Kumakaripas ang mga paa, nag-uunahan ang hininga sa pagsuot sa makitid at liko-likong eskinita. Pinapatag ng mga mabibigat ngunit mabibilis na yabag, ang bako-bakong daan marating lang ang labasan. Tangan ng kamay ang hinihingal na manlalakbay. Mahigpit ang pagkakahawak ng mananakbo, sa swerteng pambato ng looban. Sa kanilang husay kasi nakasalalay ang pusta ng buong barangay. Pustang panawid-gutom. Pustang pambayad-utang. Pustang inaasam na dumoble, panawid hanggang gabi. Pustang tinayaan ng dasal nang sila’y pagkalooban.
Kunsabagay, walang dapat ipangamba. Kabisado na niya ang kalangitan ng Maynila. Tunay na batser itong alaga. Kumbaga sa yoyo, bumabalik sa palad. Balikin kung tawagin ng mga paslit na madalas sa bubungan. Yun nga lang, ang yoyo may pisi, makokontrol mo anumang sandali.
Ito kasing si manlalakbay, isang buwan munang sinanay. Inihagis sa kanto, hanggang makarating sa Quiapo. May swerte nga talaga’t mahusay. Ni minsan hindi nadagit o naligaw. Muli’t muling bumabalik sa tahanan niyang maliit, sa ibabaw ng kalawanging bubong ng kapitbahay…
.
Kumakaripas ang mga paa. Nag-uunahan ang hininga. Ilang lundag at hakbang na lang. Heto na ang pinish layn sa tapat ng opisina ng barangay.
Kumakabog ang dibdib ng mga tagalooban. May tumitili. May humihiyaw. May nagmumura. May mga kaluluwang pigil ang paghinga.
Hinto. Saglit na sandali!
Manhid na pala’t nanginginig ang pawisang kamay nitong mananakbo. Hindi inaasahang dumulas si manlalakbay sa kanyang kamay. Patay! Hayun! Malayang ikinampay ang pakpak patungo sa kalangitang inari niyang tunay. Lumipad papalayo sa mundong puno ng sigalot. Kasamang nilipad ang pag-asang makaramdam ng langit, ang mga kaluluwang ipinusta ang huling sentimo ng paghinga.
Hinto. Saglit na sandali!
May bumasag ng trip.
“Malas lang! Bawi na lang neks taym!”
Minsan sa buhay , tayo ay panalo . Minsan naman ay panalo . Ngunit huwag tayo masyadong umasa sa sugal kahit alam natin na ang buhay pa lang natin ay isang sugalan na . Matuto rin tayong humanap ng ibang paraan kung paano iaangat ang buhay . Paraan na kung saan ay hindi natin kailangang sumugal .
TumugonBurahinWalang kasiguraduhan ang sugal . May pagkakataong tayo'y swerte at meron din namang hindi kaya't mas maiging humanap ng ibang posible at legal na paraan para kumita ng pera habang nage-enjoy sa ginagawa .
TumugonBurahinAng sugal, kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo ay "sugal" pa rin. Hindi natin alam kung kelan tayo mananalo o kelan tayo matatalo. Mas maigi na maghanap na lang ng ibang alternatibo para kumita kaysa magsugal.
TumugonBurahinMarami namang paraan upang makahanap o makalikom ng pera. Hindi lng naman sa sugal tayo pwedeng kumita eh kaya't kung maaari ay iwasan na natin ito dahil mas maraming masasabing masamang epekto ang sugal kaysa mabuti.
TumugonBurahinSa mundi ng sugal walang kasiguraduhan, Maging ang mga magagaling ay natatalo rin. Sa akdang ito pinapkita na gulong ang lahat maging sa sugal. Masama pa din ito at kahit kailan ay 'di magiging mabuti.
TumugonBurahinIsang bagay ang sugal na walang kasiguraduhan. Kaya di dapat tayo umaasa na lang sa sugal dahil di naman natin alam kung lagi ba tayong mananalo o matatalo.
TumugonBurahinHindi natin kontrolado ang sugal bagkus kontrolado tayo nito. Hindi tayo ang magpapanalo dahil nasa sinugal natin ang pagtitiyak kung tayo'y panalo o talo.
TumugonBurahinsa buhay hindi naman palaging panalo may mga panahon din na matatalo tayo pero dapat hindi pa rin mawalan ng pag asa
TumugonBurahinang buhay parang gulong, kung kahapon nasa ilalim ka maghintay ka lang malay natin bukas nasa ibabaw kana.. Sa buhay natin, hindi tayo laging panalo. maaring tayo ay maging talo subalit sa bawat pagkakatalo natin ang siyang magiging daan ng ating pagkapanalo..
TumugonBurahinAng sugal ay walang katiyakan, hindi tayo palagi mananalo. Huwag nating daanin sa swerte ang sugal dahil hindi sa lahat ng oras tayo ay mananalo.
TumugonBurahinHindi natin maaaring iasa sa sugal ang ating kapalaran. dahil ito ay walang kasiguraduhan. mayroon mang patutungahan,ngunit ito ay hindi pangmatagalan. oo ikaw ay sinuwerte, ngunit dahil ba dito ay patuloy ka pang sa magsusugal?
TumugonBurahinAng sugal ay isang napakadelikadong gawain. Nagbibigay nga ito ng aliw sa atin kapag tayo ay nananalo subalit ilulugmok tayo nito sa matinding kasawian kapag tayo ay natalo. Maraming buhay at pamilya ang nasira ng sugal. Dapat ito ay itigil na at huwag nang tangkilikin.
TumugonBurahinAng Buhay parang sugal yan, Hindi ka sigurado sa ibibigay sa iyo, kung mananalo ka o hindi. At kung matalo man dapat magsilbing aral ito para makuha ang mas magandang kalalabasan.
TumugonBurahinSa akdang ito, ikinukumpara ang sugal sa ating buhay. Minsan talo, minsan panalo. Minsan malas, minsan swerte. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Hindi natin maididikta ang kapalaran. Walang nakakaalam nito. Maari tayong magpredikta, pero pwedeng magkatotoo, pwede ring hindi. Maaaring umaayon na sa plano ang lahat, at nang malapit na sa huli, biglang masisira at magbabago ang lahat. Kaya wag tayong masyadong umasa sa kapalaran, dapat tayo ay may gawin o dapat tayo ay kumilos para mangyari ito. Hindi yung maghihintay lang tayo ng himala.
TumugonBurahinMagkamali o matalo man, wag susuko. Darating din ang panahon na ikaw ay mananalo at magiging masaya. :)
Maganda ang intensyon ng akda.Hangad nito na gisingin ang mga mambabasa sa realidad ng buhay.
TumugonBurahinKahit kailan, hindi magiging makatuwiran ang pagsusugal anumang dahilan ang mayroon ka para gawin ito.Nakalulungkot isipin na maraming Pilipino ang naaakit sa pagsusugal.Oo nga't malaki ang magiging panalo mo kung sa'yo papabor ang kapalaran ngunit paano kung hindi?Paano kung hindi ka manalo lalo't walang kasiguraduhan ang paglalaro? Habang buhay mo na lang ba magiging motto ang "bawi na lang nekstaym"?Maawa ka sa sarili mo, hindi habang buhay swerte sapagkat una sa lahat, nasa isip mo lang ito. ang swerte ng tao hindi darating kung hindi ka kikilos.
Ang sugal, pagbali-naliktarin mo man ang mundo'y sugal parin. Ang buhay ay isang malaking sugal. Pumupusta tayo sa walang kasiguraduhang bukas at umaasang isang araw eh katakut-takot na swerte ang mangyari sa atin. At sa bawat laro, may nananalo at may natatalo; kung manalo eh di maganda, pero kung matalo "bawi nalag nekstaym", maraming marami pang pagkakataon ang darating sa atin.
TumugonBurahinAng buhay parang sugal, kung hinid tayo magiging maapang na tumaya'y hinid natin talaga masassabing nabuhay tayo. Minsan kailangan talaga nating kumawala mula sa "comfort zone" natin. Kung nais talaga nating magtagumpay sa buhay, "we must grab the opportunity" at tumaya nang may buong loob at tapang.
hindi mo mawawari ang kasiguraduhan sa pagsusugal, ikaw ba ay mananalo o uuwing luhaan. sa pag susugal ay kailangang matapang ka upang maging matatag ka kapag dumating ang oras ng pagkatalo.napakaganda ng kwentong ito sapagkat ipinaihiwatig ng manunulat ang pagkapit ng sa sugal ng mga tao upang kumita ng walang pagod ngunit ang sugal ay hindi sigurado dahil may panalo at talo dito.
TumugonBurahinAng pagsusugal ay indi constant, minsa'y mananalo ka at kubg nibsan ri'y matatalo ka. Ipinapakita rin na ang akda ay tumatalakay sa gawain ng mga Pilipino na umasa lang sa mga sugal.
TumugonBurahinMarami naman ngayong maaaring paraan upang makakuha ng pera. Ngunit ito ay hindi lamang makukuha sa mga gawaing nagbibigay saya tulad ng sugal. Ang pera ay nakukuha sa mga gawaing naghihirap ka tulad ng pagtatrabaho. Ito ang iyong gantimpala sa mga dugo’t pawis na iyong ipinuhunan.
TumugonBurahinAng mahirap sa sugal, hindi mo alam kung kailan ka mananalo o matatalo. Umaasa na lang lagi sa swerte. Kaya madalas, maraming pera ang nasasayang. Ang ipinusta, imbis na dumoble, nawala lang sa bulsa. Marami pa namang ibang paraan para kumita ng pera. Mas maganda na yung dun ka sa siguradong kikita ka ng pera kaysa sa sugal na pwedeng dumami pa ang pera, o pwedeng mawala din ito.
TumugonBurahinang hirap lang sa sugal suwertihan ang labanan!!
TumugonBurahinminsan panalo ngunit hindi rin naman palaging talo...
may mga bagay na importante sa atin ang nawawala dahil sa mga kamalasang nagaganap sa atin ngunit sa palagay ko'y nararapat lamang dahil tayo ang pumili nito...
Nakakapanghinayang ang mga taong imbes na nagtatrabaho upang magkaroon ng perang pangkain ay nagsusugal na lamang at umaasa sa swerte. Oo, sa pagsusugal walang hirap hindi mo kelangang mapagod at kumilos ng kumilos minsan pa nga e nalilibang ka nito. Pero kung iisipin, kahit anong mangyari ay lugi ka sa pagsusugal. Kahit kailan ay hindi ka mananalo sa pagsusugal. Maaari ka ngang manalo ngunit bago ka manalo, maraming bagay na ang iyong nalustay.
TumugonBurahinSana lamang ay imbis na ipangsugal ang perang kapiranggot ay ibili na lamang ito ng makakain. Kung hindi sapat ay humanap ng trabahong marangal. Manalo ka man sa isang sugal, madali ring mawawala ang napanalunan mo. Sabihin mo pang pinaghirapan mo ito, kahit bali-baliktari'y mali ang pamamaraan.
TumugonBurahinKapag sinabing sugal,walang mabuting maidudulot ito sa bawat isa,nakakasira lamang ito ng relasyon sa pamilya at nauubos lang ang pera.Dapat sa mga tambay lang sa bahay,maghanap ng trabahong angkop sa kanilang mga kakayahan,hidi yung puro sugal.Ang buhay parang sugal,handa mong ipusta lahat.
TumugonBurahinSa sugal ay hindi palagi tayo panalo minsan talo tayo at kailangan natin itong lagpasan at hayaan na lang at magpatuloy sa buhay.
TumugonBurahinSabi nga ni Kuya Kim, "Ang buhay ay weather weather lang." Hindi ka palaging mananalo at hindi ka palaging matatalo. Nasasayo ang desisyon kung ano ang gagawin mo sa buhay mo.
TumugonBurahinSugal, ay isang bisyo. Bisyong maaaring makasira sa iyong pamilya at maging sa iyong sarili. Oo, maraming nananalo sa unang pusta pero sa susunod na pusta, wala, ika'y matatalo din, depende sa swerte mo.
TumugonBurahinSugal isang bisyo na natural na sa mamamayang PIlipino, kahit saan ka makapunta may mga tao talagang mahilig sa sugal, nakakaawa naman ang kani-kanilang mga pamilya, kung ipinangkain nalang sana nila ang pera nila siguradoy mabubusog pa sila.
TumugonBurahinAng pera na mabilis makuha ay mabilis ding mawawala. Gaya sa pagsusugal, maari kang manalo ngunit kung wala kang kakuntentuhan ay maaaring ang panalo mo pa ang magdala sa iyo ng mas maraming talo. Ang pagsusugal ay walang magandang maidudulot sa tao. Walang umuunlad sa pagsusugal,maaring mayroon ngunit bibihira lamang.
TumugonBurahinSugal!
TumugonBurahinTemang ayaw na mangyari ng lahat ng taong naghihirap at nagtitipid.
Dahil dito nagsisimula ang pagkasira ng pamilya.
Kaya piliting umiwas nang bulsa'y hindi mabutas.
Ang sugal ayon sa mahihirap ay ang pagtakas ng iba sa kahirapan ng buhay, pero sugarcoating lamang ito. Lalo tayong inilulugmok ng sugal pababa.
TumugonBurahinAng buhay ay parang karera din, karera upang mabuhay, karera sa kasalukuyan at sa hinaharap, karera para sa ikabubuti ng sarili. At habang tinatahak natin ang karerang ito hinding-hindi maiiwasan na matalo at mabigo. Dapat nating galingan sa bawat sugal na ating tatahakin dahil sa malamang at malamang may mga bagay na maaapektuhan sa ating paligid.
TumugonBurahinhindi sagot ang sugal sa kahirapan. walang kasiguraduhan dito.
TumugonBurahinSinasabi dito na sa pagsusugal ay walang kasiguraduhan. Gaya sa buhay, walang kasiguraduhang tayo ay palaging papaboran ng panahon.Kaya marapat na maging handa tayo sa mga posibleng mangyari.
TumugonBurahinAng pag sugal ay kasama na sa buhay. Kung minsan kaialanagn nating sumugal sa mga pagkakataong dapat na tayong gumawa ng kakaibang aksyon sa buhay. Ngunit dapat din tayong maging handa sa kung anu man ang pwedeng mangyari.
TumugonBurahinSa temang ito nagsisimula ang salitang "pagsira", bagay na ikagagalit ng taong naghihingalo para lang maipagpatuloy ang pamumuhay.
TumugonBurahinKaya sana piiting hindi mataglay ang pagsusugal, kahit na laro ito ng paswertehan.
May talo at may panalo talaga sa kahit ano. Nasasaiyo na lang yan kung paano mo ito tatanggapin.
TumugonBurahinHINDI SA LAHAT NG PAGKAKATAON DAPAT TAYONG UMASA SA PANALO O SUGAL, DAPAT MATUTO TAYONG TUMAYO SA ATING MGA PAA AT KUMILOS. HINDI HABANG BUHAY NA STAGNANT SA ISANG TABI
TumugonBurahin