Huwebes, Mayo 24, 2012

SIKRETONG MALUPIT



Pinihit niya ang gripo. Bumasag sa katahimikan ang tunog ng tubig na pumapatak sa baldeng walang laman. May kumislap na bagay. Bahagyang nagliwanag. Humithit. Nagningas ang baga papalapit sa kanyang labi. Dumaloy ang usok sa lalamunan patungo sa baga. Saglit na ibinabad. Unti-unting ibinuga. Dahandahan. May indayog ang mabagal na paggalaw sa patay na hangin.

Lumaya ang isip. Ang puso niya’y bumilis ang pintig. Kumawala sa taimtim na sandali ang tuwa sa lahat ng kimkim. Lumabas sa katawan ang hindi mapigilang gigil. Hithit. Buga. Hithit. Buga. Paulit-ulit.

Unti-unting pumatak ang latak ng bituka kasabay ang pagpatak ng malamig na pawis. Sa wakas, nakaraos din. Makapal na ang puting usok sa kulob na silid.

Bumasag sa taimtim na sandali ang malalakas at sunod-sunod na katok sa pinto. Kasunod ang bulyaw ng pamilyar na tinig. “Hoy Junior! ‘Kaw bata ka! Anong petsa na? Kaninang-kanina ka pa dyan!!”

“Lalabas na ho! Maghuhugas lang, saglit!”
 
Nilamon ng trono ang kanyang sikreto.

93 komento:

  1. Marami na sa kabataan ngayon ang nalululong sa masamang bisyo . Bawal man ay pilit pa rin nilang ginagawa ng hindi nalalaman ng kanilang mga magulang .

    TumugonBurahin
  2. Usong-uso sa mga kabataan sa kasalukuyan ang paghithit ng sigarilyo maging pag-inom ng alak kasama ang kanilang kanya-kanyang barkada. Di nila alintana ang sakit na katapat ng kanilang bisyo at ang pasakit na dala nila sa kanilang mga magulang . Di rin nila batid ang maaaring polusyong dulot ng usok sa kanilang sigarilyo na pati kanilang lipunan ay tahasang naaapektuhan .

    TumugonBurahin
  3. Tsk.tsk. iba na nga ang mga kabataan ngayon, bata pa lamang ay marunong ng humithit ng sigarilyo. Sana mapagtanto nila na ang paggamit nito ay masama at sa bawat hithit buga nilang ginagawa, nababawasan ang nalalabing panahon nila sa mundo.

    TumugonBurahin
  4. Hindi na natin maipaliwanag ang panahon ngayon. Biruin nyo maging ang kabataan ngayon ay marunong nang magsigarilyo? Lubhang malala na talaga ang panahon ngayon. Bakit kaya hindi na lang nila gamitin ang sandaling iyon sa mas kapaki-pakinabang na gawain?

    TumugonBurahin
  5. pilit na kinikubli ang malupit nyang sikreto na ang masamang bisyo. hindi na ito sa mga kabataan ngayon at sa kasalukuyang henerasyon. kahit anong pilit ng mga magulang na paghigpitan ang kanilang mga anak na wag ion gawin, sadyang gagawa at gagwa talaga ng paraan ang anak masolusyunan lang ang pangangailangan ng katawan at yon ay ang bisyo nyang walang dinulot na kabutihan kundi ang sakait na pwedeng mauwi sa kamatayan balang araw.

    TumugonBurahin
  6. Marami na talaga ang nahuhumaling sa mga masasamang bisyo tulad ng paninigarilyo. Mapababae man o mapalalaking kabataan ay marunong nito. Kahit alam naman nila kung ano ang pwedeng maging epekto nito sa ating kalusugan ay balewala lng sa kanila, patuloy pa rin nilang ginagawa.

    TumugonBurahin
  7. Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon. bakit kaya nahuhualing sila sa mga ganitong gawain kahit alam nlang mkakasama ito sa kanilang kalusugan. Tinatago pa nila ito sa kanilang mga magulang!. . hay naku sana makita na nila ang liwanag at tigilan na ang walang patutunguhang bisyo nila. . . .

    TumugonBurahin
  8. Nakatutuwang basahin sapagkat ang isang simpleng gawain sa pang-araw-araw nating buhay ay maari pa lang lapatan ng magandang akda. Mahusay ang paglalarawan at pagsasalaysay sa mga pangyayari. Marami ang hindi makapaghihinuha ng tunay na laman nito. :DDD

    TumugonBurahin
  9. Nakatutuwa ang kwentong ito ! Maraming tumatakbo sa isipan ko habang nagbabasa ako: nagyoyosi, nagddroga atbp. ! Ayon pala ay nais nya lang pagbigyan ang tawag ng kalikasan !

    Kung mayroong hindi nakakuha ng tunay layunin ng may-akda, simple lang, ang mang-aliw.

    Magaling po ! :)

    TumugonBurahin
  10. Nakakatuwa ang kwento. Sa una'y aakalain mong seryoso ang nais nitong iparating pero hindi pala. Isinalaysay lamang pala ang pagsagot sa tawag ng kalikasan !! hahaha !

    TumugonBurahin
  11. Kakaiba na talaga ang mga tao ngayon , lahat na ay sinusubukan.Maging ang mga bata ay wala na ring patid sa pagsubok sa mga bisyong nakakasasama sa kalusugan.Sana ay mag iba na ang ihip ng panahon ngayon na kung saan tayo ay magising sa mga maling ating ginagawa.

    TumugonBurahin
  12. Sumisimbolo ang banyo nito upang takpan ang aniyang "sikeretong malupet" ng kabataang nabanggit. Sa pagkakakulong niya sa loob ng silid na iyon maaaring masabi nating rebelyon ang tawag dito. Para sa akin totoo na hindi nalalaman ng mhga magulang ang ganitong mga gawain ng kanilang mga anak dahil na rin sa kakulangan ng oras sa isa't isa. Makikinita na sa paghithit nito sa kanyang yosi ay kaloob ang problema na nais nitong palipasin. Sa pag"flash" nito ay lalabas siya ulit na parang walang nangyari at kikimkimin ang lahat lahat sa kanyang sarili.

    TumugonBurahin
  13. Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang gumagamit ng bisyo. Bakit nga ba? Dahil sa problema? Dahil napilitan? O kaya'y nag-try lang tapos di na mapigilan?

    Ang masama pa ay tinatago ang bisyo. Sa maikling kwentong ito, ano kaya ang mangyayari? Itatago niya ba buong buhay niya o hihintayin niya na may masamang mangyari bago ipaalam niya sa iba? Paglabas niya ng banyo magkukunwari na walang ginagawa. Sikretong malupit nga naman...

    TumugonBurahin
  14. Sa paglipas ng araw, marami ng bagay ang naiisip gawin ngayon ng mga tao. Lalo na ang mga ibang kabataan ngayon.

    TumugonBurahin
  15. Pagpapakita ito sa kabataan na itinatago ang mga bisyo nila. Minsan ay nabibisto ang iba, minsan ay nakatago parin. Nakakalungkot dahil minsan hindi natin napapansin o pinapansin.

    TumugonBurahin
  16. sa mga panahon ngayon mga bata pa lang ay marami ng mga bisyo

    TumugonBurahin
  17. Marami na talagang kabataan ang may mga bisyo ngayon at sadyang malilihim din. Sana maging responsable ang mga magulang at ilayo sila sa mga bisyo na magdudulot lang ng hindi maganda. Dapat din na malapit ang mga magulang sa mga anak upang hindi ito maglihim sa kanila at maiiwasan ang mga hindi magagandang pangyayari dahil sa mga lihim na iyan.

    TumugonBurahin
  18. camille orogo, bspsy 1-4Oktubre 17, 2012 nang 3:52 AM

    ang mga ganitong sitwasyon ay nararapat lamang na baguhin natin ngayon.. Kung iisipin para din sa atin ang ikabubuti nito.

    TumugonBurahin
  19. Marami na talagang bisyo ang kabataan ngayon madalas tago ito sa mga magulang nila. Nakakalungkot na kahit makita sila at pagsabihan hindi parin sila titigil, maghahanap lang sila ng bagong taguan tapos ipapatuloy ito.

    TumugonBurahin
  20. maraming kabataan na ngayon ang may mga bisyo at madalas na naglilihim pa sila sa kanilang mga magulang..isa sa dahilan ng paglilihim ng mga batang ito ang kakulangan sa oras sa kanila ng kanilang mga magulang. kinakailangan nila ng gabay na kanilang mga magulang.

    TumugonBurahin
  21. Marami na sa kabataan ngayon ang nalululong sa masamang bisyo. Sa kanilang murang edad ay gumagawa sila ng mga bagay na hindi karapat dapat.

    TumugonBurahin
  22. nakakatuwa ang kwento .. ang dami kong naiisip sa unang pagbasa q pa lamang , ngunit ng dumating na sa dulo.. haha .. sadyang nakakaaliw ang inyong akda :))

    TumugonBurahin
  23. Nakakalungkot isipin na ang mga kabataan ngayon ay nalululong na sa masamang bisyo gayung sila'y nasa mura pa lamang na edad.Tinatago dahil takot mapagalitan. Natatakot silang harapin ang kanilang magulang dahil alam nilang sila ay mali.

    TumugonBurahin
  24. Marami sa kabataan ngayon ang nalululong sa masamang bisyo tulad ng droga at paninigarilyo. Hindi ba nila alam ang kasamaang dulot nito sa kanilang kalusugan at sa kanilang magiging hinaharap. Sana ay mabasa ito ng mga kabataang itinatago sa kanilang magulang ang pagkaadik nila sa bisyo. Bata pa lamang ay natuto na ang bata sa paggamit nito pero habang bata pa maari itong sawayin.
    Tunay ngang ganito ang nangyayari sa mga Pilipino ngayon lalong lalo na sa ilang kabataan. Nakakaaliw ang pagbabasa ng iyong mga akda... :)

    TumugonBurahin
  25. Magandang araw po sa iyo Ginoong Jomar Adaya!

    Iba talaga ang mga mahikang nagagawa ng literatura, pati ang simpleng paglabas ng dumi sa ating katawan ay nailalarawan parin sa isang klasikong paraan.

    Ang alam ng lahat na mabahong amoy ay kaya palang takpian sa mahika ng mabubulaklak na mga salitang dumadaloy.

    -Marc-

    TumugonBurahin
  26. Ang bisyo ay walang pinipiling tao o edad. Karamihan ngayon sa mga kabataan ay may bisyo na rin. Bisyo... Tila di ka mapakali kapag di mo ito nalanghap o nakamtan ni isang araw. Nakalulungkot talaga na maraming sumusuway sa magulang para lang sa bisyo.

    TumugonBurahin
  27. Nikka Patricia MarceloOktubre 17, 2012 nang 7:19 AM

    Nakakapanghinayang isipin na maging ang mga kabataan ay nalululong sa sa masamang bisyo. Sino nga ba ang dapat sisihin? Ang mga magulang na hinayaang malulong sa bisyo ang anak? O ang mga anak na piniling ilihis ang kanyang daan?

    TumugonBurahin
  28. Masyadong napaglaruan ng manunulat ang isip ng mga mambabasa kaya nakakaaliw basahin. Sa una, kung ano-anu ang pumapasok sa isipan ko pero napagtanto ko na ang malupet na sikreto pala ni junior ay ang pagbibisyo. Sana mas marami pa ang makabasa nito. A nice work from a good writer.

    TumugonBurahin
  29. Hindi ako nakasisisiguro kung ang mensaheng nais iparating ng may-akda sa mambabasa ang siyang mensaheng nakarating sa akin. Madami na sa kabataan ngayon ang mapupusok at sumusubok ng iba't ibang bagay na hindi makabubuti sa kanila. Dahil sa mga bisyong ito, sinusuway natin ang ating mga magulang at nasisira nito ang ating buhay.

    TumugonBurahin
  30. Sa akdang ito mababatid ng mambabasa na ang isang tao ay wala nang pinipiling lugar at oras upang maisagawa ang kaniyang bisyo. Halatang halata sa kwento na ang batang nabanggit ay naninigarilyo sa kanilang banyo. Gumawa ang batang ito ng paraan upang makapanigarilyo lamang. Marami sa mga kabataan ngayon ang nalululong na sa mga masasamang bisyo. Talamak na kasi sa mga matatanda ang paninigarilyo kaya naman ang mga bata ay napapagaya na sa mga tao sa paligid nila. :DD

    TumugonBurahin
  31. Maraming kabataan na talaga ngayon ang nalululong sa masamang bisyo. Nakalulungkot mang isipin ngunit ito ay totoo. Hindi alam ng kanilang mga magulong ang kanilang ginagawa.

    TumugonBurahin
  32. Ang pagkukulong sa banyo ni Junior habang naninigarilyo ay kumakatawan sa mga kabataan ngayon na patago o pasikretong may bisyo na hindi alam ng kanyang mga magulang.

    Ang akdang ito ay sumasalamin sa estado ng mga kabataan ngayon. MGA KABATAAN NA DAPAT AY ANG PAG-ASA NG BAYAN". Ngunit hindi na ata natin mapapatunayan ang pahayag na ito ng ating pambansang bayani. Sa tingin ko hindi na talaga, kasabay ng pag-unlad at pag-usbong ng ating teknolohiya, sabay na ding nag "UPGRADE" ang mga kabataan ngayon. Mga kabataan na maagang nabubuntis, mga kabataan na tumitigil sa pag-aaral, mga kabataan na nalululong sa masamang bisyon, mga kabataan na marunong magnakaw, atbp. Hindi ko naman nilalahat, pero sa nakikita ko, unti-unti na silang dumadami. Hahayaan ba natin na ito ang maipapamana natin sa ating susunod na henerasyon. Nasa ating mga kamay ang kasagutan sa tanong na ito.

    KABATAAN. MAGBAGO HABANG MAAGA PA.

    TumugonBurahin
  33. Hindi ko inaasahan na ganito na katalino ang mga Pilipino na kayang lusutan ang anuman bagay, kahit pa mga bagay na 'di na tama. Tunay ang inilahad dito ng may akda. Marami na ngang mga kabataan ang nahuhumaling sa iba't-ibang bisyo tulad ng paninigarilyo.Kahit na alam nilang mali, at labag ito sa panuntunan ng kanilang mga magulang, gumagawa pa rin sila ng paraan para mapagtakpan ang kanilang mga kasalanan.Matuto na sana tayo sa mga ganitong pagkakamali.Alam naman natin ang tama sa mali, at marapat nating piliin kung ano ang tama, kung ano ang makabubuti sa atin, ang makakabuti sa lahat.

    TumugonBurahin
  34. Sabi nga "kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan." Ganyan tayong mga Pilipino kapag gustong-gusto natin ang isang bagay kahit na mali ay gagawin natin ang lahat ng pwede maging maligay lamang tayo. Ngunit, sa akdang ito, worth it ba ang saglit na kaligayahang naidudulot ng paggamit ng droga ng isang kabataan? Sa tingin ko'y hindi, kung katummbas nito'y ang habang buhay na pagsisisi. Diyan kasi nagsisimula yan eh, una sa palikuran, tapos makakakilala na yan ng mga barkadang katulad niya, sasali sa frat, mapapa-away tapos mamamatay. Alam ko medyo fast-forward yung senary, pero totoo naman diba?
    Sa likod ng nakaeengganyong pamagat ng akdang ito, nakatago ang lihim ng mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal na gamot. Huwag sanang maging SIKRETONG MALUPET para sa mga kabataan ang akdang ito.

    TumugonBurahin
  35. Isang SIKRETONG MALUPET nga ang mayroon ito. Sa loob ng banyo ay nagkukubli ang sikretong pinakatatago. Bisyo, isa ito sa suliranin para sa ating mga kabataan. Marami na ang nalululong sa masamang bisyo ngayon. Ano nga ba ang naidudulot na maganda nito sa atin? Hindi ba wala naman? Mas napapasama lamang tayo sa paggamit nito. SUCCESS, sa una ay tuwa ang iyong mararamdaman ngunit ang katotohanan, unti-unti ka nitong pinapatay. Kaya naman sa kabataang makababasa nito tulad ko, sana'y maging isang aral ito sa inyo, walang dulot na mabuti ang pagkakaroon ng masamang bisyo XD

    TumugonBurahin
  36. hahah ! akala ko kung ano ung sikretong malupit na un !
    mga kabataan nga naman.. lahat ng paraan ga2win para lang magawa ang gustong gawin.. hindi sumusuko agad.
    sana hindi lang sa paggawa ng bisyo nten nga2wa un kundi sa lhat ng bagay lalo na sa pag.aaral. wag mawawalan ng pag-asa.. go lang ng go !

    TumugonBurahin
  37. hahahaha! nakatawa ang kwentong ito sapagkat nung una ay hindi ko mahinuha kung ano ang tinutukoy ng sikretong malupit. kaya pala sikreto ... hahaha..naipahayag ng manunulat kung ano ang nilalaman ng kwento kahit na sensored ang bagay na kanyang ikinuwento. ipinapahiwatig dito na kapag naramdaman mo ang tawag ng kalikasa ay siguradong gagawin mo ang lahat makaraos lamang .. hahaha

    TumugonBurahin
  38. "walang sikretong hindi nabubunyag". Kahit na gaano pa natin ito itago, malalaman at malalaman parin ito. Sana ay ang mga kabataan ay umiwas na sa bisyo bago pa mahuli ang lahat para sa kanila.

    TumugonBurahin
  39. Ang dagli na ito ay tumatalakay sa pahapyaw na buhay ng isang batang nilamon ng masamang bisyo. Kahit maikli lamang ito, naipakita nito sa mambabasa ang karanasan ng isang lulong sa droga. Nagagawa nilang magtago at magtiis para lamang mapagbigyan ang luho. Gaya ng ginawang paraan ng tauhan. Sinasabi lamang dito na kahit ano kakayanin nilang gawin para lamang sa tawag ng bisyo.

    TumugonBurahin
  40. Ito ay tumatalakay sa lihim na bisyo na ginagawa ng kabataan sa panahon natin ngayon. Kahit na dagli lang ito, masasabi na ang bisyo ay nakakasama sa lahat.

    TumugonBurahin
  41. Masamang bisyo ang hadlang sa ating kinabukasan. Marami tayong maling desisyon na nagdudukot ng masamang epekto.

    TumugonBurahin
  42. Marami sa mga kabataan ngayon ay nalullulong sa masamang Gawain o bisyo. Nakukuha nilang magsinungaling sa kanilang mga magulang matugunan lang ang tawag ng masamang espiritu, hindi na nila naiisip kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa. Mapasaya lang nila nag sugo ng kasamaan ay sapat na. nagkakasala sila hindi lamang sa kanilang mga magulang ngunit pati na rin sa kanilang mga sarili at sa Poong Maykapal.

    TumugonBurahin
  43. maraming kabataan sa ngayon ang nalululong sa masasamang bisyo sa halip na ituon ang pansin sa pamilya at pag-aaral.

    TumugonBurahin
  44. Ibang klase si Junior. Hithit-buga pala ang hilig. Alam naman natin na masam ito sa ating kalusugan. Wag sana nating tulara ang ganitong gawain.

    TumugonBurahin
  45. maraming mga kabataan na nga ngayon ang nalululong sa masamang bisyo.ang masama pa ay hindi ito alam ng kanilang mga magulang kaya hindi sila nababawalan hanggang sa dumating na nga sa punto na kapag nalaman nila ay huli na ang lahat. mayroon pa kayang naghihintay sa kanila na panibagong buhay ? sana ay maging aral ito sa lahat ng nakababasa.

    TumugonBurahin
  46. Masamang bisyo - yan na ang hilig ng mga kabataan sa panahon natin ngayon. Sigarilyo rito, alak doon. Ang mga pangit na gawaing ito ay nakasisira sa ating kinabukasan.
    Pinakita ng akdang ito ang mga tunay na pangyayari ngayon. Tulad ng pagtatago ng mga kabataan ng kanilang mga bisyo sa kanilang mga magulang.

    TumugonBurahin
  47. Hindi na nga talaga napipigilan ang karamihan sa kabataan ngayon na malulong sa masamang bisyo. Talagang ang iba ay isinisikreto pa ito para lang mabigyang aliw ang sarili gamit ang mga ganitong bisyo. Para sa atin na hindi pa nabibiktima nito ay kailangan lang natin na lumayo at ilayo ang ibang kakilala natin dito sa masamang bisyo.




    -BSPSYCHOLOGY 1-4

    TumugonBurahin
  48. Noong unang talata ay inakala ko na ang tinatalakay ng may akda ay tungkol sa masamang bisyo tulad ng droga,sigarilyo at iba pa. Ngunit nung ako ay nasa huling talata na ay ang pagdumi lang pala ang paksa.
    Natuwa ako matapos kong basahin ang kwento. Para sa akin, tagumpay ang may akda sa kanyang layuning mang-aliw.

    TumugonBurahin
  49. Sa unang talata ay inakala ko na ang tinatalakay ng may akda ay tungkol sa masamang bisyo tulad ng droga,sigarilyo at iba pa. Ngunit nung ako ay nasa huling talata na ay ang pagdumi lang pala ang paksa.
    Natuwa ako matapos kong basahin ang kwento. Para sa akin, tagumpay ang may akda sa kanyang layuning mang-aliw.

    TumugonBurahin
  50. sadyang hindi natin maipagkakaila na sa panahon ngayon,kung saan lahat ng bagay ay malaya nang nagagawa, karamihan sa mga kabataan ay umaabuso sa kalayaang ito. Inaabuso maging ang sarili nilang katawan masunod lamang ang mga luho na kailanman ay hindi binibigyang pahintulot ng lahat ng mga magulang. Marapat lamang na bigyang pansin ang ganitong mga isyu lalong lalo na dito sa Pilipinas. Nagpapasalamat ako kay G.Adaya sa pagsulat ng ganitong akda na talagang gigising sa diwa ng lahat.

    TumugonBurahin
  51. Marami ng kabataan ang gumagamit ng anumang bisyo gaya na lang ng paninigarilyo, paginom ng alak, pagdadrugs at marami pang iba. Ang mga ito ay dulot ng kapaligiran na ating kinalakihan, sa mga napapanood sa tv, at pag gaya natin sa mga gawain ng matatanda. Hindi dapat natin hayaan na gumamit ang mga batang ito dahil unang una sa lahat, sila ay bata pa at masama ito sa kalusugan. Wala itong maidudulot na maganda sa kalusugan at sa buhay mo. Para naman sa mga magulang, marapat na kausapin o kamustahin natin ang ating mga anak. maging 'close' ba? upang malaman at mas maintindihan nila ang mga mali at tama. Tandaan din natin na, kahit walang nakakakita o nakapansin sa ginawa mo.... may nag iisa pa ring nakakaalam o nakatingin sa lahat ng ginagawa mo. (mali man ito o tama.)

    -Mikhaela Andrea B. Calcita
    BS Psychology I-4

    TumugonBurahin
  52. Iba na talaga ang henerasyon natin ngayon. Pati mga kabataan, naninigarilyo na. Sana'y bigyan ng pansin ang ganitong pangyayari dito sa ating bansa. Maaksyunan sana ang isyung ito.

    TumugonBurahin
  53. ngayon, hindi lahat pero karamihan, sa mga kabataan ay lalululong sa masamang bisyo. siguro dahil kulang sa gabay ng magulang o hndi nila alam ang epekto ng kanilang ginagawa. dapat habang bata pa tayo, iwasan nating abusuhin ang ating katawan at sagaring ang ating limitasyon.

    TumugonBurahin
  54. marami nang mga kabataan ang nalululong sa bisyo sa panahon ngayon. Minsan kasi kung ano ang nakikita ng mga bata sa matanda ay kanila itong ginagaya. akala kasi nila lahat ito ay tama.

    TumugonBurahin
  55. Sikreto, mabubunyag din yan. Lalo na't pag masama. At mas masama kung may bisyo. Dapat hindi ito itinatago sa mga magulangdahil ito ay nakakasama. Marahil sa una ay hindi mo mararamdaman ang epekto nito, ngunit pag ito ay ipinagpatuloy mo, masama na. Mahirap nang pigilan.

    TumugonBurahin
  56. Naku!totoo po tong kwento na ito. Nangyayari ito sa buhay ng ilang mga kabataan dyan. Nalululong sila sa bisyo ng hindi nalalaman ng kanilang pamilya kung kaya walang magpipigil sa kanila at mangangaral. Sana lamang ay ma-realize ng mga kabataang tulad ng bida ang magiging epekto ng mga bisyo na iyan sa kanilang katawan.

    TumugonBurahin
  57. dagdag ko lang.nakalimutan ko..may kasabihan nga po tayong "walang sikretong hindi nabubunyag".

    TumugonBurahin
  58. Ang kwentong 'SIKRETONG MALUPIT' ay isang salamin ng maraming buhay ng kabataan sa panahon ngayon. Iba't-ibang bisyo ang kanilang kinahuhumalingan. Walang mabuting bisyo. Ang mga bagay na sumosobra ay nakasasama, at ang bisyo ay nakasasama. Sa kahit anong paraan hindi maitatago ang bisyo. Lalabas at lalabas din ito. Malalaman ng mga pamilya at kaibigan mo. Kaya dapat maaga pa lang ay iwasan na at tanggihan ang alok na panandaliang kasarapan ng mga bisyo sa kapaligiran.

    TumugonBurahin
  59. hindi tama ang pagpapakita ng masamng bisyo sa bata dahil maaari nila itong magaya at maipasa sa magiging anak nila.

    TumugonBurahin
  60. Ang nangyari sa kwento'y tunay na nangyayari sa totoong buhay. Ang mga kabataa'y lulong na sa bisyo na kung minsa'y hindi ito nalalaman ng kanilang mga magulang na lubos na nagtitiwalang hindi nila ito magagawa. Tandaan na ang mga bisyong tulad ng paninigarilyo'y panandaliang kaligayahan lamang ang dulot ngunit maaaring magbunga ng sakit na maaari pang ikawala ng iyong buhay.

    TumugonBurahin
  61. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nalulong sa iba't ibang bisyo na hindi nakakabuti. Ito ba ay dahil sa napapabayaan at walang sapat na gabay ng magulang o dahil ginusto lamang dahil sa mga kaibigan na gumagawa din ng mga ganung gawain? Dapat nating tandaan na walang sikretong di nabubunyag, hindi man ngayon pero sa mga sumusunod na araw. Tiyak na may kahihinatnan ang mga maling gawain natin sa buhay na hindi makakabuti para satin.

    TumugonBurahin
  62. Dahil moderno na ang panahon,karamihan sa mga kabataan ay natututo na ng masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo sa murang edad,at alam naman ng lahat na ayaw ng mga magulang iyon kaya ang iba mas minabuting isikreto na lang ang kanilang mga bisyo,di man lang nila naisip na walang sikretong di nabubunyag.

    TumugonBurahin
  63. Ang mga bata sa henerasyon ngayon ay sadyang kakaiba na. Sa kanilang murang edad natututo na silang manigarilyo, uminom at kung minsan pa ay gumamit ng pinagbabawal na gamot. Sa aking palagay, isa sa mga dahilan nito ay ang kapabayaan ng kanilang mga magulang. Maaari ring naimpluwensyahan sila ng kanilang mga kaibigan.
    Sabi nga ng iba, "walang sikretong hindi nabubunyag" kahit anong gawin mong tago ay malalaman at malalaman pa rin ito ng mga tao.

    TumugonBurahin
  64. Minsan, nagsisinungaling ang mga kabataan upang maitago ang kanilang kalokohan. Bakit nga ba nila kailangang gawin iyon ng paulit ulit ng sa gayong alam naman nila na ito ay mali. Dapat ng agapan ang pagpuksa sa ipinagbabawal na droga. Sapagkat, marami na ang nasisirang buhay at kalusugan gawa nito. paano na lamang ang sinabi ng ating pambansang bayani na "kabataan ang pag-asa ng bayan" kung mismong ang kabataan ang perwisyo ng bayan.

    TumugonBurahin
  65. Yan din ang aking Sikretong Malupit. Normal naman sa ating ang ganyang pangyayare, ngunit sa pagsulat ng kwento, kala mo'y may ginagawa nang kakaiba ang binata sa mahiwagang lugar. Ito'y ay kwento nakakaaliw kung basahin sa unang bahagi, seryoso. Pero sa kinalaunan ay may batid na kasiyahang ipapabatid sa mambabasa.

    TumugonBurahin
  66. Karamihan sa mga kabataan nagyon ay nalululong na sa bisyo at hindi alam ito ng kanilang magulang. Kahit na mali ay ginagawa pa rin nila ito.

    TumugonBurahin
  67. Para sa akin, hindi lahat ng bata ay naiintindihan ang kanilang problemang pinapasok. Dapat ay lalo silang gabayan ng kanilang mga magulang.

    TumugonBurahin
  68. Sorry sa mga bata diyan na nagcomment. Alam kong mga mababait kayong nilalang, ngunit ako hindi. Sana maging bukas ang isip niyo dito, dahil ako rin noon ay nagyoyosi. At ano ang sikreto talaga rito? Hindi iyon ang yosi, kundi ang mainit-init at malaman-laman na tulak ng tiyan. Masasabi kong iba ang sarap ng paglabas ng sikreto mo pag may kasamang yosi. XD

    TumugonBurahin
  69. Ang mga kabataan sa ngayon ay hindi na mapipigilan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Nakalulungkot mang isipin ngunit ito ang totoo.

    TumugonBurahin
  70. Nakakalungkot dahil marami nang kabataan ngayon ang hanep kung magkubli ng sikreto at mag bisyo na hindi nalalaman ng mga tao sa paligid nila. Nakakalungkot din na di man lang alam ng ina niya yung mga bagay-bagay na nangyayari sa anak niya.

    TumugonBurahin
  71. Dalawang sikreto ang gustong itago ng bata dito, ang sikreto ng usok na mula sa hinihithit at sikreto sa tulak ng tiyan. Pero, gayunpaman, sa tingin ko ay naitago pa rin ito. At least di nahuli.

    TumugonBurahin
  72. Sa panahon ngayon ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan.
    Ngunit ilang kabataan ngayo'y nalululon na din sa bisyong hindi karapat-dapat.
    Kaya para sa magiging modelo ng isang pamilya "kayo na mismo ang maging inpirasyon ng iba".

    TumugonBurahin
  73. Lahat tayo ay may maiuugnay na kaisipan sa kwentong ito ngunit para sa akin, dapat ay magsimula ang inisyatibo ng pag iwas sa bisyo sa ating pinagpipitaganang P-noy. sigh

    TumugonBurahin
  74. Naging sikreto ang paninigarilyo ng bata dahil di siya pinapayagan ng magulang niya.

    Nakakainis isipin na marami ang sumusuway sa magulang para lang masunod ang bisyo nilang makakapagdulot sa kanila ng masama sa darating na panahon.

    TumugonBurahin
  75. Droga ba o pagyoyosi ang ginawa ng bata? Nakalungkot isipin na ang dami na sa kabataan ngayon ang nalululong sa masamang bisyo. Dulot ng kanyang kapaligiran.. Sana mismong magulang ay mapatnubayan ng mabuti ang mga anak.

    TumugonBurahin
  76. hindi sagot ang ang bisyo upang kalimutan ang problema. maaari namang pakipag usap sa mga taong malapit sayo. baka sakaling masolusyunan pa.

    TumugonBurahin
  77. naku! bakit siya nagyoysi? Tapos parang ang bata bata pa niya. Masyado ng nagiging babad ang mga bata sa masamang impluwensiya. Nakakalungkot lang isipin na sa murang edad pinapatay niya na unti-unti sarili niya

    Irene Joy Geroy BSPsy 1-4

    TumugonBurahin
  78. Ang kwentong ito ay sumisimbolo sa napakaraming kabataa sa panahon nagayon na sa murang edad pa lamng ay nahuhumaling na sa masamang bisyo. ang masaklap pa dito ay alam naman nilang mali pinagpapatuloy pa rin nila na umaabot na sa punto na mismong sa likod ng kanilang magulang ay ginagawa nila. pareho nilang nilloko ang sarili at magulang nila. nakakalungkot ganitong pangyayari.

    TumugonBurahin
  79. nakakaawa yung mga magulang na naloloko ng kanilang mga anak. nang dahil sa bisyo, napapariwara ang kabataan.

    TumugonBurahin
  80. Ang kwentong ito ay sumisimbolo sa napakaraming kabataa sa panahon nagayon na sa murang edad pa lamng ay nahuhumaling na sa masamang bisyo.

    TumugonBurahin
  81. Noong una ay hindi ko naintindihan ang kwentong ito ngunit nang muli ko itong basahin ay nasambit ko na patungkol pala ito sa bisyo ng isang kabataan. Marahil ay walang tamang gabay ang mga magulang sa anak kaya nagagawang gumawa ng isang bata ng mali na gawain.

    TumugonBurahin
  82. ito ay nagpatungkol sa mga naging diskarte ng mga mga adik na kabataan para lang hindi sila mahalata. sadyang nakakalungkot ang pangyayari dahil ito ay ang mga kabataan ngayon ay nalululong na sa ganitong bisyo. ang akdang ito ay nagpapaliwanag na huwag nating gayahin ang taong nasa kwentong ito.

    TumugonBurahin
  83. walang dapat ibang sisisihin kundi ang sistema kaya nagkakaganyan ang lipunan lalo na ang mga bata

    TumugonBurahin
  84. Desisyon ng mmga tao kung bakit sila nagkakaganyan, marahil ito ay dala na rin ng mahinang pakikipag kapwa.

    TumugonBurahin
  85. Ang mga bata ngayon na lulong sa masamang bisyo ay kadalasan naiimpluwensyahan ng kanilang mga magulang. Dulot ng kakulangan sa atensyon ay nagbubunga ng mga batang maagang nagyoyosi at napapasama sa mga masamang barkada.

    TumugonBurahin
  86. madaming tumakbo sa aking utak nang mabasa ko ito. mayroong naninigarilyong binatilyo, nagdodrogo, tinatawag ng kalikasan,pero ano nga ba ang maaaring isikreto ng isang kabataan sa loob ng banyo? open ending. :)

    TumugonBurahin
  87. Mahirap talagang malulong sa isang bisyo, kahit sa magulang mo ay nakakapagsinungaling ka. Kaya habang maaga, tigilan ang masamang gawain nang hindi na lumala pa.

    TumugonBurahin
  88. NATAWA AKO XD kahit alam kong seryoso itong post na ito. Natawa talaga ako. Haaay. Babalik ako, madaming kabataan ang adik sa yosi, alak at minsan, pati drugs. Hinding hindi nalalaman ng mga magulang o kaya'y huli nang nalalaman. Dahil sa CR lahat nagaganap, wala nga namang makakaalam. Pribado ang lugar, madali pang itapon ang ibidensya. Yun nga lang, siguraduhin mong ayos ang flush n'yo.

    TumugonBurahin
  89. nakakalungkot isipan na maraming kabataan ang lulong sa bisyo na walang patutunguhan. nakakatuwa ito dahil tyak na tatamaan ang lahat ng mga naglilihim!

    TumugonBurahin
  90. isa itong akda na nagpapatungkol sa mga paraan ng pagbibisyo ng mga kabataan ngayon. ito ay hindi dapat tularan ng mga kabataan ngayon dahil masisira lang ang kanilang kinabukasan.

    TumugonBurahin
  91. Marami na sa mga kabataan ngayon ang napapariwara ng landas. Minsan ito ay dahil sa mga kabarkadang masasama ang impluwensya. Nasaan na ang tinatawag ni Rizal na pag-asa ng bayan kung halos bawat kabataan ay ganito ang kalagayan.

    TumugonBurahin
  92. nakakalungkot ang kwento. sapagkat napaka bata pa niya ay natuto na siyang manigarilyo. kawawan naman ang kanyang magulang na hindi alam ang ginagawa ng kanyang anak. tulad na lamang sa ating panahon ngayon ang mga kabataan ay malihim sa kanilang magulang kaya nga naman minsan kung uuwi nalang ay may nangyari ng masama.

    TumugonBurahin