGO KA NA!

    TumugonBurahin
  26. Napapanahon ang lahat ng tula ng may-akda, nag-papakita ng tunay na kulay ng isang dukhang Pilipino....

    TumugonBurahin
  27. sa isang banda tama rin naman ang ginawa ni aling tindera...sa panahomn kasi ngayon ,mga bata na ang ginagamit ng mga sindikato sa mga bagy na gusto nilang makuha..iniisip kasi nila na mas mabuti ito dahil kaawa awa ang mga bata.. pati ang mga bata tuloy ngayon ay umaalingasaw sa baho ang ugali dahil din sa paligod nila..
    bata bata pa marunong ng magmura!

    TumugonBurahin
  28. Nikka Patricia MarceloOktubre 18, 2012 nang 7:40 AM

    Maraming mga batang lansangan ang nakakaranas ng ganito sa panahon ngayon. Totoong nakakaawang tingnan ang mga batang ito. Hindi natin sila masisisi sa mga nangyayari sa kanila. Kaya naman sana'y matulungan ng mga nakakaangat ang mga batang ito. Gaya na lamang ng tindera sa kwento, mas may kakayahan siyang bumili ng masasarap ng pagkain di tulad ng bata ngunit tinaboy niya lamang ito. Hindi ba niya naisip ang mga maaaring mangyari kapag nagutom ang bata? Marami siyang pwedeng gawin at ang karamihan dito ay masama. Sana'y kahit papaano'y tinulungan niya ito.

    TumugonBurahin
  29. Hindi natin dapat binabase ang paghusga sa isang tao sa panlabas nitong anyo. Sa tulang ito na 'PG', ipinapakita na sa mundong ito hindi maiiwasan ang paghuhusga sa kapwa lalo na kung kaligtasan ang pinag-uusapan. Ngunit hindi rin naman sa lahat ng oras ay dapat ibase sa panlabas na kaanyuhan ang itsura ng isang tao.

    TumugonBurahin
  30. Madalas ako makakita ng mga gantong eksena. Mga batang hanggang tingin na lamang tulad ng mga paslit na nakatitig sa mga taong kumakain sa mga Restawrant, nag aasam na balang araw na sila naman ang uupo sa lugar na iyon at makakapamili ng kahit anong gusto nilang kainin ngunit dahil sa kahirapan ay hindi ito nabibigyang pagkakataon. Karaniwan na din ang ikinilos ng tindera dahil kahit itanggi man natin ay ganun ang mga kadalasang nangyayari.

    TumugonBurahin
  31. Kung oobserbahan natin ang Pilipinas ngayon,maraming mga kabataan ang nagbabanat ng buto,hindi ba't masama para sa atin yun?bata pa lamang nag aalay na ng dugo,pawis at laman,para lamang may pantustos sa araw-araw,hindi katangggap tanggap ang pag iwan ng kanilang mga magulang sa kanila.Huwag tayong manghusga ng isang tao na naayon sa pisikal na anyo.

    TumugonBurahin
  32. Nakakaawa ang kalagayan ng bata. Madalas akong makakita ng ganyang mga bata. Naiisip ko kung nasan ba ang kanlang mga magulang. Bakit sila pinapabayan ng mga ito. Nakakalungkot dahil imbes na maawa ang tindera ay itinaboy pa nya ang bata. Kaya siguro ito pinamagatang PG dahil ayon sa pagkakadescribe sa itsura ng bata. Makikita na hindi nakakakain ng ganitong klaseng pagkain ang bata.

    TumugonBurahin
  33. Napakaswerte ko, sapagkat nagkakaroon ako ng pagkakataon na makakain ng tatlong beses sa isang araw, minsan ay lima pa nga kung may merienda. Nakakahabag, maraming nagtatapon at nagsasayang ng pagkain sa kabila ng paghihirap ng iba sa pagkayod upang maiahon lang ang pananghalian ng pamilya.

    TumugonBurahin
  34. Dahil sa kahirapan, maraming mga kabataan ngayon ang hanggang pangarap na lamang ang pagbili ng mga masasarap na pagkain. Ang iba nga ay sa basurahan na kumukuha ng makakain upang matikman lamang ang mga masasarap na pagkain. Hindi dapat tayo mag-bulag-bulagan sa mga nangyayari sa lipunan. Kailangang maging bahagi tayo sa pagpapaunlad nito. :DD

    TumugonBurahin
  35. Batang nagpupursige para gutom ay mapawi. Naisipang pangarapin ang makatikim ng sarap na mamahalin, isang mithiin na nagbibigay pag-asa na sya'y makakaahon din.

    TumugonBurahin
  36. May mga tao talaga na na sadyang hirap magbigay ng kahit kaunting tulong sa mga taong nangangailangan. Dpat ay matutunan natin na tumulong sa ating kapwa lalo na kung sila ay nangangailangan at walang-wala sa buhay.

    TumugonBurahin
  37. Sa panahong ito maraming mga bata ang patuloy na nagugutom dahil sa kahirapan,ngunit akoy natutuwa dahil sa sitwasyn niyang iyon nakuha niya pang magbiro.

    TumugonBurahin
  38. Nakakahabag na kaunting mamamayan na lamang ang marunong magmalasakit. Pero kung iisipin ko naman na ako'y minsan naging mapagkubli ring maging biyaya sa iba. Pero ngayong alam ko na, dapat kahit anong estado kahit sino marunong tayong maging biyaya dahil kung kahit saan man nila gamitin iyon ang Diyos ang bahala sa kanila.

    TumugonBurahin
  39. Mas maganda ng pang bigyan ang mga batang nagugutom ng mga pagkain, kesa bigyan ng pera, na maaari pa nila gamitin sa masamang gawain.

    TumugonBurahin
  40. Nakakalungkot isipin na may mga batang nagugutom at hindi nakakakain ng maayos. Minsan kahit sa simpleng pagbigay lang ng tirang pagkain ay maipamahagi natin sa kanila..

    TumugonBurahin
  41. isang katotohanan na nangyayari ngayon. sa kahirapan ng buhay ay maraming bata ang nagugutom at hindi nila iyon kasalanan. kawawa ang mga kabataan, na kakainin lamang ay tira-tira.

    TumugonBurahin
  42. hindi sagot ang sugal sa kahirapan. walang kasiguraduhan dito.

    TumugonBurahin
  43. Ito ay nangyayari ngayon. Talamak sa tabi-tabi. Marami at dumarami na ang musmos na batang ganito. Nais lang ay mapunan ang nagugutom na kalamnan. Ano ba naman ang kapiraso na ibibigay natin sa kanila? Nakatulong ka na, nakapagpasaya ka pa.

    TumugonBurahin
  44. Nakakalungkot ang kondisyon ng bata pero nakakmangha parin ang pagiging positibo ng pananaw ng bata. Sana ganito tayong lahat, hindi nawawalan ng pag-asa at laging positibo ang pananaw sa buhay.

    TumugonBurahin
  45. Sa buong Pilipinas, mas marami ang maralita kaysa sa mga mayayaman!
    Nakakaawa ang bata...palaboy-laboy sa lansangan...
    Pero dapat magsumikap siya! Makakaahon din siya kung magtitiwala siya sa Diyos at sa kanyang sarili...

    TumugonBurahin
  46. kung pinagtutuunan lamang ng gobyerno ang masang inaapi at naghihirap, wala sanang ganito ngayon sa lipunan

    TumugonBurahin
  47. ang tao talaga ang gumagawa ng kanyang kapalaran, di dapat nating sisihin an g iba sa pagkakamaling nagawa natin.

    TumugonBurahin
  48. Kung minsan nag aaakala tayong masama na isang ato dahil nagiging basehan na natin ang itsura ngunit hindi lahat ay ganoon kung minsan nakakisip tayo ng mga masasamang bagay dahil sa ganung kalgayan nila pero minsan din nga iisipin pa naitn kung tutulungan ba natin sila o hindi. Sabi nga nila kung mag=bibigay ka di mo na dapat pag isipan pa kung ibibigay mo yun o hindi dahil sa ganoong pananaw ay naka pang huihusga na tayo.

    TumugonBurahin
  49. Isang batang nangangarap ng bagay na nagbibigay ng lakas para sa kanya na maipagpatuloy ang pamumuhay at marating ang sinasabing "Makakaahon din ako"

    TumugonBurahin
  50. badtrip yung mga taong walang awa sa mahihirap . Tingin lang magagalit na ? hindi pa nga ninanakaw yung paninda niya makasaway, wagas na . Nakakahigh-blood yung manang ! haha

    TumugonBurahin
  51. PG o Patay-Gutom. Kawawa naman ang mga batang nanlilimot. Di masamang magbigay. ANg sabi ng tatay ko, wag mo sila bigyan ng pera, bigyan mo ng pagkaen. Wag lang din mapihasaan ang ganyan kasi baka balik-balikan kayo at sa inyo na lang umasa. Gumawa din ng paraan upang tama ang ibigay na tulong. Bakit kaya ang mga taga DSWD, hindi inaatupag ang mga batang lansangan?

    TumugonBurahin
  52. Nangyayari din ang kwentong ito sa relidad ng ating buhay. Maraming mga bata na sa murang edad pa lamang ay nangangalakal na ng basura upang may ipangbili ng pagkain. Kailan kaya sila makakatikim ng masasarap na pagkain?

    TumugonBurahin
  53. kawawa naman ang batang ganito sapagkat siya ay walang makain. Pero nang sinabi ng bata na jalibi pa ay totoo dahil minsan may mga tao paring mapagbigay dahil binibigyan nila ng tulong ang mga ganitong batang naguguton.

    TumugonBurahin